Pag Sasa Lita

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

Makrong

Kasanayan:
Pagsasalita

Ang pagsasalita
O pagbibigay, pagbabahagi ng

kaisipan o mensahe sa pamamagitan


ng berbal na paraan na ginagamit
ang wika na may wastong tunog,
tamang gramatika, malinaw na
maipaliwanag ang damdamin at
kaisipan.

Mga Pangangailangan
sa Mabisang Pagsasalita
a. Kaalaman
b. Kasanayan
c. Tiwala sa sarili

KAALAMAN
Upang maging isang epektib na
tagapagsalita, kailangang may sapat kang
kaalaman hinggil sa ibat ibang bagay.
Una,

kailangang alam mo ang paksa


ng isang usapan.
Ikalawa, kailangang may sapat na
kaalaman sa gramatika.
Ikatlo, kailangang may sapat na
kaalaman sa kultura ng
pinanggalingan ng wikang ginagamit
mo, sariling kultura at kultura ng iyong
kausap.

KASANAYAN
Ang pagsasalita ay isa sa apat na
makrong kasanayan kung kayat ito ay
isang kasanayang maaaring linangin.
Una,

kailangang may sapat na


kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa
pinakamaikling panahon. (May mga
sitwasyon kasing nangangailangan ng
presence of mind.)
Ikalawa, kailangang may sapat na
kasanayan sa paggamit ng mga
kasangkapan sa pagsasalita tulad ng
tinig, tindig, kumpas at iba pang
anyong di-berbal.

Ikatlo,

kailangang may sapat siyang


kasanayan sa pagpapahayag sa ibat
ibang genre tulad ng pagsasalaysay,
paglalarawan, paglalahad at
pangangatwiran.

TIWALA SA SARILI
Ang

isang taong walang tiwala sa sarili


ay karaniwang nagiging kimi o hindi
palakibo.
Madalas din silang kabado lalo na sa
harap ng pangkat ng tagapakinig o sa
harap ng publiko.
Mahihirapan silang papaniwalain ang
ibang tao sa kanilang mensahe.
Ang mga ganitong tao ay mahirap
makaakit, makakumbinsi o
makahikayat ng pagsang-ayon sa mga

Kasangkapan sa
Pagsasalita
a. Tinig
b. Bigkas
c. Tindig
d. Kumpas
e. Kilos

Tinig
O Pinaka mahalagang puhunan sa

isang nagsasalita.
O Kinakailangang ito ay
mapanghikayat at nakakaakit
talagang pakinggan.
O May mga sitwasyon na hindi
nangangailangan ng malakas na
tinig.
O Ano mang lakas o hina ng tinig,
dapat ito ay angkop sa partikular na
sitwasyon at sa damdaming nais na
ipahiwatig ng isang nagsasalita.

Bigkas
O Kailangan malinaw ang pagbigkas ng

mga salita
O Ang maling pagbigkas ay maaaring
magdulot ng maling interpretastyon
para sa mga tagapakinig.
O Maaari din maging katawa tawa ang
salita kung mali ang pagbibigkas
dito.

Tindig
O Dapat tumindig nang maginhawa at

maluwag ang nagsasalita. Maging


anyong kagalang-galang at maginoo.
Tuwid ang katawan at ulo sa pag
lakad
O Hindi magiging kapani paniwala ang
isang mambibigkas kung siyay
parang nanghihina o kung siyay
mukhang sakitin.
O Kailangan din niyang maging
kalugud-lugod sa kanilang paningin
upang siyay maging higit na
mapanghikayat.

Kumpas
O Kung walang kumpas ang nagsasalita ay

magmumukhang tood o robot.


O Ngunit ang pagkumpas ay kinakailangan
maging angkop sa diwa o salitang
binabanggit.
O Tandaan na ang bawat kumpas ay may
kalakip ding kahulugan. Kung gayon ang
kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa
kahulugan ng nagsasalitang binibigkas
kasabay ng kumpas.
O Tandaan na kailangang maging natural ang
kumpas.
O Kailangan iwasan ang pagiging mekanikal
ng mga ito.
O Hindi rin maganda tignan ang labis nito.

Kilos
O Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng

katawan ay maaaring gumalaw.


O Mga mata, balikat, paa, at ulo. Ang
pagkilos ng mga ito ay maaaring
makatulong o makasira sa isang
nagsasalita.
O Ang labis na paggalaw ay maaring
makahilo o makagulo sa kausap
O Samantala, ang mabisang pagpapanatili
ng pakikipagugnayan sa tagapakinig sa
pamamagitan ng panuunan ng paningin
ay maaaring makatulong sa kanya.

Katangian ng Mahusay
na Tagapagsalita
At Takot sa Pagsasalita sa
Harap ng Madla

Katangian
O May maayos na personalidad, wastong

pananamit at kagalang-galang na tindig.


O May layunin at lubos na kaalaman sa
paksa na ibinabagay sa pinag-uukulan
at sa okasyon.
O May matatag na damdamin at malawak
na kaisipan.
O May kasanayan sa wika, retorika at
balirala.

Takot sa Pagsasalita sa
Harap ng Madla
O Minsang sinabi ng dating Pangulo ng

Amerika na si Franklin D. Roosevelt na


walang dapat katakutan kundi ang takot
mismo.
O Ang pinakamabuting paraan ng paglaban
sa takot , kung gayon, ay ang pagharap,
hindi ang pagtalikod dito.
O Ang takot sa pagsasalita sa harap ng
madla ay tinatawag na XENOPHOBIA o
STAGE FRIGHT . Ito ang takot na
mapagtawanan bunga ng maling gramar,
maling bigkas, o masagwang tindig o
postyur.

