Aralin 4
Aralin 4
Aralin 4
Ikatlong Markahan
Aralin 4
Pagpapahalaga sa Magaling At Matagumpay na mga Pilipino
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa
at pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa at
mapagkalingang pamayanan
Pamantayan sa Pagganap:
Naipakikita ang mga gawaing tumutugon sa pagmamahal sa bansa sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok na may dedikasyon at integridad
Pamantayan sa Pagkatuto
I. LAYUNIN:
III. PAMAMARAAN
Unang Araw
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
2. Pagtitsek kung sinong liban sa klase.
3. Magbuo ng apat na pangkat sa klase
a. Pumili ng lider sa bawat pangkat
b. Bigyan ng isang envelope ang bawat pangkat na naglalaman ng
puzzle at manila paper.
c. Maglaan ng 3 minuto upang mabuo ang puzzle, idikit sa
manila paper ang nabuong puzzle
d. Ipaskil sa pisara ang nabuong puzzle
4. Mag-uulat ang lider ng kanilang nabuong puzzle
B. Panlinang na Gawain
1. Alamin Natin
a. Ilahad ang mga larawan. (manny pacquiao, pia wurztbach, dr. jose
rizal)
Ikalawang araw
2. Isagawa Natin
a. Pagbati sa mag-aaral.
b. Balik-aral. Itanong :
1. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?
2. Ano ang pagpagpapahalaga ang iyong natutuhan tungkol sa aralin?
3. Paano ito nakaimpluwensiya sa iyong sarili bilang miyembro ng
lipunang iyong ginagalawan?
c. Isahang Gawain
Suriin ang larawan na ipapakita ng guro. Basahin ang mga impormasyong
nakasulat sa larawan.
Isulat ang katangian ng nasa larawan ayon sa impormasyong nabasa?
____________________________________________________
____________________________________________________
_________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
_________________________________________
Pinahusay ni Manny Pacquiao ang kaniyang sarili sa boksing upang
matulungan niya ang kaniyang pamilya at ipagmalaki ang Pilipinas
(makabansa, matapang, matatag, determinado). Ipaliwanag
______________________________________________________
______________________________________________________
_______________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_________________________________________
d. Pangkatang Gawain:
a. Pangkatin ang klase sa apat ayon sa kanilang interes
b. Pangkat I Anong imbensyon ang gusto mong likhain upang
makatulong sa kasalukuyang problema ng bansa?
Iguhit mo.
Pangkat II Anong talento ang nais mong maipakita upang
makilala ang ating bansa sa buong mundo? (maaring sayaw, awit
o kahalintulad na larang)
Pangkat III Gumawa ng panalangin para sa mga Pilipinong
matagumpay at tumulong sa ating bayan.
Pangkat IV- kung bibigyan ka ng pagkakataong makausap ang
presidente anong proyekto ang nais mong isulong upang
makatulong sa ating bayan? ipakita sa pamamagitan ng role play.
c. Magkaroon ng talakayan tungkol presentasyong ipinakita ng
bawat pangkat.
d. Ibigay ang rubrics para sa gawain.
(Para sa guro)
Ang rubrics ay magmumula sa pagsang-ayon ng mga mag-aaral at guro sa
pagsukat ng gawain.
Maaari rin namang ito ay galing sa guro ngunit dapat ay may
konsultasyon sa mag-aaral upang lalong mapaganda ang rubrics.
(closure: Ang pag-abot sa pangarap ay hindi imposible kung sasamahan ito ng
sipag, tiyaga at pagtitiwala sa sariling kakayahan upang maging produktibo)
Ikatlong Araw
3. Isapuso Natin
a. Balik-aral sa nakaraang talakayan.
b. Ipanood sa mga mag-aaral ang videoclip.
https://www.youtube.com/watch?v=lmArTfUktVA
c. Magbigay ng mga katanungan tumgkol sa videoclip.
Mga tanong.
1. Tungkol saan ang videoclip na iyong napanood?
2. Ano ang nararamdaman mo habang pinanonood ang video clip?
3. Bakit ka masaya/ malungkot? Pangatwiranan
4. Kung ikaw ang nasa video (Si Nora Aunor), gagawin mo rin ba
ang ginawa niya? Bakit?
5. Gumawa ng talata.
a. Gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang gabay upang
makabuo ng talata:
i. Sino ang hinahangaan mong matagumpay na Pilipino?
ii. Bakit mo siya hinahangaan?
iii. Paano siya nagsakripisyo para sa bayan?
iv. Paano mo siya tutularan (gagawing modelo)?
C. Pangwakas na Gawain
(Ipaalaala sa mga bata na pagisipan nila kung sino ang nais nilang
tularan, paghandaan nila ito upang maipakita nila bukas ang talento
ng kanilang idolo)
Ikaapat na Araw
4. Isabuhay Natin
(closure: Kasipagan ang susi upang marating ang tagumpay na inaasam. Maging
masipag at huwag mawalan ng pag-asa upang maging produktibo pagdating ng
araw)
Ikalimang Araw
IV. Pagtataya
5. Subukin Natin
1. Anyayahang magbahagi ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang
karanasan sa ginanap nilang Talent Show kahapon.
2. Itanong kung ano ang kanilang natutuhan sa aralin.
3. Pasagutan ang mga sumusunod:
Pusuan Mo!
Lagyan ng puso (♡)ang pahayag kung ito ay karapat-dapat pahalagahan,
lagyan ng ekis (×) kung hindi dapat tularan.
V. Takdang -aralin
Gumupit ng larawan ng magaling at matagumpay na mga Pilipino na naging
produktibo at may naiambag sa ating bansa.
Repleksiyon:
Mga tanong bilang gabay sa repleksyon:
Ano ang pangarap ko sa aking buhay? May maitutulong ba ito sa aking bayan?
Sino ang gusto kong tularan?
Ano-ano ang aking gagawin upang maabot ko ang aking pangarap?
Pagbati:
Pagbati! Natapos mong muli ang isang aralin. Naniniwala akong dahil sa
iyong kasipagan, ikaw ay magiging produktibong mamamayan na may malaking
maiiambag sa pag-unlan ng ating bayan. Pagpalain ka ng Diyos!
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY