Mid Kom

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IX, Tangway ng Zamboanga


BALIWASAN SENIOR HIGH SCHOOL – STAND ALONE
Kalye ng San Jose, Lungsod ng Zamboanga
Tel. No.: (062) 9573739

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino


Panggitnang Markahan (Midterm)

Pangalan:_____________________________ Iskor:________________________
Strand at Seksyon:______________________ Petsa:________________________

I. Maramihang Pagpipilian (Multiple Choice)


Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa nakalaang patlang.

_______1. Ito ang lingua franca ng Filipinas, wikang sumisimbolo sa ating pambansang pagkakakilanlan.

a. Tagalog b. Bisaya c. Filipino d. Ilokano

_______2. Siya ang nagsabing ang wika ay may masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa pamamaraang
artbitraryo.

a. Bernales b. Mangahis c. Henry Gleason d. Bienvenido Lumbrera

_______3. Ang tinaguriang “ Ama ng Wikang Pambansa”.

a. Lope K. Santos b. Henry Gleason c. Jaime C. De Veyra d. Manuel L. Quezon

_______4. Ang tawag sa kauna-unahang alpabeto ng ating mga ninuno.

a. Abakada b. Baybayin c. Alfabeto d. Ey-Bi-Si

_______5. Tinatawag din itong “wikang sinuso sa ina” o “inang wika.” dahil ito ang unang wikang natutunan ng isang bata.

a. Unang wika b. Pangalawang wika c. Bernakular d. Dayalekto

_______6. Alin sa mga sumusunod ang kalikasan ng wika?

I. May tunog II. May Sistema III. Arbitraryo IV. Ginagamit

a. I, II, III c. I, II, IV


b. II, III, IV d. I, II, III, IV

_______7. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng wika ang HINDI likas sa Pilipinas?

I. Bisaya, Chavacano at Tausog III. Waray, Tagalog at Ilokano


II. Griyego, Espanyol at Ruso IV. Nihonggo, Aleman at Ingles

a. II, IV, I c. II, III, IV


b. II, IV d. II, III

_______8. Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang

a. wika at lasa c. dila at ideya


b. dila at wika d. wika at ideya

_______9. Kailan maituturing na ang sitwasyong pangwika sa isang bansa ay maituturing na homogenous?

a. Kung pare-parehong magsasalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika.


b. Kung ang mga tao ay may iba’t ibang wikang ginagamit sa isang pamayanan.
c. Kung ipagsama ang mga wika at wikain sa Filipinas.
d. Wala sa alinman ang sagot.

_______10. Alin sa mga pangkat na ito ang pinaniniwalaang unang nakarating sa Pilipinas?

a. Malay, Indones, Hapones


b. Malay, Negrito, Asiano
c. Indones, Negrito, Malay
d. Wala sa mga nabanggit
_______ 11. Ito ay ang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo.

a. Pangungusap b. Komunikasyon c. Wika d. Bokabularyo

_______ 12. Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wika ay nagsimula bilang pidgin at naging likas na wika o unang wika
na ng batang isinilang sa komunidad.

a. Dayalek b. Idyolek c. Sosyolek d. Creole

_______ 13. Tungkulin ng wika na saklaw ang pagpapahayag ng opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.

a. Instrumental b. Regulatoryo c. Personal d. Heuristiko

_______ 14. Teorya ng wika na may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila.

a. Teoryang Ding Dong c. Teoryang Pooh-Pooh


b. Teoryang Bow-Wow d. Teoryang Ta-Ta

_______ 15. Kagustuhan ng mga Espanyol na maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ano ang ibinunga nito?

a. Ang mga misyonerong Espanyol ay kumuha ng mga tagasalin upang makipag-ugnayan sila sa mga katutubo
b. Ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
c. Ipinaglaban ng mga misyonerong Espanyol ang paggamit ng wikang Espanyol.
d. Ang mga misyonerong Espanyol ay nag-aral ng Ingles.

_______ 16. Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili nilang paraan ng pagsulat at pagbasa – ang baybayin. Nang dumating
ang mga Espanyol kanila itong isinunog. Ano sa palagay mo ang sanhi ng pagsunog nila rito?`

a. Labis ang pagkamuhi ng mga Espanyol sa mga katutubo.


b. Mahirap unawain at pag-aralan ang baybayin.
c. Gawa raw ito ng diyablo. Nakahahadlang ito sa paglaganap ng Kristiyanismo.
d. Nais nilang maging mamamayan ng Espanya ang Pilipinas.

