Filipino MODULE 3 New
Filipino MODULE 3 New
Filipino MODULE 3 New
2. Naisasagawa nang tama ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling akademikong sulatin
3. Nakasusulat ng sariling pagbubuod sa akdang binasa
Aktibidad
B. Isaayos ang mga sumusunod na pangyayari upang mabuo ang buod ng “Impeng Negro”.
1. Pagkakataon na niyang sumahod subalit muling isiningit ni Ogor ang kanyang balde
sapagkat malapit lamang ang pinagdalhan nito sa inigib na tubig.
2. Marami nang baldeng nakapila sa igiban nang umagang iyon nang dumating si Impeng.
3. Nakaanim naman na siyang igib kayat ipinasya na lamang niyang umuwi upang maiwasan si
Ogor at maging tampulan ng tuksuhan sa igiban.
4. Walang nagawa si Impen kundi ang magpaubaya kay Ogor.
5. Mahigpit ang bilin ng ina ni Impen bago siya bumaba ng bahay na huwag siyang
makikipag-away na muli kay Ogor.
6. Nang siya’y paalis na, pinatid siya ni Ogor at tumama ang kanyang pisngi sa labi ng
nabitiwang balde.
7. Sa labis na sakit na naramdaman niya ay tawanan pa sa paligid ang kanyang narinig.
8. Nakuha niya ang paghanga at paggalang ng mga taong nakapaligid sa kanila ni Ogor dahil sa
nangyari.
9. Sumuko ang nanlulupaypay at duguang katawan ni Ogor.
10. Binalot ng poot ang kanyang dibdib laban kay Ogor kaya’t sinunggaban niya ito at walang habas
na pinagsusuntok ang kalaban.
Pagtalakay sa Aralin
IBA’T IBANG URI NG AKADEMIKONG SULATIN
SINOPSIS/BUOD
Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela dula, parabola, talumapati at iba pang anyo ng panitikan. Ang
buod ay maaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Sa pagsulat ng
sinopsis ay naglalayong makatulong sa medaling pag-unawa sa diwa ng ng seleksyon o akda, kung kaya’t
nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin. Layunun din nitong maisulat ang pangunahing
kaisipang taglay sa akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis mo.
FPL(Akademik)MODULE
A B C
Nagtinda ng diyaryo Naging maunlad ang Namatay ang ama.
upang makatulong sa ina. buhay.
D E F
Magkababata sina Ramon at Basilio. Magkatulad ang kanilang paniniwala at panuntunan sa buhay.
Ang nabasa sa pahayagan ang nakapagpabago ng prinsipyo ni Ramon na ganito ang isinasaad: Walumpung
libong piso bilang gantimpala sa sinumang makapagtuturo sa isang taong pinaghahanap ng maykapangyarihan. Si
Basilio na kanyang kababata ang tinutukoy ng panawagan.
Pauwi na si Ramon mula sa bundok na dating pinagtataguan dala ang salaping natanggap bilang gantimpala. Sa
halip na kasiyahan ang madama ay balisa siya at punung-puno ng alalahanin. Hindi nawala sa kanyang isipan ang
katawang payat ni Basilio na pinaglagusan ng mga bala.
Kinabukasan, hangos na kumatok sa pintuan ng pamilya ni Ramon ang asawa ni Basilio. Natagpuan daw niya
ang supot ng salapi sa paanan ng kanilang hagdanan. Sino raw kaya ang nagdala noon. Samantala, sa di-kalayuan,
natagpuan ang bangkay ni Ramon. Bibitin-bitin sa isang punungkahoy.
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot na tumutugon sa isinasaad ng nasa loob ng kahon.
1. Ano ang relasyon ni Ramon at 2. Saan sila nanirahan? 3. Paano pinatay si Basilio?
Basilio sa isa’t isa?
a. Magkapatid a. kabundukan a. pinahirapan
b. Magkaibigan b. kabukiran b. pinagbabaril
c. magkamag-aral c. kanayunan c. pinagtataga
Hindi madali ang paggawa ng buod. Kailangang isaalang-alang ang mahahalagang hakbang upang
ito’y maging malinaw at nauunawaan. Naririto ang mga hakbang sa pagbubuod.
1. Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ito nang lubos.
2. Tandaan ang mahahalagang detalye tulad ng tauhan, tagpuan at pangyayari.
3. Suriin at pag-aralang mabuti ang mga kaisipang nais pagtuunan.
4. Pagsama-samahin ang magkakaugnay na kaisipan at pangyayari batay sa
pagkakasunud-sunod nito.
