Labaw Donggon
Labaw Donggon
Labaw Donggon
Ang Pag-iibigan nina Diwatang Alunsina at Datu Paubari Ipinag-utos ni Kaptan, ang hari ng mga diyos at diyosa na
ang magandang diwatang si Alunsina ay ikasal pagsapit niya sa edad ng pagdadalaga. Maraming makikisig na diyosa
sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang naghangad sa kanyang kamay subalit silang lahat ay nabigo dahil si Alunsina ay
umibig at nagpakasal sa isang mortal na si Datu Paubari, ang pinuno ng Halawod. Dahil dito’y nagalit ang mga
manliligaw ni Alunsina at nagkaisa silang gantihan ang bagong kasal. Binalak nilang sirain ang Halawod sa
pamamagitan ng isang malaking baha. Mabuti na lamang at nalaman ni Suklang Malayon, kapatid ni Alunsina ang
maitim na balak ng mga nabigong manliligaw kaya’t ang magkabiyak ay nakatakas patungo sa isang mataas na lugar
kaya’t sila’y nakaligtas sa baha. Bumalik lang sila nang napawi na ang baha. Tahimik silang nanirahan sa bukana ng
Ilog Halawod. Pagkalipas ng ilang buwan ay nagsilang ng tatlong malulusog na sanggol na lalaki si Alunsina. Labis-
labis ang kaligayahan ng mag-asawa sa pagdating ng kanilang mumunting biyaya. Pinangalanan nilang Labaw
Donggon, Humadapnon, at Dumalapdap ang tatlong sanggol. Ipinatawag nila agad si Bungot-Banwa, ang iginagalang
na pari ng kanilang lahi upang isagawa ang ritwal na magdudulot ng mabuting kalusugan sa tatlo. Nagsunog si
Bungot-Banwa ng talbos ng halamang alanghiran na sinamahan niya ng kamangyan at saka inialay sa isang altar.
Pagkatapos ay binuksan niya ang bintana at sa pagpasok ng malamig na hangin mula sa hilaga, ang tatlong sanggol ay
biglang naging malalakas at makikisig na Sa tatlong magkakapatid, si Labaw Donggon ang nagpakita ng interes sa
magandang babae. Nang marinig niyang may isang magandang babaeng nagngangalang Angoy Ginbitinan mula sa
bayan ng Handug ay nagpaalam agad siya sa ina upang hanapin ang dalaga. Pagkalipas ng ilang araw na paglalakbay
sa mga kapatagan, kabundukan, at mga lambak ay narating din niya ang Handug. Kinausap niya ang ama ng dalaga
upang hingin ang kamay ng anak. Sinabi ng ama na papayag lamang siyang makasal ang anak na si Angoy Ginbitinan
kay Labaw Donggon kung mapapatay niya ang halimaw na si Manalintad. Agad pinuntahan ni Labaw Donggon ang
halimaw at nakipaglaban siya rito. Napatay niya ang halimaw at ibinigay ang pinutol na buntot nito sa ama ni Angoy
Ginbitinan bilang patunay ng kanyang tagumpay. Ikinatuwa ito ng ama kaya’t pumayag siyang ipakasal ang anak kay
Labaw Donggon. Pagkatapos ng kasal ay naglakbay ang dalawa pabalik sa tahanan nina Labaw Donggon.