_______ 17. Berso mula sa Bibliya na nakasaad sa Genesis 11: 1-9 ang pinagmulan ng pagkakaiba-iba ng wika.

a. Ebolusyon c. Teoryang Yo-he-ho


b. Ang Tore ng Babel d. Teorya ng Pandarayuhan

_______ 18. Tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-
aralan.

a. Personal b. Instrumental c. Impormatibo d. Heuristiko

_______ 19. Kung ang vakkul ay tumutukoy sa gamit sa pantakip sa ulo ng mga Ivatan, at ang palangga ay ibig sabihin ay mahal
o minamahal sa mga Cebuano, anong barayti ng wika na mula sa pangkat-etniko ito maituturing?

a. Etnolek b. Sosyolek c. Dayalek d. Register

_______ 20. Ayon kay Jakobson, ito ay paraan ng paggamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa
pamamagitan ng pag-utos at pakiusap.

a. Pagpapahayag ng damdamin c. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan


e. Panghihikayat d. Paggamit bilang sanggunian

_______ 21. Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon
at sa kausap.

a. Etnolek b. Sosyolek c. Dayalek d. Register

_______ 22. Ang Cebuano, Tagalog, Ilokano, Kapampangan at Waray ay mga halimbawa ng __________.

a. Pidgin b. Pambansang Wika c. Dayalek d. Idyolek

_______ 23. Ang mga etnolingguwistikong grupo ang tiyak na gumagamit ng iba’t-ibang ____________ .

a. Wika b. Pambansang Wika c. Dayalek d. Idyolek

_______ 24. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahalagahan ng wika?

a. Pakikipag-usap sa tindera
b. Pagsulat ng liham sa kamag-anak na nasa ibang bansa
c. Pagpapahinga sa dalampasigan kasama ang barkada
d. Panonood ng pelikula.
_______ 25. Ang magkaibigan ay parehong galing sa Dumaguete, kaya maaaring magkatulad sila ng __________ .

a. Idyolek b. Creole c. Dayalek d. Pidgin

_______ 26. Bago pa man dumating ang mga dayuhan tayo ay mayroon ng sariling sistema ng pamahalaan. Ano ang
pinatutunayan nito?

a. Na ang mga Filipino ay magagaling


b. Na ang mga Filipino ay dati nang may kultura
c. Na ang mga Filipino ay mahusay mamuno
d. Na ang mga Filipino ay mahilig sa pulitika

_______ 27. Sa panahon ng mga katutubo, nabatid nating ang ating mga ninuno ay nagmula sa tatlong malalaking pangkat na
nandayuhan sa ating bansa. Ano ang ibinunga nito sa pag-unlad ng wika?

a. Nahirapang makipagkalakalan ang ating mga ninuno.


b. Walang isang wikang nanaig sa bansa.
c. Hindi nag-usap ang ating mga ninuno.
d. Wala sa alinman ang kasagutan.

_______ 28. “Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi mahusay na mahusay ang modelo---
ang mga guro.” Ito ang opinion ni Ruth Elynia Mabanglo noong Agosto 2015, sa ginanap na Kongreso ng
Pagpaplanong Pangwika. Sa anong gamit o tungkulin ng wika ni M.A.K. Halliday nabibilang ang pahayag na ito?

a. Instrumental b. Regulatoryo c. Heuristiko d. Personal

_______ 29. Noong panahon ng mga Espanyol ay ginamit ang wikang katutubo sa pakikipag-usap sa mga mamamayan. Ano ang
sanhi nito?

a. Naniniwala ang mga Espanyol na mas mapalaganap nila ang pananampalataya kung wikang nauunawaan ng
mga katutubo ang gagamitin.
b. Nabatid ng mga Espanyol na mas maganda pala ang wikang katutubo kaysa sa kanilang wika.
c. Nagduda ang mga Espanyol sa kakayahan ng mga katutubong matuto ng bagong wika.
d. Wala sa alinman ang kasagutan.

