ESP6 Q4 Week1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikaapat na Markahan - Unang Linggo
Pagpapaunlad ng Ispiritwalidad at
Paninindigan sa Kabutihan (Part 1)

I. Panimula

Naranasan mo na ba ang magdasal nang mataimtim? Naimbitahan


ka na ba sa isang sambayanang panalanginan? Ang bawat tao ay may
kani-kaniyang paniniwala. Mayroon din tayong mga bagay na dapat
paunlarin sa ating mga buhay at iyon ay ang ating pananampalataya.

Mahalagang malaman ng isang tao ang kaniyang ispiritwalidad


upang mas makilala pa nang lubusan ang kaniyang sarili. Ito ay isang daan
kung paano maipapakita ang tamang pakikitungo sa kapwa at ang
wastong pagkilos na naaayon sa kalooban ng Panginoon. Ito ay kailangang
isapuso at isagawa na mayroong tamang kaisipan na makabubuti para sa
pagpapaunlad ng ating ispiritwalidad.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng


sariling kapayapaan (inner peace) para sa pakikitungo sa iba.EsP6PDIVa-i–16
 Paninindigan sa Kabutihan (Making a Stand for the Good)
III. Mga Layunin

Sa pagtatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay


inaasahang:
1. matatalakay ang iba't ibang sitwasyon na nagpapaunlad sa
ispiritwalidad anuman ang paniniwala;
2. maipapakita ang mga gawain na nagpapamalas ng paninindigan
sa kabutihan at pagpapaunlad sa ispiritwalidad; at
3. makagagawa ng mga tula, kuwento, at pangako na magpapakita
ng paninindigan sa kabutihan at pagpapaunlad sa ispiritwalidad.

IV. Pagtatalakay

Ang ispiritwalidad ay isang panloob na daan na nagbibigay gabay sa


atin upang makita at mapaunlad ang ating pananampalataya. Ito ay may
kaugnayan sa buhay at paniniwala ng isang tao na may kinalaman sa
relihiyon at sa Diyos na lumikha.

Ang taong may maunlad na ispiritwalidad ay nakapagbibigay ng


malalim na pang-unawa sa lahat. Naipapakita nito ang kaniyang
pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at
pagsunod sa mga aral ng ating tagapaglikha. Ang mga Pilipino ay may iba’t
ibang relihiyon na kinabibilangan. May mga Katoliko, Iglesia ni Cristo, Born
Again Christian, Saksi ni Jehovah, at marami pang iba. Ang pagpili ng nais na
relihiyon ay isa sa mga karapatan ng tao. Tuwing Linggo ang karaniwang
pagtungo ng karamihan sa kanilang simbahan, ngunit may sumasamba rin
tuwing Huwebes at Sabado. Ang pagkakaroon ng mahusay na ispiritwal na
pamumuhay ay ang nagdadala sa isang tao upang gumawa ng kabutihan
sa kapwa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga paniniwala.

Sa ating buhay pananampalataya, ang tunay na diwa ng


ispiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa lahat
magkaiba man ang relihiyong kinabibilangan. Kabilang dito ang
pagkakaroon ng paninindigan sa kabutihan para sa kapakanan ng lahat.
Ang ispiritwalidad at pananampalataya ay may malaking bahagi na
ginagampanan sa paghubog ng ating mabuting pagkatao. Nahuhubog sa
atin ang pagmamahal sa ating Diyos at nalilinang ang paghahangad na
gumawa ng mabuti sa kapwa magkaiba man ang kinagisnang paniniwala.

2
Narito ang ilang mga hakbang upang maipakita sa Diyos ang ating
pananampalataya.

Ako ang Batang may Pananampalataya sa Diyos

1. Magdasal sa Diyos na Makapangyarihan sa Lahat


Ang pakikipag-usap sa Diyos ay isa lamang gawain na nagpapakita
ng ating pagmamahal sa Kaniya. Tahimik at mataimtim ang ating
pakikipag-ugnayan sa Diyos.

2. Tumulong sa Nangangailangan ng Walang Hinihinging Kapalit


Ang pagtulong sa kapwa ng walang hinihinging kapalit ay isang
gawain na naaayon sa kalooban ng Diyos.

3. Gawin ang Tama nang may Paninindigan sa Kabutihan


Ang paggawa ng tama ng may paninindigan ay isang paraan nang
pagpapaunlad ng ating ispiritwalidad. Ito ay isang kahanga-hangang
gawain na kailangang ibahagi sa iba.

4. Mahalin ang Diyos at Sundin ang Kaniyang Kalooban


Ang pagmamahal ng Diyos sa ating lahat ay hindi matutumbasan ng
kahit na anong bagay. Ating ibalik ang Kaniyang pagmamahal sa
pamamagitan ng pagsunod sa Kaniya.

