Kasaysayan NG Wikang Pambansa
Kasaysayan NG Wikang Pambansa
Kasaysayan NG Wikang Pambansa
Panahon ng Hapones
Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga
Pilipino. Ipinagamit ang katutubong wika, partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga
akdang pampanitikan. Masasabing ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
- Ordinasa Militar Blg. 13 – nag uutos na gamiting wikang Opisyal ang Tagalog at
Hapones
- Itinuro sa paaralan ang wikang Nihonggo sa lahat ng antas at binigyang diin ang
wikang Tagalog
- Sa panahong ito isinilang ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong
Pilipinas)
- Pagpapabuti ng edukasyon at moral na henerasyon at pagpapalakas at
pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng Imperyong Hapones ang layunin
ng KALIBAPI. Katulong nila sa Proyektong ito ang Surian ng Wikang Pambansa.
- 3 pangkat na namayagpag sa usaping pang Wika sa Pilipinas
o Carlos Ronquillo
o Lope K. Santos
o N. Sevilla at G.E. Tolentino
- Jose Villa Panganiban – nagturo ng salitang Tagalog sa mga Hapones/ Siya rin ang
sumulat ng “A shortcut to the National Language”