Ang Unang Tabako

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG UNANG TABAKO May maralitang mag asawa na nakatira sa isang mahirap na nayon sa bayan ng Ilocos.

May isa silang anak na dalaga na ubod ng ganda. Kapwa matanda na ang mag asawa at hindi nagtagal ay nagkaroon ng malubhang karamdaman. Naging malaking problema ng anak kung paano gagaling ang ang ama ata ina dahil wala siyang pambili ng gamot. Sa sobrang hirap nila, kahit simpleng pagkain ay halos wala siyang maipakain sa mga ito. Inisip ng dalaga kung ano ang pinakamabuting gawin. Sa huli ay naisip niyang lumapit sa pinakamayaman sa kanilang lugar. Nagmakaawa ang dalaga. Para na ninyong awa,pautangin ninyo ako ng pambili ng gamot ng aking ama at ina. Baka lalong lumubha ang kanilang sakit kung hindi makakainom ng tamang gamot at mabibigyan ng sapat na pagkain. Nangako ang dalaga na babayaran agad ang inutang sa sandaling makaipon. Palibhasa ay mabait, bukod sa inuutang na halaga ay binigyan rin siya ng mayaman ng bigas. Anito ay tulong na iyon sa dalawang matanda. Tuwang tuwang umuwi ang dalaga. Marahil ay sadyang malala na ang sakit at dahil talagang matanda na, hindi nag tagal ay na matay ang mag-asawa. Labis na nalungkot ang dalaga dahil naging ulila siyang lubos. Makaraang mailibing ang ama at ina ay naghanap ngtrabaho ang dalaga. Ngunit naubos ang hiniram niyang p era ay wala parin siyang mapasukan. Walang sapat na pagkain at walang maipantustos sa pangangailangan, hindi naglaon ay nagkasakit din ang magandang dalaga. Isang kapitbahay ang nakaalam ng kanyang sitwasyon kung kaya nagmagandang loob na alagaan siya. Bawat araw ay humihina na ang dalaga. Nadarama niya na hindi magtatagal at makakapiling na rin niya ang mahal na ama at ina sa kabilang buhay. Nang maramdaman niyang hindi na magtatagal ay nakiusap ang dalaga sa nag- aalaga. Pakisundo ang mayamang pinagkakautangan ko. Mayroon akung sasabihin sa kanya , pakiusap ng dalaga sanag aalaga sa kanya. Tumalima naman ang kapitbahay. Noon din ay pinuntahan ang mayaman at sinabi ang pakiusap ng dalaga. Pinagbigyan ng mayaman ang dalaga. Noon din tinunguhan siya nito. Pakiramdam ko po ay hindi na magtatagal ang aking buhay. Patawad po subalit hindi ko na mababarayan ang utang ko sa inyo , nahihiyang hingi niya ng paumanhin. Naawa ang mayaman. Sinabi nitong ang isipin niya ay ang gumaling. Nag alok pa itong ipagagamot ang dalaga. Salamat po tanggi ng dalaga. Pero naramdaman kong hindi na ako magtatagal. Nanghihina na ako. Kaya gusto kong makinig kayong mabuti sa akin. Isang lingo matapos akong mailibing ay bisitahin ninyo ang aking puntod. May makikita kayong halaman sa ibabaw niyon. Kunin ninyo ito at itanim sa iyong bakuran. Alagaan ninyo ito hanggang sa gumulang. Kapag malalapad na ang dahon nito ay pitasin ninyo. Ibilad ninyo ito sa araw hangang sa matuyong mabuti. Pagkatapos ay itago ninyo. Magagamit ninyo sa panggagamot ang mga natuyong dahon. At ang mga iyon ang magsisilbing bayad sa naging pagkakautang ko sa inyo. Hindi nagtagal ay yumao ang dalaga.

Gaya ng ipinangako sa dalaga, makaraan ang isang linggomatapos itong ilibing ay dinalaw ng mayaman ang kanyang libingan. Kinuha niya ang halamang tumubo sa ibabaw ng puntod at iniuwi sa kanila. Inalagaan niya ang halaman na nagkaroon ng malalapad na dahon. Matapos pitasin ay tinuhog niya ito at ibinilad sa araw para patuyuin. Isang araw ay nagkasakit ang panganay na anak ng mayaman. Naalala niya ang sinabi ng dalaga na maipanggagamot niya ang malalapad na dahon. Isang piraso noon ang kinuha niya at itinapal sa sikmura ng anak. Minsan ay napagtuunan niya ng pansin ang mga tuyong dahon. Inisip niya kung ano ang maaring gawin sa mga iyon. Naisipan niyang bilutin iyon. Sinindihan niya ng dulo at hinithit. Nasarapan sa lasa ang mayaman matapos magpabuga ng usok. Sa labis na tuwa ay isa-isa niyang binilot ang mga dahon. Ipinamigay niya iyon sa kanyang mga kapit-bahay at iba pang mga kakilala. Tuwang-tuwa nilang pinagsaluhan at sinigarilyo ang kauna-unahang tabako ng Ilocos.

You might also like