V. Mga Gawain

Gawain #1: Lunes


A. Panuto: Iguhit ang masayang mukha  kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng tamang pag-uugali at malungkot na mukha naman
 kung hindi.

______1. Ako ay nagdarasal araw-araw.


______2. Masaya ang mga tao kapag nagkakaisa.
______3. Hindi ko ipahihiram ang aking mga laruan.
______4. Ang pagiging makasarili ay taliwas sa kalooban ng Diyos.
______5. Walang magandang maidudulot ang pagiging matulungin.

3
______6. Tinutulungan ko ang aking mga kaklase na nahihirapan sa
aming aralin.
______7. Pinagtatawanan ko ang pamamaraan ng pagsimba ng aking
mga kaklase.
______8. Ako ay tahimik sa loob ng simbahan bilang paggalang sa
tahanan ng Diyos.
______9. Nagsisimba ako tuwing Linggo sa aming sambayanang
panalanginan.
______10. Hahayaan ko ang aking mga kapatid na hindi tumutulong
sa mga gawaing bahay.

B. Panuto: Sagutan ang akrostik na salita. Bawat titik ay lagyan ng


kahulugan na naaayon sa pagkakaroon ng maunlad na isipiritwalidad.
(10 puntos)

4
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Napakahusay Maayos Nangangailangan Puntos
Batayan ng Tulong
10 8 6
NILALAMAN
KAAYUSAN
IDEYA
Total/3=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa
pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

Gawain # 2: Martes
A. Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba ng mga larawan.

1. Ano-ano ang mga nasa larawan?

5
2. Magbigay ng limang relihiyon na mayroon sa Pilipinas. (5 puntos)

3. Magbigay ng dalawang sitwasyon o hakbang upang mapaunlad


ang ating ispiritwalidad. (2 puntos)

4. Paano nakatutulong ang mga lugar na nasa larawan sa


pagpapaunlad ng ating ispiritwalidad? (2 puntos)

B. Panuto: Gumuhit, gumupit, o kumuha sa internet ng mga larawan na


nagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pagsamba ng mga Pilipino
batay sa relihiyong kanilang kinabibilangan. (10 puntos)

6
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Batayan Napakahusay Maayos Nangangailan Puntos
gan ng Tulong
10 8 6
NILALAMAN
(ugnayan sa paksa)
KAIBAHAN
(bagong konsepto)
SINING AT DISENYO
(makulay at maganda)
Total/3=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa
pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

Gawain # 3: Miyerkules
A. Panuto: Isulat ang gawain o katangian na ipinapakita ng mga
larawan. Kulayan ng pula ang loob ng hugis puso kung ang
gawain sa larawan ay nagpapahiwatig ng pagpapaunlad ng
ispiritwalidad at kulay asul naman kung hindi. (2 puntos kada
bilang)

7
B. Panuto: Sumulat ng isang karanasan na nagpapakita ng paninindigan
sa kabutihan. Ipaliwanag kung paano ito nakatulong sa
pagpapaunlad ng iyong ispiritwalidad. (10 puntos)

8
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
(2 - Sumasang-ayon 1 – Medyo sumasang-ayon)
PAMANTAYAN PUNTOS
1. Makatotohanan ang nilalaman
2. Makabuluhan ang nilalaman
3. Malinis at maayos ang pagkasulat
4. Nagpakita ng pagka-malikhain sa isinulat
5. Nagpakita ng may maunlad na ispiritwalidad sa isinulat
Total =
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa
pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

Gawain # 4: Huwebes
A. Panuto: Isulat ang mahalagang konseptong iyong natutuhan sa
pamamagitan ng pagbuo sa talatang nasa ibaba. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.

paninindigan ugnayan paghubog pananampalataya pagmamahal

relihiyong ispiritwalidad kapwa paniniwala nalilinang Diyos

Ang pagkakaroon ng mahusay na ispiritwal na pamumuhay ay ang


nagdadala sa isang tao upang gumawa ng kabutihan sa kapwa sa kabila
ng pagkakaiba-iba ng mga paniniwala. Sa ating buhay pananampalataya,
ang tunay na diwa ng (1) __________ ay ang pagkakaroon ng mabuting (2)
_________ sa lahat magkaiba man ang (3) __________ kinabibilangan.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng (4) __________ sa kabutihan para sa
kapakanan ng lahat.

Ang ispiritwalidad at (5) __________ ay may malaking bahagi na


ginagampanan sa (6) __________ ng ating mabuting pagkatao. Nahuhubog
sa atin ang (7) __________ sa ating Diyos at (8) __________ ang paghahangad
na gumawa ng mabuti sa (9) __________ magkaiba man ang kinagisnang
(10) __________.

9
B. Panuto: Sumulat ng isang tula na may temang “Pagpapaunlad ng
Ispiritwalidad at Paninindigan sa Kabutihan.” Lagyan ito ng angkop na
pamagat. (10 Puntos)

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Batayan Napakahusay Maayos Nangangailang Puntos
an ng Tulong
10 8 6
NILALAMAN
PRESENTASYON
WASTONG BAYBAY AT
BANTAS
Total/3=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa
pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

10
Gawain # 5: Biyernes
A. Panuto: Hanapin ang mga sumusunod na relihiyon na nasa kahon.
Kulayan ng asul ang mga relihiyong mahahanap mo sa loob ng word
hunt.

BORN AGAIN ROMAN CATHOLIC MUSLIM

SAKSI NI JEHOVAH SABADISTA MORMON


CHURCH OF GOD AGLIPAYAN PROTESTANT

IGLESIA NI CRISTO

P R A P R O T E S T A N T A W A A

A O D A I A D S S D F G S F M D C

G M A P D A D D X F X S C A A M H

M A D S A I T I H S G G G A O M U

U N S D A G S K S A G A A R A L R

S C H S G B S I H I G P M A G K C

L A F J M H A I P G P O A S L I H

I T S H A A D D M L N L F A I O O

M H H G D H D R I B I A N Y P U F

L O P A G T I T I S A L A A A Y G

A L S S S D S D S S T G G H Y R O

B I L I S T O D S A G A C I A D D

A C H M M A D I S I P L I N N X G

S A K S I N I J E H O V A H K L B

I I G L E S I A N I C R I S T O O

M A M B O R N A G A I N A L A A N

11
B. Panuto: Kumpletuhin ang bawat pangungusap. Pirmahan at
papirmahan sa mga magulang ang mga sagot na tanda na ikaw ay
batang may pananampalataya sa Diyos. (2 puntos kada bilang)

1. Ako ay batang nagpapakita 2. Ako ay batang may


ng takot sa Diyos dahil… pananampalataya dahil…

___________ ___________ ___________ ___________


Iyong Lagda Lagda ng Magulang Iyong Lagda Lagda ng Magulang

3. Ako ay batang naglilingkod sa 4. Ako ay batang nagmamahal sa


Diyos dahil… Diyos dahil…

___________ ___________ ___________ ___________


Iyong Lagda Lagda ng Magulang Iyong Lagda Lagda ng Magulang

5. Ako ay batang gusto pa lalong


makilala ang Diyos dahil…

___________ ___________
Iyong Lagda Lagda ng Magulang

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


(2 - Sumasang-ayon 1 – Medyo sumasang-ayon)
PAMANTAYAN PUNTOS
1. Makatotohanan ang nilalaman
2. Makabuluhan ang nilalaman
3. Malinis at maayos ang pagkasulat
4. Nagpakita ng pagka-malikhain sa isinulat
5. Nagpakita ng may maunlad na ispiritwalidad sa isinulat
Total =
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa
pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

12
VI. Pagsusulit
I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Inimbitahan ka ng iyong matalik na kaibigan na sumama sa kanila sa araw
ng Linggo. Nalaman mo na naiiba ang kanilang relihiyon at naiiba ito sa
iyong pananampalataya. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ko na mali ang kanilang paniniwala.
B. Igagalang ko kung anuman ang kanilang paniniwala.
C. Lalabas ako sa kanilang simbahan.
2. Niyaya ka ng iyong nanay na pumunta sa sambayanang panalanginan
ngunit naglalaro kayo ng iyong mga kaibigan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Matutulog na lang ako.
B. Hindi papansinin ang imbitasyon ng aking nanay.
C. Sasama ako at maglalaro na lang ulit pagbalik sa bahay.

3. Hindi sinasadyang nasira ng iyong nakababatang kapatid ang iyong


paboritong laruan. Humingi siya sa iyo ng tawad sa hindi maingat na
paggamit nito. Ano ang iyong gagawin?
A. Isusumbong ko siya sa aking nanay upang siya ay mapagalitan.
B. Patatawarin ko siya at pagsasabihan na mag-ingat sa susunod.
C. Hihingi ako ng kapalit na laruan.

4. Araw ng Linggo at masaya kayong naglalakad papunta sa simbahan


nang makita mo ang iyong kaklase na naglalaro sa kanilang bakuran. Ano
ang iyong gagawin?
A. Iimbitahan ko siyang sumama.
B. Hahayaan ko lang siya.
C. Sasamahan ko siya sa paglalaro at hindi na sasama.

