Reflection Paper

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Reflection Paper

Marami akong natutunan sa pag-aaral ng asignaturang Filipino. Nagamit ko din


ang 3 mahalagang bahagi ng Editoryal sa aking pagsusulat.

Natutunan ko rin dito ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng Editoryal. 1.Na
dapat magkaroon ng kabatiran tungkol sa isyu o paksa 2.Kailangang malinaw at
mabisa ang mga pangangatwiran upang mapaniwala ang mambabasa. 3.Gawing maikli
ang pormal ng mga pananalita. 4.Maglahat ng mga patunay o halimbawa bilang
suporta sa isyu. 5.Gamitin ang panghalip na kami,tayo,natin,atin,amin. 6.Huwag
mangaral o magsermon. Natuto din akong sumulat ng Editoryal dahil sa Editoryal ng
Pahayagan na impormasyon nito.

Heto naman ang aking impormasyon at kaalamang nakalap mula sa aming


tinalakay na Florante at Laura: Ang Florante at Laura ni Francisco Baltasar (na
kilala din bilang Balagtas) ay isang obra-maestra sa panitikang Pilipino. Daglat
lamang ang katawagang Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong
pamagat na Pinagdaanang búhay niná Florante at Laura sa kahariáng  Albanya: Kinuhà
sa madláng cuadro histórico o pinturang nagsasabi sa mgá nangyari nang unang
panahón sa imperyo ng  Gresya, at tinulâ ñg isáng matuwaín sa bersong  Tagálog. Isa
itong mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido
sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray Toribio Minguella, isang paring
Rekolekto at pilologo. 

Pinapalitan din ng mga panghalip ang mga pangalang hindi nais ulitin pa.
Tinatawag itong ‘’cohesive devices’’. Anapora-panandang kohesyong ang pinapalitan
ay ang kaisipang nasa unang bahagi ng teksto. Pahuli:
akin,iyo,kanya,atin,inyokanila,amin,atbp. Katapora-panandang kohesyong ang
pinapalitan ay ang kaisipang nasa huling bahagi ng texto. Pauna-
ko,niya,natin.ninyo,nila,atbp. Kaya sa ngayun alam ko na kung ano ang ipalit ko sa mga
panghalip na pangalang hindi nais ulitin pa.

Ang sumusunod ay ang ilan na aming natalakay: Uri ng texto, kalakalan


(barter), antas ng paggamit ng Wika, Florante at Laura, Selya, morpema, textong
Taas noo Pilipino, Mohammad Yeasin, katotohanan (ay tumutukoy sa isang bagay na
nangyari na o nangyayari sa kasalukuyan), opinion (paniniwala o konklusyon o pananaw
na hindi batay sa kilos na katiyakan o kaalaman),panandang pandiskurso, kahulugang
leksikal, uri ng kaganapang Pandiwa, Editoryal ng pahayagan, at marami pang iba.

Nagamit ko din ang antas ng paggamit ng Wika sa aking pang araw-araw na


pananalita, ang informal, formal at iba pa.

Mahalaga ang Filipinong asignatura kasi tinuturo din dito ang tamang paraan
ng pagsasalita ng Wikang Filipino.

You might also like