Trojan War

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

TROJAN WAR

MYCHYLLE LORENZO D.CRUZ


Grade 9






Si Paris ay anak ng reyna at hari ng Troy. Sabi sa isang propesiya na siya ang
magiging dahilan ng pagbasak ng Troy kaya iniwan siya ng kaniyang mga
magulang sa gitna ng kagubatan.

Si Helen naman ang pinaka-magandang babae sa buong mundo na asawa ni
Haring Menelaus nang Sparta.
Isang gabi ay binisita ni Paris si Helen at nagkagusto rito kaya itinakas niya ito
pabalik sa Troy.Nagalit si Menelaus sa ginawa ni Paris kaya ipinatawag niya sa
kaniyang kapatid na si Agamemnon ang mga hari mula sa Greece para sa isang
digmaan sa Troy. Marami ang hindi nakapunta at kabilang sa mga hindi nakapunta
si Odysseus.
Si Achilles, anak nila Thetis at Peleus. Sabi sa isang propesiya na maaga ang
pagkamatay ni Achilles kaya inilublob siya ng kaniyang ina sa Ilog Stynx, hawak
ang kanyang paa, kaya hindi ito na protektahan.
Sa Aulis, maling direksiyon ang pinanggagalingan ng hangin. Isang propeta ang
nagsabi na kailangan ialay si Iphigenia para umayos ang hangin at dahil ditto ay
nagalit si Clytemnestra at gusto niyang ipaghiganti ang kanyang anak.
Sabi ng anak ni Priam na si Hector ay hindi maiiwasan ang digmaan. Akala ng lahat
ay mananalo sila sa digmaan dahil sa isang propesiya ngunit alam ni Cassandra na
sila ay magagapi dahil isa siyang tunay na propeta ngunit isinumpa ni Apollo na
walng maniniwala sa kaniya.
Nagsimula na ang digmaan at nilabanan ni Achilles si Cycnus, walang anumang
armas ang kayang makasugat kay Cycnus kaya dinaan nalang siya ni Achilles sa
lakas ng kaniyang katawan at isipan. Pagkalipas ng maraming taon ay hindi pa
tapos ang digmaan, sabi ni Odysseus na ikakalat niya at maglalagay siya ng
ebidensiya na binenta na sila ni Palamedes sa mga Trojan.
Hinamon ni Paris si Menelaus sa isang dwelo para sa kamay ni Helen, lumalamang
na si Menelaus nang biglang gumapang papunta kay Hector si Paris at pinaslang ni
Hector si Menelaus bago pa nito mapatay si Paris at nagkagulo na ng lahat ng
mandirigma.
Habang naglalaban ang mga Trojan at Greek ay ipinadala ni Achilles ang kaniyang
kaibigan na si Patroclus para tumulong at ibinigay dito ang kanyang suot na
armor. Napatay ni Hector si Patroclus at dahil dito ay nagalit at nagbago na ang
desisyon ni Achilles. Nakiusap si Hector na ibalik sa mga Trojan ang kaniyang
katawan kapag siya ay natalo at namatay ngunit hindi pumayag si Achilles.

Naglaban sila at nagwagi si Achilles. Hinila ni Achilles ang katawan ni Hector gamit
ang kaniyang chariot at umuwi na siya para bigyan ng magandang libing ang
kaniyang kaibigan na si Patroclus. Nakumbinse si Achilles ni Priam na ibalik na ang
katawan ni Hector at napayapa na si Achilles.

Muling nakipagdigma sila Achilles. Napatay niya Memnon na hari ng mga
Ethiopians. Inasinta ni Paris si Achilles at tinamaan siya sa kaniyang paa at hindi
nagtagal ay bumagsak na si Achilles.
Sinabi sa isang propesiya na pamumunuan ng anak ni Achilles na si Pyrrhus ang
mga greek at kailangan nilang mahanap ang pana ni Heracles.
Gumawa sila ng malaking kabayo na gawa sa kahoy at sa loob nito nagtago ang
mga mandirigma.

Sinabi nila na regalo iyon ng mga greek sa kanila kaya ipinasok nila ito sa lungsod.
Noong gabing iyon ay masaya ang mga Trojan at lasing na lasing na silang lahat
kaya naman nagging madali ang pagpaslang ng mga Greek sa kanila.
Inimbita ni Clytemnestra si Agamemnon para maligo sila ng sabay. Habang naliligo
sila ay pinatay na ni Clytemnestra si Agamemnon at naipaghiganti niya na ang
anak niyang si Iphigenia.
Isang matandang pulubi ang bumisita sa bahay ni Eumaeus. Kinabukasan ay
nagpakilala na ang matandang pulubi bilang Odysseus. Maraming lalaki ang gusto
manligaw kay Penelope dahil akala nila na patay na si Odysseus.
Sinabi ni Penelope na papakasalan niya ang sinumang makatama sa butas
labindalawang plakol gamit ang pana ni Heracles. Walang nakatama nito at
lumapit ang pulubi, walang hirap niyang nagawa ito at pinaslang lahat ng mga
nanliligaw kay Penelope.
Ngayong nakauwi na si Odysseus ay tuluyan nang natapos ang Trojan War.

You might also like