Aralin 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

UNANG PANGKAT

ARALIN 1: MGA URI AT PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

 Ang kahusayan ng sinuman sa pagsasalita at pagsususlat ay itinuturing na pinakamahalagang


kakayahan ng isang tao sa larangan ng pagdidiskurso sa kapwa at lipunan.
 Ang DISKURSO ay mula sa salitang latin na "diskursus" na nangangahulugan ng argumento.
 Ito ay wikang ginagamit upang interaktibong makalikha ng kahulugan.
 Teorya ng diskurso ay makakatulong upang makagawa ng mga desisyon tungkol
sa mga sitwasyong pangkomunikasyon.

Mga Uri at Paraan ng Pagpapahayag

1. Paglalahad
2. Paglalarawan
3. Pagsasalaysay
4. Pangangatwiran

1. Paglalahad (Ekspositori):
 naghahayag ito ng kaparaan upang magbigay impormasyon at kabaitan ba kadalasang
ginagamit sa tekstong ekspositori, impormatibo, at ekspresibo.

Mga katangian ng paglalahad:

a. Kalinawan - pagiging malinaw ng kung anumang pahayag upang higit na maunawaan


ito ng nakikinig o bumabasa
b. Katiyakan - matatamo ito kung alam ng nagpapaliwanag ang kanyang layunin .
c. Kaugnayan - kaugnayan sa isa't isa upang maging mabisa ang pagpapahayag.
d. Diin - nagtataglay ng diwang mahalaga o makabuluhahan upang maakit at ipagpatuloy
ang pakikinig o pagbabasa.
Mga bahagi ng Paglalahad:

a. Simula - bahaging dapat na makaakit sa kawilihan o interes upang ipagpatuloy ang


pakikinig o pagbabasa ng isang katha.
b. Gitna/ katawan - nagtataglay ng mga magkakaugnay na kaisipan sa isa't isa upang
maging mabisa ito.
c. Wakas - ang bahaging ito ang nag-iiwan ng isang kakintalan o impresyon.

Gamit ng Paglalahad:

a. Pangkatang paglalahad
b. Pagbibigay ng panuto
c. Pag-uulat
d. Pagtuturo ng isang bagay
e. Sanaysay na nagpapaliwanag
2. Pagalalarawan (Deskriptib) :
 tungkulin nitong maipakita ang hugis, kayarian, katangian at kaibahan ng mga bagay at
pangyayaring pinahahalagahan ng nagpapahayag. Ginagamitan ito ng mga salitang
pang-uri at pang-abay at mga pananalitang patayutay at idyoma.

Dalawang uri ng Paglalarawan:

a. Objektib/pangkaraniwan - paglalarawan nagbibigay lamang ng kabatiran sa tao, bagay,


hayop, o pangyayari i iba pang bagay na inilalarawan.
b. Sabjektib/masining - paglalarawang pinagagalaw ang guni-guni ng bumabasa o
nakikinig.
3. Pagsasalaysay (Naratib):

 sa pagtatala ng mgapangyayaring nagaganap sa ating pangaraw-araw na buhay pasulat


man o pasalita ang uri ng diskursong ito ang palagi nating nagagamit.

Katangian ng Pagsasalaysay:

1. May kaakit-akit na pamagat


2. Makabuluhan ang paksa
3. Kawili-wili ang simula
4. Wasto ang pagkakasunod-sunod
5. Angkop ang mga pananalitang ginamit
6. May maayos na pagkakabuo
7. Kapana-panabik at kasukdulang tagpo
8. Kawili-wili ang wakas

Hanguan ng Salaysay:

a. Sariling karanasan - higit na kapani-paniwala ang isang salaysay kung ang mga ito ay
mula sa naganap sa tunay na buhay na maaaring mabuti at masama.
b. Napakinggan - pangyayaring maaaring naikwento o narinig mula sa bibig ng ibang tao
o napakinggan sa radio.
c. Nakita o nabasa - pangyayaring bunga ng obserbasyon mula sa nabasa.
d. Likahang-isa - mga salaysay na bunga ng mga imahinasyon o malikhaing pag-iisip.

4. Pangangatwiran (Argumentatib):
 Layunin nitong makapanghiyakat o mapaniwala ang mga mambabasa o tagapakinig
batay sa kanyang paniniwala ang mga mambabasa. Binibigyang pagtatalakay dito ang
paglalahad ng mga detalye at kaalamang nais bigyang tuon. Kadalasan itong
isinasagawa sa paraang lohikal at mabisang pagsulat para sa pakikipagdebate.

