Fil11 Q4 Wk5 Aral5 PDF
Fil11 Q4 Wk5 Aral5 PDF
Fil11 Q4 Wk5 Aral5 PDF
SENIOR HighSCHOOL
School
Baitang
Baitang11
11
Pangangalap ng Datos
(Mga Uri ng Datos, Uri ng Pinagmulan ng Datos, Paraan ng
Pangangalap ng Datos, Iba’t Ibang Treatment sa Pangangalap
ng Datos at Pagbuo ng Tesis Statement)
Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo
Para sa mag-aaral:
Gawain 1
Panuto: Decoding game!
Tumbasan ng angkop na titik ang mga numero sa loob ng kahon at tukuyin kung
anong mga salita ang inyong mabubuo.
Alamin natin ang kaugnayan ng mga salitang inyong nabuo sa pagtalakay natin ng
aralin.
1
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi : Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
(F11PU-IVef-91).
Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang salitang
PAGBASA kung ang pahayag ay wasto at salitang PANANALIKSIK naman kung
ang pahayag ay di wasto. Isulat ang sagot bago ang bilang.
_______1. Sa pananaliksik mainam na suriing mabuti ang mga nakalap na impormasyon.
_______2. Kailangang magkaroon ng mapananaligang ebidensiya at mga proweba sa
pagbuo ng pananaliksik.
_______3. Ang impormasyon ay maaring ibigay at hingin kaninuman na gustong maging
bahagi nito.
_______4. Tandaan na ang oras ay may malaking ginagampanang papel sa pananaliksik.
_______5. Nakasalalay ang katuparan ng pag-aaral sa datos na makukuha buhat sa mga
respondents.
Pangangalap ng Datos
Ang katuparan ng isang mahusay at maayos na pananaliksik ay nakasalalay sa
mga datos o impormasyong iyong nakukuha.
Kaya naman ito’y kailangang maingat, komprehensibo at nasuring mabuti nang sa
gayon ay maging mapapanalogan ang mabubuo mong pananaliksik. Nasa impormasyong
makakalap nakasasalalay ang maaring maging kalalabasan ng iyong pag-aaral, ito ang
pinaka sentral na component na tutukoy sa katibayan at bilang mananaliksik ay kailangang
gumamit ka din ng tamang metodo sa pagsagawa nito.
2
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi : Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
(F11PU-IVef-91).
E-trail – mga datos na nagmumula sa digital storage at media, mobile platform at
online. Mga impormasyon na nagmumula sa e-mail, google drives, social
media at iba pang gadgets.
Interbyu/ Panayam – pasalitang diskurso na binubuo ng kakapanayamin at
tagapanyam, maaring itinakda- ang araw, petsa, oras at lugar o maaring
nakaayon sa oras ng kapapanayamin.
Sa apat, ito ang electronic trail o e-mail trail ang pinakabagong pinagmumulan ng
datos at tradisyunal naman ang people trail at paper trail.
Mga Paraan sa Pangangalap ng Datos
Tuwiran – mananaliksik mismo ang aktwal na mangangalap ng datos
Di- tuwiran – ang mananaliksik ay maaring magkaroon ng mga katuwang na
mangangalap ng impormasyon o kaya ay buhat sa mga aklat ,
artikulo, o iba pang pananaligang babasahin na maaring mapagkunan ng
impormasyon may kinalaman sa pag-aaral.
Marapat din na igalang ng mananaliksik ang confidentiality , lalo na ang mga
impormasyong may kinalaman sa identidad at mga impormasyong sensitibo.
Iba’t Ibang Treatment sa Datos
Ang mga datos na nakalap ay maaring suriin sa dalawang paraan, ito’y maaring
kwantitatibo at kwalitatibo.
Kwantitatibo – uri ng pagsusuri na gumagamit ng mga estadistikal na pagsusuri at
kompyutasyon.
Kwalitatibo – gumagamit ng pagsusuri sa mga dokumento at mga datos gamit ang
lohikal na paraan at hindi gumagamit ng estadistikal na formula.
Pagbuo ng Tesis Statement o Pahayag ng Tesis
Ang pahayag na tesis ay ang pinakasentral na ideya ng isang sulating pananaliksik.
Ito’y naglalahad ng isang mapananaligang ideya kung saan pinatutunayanng mga nakalap
na datos at anumang ebidensiya.
Mga Kailangang Tandaan sa Pagbuo ng isang Mahusay na Pahayag ng Tesis
Sa pagbuo ng mahusay na pahayag o tesis ay mainam na magsimula sa paunang
pangangalap ng datos o impormasyon. Mahalaga ding nasuring mabuti ang bawat detalye
at maorganisa ang kaisahan ng iyong paksa nang sa gayon ay matukoy mo kung sapat na
ba ng mga datos na nakalap upang makapagsimula ka sa iyong pananaliksik.
Maaring masubok kung mahusay nga ba ang nabupong pahayag ng tesis sa pamamagitan
ng pagsagot sa sumusunod :
Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?
Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
Maari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa pamamagitan ng
pananaliksik?
3
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi : Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
(F11PU-IVef-91).
Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis
Ayon kay Samuel (2004), maaring ilahad ang panukalang pahayag sa alinman sa
sumusunod na paraan:
Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinion o
posisyon.
Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at maghinuha
kung paano ito maaring malutas.
Mag-isip ng maaring maging solusyon sa isang suliranin.
Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perspektibo o pananaw.
Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan ang mga ito
ng marka.
Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensiyahan ang isang paksa
kaya ito nagging ganito o ganoon.