Ibat Ibang Dahilan ng


Stage Fright
O Takot sa malaki at di-pamilyar na madlang

tagapakinig.
O Di kaaya ayang karanasan sa pagsasalita
sa harap ng madla.
O Damdaming kakulangan o isekyuriti bunga
ng anyong pisikal tulad ng kabataan,
kapayatan, di kaaya ayang mukha o kulay
o di magandang postyur.
O Kakulangan o kawalan ng kahandaan
O Kakulangan o kawalang ng pamilyaridad
sa lugar o okasyon.

Paano maaayos ang


Stage Fright

O Magkaroon ng positibong atityud. Isiping

kayang mong magsalita sa harap ng madla.


O Magtiwala sa iyong sarili. Isiping mayroon
kang mahalagang ideya na ibabahagi sa
madla.
O Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa
pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa
pagharap sa malalaking madla.
O Dumating nang maaga upang maging
pamilyar sa lugar at mga taga pakinig
O Magdasal. Humingi ka ng lakas ng loob at
dunong sa Poong Maykapal.

Kasanayan sa
Pagsasalita
Mga Kasanayang Di- Pormal
Mga Pormal na Kasanayan

Kasanayang DiPormal
a. Pakikipag-usap
b. Pagpapakilala sa sarili sa ibang

tao
c. Pakikipag-usap sa telepono
d. Pagbibigay ng reaksyon at
panuto
e. Pagbibigay Komento

Pakikipag-usap
O Nagkakaroon ng palitan ng kaisipan,

damdamin at pagpapalagayan ng
loob ang mga taong sangkot sa
usapan.
O Makatutulong upang magkaroon ng
kakayahang umunuwa, bumuo ng
mga palagay o hinuha sa kahulugan
ng kilos ng kausap

Pagpapakilala sa sarili
sa ibang tao
O Pagpapakilala sa isang taong upang

makapagpalagayang loob

Pakikipag-usap sa
telepono

O Nagkakaroon ng palitan ng

impormasyon at karanasan gamit


ang telepono

Pagbibigay ng reaksyon
at panuto
O Isang paraang malinaw, simple, tiyak

at madaling maunawaan
O Nakatutulong ang mga senyas, oras,
mapa, pananda at larawan upang
maisagawa nang wasto at tama ang
isang bagay
O Napadadali at napagagaan ang isang
gawain kapag marunong tayong
sumunod sa panuto at direksyon

Pagbibigay Komento
O Impormal na kasanayan sa

pagsasalita
O Kadalasang nangyayari ito
pagkatapos manuod ng pelikula o di
kaya ay pagkatapos makinig ng
isang talakayan, seminar, lecture,
forum at iba pa.

Pormal na Kasanayan
a. Masining na pagkukuwento
b. Pakikipagpanayam
c. Pangkatang Talakayan
d. Balagtasan
e. Pagtatalumpati

Masining na
Pagkukuwento

O Pagkukuwento sa malikhaing paraan

Pakikipagpanayam
O o pangagalugad ng isang

impormasyon ay isang paraaan ng


pagkuha ng impormasyon o
kabatiran nang harap-harapan
O Uri
1. Isahan o Indibidwal na
pakikipanayam
2. Pangkatang Pakikipanayam
3. Tiyakan at Di- Tiyakang
Pakikipanayam
4. Masaklaw na pakikipanayam

Pangkatang Talakayan
O Kinabibilangan ng maliit na pangkat

ng tao upang sama-samang lutasin


ang napapanahong suliranin o
usapin
O Nagpapalitan ng mga opinyon o
kuro-kuro tungkol sa paksang
pinaguusapan

Balagtasan o Batituan
O uri ng pagtatalo ng dalawang

magkaibang panig ukol sa isang


paksa.

Pagtatalumpati
O Maituturing na isang uri ng sining
O Dito makikita ang katatasan at

kahusayan ng tagapagsalita sa
paghihikayat upang paniwalaan ang
kanyang pangangatwiran sa paksang
tinatalakay.

Dapat tandaan habang


Nagtatalumpati
O Tindig o Postura
O Galaw o Kilos
O Tinig
O Kasuotan
O Bigkas
O Mukha
O Kumpas

Uri ng Talumpati
O Impromptu- Ito ay biglaang talumpati na

binibigkas nang walang ganap na paghahanda.


Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng
pagsasalita.
O Extempore- limitado sa oras sa pagitan ng
pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan.
O Isinaulong Talumpati- may paghahanda na sa
ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang
memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin
ang talumpati.
O Pagbasa sa sinulat na talumpati- may kasanayan
sa pagsulat ng papel na babasahin sa
kumperensya.

Bahagi ng Talumpati
O Pambungad o Panimula- inilalahad ang

layunin ng talumpati, kaagapay na ang


istratehiya upang kunin ang atensiyon ng
madla.
O Katawan- nakasaad dito ang paksang
tatalakayin ng mananalumpati.
O Pamimitawan o Wakas- ang pagwawakas
ang pinakasukdol ng buod ng isang
talumpati. Dito nakalahad ang
pinakamalakas na katibayan, paniniwala
at katuwiran upang makahikayat ng
pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng
talumpati.

You might also like