Mga Uri ng Maling Pangagatwiran

1. Argumentum Ad Hominem- Isang nakahihiyang pag-atake sa personal na katagian o


katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay o pinagtatalunan.
2. Argumentum Ad Baculum- pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyubay
tuloy maipanalo ang argumento.
3. Argumentum Ad Misericordiam- ginagamit ang ganitong istilo upang maawa at
kumampi ang mga nakikinig, ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga salitang umaatake
sa damdamin at hindi sa kaisipan.
4. Non Sequitor- pagbibigay ng konklusyon sa kabila ng mga walang kaugnayang batayan.
5. Ignoracio Elenchi- gamitin ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang barberya, kilala
ito sa ingles na "circular reasoning" o paligoy-ligoy.
6. Maling Paglalahat- Ito ay pagbibigay ng isang konklusuong sumasaklaw sa
pangkalahatan na bumabatay lamang sa ilang sitwasyon.
7. Maling paghahambing- kadalasan itong tinatawag na usapang lasing sapagkat
mayroon ngang hambingin ngunit sumasala naman sa matinong konklusyon.
8. Maling Saligan- nagsisimula ito sa maling akala na siya namang naging batayan.
Ipinagpapatuloy ang gayon hanggang magkaroon ng konklusyong wala sa katwiran.
9. Maling Awtoridad- naglalahad ng tao o sangguniang walang kaalaman sa isang isyung
kasangkot.
10. Dilemma- naghahandog lamang ng dalawang opsyong pagpipilian na para bang iyon
lamang at wala nang iba pang alternatibo.

Pagtatalo- isang pormal na gawaing pasalita na isinasagawa sa pamamagitan ng pangagatwiran ng


magkabilang panig na tumututol o sumasang-ayon sa pakyang pinag-uusapan.

Mga Uri ng Pagtatalo

1. Di-Pormal na Pagtatalo- ang uri na ito ay nagbibigay ng galang o respeto sa bawat isa
upang makapagpahayag ng kanilang ideya sapagkat kailangan muna nilang matapos
bago magsalita ang kabilang panig.
2. Paraang Lincoln-Douglas- ito ay may tig-isang tagapagsalita lamang sa bawat panig ng
sang-ayon.
3. Paraang Oregon-Oxford- Binubuo ito ng tatlong tagapagsalita sa bawat panig.

ARALIN 2: PAGSASALITA

 Sa makrong kasanayan ang pagsasalita ay nagtataglay ng 35 porsyento ng kabuuang gawain


ng isang tao sa buong araw.
 Nakabatay ito sa istilo ng tagapagsalita.
 Isang kasanayang kusang natututuhan ng isang nilalang mula sa kanyang pagkabata,na hindi
na kailangan pang bigyan ng malalim na tuon.
 Gayunpaman, may mga tao na nagtataglay ng husay at galing sa pagsasalita na kinagigiliwan
dahil na rin sa husay ng kanyang paggamit ng mga salita na nakakapukaw ng interes at
kamalayan ng tao upang siya ay pakinggan o pagtuunan ng pansin.
 Ang lebel o bigat ng pamamaraan ng pananalita ay depende na sa ating pagkakagamit bilang
operator nito.
 Ang pagiging matagumpay rito ay nakasalalay sa kawastuhang dapat na nakapaloob dito, tulad
ng kawastuhang gramatika at panglinggwistika.
 Ang pagsaalang-alang sa paggamit ng tamang pagpapahayag ay makatutulong upang makuha
ang interes ng tagapakinig o manonood.
Mga Sumikat at Nagkaroon ng Marka sa Larangan ng Pagsasalita na siyang Kinagiliwan ng mga
tagapakinig o tagapanood tulad ng mga sumusunod:

1. Manuel L. Quezon
2. Hitler
3. Ferdinand Marcos
4. Obama
5. Mike Veralde
6. Mel Tiangco
7. Mike Enriquez
8. Noli De Castro
9. Marc Logan

Ang tatlong kasangkapang dapat taglayin ng isang mahusay na tagapagsalita.

