ADM AP8 Q2 Mod4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Pamagat: Kontribusyon ng
Kabihasnang Klasiko sa Pag-unlad ng
Pandaigdigang Kamalayan
Alamin

Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo Ang modyul na ito bilang kagamitan sa pag-
aaral nitong panahon ng bagong normal. Sa kabila ng krises na ating kinakaharap sa
kasalukuyan, ang pagkatuto ay dapat maipagpatuloy. Magiging kasama mo itong modyul sa
pag-aaral ng Araling Panlipunan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa
paggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sa kapwa at magiging kaakibat
sa pagpapa-unlad ng bansang Pilipinas.

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat nang may pagpapahalaga sa iyong


kakayahan at interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa mga
kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan. Sa
bahaging ito ay inaasahan na mas lalawak pa ang iyong kaalaman at pag-unawa sa
pagpapahalaga tungkol sa iba’t-ibang kontribusyon ng kabihasnang klasiko, tulad ng:
kabihasnang Africa, Meso Amerika at mga Pulo sa Pacific.

May mga angkop na gawaing inihanada na kinakailangan mong gawin o sagutan


upang mas maging makabuluhan ang iyong pag-aaral sa paksang ito. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot.

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng
pandaigdigang kamalayan.
2. Nasusuri ang kahalagahan ng mga kontribusyong ito sa kasalukuyang panahon.
Subukin
Panuto: Unawain at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga Aztec ay mga mahuhusay na inhinyero. Ang mga sumusunod ay ang mga estrakturang kanilang
nagawa MALIBAN SA;
A. Liwasan B. Aqueduct C. Dam D. Solar Panel
2. Ang Pyramid of Kukulcan Sa Kabihasnang Maya ay nagpapatunay na mataas ang kanilang kaalaman sa
_________________.
A. arkitektura B. inhenyeriya C. matematika D. Lahat ng nabanggit
3. Paano nakatulong ang mahabang kalsada na ipinapatayo ng mga Inca upang mapatatag ang kanilang imperyo?
A. Mas napabilis ang transportasyon na nagpapaganda ng Sistema ng kalakalan
B. Dahil ito ang nagsisilbing daan para sa mga dayuhan
C. Mas mapadali para sa kanilang mga sasakyan
D. Wala sa mga nabanggit
4. Ang mga sumusunod ay kontribusyon sa Africa, maliban sa;
A. kultura B. social Classes C. nagpaparami ng kabayo D. Chinampas
5. Ang Ghana ay nagkakaroon ng malaking pamilihan sa iba’t ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather,
ebony at ginto. Ang mga ito ay kanilang ______.
A. Ibinibenta ng mahal C. Ipinamigay sa mga kaibigan
B. Ipinagpalit ng ibang produkto D. Itinatago hanggang dumami
6. Malaki ang ambag ng Imperyong Mali sa nabigasyon, dahil _______________.
A. lumawak ang kanilang territory
B. nagging centro ang Mali sa karunungan at pananampalataya
C. isa ang Mali sa mga gumawa ng mga pinakaunang barko na siyang ginamit sa pangangalakal at
paglalakbay
D. malaki ang naging kontribusyon ng nabigasyon sa administrasyon at sa pagtatag ng mga mayayabong
na pamayanan.
7. Alin sa mga sumusunod ang kontribusyon ng imperyong Songhai?
A. Pagtatayo ng gusali B. Pagtatanim C. Pagtatag ng simbahan D. Pagtatag ng mga bayan
8. Ano ang tawag sa tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura ng mga Polynesian?
A. Tohua B. Fuji C. Mana D. Bundok
9. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian?
A. Pagsasaka B. Pangingisda C. Pagaganso D. Pagkuha ng ginto
10. Isa sa mga kontribusyon ng mga Aztec ay ang kanilang kakaibang paraan sa pagtatanim, kung tawagin
ay floating gardin. Ano ang tawag na mga Aztec sa floating gardin?
A. Obsidian B. Chinampas C. Pok-ta-pok D. Timbukto
Aralin Mga Kontribusyon ng Kabihasnang
2 Klasiko sa Pag-unlad ng pandaigdigang
Kamalayan

Layunin ng gawaing ito na palalimin ng mga mag-aaral ang kanilang nabuong pag-
unawa tungkol sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal. Inaasahan na kanilang
masusuri ang kahalagahan ng mga kontribusyon sa iba’t ibang kabihasnang klasiko.