5. Nalaman mo na ang iyong pinsan ay matagal ng hindi nakakapagsimba


dahil nahihiya itong mag-isa. Ano ang gagawin mo?
A. Isasama ko siya sa susunod na Linggo at sasabihing huwag ng
mahiya.
B. Hahayaan ko na lang siya na huwag sumama.
C. Ipagpapatuloy na lang niya ang hindi pagsimba.

13
II. Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa kahon. Isulat ang titik sa patlang.

a. matalino b. mapagpakumbaba c. magalang

d. mapagkakatiwalaan e. mapagbigay f. matipid

________1. Ang taong mahilig magbigay sa ibang tao ay…

________2. Ang taong mahal ang kapwa ay…

________3. Ang taong alam na dapat mahalin ang Diyos ay…

________4. Ang taong tinatanggap ang pagkakamali ay…

________5. Ang taong pantay-pantay ang tingin sa kaniyang kapwa ay…

VII. Pangwakas

Repleksyon:
Panuto: Gumawa ng isang pangako sa sarili na nagpapakita ng
pananampalataya sa Diyos.

Lagda ng Magulang:

14
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
(2 - Sumasang-ayon 1 – Medyo sumasang-ayon)
PAMANTAYAN PUNTOS
1. Makatotohanan ang nilalaman
2. Makabuluhan ang nilalaman
3. Malinis at maayos ang pagkasulat
4. Nagpakita ng pagka-malikhain sa isinulat
5. Nagpakita ng may maunlad na ispiritwalidad sa isinulat
Total =
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa
pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

15
VIII. Sanggunian

Department of Education. Edukasyon sa Pagpapakatao Ika-anim na Baitang


(Kagamitan ng Mag-aaral). Butil ng Pagpapahalaga, Batay sa K-12
Curriculum

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning


Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instruction Strand.
Pagpapaunlad ng Ispiritwalidad Anuman ang Paniniwala, Unang
Edisyon.

Two Monkeys Travel – Contributor August 30th, 2016 Posted in Philippines


Travel Blog, Travel Blog, Travel Guides

PapercoinageVideo, August 4, 2013 Philippine Arena :


http://philippinearenaofiglesianicris... INC Centennial Projects :
http://iglesianicristo100years.weebly... The Beauty of the TEMPLO CENTRAL
NG IGLESIA NI CRISTO Day and Night, Church of Christ.

IX. Susi sa Pagwawasto

Gawain #1 Gawain #2 Gawain #3

ibaba.
sagot. Tyek ang rubrik sa
Maaaring magkaiba ang
B.

ibaba.
sagot. Tyek ang rubrik sa
Maaaring magkaiba ang 5. Nagdadasal sa Diyos –
B.
ibaba.
sagot. Tyek ang rubrik sa sa gawaing bahay –
Maaaring magkaiba ang 4. Sama-samang naglilinis
B.
10. 
9.  nagtutulungan –
8.  3. Masayang
sagot.
7. 
4. Maaaring magkaiba ang
6.  sagot. marka –
5.  3. Maaaring magkaiba ang kaklase na may mababang
4.  Baptist, etc.. 2. Pinagtatawanan ang
Born Again Christian, Muslim,
3.  2. Katoliko, Iglesia ni Kristo,
2.  pagsimba. sa mga nangangailangan –
16
1.  ibang simbahan/paraan ng 1. Nagbibigay tulong
1. Mga larawan ng iba’t
A. A. A.
Gawain #4 Gawain #5 Pagsusulit

ibaba.
sagot. Tyek ang rubrik sa
Maaaring magkaiba ang
ibaba. B.
sagot. Tyek ang rubrik sa
Maaaring magkaiba ang
B. 5. marespeto
4. mapagpakumbaba
10. paniniwala 3. matalino
9. kapwa 2. mapagkakatiwalaan
8. nalilinang 1. mapagbigay
7. pagmamahal II.
6. paghubog
5. pananampalataya 5. A
4. paninindigan 4. A
3. relihiyong 3. B
2. ugnayan 2. C
1. ispiritwalidad 1. B
A. A. I.

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pagkatuto

Manunulat: John Carlo D. Dizon


Patnugot: Emmanuel C. Reganit, PhD
Tagapagsuri ng Nilalaman: Bobby P. Caoagdan, EdD
Grace Ann P. Maristela, PhD
Czarina S. Gacias
Carmela M. Santos
Patnugot ng Wika: Allan T. Manalo, PhD
Grupo ng Tagapaglinang: Ronaldo A. Pozon, PhD
Maria Celina L. Vega, CESE
Paulino D. De Pano, PhD

17

You might also like