1. Kaalaman
2. Kasanayan
3. Kumpiyansa

Mga Iba Pang Dapat Isaalang-alang sa Pagsasalita:

 kalinawan ng ideya
 organisado ang mga kaisipan
 nakatutugon sa pangangailangan ng tagapakinig
 angkop ang salitang ginagamit
 angkop na gamit ng boses na malaking salik upang higit na maging mabisa ang
pagpapadala ng mensahe

Ang angking kahusayan at dapat na mabisa sa pamamagitan ng pag lalapat batay sa mga
sumusunod na kasanayan:

A. Di-pormal na kasanayan
1. Pakikipag usap sa kapwa
2. Proseso ng ugnayan sa kapwa
B. Pormal na kasanayan
1. Panayam
a. Harapan, biglaan, hayagan
b. Pag babalita
c. Talumpati

ARALIN 3: PAGTATALUMPATI O PAKIKIPANAYAM

Pagtatalumpati

 ay isang pambihirang kasanayan sa pagsasalita na binibigyan ng mataas na lebel ng


pagsasanay.
 masining na pagpapahayag na inihanda upang bigkasin sa harap ng mga tao sa gawaing
pormal na pagsasalita.
 pinakapormal sa lahat ng pagsasalita.

Uri ng Talumpati

1. Handa- pinaka pormal at maayos na talumpati


2. Daglian- ang tagapagsalita ay walang anumang kaalaman sa kanyang paksa.
3. Maluwag- ang tagapagsalita ay binibigyan ng kaunting panahon upang pag-isipan at
paghandaan ang sasabihin.

Layunin ng Talumpati

1. Magbigay impormasyon o kaalaman


2. Magbigay ng isang kasaysayan
3. Gumising ng damdamin at makalikha ng impormasyon
4. Mapanghikayat
5. Nagbibigay pangaral
6. Nagpapasalamat
Uri ng Kumpas

1. Kuyom na palad- galit o poot


2. Kumpas na pahawi- pasaklaw ng isang diwa tao o pook
3. Nakaharap sa madla na bukas ang palad- pagtanggi, pakabahala o takot.
4. Marahang pagbaba ng dalawang kamay- kabiguan/kawalan ng lakas
5. Bukas na palad paharap- pagtawag ng pansin
6. Panturong kumpas- pagkagalit/ pagahamak
7. Nilakipan ng pag-ismid- kumpas na pakutya

Bahagi ng Talumpati

1. Panimula- Paghahanda ng kaisipan at damdamin ng mga taong tagapakinig


2. Paglalahad- buhay ng talumpati
-pinapaliwanag ang mahalagang kaisipan at katwiran.
3. Paninindagan- nakatatak sa isipin at damdamin ng tagapakinig ang katwiran
-katotohanan na dapat makita at marinig
4. Pamimitawan- nag-iiwan ng mensahe

Pakikipanayam

 ito ay nakakatawag pansin sa mga mambabasa sapagkat parang may personal na relasyon ang
taong kinapapanayam sa nag sasalita.

Uri ng Pakikipanayam:

1. Factual o Opinion Interview- ang tao ay kinakapanayam dahil sa kanyang pagiging


awtoridad sa isang bagay.
2. Personality Interview- kinakapanayam ang isang tao dahil siya ay isang sikat na
personalidad sa lipunan.
3. Biograpikal na Panayam- pakikipanayam sa isang tao upang malaman ang kanyang
talambuhay.
4. Ekslusib Interbyu- isang ekslusibong pakikipanayam na maaaring ang tagapanayam
lang ang naroon o kaya naman maraming mamamahayag ang nagtatanong.

Paghahanda sa Pakikipanayam

1. Makipagsundo sa panahon ng pagtatagpo para sa isasagawang pakikipanayam.


2. Alamin ang ilang detalye ukol sa taong kakapanayamin bago makipagtagpo at hanggat
maari magkaroon ng pananaliksik.
3. Ihanda ang lahat ng mga katanungan ay siguraduhing nasa maayos itong pagkakasunod-
sunod.
4. Hanggat maaari isulat ang mga itatanong bago ang panayam ay maging handa sa
anumang pagbabago sa daloy ng tanungan kung kailangan.
5. Gumamit ng mga elektronikong gadyet upang maiwasan ang paulit-ulit sa sinasabi ng
kinakapanayaman at upang hindi makalimutan ng nagtatanong. Siguraduhin lamang na
ito ay ihingi ng permiso o pahintulot bago ang daloy ng panayam.

Sa Panahon ng Panayam

1. Dumating sa oras. Alalahaning ang bawat minuto ay mahalaga para sa kakapanayamin.


2. Maging propesyunal sa kilos at pananalita.
3. Makinig sa mga sagot at kung may lilinawin, siguraduhing maayos na ulitin ang bahagi
ng kanyang mga sagot.
4. Magpakita ng tunay na interes sa isinasakatuparang gawain.
5. Bago at pagkatapos ay makipagkamay sa kinakapanayam at magpasalamat sa inilaang
oras sa iyo.