Tuklasin

Ang mga Kontribusyon ng Iba’t ibang Kabihasnang Klasiko

Kontribusyon ng Kabihasnang Mesoamerica


Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad din ang
Kabihasnang Inca sa Timog America. Ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay nagtulak sa mga
kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at magtayo ng imperyo. Malawak
ang naging impluwenaiya ng mga Maya, Aztec at Inca kung kaya’titinuring ang mga ito na Kabihasnang
Klasikal sa America.

 Obsidian – ay isang maitim at makintab na baton at nabuo mula sa tumigas na lava. Ginagamit
ito sa paggawa ng kagamitan, salamin at sa tali ng mga kutsilyo at pati na rin sa iilang mga
figurine o maliliit na nilililok na bagay.
 Pok-ta-pok (ballgame) – isang sinaunang laro ng mga Olmec sa Mesoamerica na kultura at ang
larong ito ay isang ritual na laro dahil ang natatalo ay inialay.
 Mayan Calendar – ito ay sistemang kalendaryo na ginamit ng mga pre-Columbian
Mesoamerica. Ginagamit nila ito bilang isang mythological tradition.
 Chinampas – ito ay isang paraan ng pagtatanim na nakalutang sa tubig. Tinabunan ng lupa ng
mga Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga artipisyal na pulo kung tawagin ay floating garden.
 Pyramid of Kukulcan – kasing tulad ng pyramid, ngunit sa itaas Mayroon itong apat na panig na
may mahabang hagdan na ang bahagi ay patag. Sa loob ay makikita ang altar kung saan
isinasagawa ang pag-aalay. Ito ay ipinagawa upang pagdausan ng mga seremonyang
panrelihiyon. Ito ay parangal para kay Kukulcan, ang tinaguriang God of the Feathered Serpent.
 Pyramid of the Sun – ang pinakamalking estruktura sa Teotihuacan
Gawain 1.
1. Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang mga pamana ng Mesoamerica. Paano mo mapapahalagahan
ang kanilang kontribusyon?
2. Pumili ng isang pamana o kontribusyon na pumukaw ng pansin at iguhit ito sa isang buong
bondpaper. Ipaliwanang kung bakit ito ang pinili mo.

RUBRIK NG PAGMAMARKA

Kriterya Napakagaling Magaling May Kakulangan

Pagkamalikhain Ang nabuong Ang nabuong Hindi gaanong


poster ay poster ay naging naging malikhain
nagpamalas ng malikhain sa sa paghahanda
pagkamalikhain sa paghahanda
paghahanda

Organisasyon Nagpakita ng buo May kaisahan at Konsistent, may


ang kaisipan may sapat na kaisahan, kulang
konsistent, detalye at malinaw sa detalye at hindi
kumpleto ang na intensyon gaanong malinaw
detalye at malinaw ang intensiyon.

Gawain 2. Punan ang graphic organizer ayon sa hinihingi.

Mga Kontribusyon ng
Mesoamerica

Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko ng Africa


Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito umusbong ang
mga imperyo ng Ghana, Mali at Songhai. Ang mga imperyong ito ay naging makapangyarihan dahil sa
kalakalan. Pangunahing produkto nila ang ginto. Nagsilbi silang tagapamagitan ng mga African na
mayaman sa ginto at ng mga African na mayaman sa asin.
Ghana - nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba’t ibang produkto tulad ng ivory, ostrich,
feather, ebony at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang
yari sa bakal at iba pang produkto. Ang kanilang kontribusyon ay katapangan sa pakikipagkalakalan.

Mali - ang imperyong Mali na namayagpag noong 1235 hanggang 1670 sa Kanlurang Aprika ay malaki
ang naging Kontribusyon sa administrasyon at sa pagtatag ng mga mayayabong na pamayanan at
syudad. Malaki rin ang ambag ng imperyo sa nabigasyon dahil isa ang mga Malian sa mga gumawa ng
mga pinakaunang barko na siyang ginamit sa pangangalakal at mga paglalakbay.

Songhai - ang imperyong Songhai ang nagtatag ng mga bayan. Ito ang naging pinakamalaki at
makapangyarihang imperyong pangkalakalan sa kanlurang Asya.

Gawain 3: KKK ( Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan)

Punan ng tamang sagot ang talahanayan. Isulat ito sa loob ng angkop na kolum. Dugtungan ang
kasunod na pangungusap na nasa loob ng kahon.

IMPERYO KONTRIBUSYON KAHALAGAHAN


GHANA
MALI
SONGHAI

Kontribusyong mga Pulo sa Pacifico

Polynesia - batay sa dami ng pinagkukunan ng ng pagkain ang laki ng pamayanan sa Polynesia.


