Ang Makahiya
Ang Makahiya
Ang Makahiya
Asignatura : Filipino
Talumpati
1. Ang Makahiya
Onofre Pagsanghan
May damong ligaw sa ating bayan na kung tawagin nati'y "Makahiya." Huwag mong
makanti ang damong ito't dagling iikom. At kapag ito'y nakaikom na'y mahirap mo na uling
mapabukadkad. Ang Makahiya ay maraming tinik. Kapag nagkamali ka nang tangan ay
dagli kang magagalusan. Ang Makahiya ay walang bunga, walang katuturan -- hindi gamot,
hindi rin gulay. Ang "Makahiya" ay balakid sa paglaki ng ibang tanim na napapakinabangan.
Kung kaya't ang "Makahiya" ay binubunot, tinatapon, at sinisigan; sapagka't kapag
napabayaan kay bilis nitong kakalat at maghahari-harian sa buong halamanan.
Taglay ng marami sa ating mga kababayan ang isang kaugaliang tulad ng "Makahiya." Ito'y
ang labis na pagkamahiyain. Ang karupukang ito'y isang balakid sa pag-unlad. Ayaw
mamuno. Nahihiya. Kiming sumalungat sa kasamaan. Nahihiya. Kiming ipagtanggol ang
katarungan. Nahihiya. Kiming makipagpaligsahan. Nahihiya. Ayaw maiba sa karamihan.
Nahihiya. Takot mag-isa kahit na sa gawang kabutihan. Nahihiya.
Ang labis na hiya'y nagsusupling pa rin ng ibang karupukan. Ang labis na mahiyain kapag
napagsabihan ay nagtatampo; kapag napagsalitaan ay nagmamaktol; kapag napulaan ay
nasisiraan ng loob; kapag sumama ang loob ay di na makikiisa kahit na sa kanyang sariling
ikauunlad. Ito'y mga karupukang supling ng labis na hiya.
Ako ang huling magpapayong itapon natin sa hangin ang hiya. Ang taong walang hiya ay
masahol kaysa taong labis ang hiya. Ang aking iminumungkahi ay ang wastong
pagpapahalaga sa hiya. Ikahiya ang dapat ikahiya -- ang paggawa ng masama, ang paglabag
sa utos ng Diyos, ang paglapastangan sa kapuwa. Nguni't huwag nating payagang ang ating
hiya ay pumigil sa ating pag-unlad sa kasaganaan. Huwag nating payagang magapos tayo ng
labis na hiya sa pagsalungat sa kasamaan. Huwag nating payagang ang ating hiya ay maging
isang damong ligaw na sasakal sa ating pagpupunyagi sa kabutihan. Lagutin natin ang
gapos ng labis na hiya. Bunutin natin ang damong "Makahiya" sa ating katauhan -- bunutin
at sigan. Lakas loob na umusad sa ikasasagana ng bayan. Lakas loob na bumukod at
sumalungat sa kasamaan. Lakas-loob na ipagsanggalang, kahit na mag-isa, ang katarungan.
Lakas-loob na magpunyagi sa ipagtatagumpay ng kabutihan.
2. Kahirapan: Problema Ng Bayan
Panulat ni: Hannalet Roguel
Pero bakit nga ba maraming Pilipino ang nagdurusa dahil dito? Dahil sa kahirapan,
maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan. Dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay
napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na
dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Nadadagdagan din lalo ang bilang ng mga
namamatay. Pero bakit hindi nakilos ang ating mga pinuno ukol sa mga isyung ito?
Sadyang mahirap ang maging isang mahirap pero madaming paraan upang ito’y labanan
kung ating gugustuhin. marami na tayong nabalitaan mula sa pagiging maralita ngayon ay
natatamasa na ang kaginhawaan, dahil iyon sa kanilang pagsisiskap at pagpupursigi para sa
kanilang gustong makamit.
Ako bilang isang kabataan, may layunin akong iwasan ang pagiging isang mahirap at hindi
maituring na basura lamang sa isang lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap
makapagtapos ng pag-aaral. Nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan.
Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa
kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa
na magagamit, maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang
henerasyon.
3. Jose Rizal: Dakilang Calambeño, Idolo Ng Sambayanang Pilipino
Panulat ni : Remarie Abaquin
Isang dakilang bayaning nagmula sa bayan ng Calamba, Laguna si Gat Jose Rizal. Siya ang
nagmulat sa sambayanang Pilipino upang tuligsain ang pang-aaping ginawa ng mga
Españ ol sa mga Pilipino. Nagbigay ng maraming aral at kaisipan sa mga kabataan upang
mahalin at igalang ang ating bayan, ang ating wika, at ang bukas. Mabuhay Rizal!
Binigyan ng Diyos ng maraming talento upang maibahagi ang kanyang talino at kakayahan.
Siya ay isang doctor, makata, manunulat, edukador, manlalakbay, at propeta. Higit sa lahat,
siya ay isang bayani at politikong martir na naglaan ng kanyang buhay para sa katubusan
ng mga inaaping kababayan. Hindi kataka-takang siya ay itinanghal na Pambansang Bayani.
Ilan sa mahahalagang likha ng ating pambansang bayani ay ang bantog na Noli Me Tangere
at ang El Filibusterismo. Dito nya inilahad ang kanyang damdamin at saloobin sa lahat ng
ginawang kasamaan sa atin ng mga Espanyol.
Kaya't nagsimulang maghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol. At noong 1898
nakamit natin ang kalayaan.. Kalayaan!!
Naalala mo pa ba ang kanyang winika? "ang kabataan ang pag-asa ng bayan.." ? kaya ikaw
kabataan kumilos ka! dahil sa atin nakasalalay ang muling pagbangon ni inang bayan…
ating sariwain at isabuhay ang mga aral na napulot natin sa dakilang Calambeñ ong iniidolo
ng lahat na siyang may gawa kung bakit tayo'y nakalaya sa mga mapang-aping kastila at
kung bakit tayo nakalaya sa putik ng kahirapan.
Saludo ako sayo Rizal... saludo kami,... saludo ang sambayanang Pilipino.
4. Talumpati Tungkol Sa Kaibigan
Mula sa TakdangAralin.ph
Mahalaga ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Sila ang ating mga sandigan at takbuhan sa
oras ng ating mga pangangailangan, lalo na kapag malayo tayo sa mga mahal natin sa
buhay.
Mayroong mga bagay sa buhay na sadyang hindi natin masabi sa ating mga pamilya ngunit
nasasabi natin at naidadaing sa ating mga malalapit na kaibigan.
Masarap at maganda ang mamuhay kapag tayo ay napapaligiran ng mga tunay na kaibigan.
Nasabi ko na tunay na kaibigan dahil hindi lahat ng kaibigan ay totoo. Mayroong mga tao na
sadyang kasa-kasama mo sa tuwina pero hindi mo naman kaibigang tunay.
Ang tagal ng pakikisama mo sa isang tao ay hindi basehan para masabi mo na siya ay
kaibigan mo o hindi. Mayroong dalawang uri ng kaibigan. Yaong tunay na kaibigan at ang
mga huwad o mapagbalat-kayo. Maging mapanuri at masusi tayo dapat sa pagkakakilanlan
ng mga taong kakaibiganin natin. Mahirap ang malinlang at sa bandang huli ay magsisisi.
Ang tunay na kaibigan ay masasabi nating isang malaking biyaya galing sa langit. Sila yong
mga tao na maaasahan mo na makakasama mo sa kasayahan o maging sa oras ng kagipitan.
Sila ang mga kaibigan na alam mo na kahit nakatalikod ka ay hindi ka susunggaban at
sisiraan.