ARALIN 4: PAGSULAT AT KORESPONDENSYA

Pagsulat

 Ito ay isang komunikatibong kasanayan na nililinang sa isang tao.


 Isang gawaing pisikal at mental dahil magkaugnay na ginagamit upang ipahayag ang mga
kaisipan sa pamamagitan ng anumang kagamitang maaaring pagsulatan tulad ng papel.
Dimensyon sa Pagsulat

1. Artistikong Pagsulat - ito ang dimensyong may masining na pangjihikayat sa


pamamagitan ng mga matatakinghaga o malalalim na salitang nagiiwan ng mabibigat na
mensahe o kaalamang mananatili sa isipan ng mga mambabasa.
2. Ekspresibo at Tagapahpaganap - ito ang dimensyonh nagpapahayag ng kaalaman na
may matindinh layuning masisiwalat upang makahikayat ang mga mambabasa na
gumawa ng aksyon batay sa kanilang binasa.
3. Oral at Biswal - Ang oral na dimension ay maaaring isanh aktwal na pakikipag-usap ng
mambabasa sa awtor. Samantalang sa biswal, ang mga lenggwaheng ginagamiy ng
manunulat ay kinapapalooban ng mga nakalimbag na simbolo upang magpagalaw ng
imahinasyon ng mga mambabasa tungo sa paglikha ng panibagong ideya sa kanilang
kaisipan.
Pangkalahatang katangiang sinusunod sa Pagsulat:

1. Layunin- ito ay paghamon sa mga konsepto o katwiran.


2. Tono- may dalawang uri na maaaring gamitin ang personal at ang impersonal.
3. Batayan ng datos- sinusuri ang mga kaalaman at katwiran na siyang nagiging batayan
sa pagpapatibay ng katwiran.
4. Balangkas ng kaisipan- ito ang piniling kaisipan na nais patunayan ng sumulat.
5. Perspektiba- ang pagbibigay ng solusyon sa umiiral na problema ang pokus dito.
6. Target na mambabasa- batayan ng sumusulat kung sino ang kanyang magiging target
audience.
Mga Katangian ng Mahusay na Pagsulat
1. Kaisahan - binibigyang tuon dito na ang bawat pangungu sap ay umiikot sa pangunahing
paksa.
2. Kaugnayan - ipinapahayag nang malinaw at maayos ang mga salotang ginagamit sa
talataan.
3. Diin - dapat na mahalagang nabibigayang tuon ang paksa upang matamo ang kalinawan
at maipaliwanag ang bawat ideya na gustonh bigyan ng kahalagahan.
4. Orihinal - kailanganang ang pagtalakay ay may bakas ng sariling kaangkinan at sariling
paraan ng manunulay.
5. Makatotohanan - ang lahat ng binabanggit sa komposisyon at totoo at mapatototohanan
upanh maging kapani-paniwala ang paksang tinatalakay.
Uri ng Sulation Bionote/Pagpapakilala

1. Liham Aplikasyon - isang mabisang paraan para makakuha ng opurtunidad lara sa


paghahanap ng mapapasukan. Napakahalaga noto sapagkat ito ay naglalaman ng mga
katangiang taglay ng taong nagaaplay.
2. Resumé- tinatawag itong blueprint ng sarili at kadalasan itong kalakip ng liham aplikasyon.

Nilalaman ng Resumé

1. Personal na impormasyon kalakip ang pangalan, tirahan, edad, karanasan, kasarian,


kalagayang sibik, timbang, taas, relihiyon at mga magulang.
2. Edukasyon
3. Karangalang natamo
4. Mga kakayahan o mga dinalihanh seminar
5. Sanggunian ng pagkatao
3. Memorandum- ito ay isang anyong pasulat na maikli upang ipaalam o ipaalala ang isang bagay.
4. Katitikan - ay ang opisyal na tala o pagpupuong ng isang organisasyon, board miting, collective
bargaininh agreement, at annual board miting. Dito makikita ang pormal na paggamit ng wika.
Taglay nito ang oras kung kailan natapos ang pagpupulong.
5. Liham Pangangalakal- layunin nitong maipaabot ang kanyang mga ninanais o mga bagay na
maaari niyang batayan ng kanyang layunin

Mga Katangian:

a. Kalinawan
b. Kabuuan
c. Kaiklian
d. Paggalang

Mga Bahagi ng Liham

a. Pamuhatan
b. Patunguhan
c. Bating panimula
d. Katawan ng liham
e. Bating pangwakas
f. Lagda

ARALIN 1: PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL

Konseptong Papel

 Ito ay tinatawag na "prospectus" panimulang pag-aaral o panukalang pananaliksik.