Sa kanilang paglalakbay ay may nakasalubong silang mga binata na naguusap-usap tungkol sa isang napakagandang
dalagang nagngangalang Abyang Durunuun na nakatira sa Tarambang Burok. Narinig niya mula sa usapan ng mga
binata na sila’y papunta sa tirahan ng dalaga upang manligaw sa kanya. Naging interesado sa narinig si Labaw
Donggon kaya naman pagkalipas lang ng ilang linggong pagsasama ay inihabilin niya ang bagong asawa sa inang si
Alunsina at siya’y naglakbay na patungo sa Tarambang Burok upang suyuin si Abyang Durunuun. Subalit hindi pa
roon nagtapos ang kanyang paghahanap ng mapapangasawa sapagkat pagkalipas ng ilang panahon nabalitaan na
naman niyang may isa pang napakagandang babae, si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa ni Burong
Saragnayan, ang diyos ng kadiliman. Nais din niyang mapangasawa ito. Sinabi ni Donggon ang kanyang balak sa
dalawang asawa. Ayaw man nila ay wala silang nagawa. Sumakay si Labaw Donggon sa isang inagta o itim na bangka
at naglayag sa malalawak na karagatan patungong Gadlum. Naglakbay rin siya sa malalayong kalupaan at sa mga
batuhan hanggang sa marating niya ang Tulogmatian, ang tahanan ni Buyong Saragnayan. Agad siyang hinarap ni
Saragnayan at tinanong kung ano ang kaniyang kailangan. Sinabi niyang gusto niyang mapangasawa si Nagmalitong
Yawa Sinagmaling Diwata. Pinagtawanan ng Diyos ng kadiliman si Labaw Donggon at sinabing imposible ang
hinahangad nito dahil asawa na niya ang diwata. Subalit hindi basta sumuko si Labaw Donggon. Hinamon niya sa
isang labanan si Saragnayan at sila’y naglaban sa loob ng maraming taon. Inilubog ni Labaw Donggon ang ulo ni
Saragnayan sa tubig sa loob nitong taon subalit hindi pa rin niya napatay ang Diyos ng Kadiliman. Binayo niya ng
binayo subalit hindi rin niya ito nagapi. Sa pamamagitan ng pamlang o anting-anting ni Saragnayan ay natalo niya ang
noo’y nanghihina at pagod na pagod nang si Labaw Donggon. Ibinilanggo niya si Labaw Donggon sa isang kulungan sa
ilalim ng kanyang tahanan. Samantala, kapwa nanganak ang dalawang asawa ni Labaw Donggon. Parehong lalaki ang
naging anak nila. Ang anak ni Angoy Ginbitinan ay tinawag niyang Asu Mangga samantalang ang anak ni Abyang
Durunuun ay pinangalanang Abyang Banugon. Nakapagsalita at nakatindig agad ang mga bata. Hinanap nila kapwa
ang kanilang ama. Sa kanilang paghahanap ay nagkasalubong ang magkapatid sa karagatan. Naglalakad sa ibabaw ng
tubig si Baranugon at lulan naman ng bangka si Asu Mangga. Napag-alaman nilang kapwa nila hinahanap ang amang
mahilig sa magagandang babae. Naglakbay sila patungong Tulogmatian kung saan nila nalaman ang ginawa ni
Saragnayan sa kanilang ama. Sinabihan nila itong pakawalan ang kanilang ama. Pinagtawanan lamang ni Saragnayan
ang sinabi ng mga anak ni Labaw Donggon kaya’t hinamon siya ng mga ito sa isang labanan. Buong tapang na
nakipaglaban ang magkapatid kay Saragnayan. Ngunit napakahusay ni Saragnayan kaya’t hindi nila ito matalo-talo.
Bumalik si Baraugon sa kanilang lolang si Abyang Alunsina upang sumangguni. Dito niya nalamang ang
kapangyarihan pala ni Saragnayan ay nakatago sa isang baboyramo. Mapapatay lamang daw si Saragnayan kapag
napatay ang baboy-ramong kinatataguan ng kanyang hininga. Sa tulong ng taglay nilang anting-anting ay natagpuan
at napatay ng magkapatid ang baboy-ramo. Sa pagkamatay ng baboyramo ay nanghina si Saragnayan kaya’t madali
na siyang napatay ng palaso ni Baranugon. Gayunma’y hindi rin nila nakita ang ama sa bilangguan nito. Maging ang
mga tiyo nilang sina Humadapnon at Dumalapdap ay tumulong na paghahanap, natagpuan din nila ang ama sa loob
ng isang lambat na nasa may pampang malapit sa bahay ng asawa ni Saragnayan. Subalit wala na ang kakisigan at
kagitingan ni Labaw Donggon. Nawala ito dahil sa matagal na pagkakakulong nang labis na paghahangad sa
magaganda, kahit na may asawa nang babae. Naibalik ng magkapatid sa kanilang tahanan si Donggon subalit hindi pa
rin nawala ang pagnanais nitong makahanap pang muli ng magandang mapapangasawa. Ikinagalit ito ng kanyang
dalawang asawa subalit ipinaliwanag niyang pantay-pantay ang gagawin niyang pagmamahal sa kanyang mga asawa.
Ipinagdasal ng dalawang babaeng nagmamahal sa kanya na muling lumakas si Donggon. Hindi nga nagtagal ay
muling nagbalik ang kakisigan at lakas ni Labaw Donggon.