Mina NG Ginto

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mina ng Ginto

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na
pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at
pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang
pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa
kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng caᾗao
bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay
naniniwala sa iba’t ibang anito.
Kung nagdaraos sila ng caᾗao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng
baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang
nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang
tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng
landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad.
Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya
ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa nayon at
nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “ Marahil ang ibong iyon ay
ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng caᾗao.”
Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caᾗao,” ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang caᾗao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos
upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman
ay naghanda ng masasarap na pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy
na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay
nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking
himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-
tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi na siya
makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang
nakita. Sila’y natakot.
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: “Mga anak magsilapit
kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala,
gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking
ipagbilin.
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos
sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong caᾗao.
Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito.
Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa
ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari
ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag
ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang
pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda.
Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang
punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat
hanggang sa kaliit-liitang dahon.
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa
punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad
ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang
matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy
naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng
tingin ng mga tao.
Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang
bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga
at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.”
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga
sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga
ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim.
Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.
Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan
ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay binigyan ng gantimpala sa
inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay.
Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa inyong mga puso.
Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa
tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.”
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon
na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at
nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.

Si Tuwaang at ang Dalagang Buhong ng Langit


Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag
niya ang kaniyang kapatid na si Bai.
Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng
nganga. Sinabi ni Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta
siya sa kaharian ni Batooy, isang bayani sapagkat may dalagang dumating sa
kaharian ngunit hindi siya nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag
ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang.
Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai sa
maaaring mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa
sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga
armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin
siya sa lugar ng Pinanggayungan.
Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad. Sinamahan
siya ng binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay.
Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang
nagbalita sa kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni
Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa.
Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula
sa Binata ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga
ulap. Gusto siyang pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok.
Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga saan
man siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan ng dalaga,
kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa mundong ito.
Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng
Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni
Batooy.
Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga
sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata.
Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kaniyang patung, isang mahabang bakal.
Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni
Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang
ang kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang binata.
Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng
kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat.
Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si
Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama
sa paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng Gungutan. Tumuloy na sila sa
paglalakbay.
Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng
Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, ang
Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at
kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga
kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman siya ni
Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon.
Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak
ang mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na
pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal,
hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran. Umamin ang Binata ng
Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan siya ni
Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay
at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay.
Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng
nganga sa lahat ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng
nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon
ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala ay nakapatay
na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban
ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si Tuwaang at
ang Binata ng Sakadna.
Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita
niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo ang
binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang
tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binata, at pagkalabas
niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas
ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni
Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay.
Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari habambuhay.

You might also like