_______ 30. Ano sa palagay mo ang ibinunga ng pagsibol ng kaisipang “Isang Bansa, Isang Diwa?”

a. Gumawa ng batas ang mga Espanyol na gawing wikang pambansa ang Tagalog.
b. Pinilit ng mga manghihimagsik na pag-aralan ang wikang Espanyol.
c. Nabatid ng mga manghihimagsik na ang wika ay malaking bahagi upang mapangbuklod ang mga kababayan
nila.
d. Hindi nagkakasundo ang mga mamayang Filipino.

II Modifayd Tama O Mali


Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Bigyan tuon ang nakasalungguhit, isulat sa nakalaang patlang kung ito ay
TAMA at palitan ng tamang sagot kung ito ay mali.

__________________31. Nakasaad sa Saligang Batas ng Biyak-na-Bato (1896) na ang wikang Filipino ang magiging opisyal na
wika ng Pilipinas.

__________________32. Ang wika ay binubuo ng dalawang pangkat, isang nagsasalita at isang nakikinig.

__________________33. Ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa ay tumutulong upang magkaisa ang mga tao.

__________________34. Si Pangulong Fidel Ramos ang nagmalasakit sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa.

__________________35. Sa Saligang-Batas ng 1935 nakasaad na ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pagapapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.

__________________36. May pasulat at pakikinig na anyo ang wika.

__________________37. Ngayon, ang pinaiiral na patakarang pangwika sa edukasyon sa ating bansa ay multilingguwalismo.

__________________38. Ang bilinggualismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga
bansang England, Pransya, South Korea, Hapon, at iba pa.

__________________39. Filipino at Ingles ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas na binigyan ng natatanging pagkilala sa
konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksyon ng pamahalaan.
__________________40. Pinalitan ng Abecedario ang dating alpabeto ng ating mga ninuno.

III. Panuto: Kilalanin at tukuyin kung sa anong barayti ng wika nabibilang ang sumusunod na mga pahayag o sitwasyon. Isulat
ang sagot sa linya.

__________________41. Nagtagpo ang mga unang sundalong Espanyol at mga katutubo sa Cavite. Dahil parehong walang alam sa
wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa
kanila.

__________________42. Ang ilan sa mga sundalong Espanyol na naiwan ay nagpakasal sa mga dalagang taga- Cavite. Ang wikang
kanilang binuo ay maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng kanilang mga
naging anak.

__________________43. Maririnig sa usapan nina Erik a.k.a “Erika” at ng kaibigan niyang si Reggie a.k.a. “Regina” ang mga
salitang waley, wis, chaka, charls at iba pa.

__________________44. Napansin ni Rona ang mga dati niyang kaklase sa harap ng sinasakyan nilang jip. Hindi siya napansin nito.
Narinig niya sa kanilang usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y
alam niyang guro na pala ang mga dati niyang kaklase.

__________________45. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang programang
Rated K. Kahit hindi mo tignan sa telebisyon malalaman mo kaagad na siya ito dahil sa sarili niyang estilo
ng pagbigkas nito.

__________________46. Natutuhan ni Ana ang salitang kalipay mula sa mga Bisaya nang mamasyal siya sa Cebu. Naririnig niya na
rin ito kahit sa Mindanao na nag ibig sa sabihin ay kaligayahan.

__________________47. Kilalang-kilala ng mga tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli de Castro lalo na kapag sinabi niya
ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”

__________________48. Magaspang kung magsalita sina Rio at Len. Ngunit nang sila ay nasa harap habang inuulat ang kanilang
aralin ay pormal ang paraan nila ng pagsasalita habang naman nakikinig ang guro.

__________________49. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na ang malutong niyang “Ah, ha, ha!
Darla! Halika!”

__________________50. Nagta-Tagalog din ang mga taga-Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng mga taga-
Metro Manila.

IV. Pagsanaysay (Essay)

50-60. Pumili ng isang paksa na natalakay at ipaliwanag ayon sa pagkaunawa. (10pts)

Ang karunungan/edukasyon ay kayamanan, gamitin sa kabutihan. Ito ang susi sa magandang kinabukasan.

Inihanda ni: Iniwasto at inaprubahan ni:


Noriko Y. Dapii Judith C. Mustaham, Ph. D.
Guro sa Filipino Subject Group Head

You might also like