5. Isulat nang maayos at malinaw ang buod.
6. Huwag ding kalilimutan ang pamagat at may-akda ng kuwento/akdang binasa.
Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Sagutin mo ang inihanda kong gawain upang malaman kung gaano mo
naunawaan ang mga kaalamang aking inilahad.
Panuto: Basahing mabuti ang kuwento. Pagkatapos, isulat ang hinihingi ng bawa’t bilang.
Ang Pulubi
Erlinda M. Santiago at Evelina T. Inocencio
Siya ay palaboy. Malimit siyang matagpuang nakahilata o kung di-ma’y nakasubsob sa mga pang-ibabang
baytang ng Luneta Grandstand. Sa mga dakong hatinggabi, makikitang banay-banay siyang maglakad, wari’y
hinahatak ang mga paa sa kalakhan ng damuhang pinagpapahingahan ng mga magkakatipan. Nanghihingi ng
limos. Iniiwasan siya kung minsan, sanhi ng kanyang hindi kanais-nais na amoy. Anong klase ang magiging
amoy ng pulubing hindi naliligo? Unang oras ng madaling-araw, sa damuhang hindi kalayuan na Chinese Garden
sa Rizal Park, ilang pareha ng mga 8 kabataang lalaki at babae ang nagtitipon. May kung anong
pinagkakaabalahan. Paika-ikang nakalapit sa grupo ang pulubi.
Atubili ang pulubi. Lumapit sa kanya ang binatilyo at itinulak siya palapit sa grupo. Sabi ng isa:
Bago mo sagutin ang gawaing inihanda ko, basahin at pag-aralan mo muna ang
paksang ilalahad.
PAMAGAT
I. Pangunahing Paksa
A. Paksa sa ilalim ng pangunahing paksa
1. pantulong na detalye
2. pantulong na detalye
3. pantulong na detalye
B. Paksa sa ilalim ng pangunahing paksa
FPL(Akademik)MODULE
1. pantulong na detalye
2. pantulong na detalye
3. pantulong na detalye
II. Pangunahing Paksa
Panuto: Piliin at isulat ang mga impormasyong nakasulat sa ibaba na nararapat sa mga blangkong bahagi
upang makabuo ng isang maayos na balangkas ng isang sanaysay.
Malapit lamang ang bahay ng mag-asawang Celing at Kulas sa sabungan kaya’t dikataka-takang ito
ang maging bisyo ni Kulas.
Hindi maawat ni Celing ang asawa sa pagsasabong. Madalas silang magtalo dahil
dito. Minsa’y nagpumilit si kulas na pumunta. Walang nagawa si Celing kundi ang
magbigay ng pantaya. Pagkaalis ng asawa, agad na tinawag ni Celing si Teban, ang kanilang katulong,
upang pumusta, subalit hindi sa manok ni Teban kundi sa kalaban. Matalo man ang asawa’y bawi lamang
ang pera.
Subukin mo
Panuto: Piliin at isulat lamang kung ano ang tinutukoy ng mga sumusunod na
pahayag.
Pagpipilian:
Balangkas sipi Romano malaking letra
buod orihinal na akda arabiko pamagat balangkas
1. Ang banghay ng mga impormasyong ilalahad. Nakatala ang mga ito ayon sa
pagkakasunud-sunod ng mga impormasyon.
2. Pinaikling ulat ng isang teksto o akda.
3. Ang mga numerong dapat gamitin sa mga pantulong na detalye.
4. Ang nararapat isulat sa malalaking letra ng isang ulat o buod.
5. Ang tawag sa pinagkunan ng buod ng isang akda o teksto.
Sagutin mo ang pagsubok na inihanda ko para sa iyo upang mataya kung gaano ka kahusay bumuo ng mga
pahayag.
Panuto: Piliin at salungguhitan ang mga salitang hindi na kailangan pa sa pangungusap at hindi
makapagpapabago sa mensaheng nais nitong iparating.
1. Pumasok siya sa loob ng silid at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit.
2. Naging abala siya ng mga nakaraang araw sa paghahanda sa nalalapit niyang kaarawan sa
okasyon.