Halimbawa ng paksa at pahayag na tesis:
Paksa: Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting isinalin
sa ibang lengguwahe.
Tesis : Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang
ideya ng orihinal na awit nang hindi hinahabol o isinisiksik ang titik ng
pinagsalinang lengguwahe sa tono ng orihinal na awit.
Gawain A
Panuto: Sa tulong ng graphic organizer ay talakayin ang kalagahan ng pangangalap ng
datos sa pagbuo ng isang pananaliksik.
1. 2.
Ano ang
kahalagahan ng
pangangalap ng
datos?
3. 4.
4
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi : Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
(F11PU-IVef-91).
Gawain B .
Panuto: Basahing mabuti ang bawat datos na nakalahad sa ibaba. Isulat ang A kung ito ay
nagpapakita ng kalidad (kwalitative data) at B kung nagpapakita ng kailanan
(kwantitatib data).
Mga mag-aaral sa Grade 11 Ang Rehiyon ng NCR
o 135 na mag-aaral o 638.55km2 ang lawak
o 75 na babae, 60 ang lalaki o 11,855, 975 ang lawak ng
o 17 ang bumagsak sa matematika populasyon
1.______ o 25% ang pasok sa honor roll 3. ______ o 19, 000/km2 ang density
o 16 ang lungsod
o 1 ang bayan o
munisipalidad
5
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi : Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
(F11PU-IVef-91).
Pamprosesong tanong:
1. Ano-ano ang nakikita mo sa larawan?
______________________________________________________________
2. Ano-anong tanong ang maari mong mabuo tungkol sa larawan kung saan ang
sagot ay mismong makikita rin sa larawan? Maglahad ng dalawa.
______________________________________________________________
3. Ano-ano pang mga impormasyon ang maari mong malaman na masasagot
lamang kapag naghanap ka sa iba’t ibang mapagkukunan ng impormasyon?
Dugtungan at kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.
Gusto kong malaman ang ____________________________________________.
Gusto kong malaman ang ____________________________________________.
_
Gawain A.
Panuto: Makinig/ Manood ng balita at pumili ng paksa na gagawan mo ng maikiling
pagsusuri at posibleng solusyon.. Tukuyin kung ano-anong mga impormasyon ang
kailangan mong malaman at mga paraan ang maari mong gawin upang kahit
papaano ay makatulong sa nasabing suliranin. Gamit ang graphic organizer ay
isulat ang iyong ang sagot sa bawat kahon.
Paksa
6
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi : Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
(F11PU-IVef-91).
Gawain B.
Panuto:Suriing mabuti ang bawat larawan at bumuo ng tanong tungkol sa gusto mo pang
malaman o matuklasan na nangangailangan pa ng pananaliksik upang masagot.
Magaling kaibigan! Nawa’y naikintal sa iyong isipan ang mga araling napag-aralan.
Sukatin naman natin ang iyong mga natutuhan.
Gawain A.
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga konsepto at sagot sa Hanay A at B.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
7
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi : Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
(F11PU-IVef-91).
Gawain B. Paglinang ng Talasalitaan at Pag-unawa
Panuto: Bigyang kahulugan ang mga sumsunod na termino at ilahad kung ano ang
mahalagang papel na ginagampanan nito sa pangangalap ng datos at pagbuo ng
pahayag na tesis.
1. Interbyu-
2. Kritikal-
3. Sarbey-
4. Datos-
5. Obserbasyon-
8
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi : Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
(F11PU-IVef-91).
(F11PU-IVef-91).
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
Kompetensi : Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
9
Susi sa Pagwawasto
Pangangalap ng Datos
Tuklasin Natin!
A. 1. Interbyu
2. kritikal
3. sarbey
4.datos
5. obserbasyon
B. 1. Pagbasa
2. Pagbasa
3. Pananaliksik
4. Pagbasa
5. Pagbasa
Linagin Natin!
A. Mga Pokus na Tanong
1. Ano- ano ang mga kinakailangang isaalang-alang sa pagngangalap ng datos?
Ipaliwanag
2. Bakit mainam na kilalanin, suriin at tiyakin ang mga impormasyong nakalap sa
pagbuo ng pananaliksik?
Iba-iba ang sagot
Pamprosesong tanong:
1. Ano –ano ang nakita mo sa larawan?
2. Ano-anong tanong ang maari mong mabuo tungkol sa larawan kung saan ang
sagot ay mismong makikita din sa larawan?Maglahad ng dalawa.
3. Ano- ano pang mga impormasyon ang maari mong malaman na masasagot
lamang kapag naghanap ka sa iba’t ibang mapagkukunan ng impormasyon?
4. Bakit hindi basta masasagot sa pamamagitan ng pagtingin lang sa mismong
larawan ang mga katanungan na iyong naitala?
5. Paano mo mahahanap ang mga kasagutang nais mong malaman?
Iba-iba ang sagot
Mga Susing Kaiispan
❖ Karamihan sa datos na ating nakakalap ay nangangailangan ng
malalimang pananaliksik, may mga datos na hindi natin nakikita sa
kagyat na pagtingin.
❖ Ang pangangalap ng datos ay kailangang masusi at kritikal
❖ Pinaglalaanan ng oras at masusing obserbasyon
B. 1.Kwantitatib
2.Kwalitatib
3. Kwantitatib
Pagyamanin Natin!
A.Pgsusuri sa larawan
Iba-iba ang sagot
Tayahin Natin!
A.1.E
2. B
3. C
4.A
5.D