 Isang dokomentadong pang-akademiya dahil pinag-aaralan ang porma at nilalaman nito.

Bahagi ng Konseptong Papel -(Acopra et.al (2016))

1. Pamagating Pahina- ito ang bahaging nagpapakipala sa pamagat ng konseptong papel.


2. Panimula- Ito ang bahaging nagpapaliwanag sa paksa.

Nakapaloob dito ang mga sumusunod:

a. Pangkalahatang pananaw ng mananaliksik


b. Maaaring makuhang ideya ng magbabasa.
c. Mga basehan upang mapagtibay ang inilahad na ideya ng mananaliksik.
3. Rasyonal- nabibilang dito ang bahaging pinagmulan ng ideya o dahilan kung bakit napili ang
paksa.
4. Layunin- dito ilalatag ang mga katanungang sasagutin sa pag-aaral. Ipinapakita din sa
bahaging ito ang nais matamo ng mananaliksik.
5. Metodolohiya- laman ng bahaging ito ang pamamaraang ginamit sa pagkuha ng datos at kung
saang hanguan kukuha ng mga babasahin o konseptong may kaugnayan sa paksa.
6. Pagtatalakay o Katawan- naglalaman ng mga ideyang nais ibahagi sa mga mambabasa at sa
mga sumusuportang argumento at ebidensyang magpapatibay sa paksa.
 Ang kinalap na impormasyon ay dito isinasaayos at inilalatag lahat
sa pamamagitan ng maayos ng pagbabalangkas ng mga datos.
7. Resulta o Kinalabasan ng pag-aaral- masagot ang tunguhin o layunin inilahad sa pag-aaral.
8. Sanggunian- ang lahat ng ideyang nakapaloob ay malinaw at maayos na naitatala ang lahat ng
pinagkuhanang impormasyon.
 Ang pagsulat nito ay paalpabeto at nasa istilong A.P.A
Halimbawa:

Acopra, Jioffre (2014) “Antas ng Akademikong Perpormans ng Senior High sa Filipino sa Kolehiyo sa
Unibersidad ng Makati, Universitas, nalathalang aksyong Pananaliksik, Unibersidad ng Makati.”

Acopra, Jioffre et.al. (2014) Komunikasyon sa Makabagong Filipino. Mindshaper Co.Inc. Intramuros
Manila.

Bernales et.al. (2003) Batayan at Sanayang Aklat sa Pananaliksik at Pagsulat ng Pamanahong Papel
sa Filipino. Valenzuela City. Mutya Publishing House.

_(2002) Kasanayan sa Komunikasyon at Sulating Pananaliksik. Lungsod ng Quezon:Rex Publishing


House Inc.

A.P.A- mauuna ang Awtor at susundan ito kung kailan inilimbag.

M.L.A- nasa hulihan ang taon kung kailan inilimbag.

Gabay sa Pagbuo ng Konseptong Papel:

1. Magpasya kung ano ng gusto mong gawing proyekto. Isaalang-alang ang iyong kakayahan,
interes karanasan at mga materyales na gagamitin.
2. Isiping mabuti ang paksang pag-aaralan.
3. Magbasa at magtipon ng mga materyal na paghahanguan mo ng mga impormasyon. Tandaan
na ito ang iyong magiging sangunian sa mga kaugnay na literatura
4. Tumingin sa inyong silid-aklatan at humanap ng mga maari pang paghanguan bilang
karagdagan sa mga impormasyon.
5. Sundin ang inilahad na pormat ng konseptong papel.
6. Sumangguni sa iyong guro para sa iba pang katanungan.
Panuntunan sa Pagwawasto ng Konseptong Papel:

1. Nakasusunod sa proseso at pomat ng konseptong papel


2. Nakagagawa ng isang organisadong konseptong papel
3. Nailalahad ng kabuuan ang ideya na may lohikal at analitikal na pagkakabahagi ng kaisipan sa
paksang sasaliksikin.
4. Naipapakita ang kahalagahan ng paksang sasaliksikin gamit ang isang pamamaraang may
mataas na pag-iisip.
5. Naipapaliwanag ang mga tunguhin mula sa nakalap na datos.
6. Malinaw na nailatag ang mga susing salita mula sa impormasyong inilahad.

You might also like