3. Sinimulan niyang ayusin ang mga gamit na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
4. Nang kanyang buksan ang nakasarang kabinet, may lumabas na bubuwit.
5. Mabilis ang karipas ng takbo ng bubuwit kaya’t hindi ito inabot ng kanyang pamalo.
Minsan, nakabasa ka ng mga pahayag na masyadong matalinghaga o malalim ang kahulugan. Kung
ito’y ginamit sa akdang igagawa mo ng buod, mahihirapan ka kung di-mauunawaan ang mga kaisipang nais
nitong ipahayag. Mahalagang malaman ang mensaheng nais ipakahulugan ng mga salawikain o kasabihan
FPL(Akademik)MODULE
_____1. Kung dumarating ang mga pagsubok, ito ay inyong harapin. Lagi ninyong gawin ang matuwid.
Linangin ninyo ang mabuting gawi upang hindi laging humihingi ng
paumanhin. Kung dumarating na ang mga kahirapan na wari ay humahadlang sa inyo,
harapin ninyo ito at subukin ang lahat ng paraang maaaring ikalutas nito upang
makapagpatuloy kayo sa inyong magagandang balak.
a. Supilin ang sarili sa paggawa ng masama upang hindi makasakit ng kapwa.
b. Humingi ng paumanhin sa mga taong nagawan ng pagkakamali.
c. Huwag mawawalan ng loob sa tuwing mahaharap sa pagsubok upang makamit
ang anumang minimithi sa buhay.
d. Taglayin sa tuwina ang magagandang-asal upang patuloy na matamo ang mga
biyayang kaloob ng Maykapal.
_____2. Kung ang mga tao’y marunong gumamit at mangalaga sa mga likas na kayamanan ng bayan, sila’y
di mawawalan ng gawain. Ang paninira at walang patumanggang pagpuputol ng ating mga punungkahoy sa
gubat. Ang pangingisda sa pamamagitan ng lason at dinamita at ang pagbibili ng ating lupain sa mga
banyaga ay pawang nakapipigil sa pag-unlad natin.
a. Nakaaapekto sa pag-unlad ng kabuhayan ang kawalan ng pagmamalasakit natin
sa kalikasan.
b. Nagbibigay ng iba’t ibang hanapbuhay sa mga mamamayan ang mga likas yaman ng ating bayan.
c. Nakaaapekto sa ating buhay ang pagpuputol ng mga punungkahoy, paggamit
ng dinamita at pagbebenta ng mga lupain sa dayuhan.
d. Nawawalan ng pag-asa ang mga mamamayan sa pagkasira ng ating kalikasan.
_____3. Kung ang bawa’t tao’y nakakikilala sa Diyos, wala nang digmaang magaganap, alitan at kaguluhan.
Wala nang piitan sapagkat wala nang gagawa nang masama.
a. Maiiwasan ang paggawa ng masama kung matututo lamang magdasal ang tao.
b. Hindi kailan man makagagawa ng masama ang taong nakakikilala sa Diyos.
c. Walang digmaang magaganap kung tatanggapin ng tao ang Diyos sa kanyang
buhay.
d. Namamayani ang kapayapaan at kabutihan kung ang bawa’t tao’y may takot sa
Diyos.
_____4. Hindi sapat na mabuhay lamang nang matagal. Kailangang maging kasiya-siya ang panahong
FPL(Akademik)MODULE
A. Pagbuo ng pangungusap
Panuto: Isaayos ayon sa pagkakasunud-sunod ang lipon ng mga salita upang makabuo
ng isang mabisang pangungusap. Mga letra lamang ang isulat.
Isang kasabihan ang “marami ang may hininga subalit walang halaga.”
Nabubuhay na walang katuturan at nagiging pasanin pa ng tahanan at lipunan ang mga
salarin at tamad ay kabilang sa malaking hukbo ng mga nakapagpapabigat sa kabuhayan ng bansa 1.
__________________________.
Ang buhay na walang kinabukasan at pangarapin sa paggawa ng mabuti at paglilingkod sa kapwa ay kawa-awang
buhay. Ang taong nabubuhay sa sarili lamang ay
di kataka-takang malimot ng tanan. 2.__________________________________.
FPL(Akademik)MODULE
Hindi ang dami ng taon ng paninirahan sa daigdig ang uri ng buhay at nagawa ang nagpapatingkad sa abang katauhan.
Sina Rizal, Gregorio del Pilar at Wenceslao Vinzons ay nagsiyao sa panahon ng kanilang kabataang gulang.
3.___________________________________________
Ang labis na nagpapahalaga sa pansamantalang buhay na ito ay siyang agad nawawalan. 4.
_______________________________________. 5. _____________________________________________.
Kuwento ni Mabuti
Genoveva Edroza Matute
1. Isang araw, habang siya’y tahimik na umiiyak sa isang sulok ng silid-aklatan, nadatnan
siya ni Mabuti. Katulad niya, nagpunta rin doon ang guro upang umiyak. Hindi na
siya nakaiwas pang di ipagtapat ang suliraning dinadala.