Umabot hanggang 30 na pamilya ang bawat pamayanan dito. Ang sentro ng pamayanan ay ang Tohua
na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Nakapaligid ang tirahan ng mga pari at mga banal na
estruktura. Ang ambag ng Polynesia ay ang close family ties.

Micronesia - Ang mga sinaunang pamayanan sa Micronesia ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-
dagatan upang mapadali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan. Ang kanilang ambag
ay pagsasaka, mga tanim na taro, breadfruit, pandan, niyog at asukal, mga bato at shell, coral atoll-
shell/bead at banig, relihiyong animism, paggawa ng maskara at pigurang gawa sa kahoy.

Melanesia - Karaniwang produktong kinakalakal ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam,
baboy, asin, apog, gayundin ang mga gawa nilang bangka. Ilan sa mga kontribusyon nila ay plauta,
tambol, hortikultura.

Gawain 4.
1. Ang Pilipinas ay kilala din sa “close family ties”, para sa iyo, gaano ito kahalaga para sa pamilya?
Bakit?
2. Ano ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo sa Pacifico?

Suriin

Mesoamerica – ay mula sa salitang Greyigo na nangangahulugang “Gitnang


America”
Aqueduct – o paagusan, ito ay Sistema ng irigasyon na ginawa upang
mapadala o magpadaloy ng tubig.
Ivory – ngipin at pangil ng elepanti.
Sa Africa. ginagamit nila ang ginto upang ipambili ng asin. Ginagamit
ng mga African ang asin upang magpreserba ang kanilang mga pagkain.
Nakaimpluwensiya din ang Pulo sa Pacifico sa mga mamamayang
naninirahan sa mga isla sa Pacific at sa mga karatig bansa nito sa Timog –
Silangang Asya. Tulad ng Melanesia kahit hindi ito kasing unlad, kasing tanyag
at kasing yaman ng mga kabihasnan at imperyo sa America at Africa.

Ngayon naman ay kritikal mong masusuri ang impluwensiya ng mga nabanggit na


kabihasnan sa daigdig.

Gawain 5: Suriin kung kaninong ambag ang mga sumusunod.

_______1. Pagtatag ng mga bayan _________6. Paggawa ng maskara


_______2. Plauta _________7. Obsidian
_______3. Tambol _________8. Pok-ta-pok
_______4. Chinampas
_______5. Katapangan sa pakikipagkalakalan
Isaisip

Tinalakay sa araling ito ang tungkol sa Panahong Klasikal sa Africa, America at


mga pulo sa Pacific. Nagkaroon ka rin ng malawak na kaalaman tungkol sa iba-ibang
kontribusyon ng mga nabanggit na kabihasnan sa daigdig. Sa kasalukuyan, makikita pa
rin ang mga pamana ng mga Kabihasnang Klasikal na Maya, Aztec, at Inca. Ang mga ito
ay hinahangaan at dinarayo ng mga turista. Dahil dito, nakakatulong ito sa mga tao
hanggang ngayon. Nakapagbibigay ito ng kabuluhan sa buhay at kamalayan ng mga tao
noon hanggang ngayon.

Isagawa
Gawain 6:
Pumili ng isang kontribusyon ng kabihasnang Klasikal mula sa Mesoamerica
hanggang sa Pulo ng Pasipiko. Gumawa ng dalawang pahinang pamphlet na nagsusulong
ng adbokasiya upang mapangalagaan ang mga kontribusyon nito sa kasalukuyan. Sundin
ang format sa ibaba.

Front Page

Larawan ng Kontribusyon

First Page Second Page

Ipaliwanag ang kahalagahan ng Sumulat ng maikling pahayag na


Kontribusyon sa kasalukuyang panahon naglalaman ng inyong adbokasiya upang
sa : mapangalagaan ang kontribusyon na
inyung napili.
Daigdig
Pilipinas
RUBRIK NG PAGMAMARKA

Kriterya Napakagaling Magaling May Kakulangan


(10) (6) (4)

Impormatibo Ang nabuong Ang nabuong Kulang ang


pamphlets ay pamphlets ay impormasyon sa
nakapagbigay ng nakapagbigay nabuong
kompleto, wasto ng wastong pamphlets
at mahalagang impormasyon tungkol sa
impormasyon tungkol sa kontribusyon
tungkol sa napiling
napiling kontribusyon.
kontribusyon

Pagkamalikhai Ang nabuong Ang nabuong Hindi gaanong


n poster ay poster ay naging malikhain
nagpamalas ng naging sa paghahanda
pagkamalikhain malikhain sa
sa paghahanda paghahanda

