AP 8 - Dinastiyang Ming Script
AP 8 - Dinastiyang Ming Script
AP 8 - Dinastiyang Ming Script
DINASTIYANG MING
I PAG-USBONG
II RESTORATION
III GOBYERNO
IV MGA PINUNO
V RELIHIYON
VI KULTURA
VII MGA AMBAG
VIII PAGBAGSAK
I PAG-USBONG
Mongols
Ang Dinastiyang Yuan ay itinatag ng mga Mongols. Maraming mga Tsino ang may ayaw sa
mga Mongols at itinuturing sila bilang mga kaaway. Sa huli, ang mga Mongols ay napabagsak
at napalayas mula sa Tsina sa pamamagitan ng isang pag-aalsa ng mga alipin o peasant
uprising
Emperor Hongwu / Taizu (Zhu Yuanzhang)
Ang pag-aalsa ng mga alipin na naging sanhi kung bakit bumagsak ang mga Mongols at nawalan
ng kapangyarihan ang Dinastiyang Yuan ay pinangunahan ng isang tao na nagngangalang Zhu
Yuanzhang. Kinontrol niya ang Tsina at pinangalanan siyang Emperor Hongwu. Ito ang simula
ng Dinastiyang Ming.
II RESTORATION
Ang Great Wall of China – Ang Great Wall ay halos ganap na itinayo muli ng Dinastiyang Ming.
Ang haba na itinayo ng Ming ay halos 5,500 milya mula sa kabuuang 13,171. Ang matangkad at
malawak na pader na nakatayo pa din ngayon ay itinayo ng Ming. Gumamit sila ng ladrilyo o
bricks sa pagtayo nito.
Grand Canal – Noong Dinastiyang Ming, muling minabuti ang Grand Canal na itinayo ng
Dinastiyang Sui. Ilan sa mga ginawa nila ay ang pagpapalalim sa kanal, pagtatayo ng mga canal
locks at pagbubuo ng mga reservoir upang kontrolin ang tubig sa kanal. Malaki ang epekto nito
sa kalakalan at nakatulong ito sa kaunlaran ng ekonomiya.
Forbidden City – Ang Forbidden City ay ang palasyo ng emperor na matatagpuan sa loob ng
kabisera at lungsod ng Beijing. Mayroon itong halos isang libong mga gusali at sakop ang higit sa
isang daan at walong pu’t limang (185) ektarya ng lupa. Ito ay maihahalintulad sa 2 220 na
basketball courts. Ito ang pinakamalaking sinaunang palasyo sa buong mundo.
III GOBYERNO
Ang pamahalaan ay pinakikilos ng isang samahan na tinatawag na CIVIL SERVICE.
Upang makakuha ng trabaho sa serbisyong sibil, ang mga aplikante ay kailangang magsagawa ng
mahirap na pagsusulit.
Ang mga kalalakihan na may pinakamataas na marka ay makakakuha ng pinakamahusay na mga
trabaho.
Ang ilang mga kalalakihan ay mag-aaral ng maraming taon upang subukan at maipasa ang mga
pagsusulit para makakuha ng isang prestihiyosong posisyon.
Ang mga pagsusulit ay madalas na may sakop sa iilang mga paksa, ngunit isang mahalagang
bahagi nito ay sa mga turo ni Confucius.
IV MGA PINUNO
Emperor Chengzu (Zhu Di)
Si Emperor Chengzu ay ang ikatlong emperor ng Dinastiyang Ming.
Gumawa siya ng maraming magagandang bagay upang palakasin ang Tsina tulad ng muling
pagtatayo ng Grand Canal, pagtatag ng kalakalan, paglipat ng kabisera sa Beijing at
pagpapatayo ng Forbidden City.
Kalaunan ay nakilala siya bilang Yongle Emperor.
Zheng He
Si Zheng He ay isang mahusay na explorer ng Tsino.
Inatasan siya ni Emperor Chengzu na gumawa ng isang hukbo at galugarin ang buong mundo.
Dahil nais ni Emperor Chengzu na ipakita sa mundo ang kapangyarihan ng Imperyong Tsino.
Nagpunta siya sa Timog Silangang Asya, Kanlurang Asya, Africa at marami pang mga lupain
kasama ang Chinese navy.
Pagkatapos ng pagbisita sa Somalia sa Africa ay nagdala siya ng isang giraffe para sa
Emperor.
V RELIHIYON
Taoismo Budismo Confucianism
Ang mga Kristiyanong misyonero mula sa Europa ay nagsimulang pumasok sa Tsina. Si
Matteo Ricci ay isang paring Heswita mula sa Italya na, noong 1583, sinimulan ang unang
misyon ng Katoliko sa bansa. Sa panahon niya sa Tsina, natutunan ni Ricci ang wikang Tsino,
isinalin ang mga panitikan ng bansa sa Latin at sumulat ng isang serye ng mga libro tungkol sa
Tsina.
VI KULTURA
Ang Sining ay umunlad sa panahon ng Dinastiyang Ming. Kasama dito ang panitikan, pagpipinta,
musika, tula, at porselana.
Panitikan
Ang panitikan ay umusbong rin sa panahon ng Dinastiyang Ming. Tatlo sa apat ng The Four Great
Classical Novels of Chinese Literature ay naisulat sa panahon na ito. Ito ay ang Outlaws of the
Marsh, Romance of the Three Kingdoms and Journey to the West. Ang lahat ng mga nobela ay
batay sa mga makasaysayang kaganapan ng Tsina. Malaki ang naging impluwensya ng mga
nobela sa mga dula, pelikula, alamat at lalong lalo na sa kultura ng Tsina.
Ming Porcelain
Ang mga Ming Porcelain na gawa sa asul at puting porselana na ginagawa sa mga bayan tulad
ng Jingdezhen ay mahalaga noon at ngayon sa buong mundo. Ang porselana ay maaaring ihulma
sa anumang anyo tulad ng vase, garapon, tasa, mangkok, plato, lampara, at iba pa. Karaniwang
mga sikat na paksa para sa dekorasyon ay ang mga tao, hayop, halaman, prutas, tanawin,
kathang-isip na mga nilalang, at iba pa. Ito ay nakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng
Dinastiyang Ming dahil in-demand noon ang mga handcrafted na mga produkto.
VIII PAGBAGSAK
Katulad ng mga naunang dinastiya, ang Dinastiyang Ming ay bumagsak rin. Malaking kadahilanan
ng kanilang pagbagsak ay ang katiwalian ng mga opisyal, kakulangan sa pananalapi at ang
mataas na buwis sa mamamayan ang nagudyok upang magkaron ng distabilisasyon at
rebelyon. Ang pag-aalsa ay pinamunuan ni Li Zicheng. Ang pagtatapos ng dinastiya ay
minarkahan ng pagpapatiwakal o suicide ng huling emperor na si Chongzen.