PAGBASA

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Hakbang sa Pananaliksik:

Pagbuo ng Lagom,
Konklusyon, at
Rekomendasyon
► Ang Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon ay mahalagang bahagi ng pananaliksik. Dito

tuwirang makikita ang pagpapasya ng mananaliksik kung saan ihahanay ang mga datos o

impormasyon. Sa mga bahaging ito, sistematikong ilalahad ang natipong impormasyon na may

kasamang pagpapasya sa kung ano ang naging bunga ng pag-aaral na sinamahan ng mga

mungkahi upang maipagpatuloy, mapagtibay, at mapabuti ang pananaliksik.


Pagbuo ng Lagom
► Ang Lagom o buod ay pagbuo o paggawa ng pagkalahatang ideya hango sa teksto para sa
madaliang pag unawa sa nilalaman ng isinasagawang pananaliksik. Sa pagbuo ng Lagom
nailalahad ang mahalagang detalyeng makukuha sa teksto. Makatutulong ang Lagom na gamitin
ang mga detalyeng nabanggit upang maiugnay sa mga karanasang bunga ng obserbasyon o dili
kaya’y nabasa ng mambabasa.

Hakbang sa Pagbuo ng Lagom


1. Basahin o pakinggan nang mabuti ang pananaliksik at suriin ang pinakadiwa o konsepto nito.
2. Magtala ng mga mahahalagang impormasyon habang nagbabasa o nakininig.
3. Himay-himayin at isulat nang muli ang mga naitalang mahahalagang impormasyon. Huwag
maglahad ng mga pansariling opinyon. Marapat na ang itinala ay buhat sa impormasyong nakuha
mula sa masinop na pananaliksik.
4. Palitan o huwag nang isama ang mga bahaging magiging hadlang lang at makakgulo sa mas
mabisang pag-unawa na mga mambabasa.
5. Pagkumparahin kung tiyak at orihinal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya at konseptong
isinulat.
6. Muling basahin at alamin kung mapaiikli pa ang mga isinulat na pahayag.
Pagbuo ng Konklusyon
► Ang Konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais na maipahayag ng buong
pananaliksik. Makikita sa Konklusyon ang kasagutan sa mga itinampok na katanungan sa
isinagawang pagsusuri o pag-aaral. Kadalasang nasa anyong pabuod ang Konklusyon na binuo
batay sa natuklasang kaalaman. Sa bahaging ito, ipapakita ng mananaliksik ang reyalisasyono
kanyang napagtanto sa paksang sinasaliksik. Mula sa Konklusyon huhugot ng payo o
Rekomendasyon tungo sa bago o pagpapatuloy ng isinagawang pag-aaral o pananaliksik.
Hakbang sa Pagbuo ng Konklusyon
1. Balikan ang suliranin, layunin, at iba pang bahagi ng pananaliksikkung tumutugma ang mga
nakuhang impormasyon.
2. Mula sa nakuhang impormasyon na ibinunga ng analisis o pagsusuri, ipahayag ang
pagpapasya upang palutangin ang natuklasang kaalaman o impormasyon.
3. Ilahad ang pananaw na pinagtibay ng ugnayan ng datos, teorya, at patunay sa malinaw at
makabuluhang pagpapsya sa napagtanto sa isinagawang pag-aaral.
4. Tiyaking magkaugnay ang Konklusyon sa itinalagang paglalagom.
Pagbuo ng Rekomendasyon
► Ang paggawa ng Rekomendasyon ay ang pagbibigay ng isa o ilang mga solusyon sa paglutas
ng kinakaharap na suliranin sa isang pag-aaral o pananaliksik. Ang isang Rekomendasyon ay
kinakailangang may kaakibat o sinusuportahan ng masusing pag-aaral at mga datos nito.
► Ang Rekomendasyon ay dapat na naglalayong lutasin ang suliranin na natuklasan sa pag-
aaral.
► Hindi dapat gumawa ng Rekomendasyon sa suliraning hindi nakita sa nagawang pag-aaral.
► Maglatag ng rekomendasyong ideyal.
► Dapat ay may lohikal na paliwanag ang mga Rekomendasyon.
► Kung may mabubuting natuklasan sa pag-aaral, dapat ay magbigay rin ng Rekomendasyon sa
pagpapanatili nito.
Hakbang sa Pagbuo ng Rekomendasyon
1. Pagtugmain ang mensaheng nais iparating ng datos o impormasyon mula sa suliranin at
layunin na pinagmulan ng Lagom at Konklusyon.
2. Ikategorya ang mga mungkahing angkop sa suliranin at layunin.
3. Tiyaking ang tono ng mungkahi ay nagbibigay-daan sa pagpapaunlad ng pananaliksik sa
pamamagitan ng paglalahad ng polisiya o programa, patakaran at iba pang kaugnay na paksa na
maaaring ipagpatuloy bilang pagpupuno sa pagpapayaman ng paksang sinuri sa pananaliksik.
LAGOM
BUOD Paglalahad ng kasagutan sa suliranin at
layunin sa maikli at malinaw na paraan


KONKLUSYON
PASYA Interpretasyon o mahalagang pahayag
mula sa datos o impormasyong nakalap


REKOMENDASYON
MUNGKAHI Pagbabahagi ng mga dapat pang gawin sa
pagpapatuloy at pagpapahusay ng
isinagawang pananaliksik

You might also like