Organisasyon Nagpakita ng May kaisahan at Konsistent, may


buong kaisipan, may sapat na kaisahan, kulang
konsistent, detalye at sa detalye at hindi
kumpleto ang malinaw na gaanong malinaw
detalye at intensyon ang intensiyon.
malinaw

Tayahin
Panuto: Unawain at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga Aztec ay mga mahuhusay na inhinyero. Ang mga sumusunod ay ang mga estrakturang
kanilang nagawa MALIBAN SA;
A. liwasan B. aqueduct C. dam D. solar panel
2. Ang Pyramid of Kukulcan Sa Kabihasnang Maya ay nagpapatunay na mataas ang kanilang
kaalaman sa _________________.
A. arkitektura B. inhenyeriya C. matematika. D. lahat ng nabanggit
3. Paano nakatulong ang mahabang kalsada na ipinapatayo ng mga Inca upang mapatatag ang
kanilang imperyo?
A. Mas napabilis ang transportasyon na nagpapaganda ng Sistema ng kalakalan
B. Dahil ito ang nagsisilbing daan para sa mga dayuhan
C. Mas mapadali para sa kanilang mga sasakyan
D. Wala sa mga nabanggit
4. Ang mga sumusunod ay kontribusyon sa Africa, maliban sa;
A. kultura B. social classes C. nagpaparami ng kabayo D. Chinampas
5. Ang Ghana ay nagkakaroon ng malaking pamilihan sa iba’t-ibang produkto tulad ng ivory,
ostrich, feather, ebony at ginto. Ang mga ito ay kanilang ______.
A. ibinibenta ng mahal C. ipinamigay sa mga kaibigan
B. ipinagpalit ng ibang produkto D. itinatago hanggang dumami
6. Malaki ang ambag ng Imperyong Mali sa nabigasyon, dahil___________.
A. lumawak ang kanilang territory
B. nagging centro ang Mali sa karunungan at pananampalataya
C. isa ang Mali sa mga gumawa ng mga pinakaunang barko na siyang ginamit sa
pangangalakal at paglalakbay
D. malaki ang naging kontribusyon ng nabigasyon sa administrasyon at sa pagtatag ng
mga mayayabong na pamayanan.
7. Alin sa mga sumusunod ang kontribusyon ng imperyong Songhai?
A. Pagtatayo ng gusali C. Pagtatag ng simbahan
B. Pagtatanim D. Pagtatag ng mga bayan
8. Ano ang tawag sa tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura ng mga Polynesian?
A. Tohua B. Fuji C. Mana D. Bundok

9. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian?


A. Pagsasaka B. Pangingisda C. Pagaganso D. Pagkuha ng ginto
10. Isa sa mga kontribusyon ng mga Aztec ay ang kanilang kakaibang paraan sa pagtatanim, kung
tawagin ay floating gardin. Ano ang tawag na mga Aztec sa floating gardin?
A. Obsidian B. Chinampas C. Pok-ta-pok D. Timbukto
Republika ng Pilipinas
Rehiyon VII
Probinsya ng Bohol
TABUAN NATIONAL HIGH SCHOOL
TABUAN, GARCIA- HERNANDEZ, BOHOL

ARALING PANLIPUNAN 8
SAGUTANG PAPEL WEEK 4
Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-unlad ng Pandaigdigang
Kamalayan
PANGALAN: _______________________________________________ ISKOR: _________________
TAON AT PANGKAT: ________________________________________ PETSA: _________________

Subukin
1._____ 6. _____
2._____ 7. _____
3._____ 8. _____
4._____ 9. _____
5._____ 10. _____
Gawain 1. Punan ang graphic organizer ayon sa hinihingi.

Mga Kontribusyon ng
Mesoamerica

Gawain 2: KKK ( Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan)

IMPERYO KONTRIBUSYON KAHALAGAHAN


GHANA

MALI
SONGHAI

Gawain 3: Suriin kung kaninong ambag ang mga sumusunod.

1.__________________ 5. ___________________
2.__________________ 6. ___________________
3.__________________ 7. ___________________
4.__________________ 8. ___________________

Tayahin
1.______ 6. ________
2.______ 7. ________
3.______ 8. ________
4.______ 9. ________
5.______ 10. _______

PAALALA: HUWAG SAGUTAN ANG MODYUL AT IBALIK ITO KASAMA NG SAGUTANG


PAPEL NA MAY SULAT NANG IYONG SAGOT. SAGUTAN LAMANG ANG MGA
HINIHINGI SA SAGUTANG PAPEL. SALAMAT SA PAGSUNOD.

You might also like