DLP Aralin 3, 1st Qtr. EsP 6 (Final) PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ikaanim na Baitang

UNANG MARKAHAN
Ikatlong Linggo

Aralin 3: Pagyamanin ang Mapanuring Pag-iisip

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang


hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat

B. Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa


ikabubuti ng lahat

C. Pamantayan sa Pagkatuto

1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng


isang desisyon na makabubuti sa pamilya
1.1. pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa
pangyayari
1.2. pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito
1.3. paggamit ng impormasyon Code: EsP6PKP-Ia-i-37

II. NILALAMAN

Paksa: Pagyamanin ang mapanuring pag-iisip


Kaugnay na Pagpapahalaga: Mapanuring pag-iisip (Critical thinking)

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian:

K to 12 Gabay Pangkurikulum, Edukasyon sa Pagpapakatao May 2016,


pahina 81
https://www.youtube.com/watch?v=zJcTtetwB0E

1
(video: Gustin (Extended Director's Cut with Reportage) - SNBO Episode
(GMA Kapuso Mini Sine)
http://philosophy.hku.hk/think/critical/ct.php

B. Iba pang Kagamitang Panturo:

laptop, projector, video clips na may pamagat na Gustin (Extended Director's


Cut with Reportage) - SNBO Episode, powerpoint presentation na inihanda ng
guro, mga larawan para sa picture analysis, manila paper na may nakaguhit na
graphic organizer, metacards, pentel pen

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabasa ng isinulat nila sa kanilang


TALAARAWAN.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Itanong:
1. Ano ang kaugnayan ng pag-alam sa katotohanan sa paggawa ng tamang
desisyon?
2. Bakit kailangan nating gumawa ng mga tamang desisyon?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Alamin Natin)

Picture Analysis

1. Ang guro ay magpapakita ng sumusunod na larawan:


a. aklat
b. computer
c. camera
d. cellphone
e. logo ng facebook

2. Ipapaliwanag ng guro kung ano ang gagawin ng mga mag-aaral sa mga


larawang kaniyang ipapakita.

Panuto: Ang bawat isa ay maglalahad ng mga pamamaraan kung paano


magagamit ang mga bagay na nasa larawan ng may mapanuring
pag-iisip tungo sa paggawa ng mabuti.

2
3. Gabay na Tanong:
a. Ginagamit mo ba ang mga nasa larawan? Paano mo ito ginagamit?
b. Sa iyong palagay, paano nakatutulong o nakasasama ang mga nasa
larawan?
c. Paano natin mahuhubog ang mapanuring pag-iisip gamit ang mga nasa
larawan?
d. Ano-ano ang dapat nating isaalang-alang sa pagkakaroon ng
mapanuring pag-iisip?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
(Isagawa Natin)

1. Ipapanood ang video clip na may pamagat na Gustin.

2. Pagkatapos mapanood ang video clip, itanong ang sumusunod:


a. Sino ang pangunahing tauhan sa video clip?
b. Paano mo mailalarawan si Gustin at ang kaniyang pamilya?
c. Ano ang napulot ni Gustin at ng kaniyang kaibigan? Ano ang ginawa niya
rito?
d. Ano naman ang ginawa ni Kapitan pagkatapos lumapit at kumunsulta sa
kaniya si Gustin?
e. Paano nagdesisyon si Gustin? Madali ba para sa kaniya ang
magdesisyon? Bakit oo/hindi?
f. Sino at ano ang nakatulong kay Gustin upang gawin niya ang tama?
g. Kung ikaw si Gustin, ganoon din ba ang iyong gagawin? Bakit?

3. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


(Isapuso Natin)

Pangkatang Gawain:

1. Pangkatin ang klase sa tatlo (3).

2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng pagkakataon upang gumawa o mag-isip


ng isang sitwasyon sa tahanan, paaralan at barangay na nagpapakita ng
pagiging mapanuring pag-iisip.

3. Ipapakita nila sa harap ng klase ang sitwasyon na kanilang nabuo.

4. Patnubay na Tanong:

a. Ano ang sitwasyon na inyong ipinakita?


b. Paano ninyo naipakita sa mga manonood ang mapanuring pag-iisip sa
sitwasyong inyong ipinalabas?

3
c. Paano ninyo naipakita ang mapanuring pag-iisip
upang makapagdesisyon.
d. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita sa pang-araw-araw na buhay
ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip?

5. Pagproseso ng karanasan:

Itanong:
a. Nagkaroon na ba kayo ng parehong karanasan katulad ng mga
sitwasyong inyong ginawa?
b. Paano ninyo naipakita ang mapanuring pag-iisip sa pagbuo ng tamang
desisyon?
Sabihin:
Magbahagi ng inyong personal na karanasan na nagpapakita nang
mapanuring pag-iisip?

F. Paglinang sa kabihasaan (Isabuhay Natin)

1. Ipagawa ang graphic organizer.

Panuto: Punan ang graphic organizer ng katangian ng taong nagpapakita ng


mapanuring pag-iisip.

Taong may
mapanuring
pag-iisip

4
2. Pagtatalakay

Itanong:
a. Ano-ano ang katangian ng taong may mapanuring pag-iisip?
b. Paano maisasabuhay ang mapanuring pag-iisip sa tahanan? sa
paaralan? sa paggamit ng mass media?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Subukin Natin)

Indibidwal na Gawain:

1. Ipapaliwanag ng guro ang panuto para sa gawaing ito.

Panuto: Pag-aralan at suriing mabuti ang bawat sitwasyon. Ipahayag sa


klase ang inyong saloobin at kaalaman.

SITWASYON 1

Isang araw habang abala sa panonood si Roger ay biglang tumunog ang kanilang
telepono at nagsasabing siya ay isang bastos at walang pinag-aralan bagamat
maayos naman ang kaniyang pakikipag usap sa kabilang linya.

SITWASYON 2

Si Aldrin ay isang batang masipag mag-aral. Araw-araw wala siyang ginagawa


kung hindi magbasa at mag-aral. Subalit isang araw, nabalitaan niya na nagkakalat
ng maling balita ang kaniyang kaibigan. Ipinagkakalat daw nito na kaya matataas
ang kaniyang marka ay dahil siya ay nangongopya lamang sa kaniyang matalinong
katabi.

SITWASYON 3

Sa araw-araw, walang ginawa si Carla kundi mag-facebook. Isang araw, hindi


inaasahang nakabasa siya ng isang post sa facebook na mawawalan ng pasok
kinabukasan sa Tondo.

2. Ang guro ay tatawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kaniyang


saloobin at kaalaman tungkol sa isa sa mga sitwasyong nabanggit.

3. Patnubay na Tanong:

5
a. Ano ang naramdaman ninyo habang sinusuri ang bawat sitwasyon?
b. Ano ang masasabi ninyo sa mga sitwasyong nabanggit?
c. Ano ang isinasaalang-alang ninyo sa pagbuo ng pasya?
d. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip? Bakit oo/hindi?
e. Ano-ano pa ang paraan upang magkaroon ng mapanuring pag-iisip?

H. Paglalahat ng aralin

Itanong:
Sa lahat ng nabanggit, ano para sa inyo ang ibig sabihin ng mapanuring
pag-iisip o kritikal na pag-iisip?

(Hayaang ilahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot at magkaroon ng


talakayan upang mas maintindihan at tumimo sa kanilang isipan ang
pagpapahalagang nililinang sa araling ito)

TANDAAN NATIN:

Ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahan na mag-isip nang malinaw at


makatwiran tungkol sa kung ano ang gagawin o kung ano ang paniniwalaan.
Kabilang dito ang kakayahan upang makisali sa reflective at malayang pagiisip.
Ang isang tao na may mga kritikal na mga kasanayan sa pag-iisip ay
magagawang gawin ang sumusunod:
maunawaan ang mga lohikal na koneksyon sa pagitan ng mga ideya
kilalanin, suriin, at buuin ang mga argumento
tuklasin ang hindi pagkakapare-pareho at mga karaniwang pagkakamali sa
pagdadahilan
malutas ang mga problema sa sistematikong paraan
makilala ang kaugnayan at kahalagahan ng mga ideya
masasalamin ang pagbibigay-katarungan ng sariling paniniwala at mga
halaga

Ang mapanuring pag-iisip ay hindi lamang tungkol sa pagkalap ng


impormasyon. Ang isang kritikal na palaisip ay nakakayang pagbatayan ang
kahihinatnan mula sa kung ano ang alam niya, at alam niya kung paano gamitin
ang mga impormasyon upang malutas ang mga problema.

Ang mapanuring pag-iisip ay hindi dapat ipagkamali sa pagiging mahilig sa


pakikipagtalo o pagiging kritikal ng ibang tao. Ito ay maaaring magkaroon ng
mahalagang papel sa pagbibigay-liwanag sa mga gawain. Ito rin ay maaaring
makatulong upang makakuha ng kaalaman, mapabuti ang mga teorya, at
palakasin ang mga argumento. Maaari din itong gamitin upang mapahusay ang
proseso sa trabaho at mapabuti ang panlipunang institusyon.

6
I. Pagtataya ng aralin

1. Ipasagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang pagtataya.

Panuto: Basahin at suriin ang bawat gawain. Lagyan ng tsek () ang hanay
na nagpapahayag ng mapanuring pag-iisip.
Gawain Oo Minsan Hindi

1. Nagsisikap na maging patas ang mga


ginagawang pasya sa bawat pangyayari.

2. Agad nagdedesisyon kahit hindi pa malinaw


ang mga dahilan sa bawat pangyayari.

3. Nagtatanong sa mga taong nakasaksi ng


mga pangyayari upang malaman ang
totoong dahilan bago bumuo ng desisyon.

4. Tinitimbang ang sitwasyon ng magkabilang


panig bago sabihin ang sariling desisyon.

5. Madaling sumasang-ayon sa mga


pangyayari kahit ito ay walang basehan.
2. Patnubay na Tanong:

a. Sa iyong palagay, nagagawa mo bang magpasya ng may mapanuring


pag-iisip? Paano mo nasabi?
b. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip?
c. Bukod sa mga nabanggit, ano-ano pa ang paraan upang maisabuhay
ang mapanuring pag-iisip?

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin

1. Gumupit ng limang (5) larawan na madalas mong ginagamit at idikit ito sa


iyong kwaderno. Isulat kung paano mo ito ginagamit upang mahubog ang
iyong mapanuring pag-iisip?

2. Ipasulat sa TALAARAWAN ng mga mag-aaral ang mahalagang aral na


kanilang natutunan sa araling ito at ang kanilang nais gawin upang malinang
pa ang aral na ito.

You might also like