2. Bukambibig ng guro ang salitang “mabuti” kaya ito ang itinaguri sa kanya ng kanyang
mga mag-aaral. Isa sa kanyang mag-aaral ang lihim na humahanga sa kanya hindi sa
panlabas na anyo kundi sa kabutihan ng kanyang pagkatao.
3. Hanggang minsang narinig niya ang isang kamag-aral na may alam pala tungkol sa
ama ng anak ni Mabuti, na ito ay isang doktor. Nabalitaan din niya ang tungkol sa
pagpanaw nito.
4. Dito niya lubos na naunawaan kung bakit iniiwasan ni Mabuti ang magbanggit ng
kahit na ano tungkol sa kanyang asawa.
5. Sa halip na pagkapahiya, dahil sa inaakalang walang halagang suliranin,
pagmamalasakit ang kanyang nadama mula sa guro, sa pag-uukol nito ng panahon sa
pakikinig.
6. Na ito’y ibinurol hindi sa bahay ni Mabuti kundi sa ibang bahay.
Lagumin mo . . .
A. Panuto: Piliin ang wastong sagot. Letra lamang ang isulat.
_____1. Ang pagkabigo sa isang hangarin sa buhay ay hindi nangangahulugan ng pagkabigo ng pangarap. Maraming
lagusan ang isang tao na mataman at matapat niyang pagtugaygay sa kanyang layunin sa buhay. Tandaan lamang na
ang Roma ay hindi naitayo sa isang araw. Anong kaisipan ang tumutugon sa talata?
a. Unti-unti ang pagtatamo sa hinahangad na mga pangarap sa buhay.
b. Mahirap ang mabigo sa mga layunin.
c. Maraming pagtatangka ang nararapat gawin upang matupad ang mga pangarap.
d. Huwag susuko sa mga suliranin sa buhay.
_____ 2. Sinasabing ang pagkasiphayo sa mga unang pagtatangka sa buhay ay
nakapagpapahinahon sa isang tao upang sa mga susunod niyang
pagbalangkas ay taglayin ang katalinuhan.
a. Nakapagpapahinahon ang mga kabiguang nararanasan.
b. Natututong magpakahinahon ang mga nakararanas ng pagkasiphayo
c. Nagiging matalino ang isang taong nabibigo.
FPL(Akademik)MODULE
B. Basahin at unawaing mabuti ang buod ng “Sa Mga Kuko ng Liwanag”. Pagkatapos,
sagutin ang mga katanungan. Letra lamang ang isulat.
Subukin mo . . .
Isaayos at isulat ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari upang mabuo ang buod ng kuwentong “Mabangis na
Lunsod.” Isaalang-alang ang pagtatalata.
Paunlarin mo . . .
Wasto ba ang lahat ng iyong naging kasagutan? Nangangahulugan lamang na
naging maingat ka sa pagsusuri ng mga pangyayari upang maging maayos at malinaw ang buod na iyong isinusulat.
Kung mayroon ka mang kamalian, muli mong balikan ang
iyong ginawa upang malaman kung bakit iyon ang tamang sagot.
Muli mong sagutin ang inihanda kong gawain upang mapalawak pang lalo ang
iyong kaalaman.
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pahayag upang makabuo ng isang mabisang buod ng sanaysay. Isulat ang buod.
1. Dapat nating isaisip na walang makatutulong sa ating sarili kundi tayo rin.
2. Maaaring ngayon ay malakas tayo ngunit bukas makalawa ay may mabigat na
karamdaman na.
3. Kaya dapat ay mayroon tayong naitatabi upang may magamit sa oras ng
pangangailangan.
4. Hindi lamang karamdaman ang dapat nating paghandaan kundi mga sakuna at di
inaasahang pangyayari.
5. Bawat tao ay kailangang matutong mag-impok para sa hinaharap.
Gaano ka na kahusay?
Panuto: Isaayos ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ang mga pahayag upang makabuo ng isang talata.
1. Kaya dapat ay alagaan nating mabuti ang ating kalusugan.
2. Kapag tayo ay may karamdaman, nauubos ang ating pera at kabuhayan sa pagpapagamot.
3. Samantalang kung malusog ang ating katawan, bukod sa hindi tayo magkakagasta ay
maligaya pa tayo.
4. Ang kalusugan ng isang tao ay maituturing na isang kayamanan.
5. Hindi rin tayo makapaghanapbuhay.
Mga Pinagkunan
Lontoc, et. al. Pinagyamang Pluma. Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House Inc,
2016.
FPL(Akademik)MODULE