Gawain 3 Talumpati
Gawain 3 Talumpati
Gawain 3 Talumpati
BSED 3-A
Gawain 3 – Talumpati
1. Kasaysayan
2. Kahulugan
Lolita R. Nakpil (Libro ng Gintong Pamana, Wika at Panitikan) – ito ay isang
sangay ng panitikang nagpapahayag ng kaisipan upang basahin o bigkasin sa
harap ng mga taong handing magsipakinig.
Isang sining ng pasalitang pagpapahayag na ang layunin ay makaakit o
makahikayat ng mga nakikinig
Isang maanyong pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita
Isang uri ng akda na tumatalakay sa napapanahong isyu o paksa na ang layunin
ay bigkasin sa harap ng madla na handing making
Isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag tungkol sa isang
mahalagang paksa
3. Sangkap
Kaalaman – nararapat na maghatid ng sapat na kaalaman o impormasyon ang
isang talumpati
Kahandaan – madalas na bunga ng walang kahandaan sa paanalumpati ang
mawala sa kalagitnaan ng pagsasalita, matagal na pagtigil at pangangapa ng mga
salita. Ang kahandaan sa pagtatalumpati ay kahalintulad ng tiwala sa sarili.
Kasanayan – isang mabisang sangkap upang maipakita ang kaalaman at
kahandaan ng isang mananalumpati.
4. Mga Bahagi at Elemento ng Talumpati
Pambungad o Introduksyon – layunin nito na kunin ang atensyon ng mga
tagapakinig at ipakilala ang nilalaman ng mensahe. Ito ang nagsisilbing
paghahanda sa mga tagapakinig sa talumpating ibabahagi.
Pangunahing Ideya – pagbibigay ng malinaw na direksyon ng talumpati.
Ipinakikita nito ang paninindigan ng tagapagsalita kaugnay sa paksa.
Katawan o Paglalahad – paglalahad ng isyu at pagpapahayag ng diwa sa paksang
tinatalakay. Kinapapalooban ito ng mga pangunahing puntos ng talumpati.
Paninindigan – bahaging ipinahahayag ang katwiran hinggil sa isyu.
Konklusyon – paglalahad ng lagom sa mensahe o pagganyak sa mga tagapakinig
na gumawa ng aksyon
5. Uri ng Talumpati Ayon sa Pamamaraan (3)
Dagli – hindi pinaghandaan
Maluwag – may maikling panahon na ibinigay sa mananalumpati upang pag-
isipan ang sasabihin. Hindi isinulat at hindi isinaulo ang mga sasabihin.
Pinaghandaan – isinulat, binabasa o isinasaulo ang talumpati at may sapat na
pag-aaral sa paksa.
6. Uri ng Talumpati Ayon sa Gamit (6)
Talumpating Pampalibang – kadalasang binibigkas pagkatapos ng isang salu-
salo. Nagpapatawa ang nagtatalumpati sa pamamagitan ng anektoda o maikling
kwento.
Talumpating Nagpapakilala – tinatawag din itong panimulang talumpati.
Klaraniwan itong maikli lalo na kung ang ipinakikilala ay kilala a o may pangalan
na. layunin nito ay ihanda ang tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa
kahusayan ng tagapagsalita.
Talumpating Pangkabatiran – ginagamit sa mga kumbensyon, panayam, at
pagtitipong pansyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa.
Talumpating Nagpaparangal – ito ay inihahanda upang bigyang parangal ang
isang tao o di kaya ay magbigay-puri sa mga kabutihang nagawa.
7. Paghahanda sa Talumpati
Pagpili at Paglilimita ng Paksa
a. Dapat batid at may kaalaman sa paksa
b. Kawili-wili at napapanahon ang paksa
c. Limitahan ang paksa ayon sa itinakdang oras
Pagtitiyak sa Layunin – ito ay naayon o naglalayong:
a. Magbigay ng impormasyon na maaaring isagawa sa pamamagitan ng
pagbibigay ng depinisyon, paglalarawan, pagpapaliwanag at pagsasalaysay o
pagsusuri
b. Manghikayat o mang-impluwensiya sa kaisipan ng tagapakinig
c. Pagbibigay inspirasyon
d. Magbigay aliw sa mga tagapakinig
8. Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas ng Talumpati
Tikas at Tindig – alalahanin na ang unang kumukuha ng pansin ng madla ay ang
tikas at tindig
Galaw at Kilos – gawing natural at maluwag ang bawat kilos. Nakatutulong ito sa
pagbibigay diin sa mahahalagang bahagi ng paksa gayundin sa pag-iisip.
Kumpas – hindi magandang tignan sa isang mananalumpati ang madalas na
pagkumpas na wala namang ipinahihiwatig. Hindi dapat sabayan ng buka ng
bibig ang kumpas. Ang pagkumpas ay dapat may kahulugan.
9. Mga Dapat Tandaan sa Pagkumpas
Dapat galing sa kalooban ang natural na pagkumpas
Dapat na ibagay sa mga salitang binibigkas ang pagkumpas
Iwasan na nagkaroon ng anggulo ang pagtaas ng bisig
Ang pagkukumpas ay nagsisimula sa balikat at nagtatapos sa dulo ng daliri.
Hindi dapat gumamit ng napakaraming kumpoas o kaya wala ni isa man.
Ang pagsusulpot-sulpot ng napakaraming kumpas ay nakababawas ng diin.
Hindi dapat isinasagawa ang pagkumpas na parang nagwawalis
Kapag nauuna ang kanang paa sa pagtayo, ang kanang kamay ang gagamitin sa
pagkumpas kapag kaliwang paa, kaliwang kamay ang gagamitin sa pagkumpas at
kapag dalawang kamay ang gagamitin ay dapat pantay ang pagkakatayo ng mga
paa.
10. Mga Uri ng Kumpas
Palad na itinaas habang naglalakad – nagpapahiwatig ng dakilang damdamin
Nakataob na palad at biglang ibinaba – nagpapahayag ng marahas na
damdamin
Palad na bukas at marahang ibinababa – nagpapahiwatig ng kaisipan o
damdamin
Kumpas na pasuntok o kuyom ng palad – nagpapahayag ng pagkapoot o galit at
pakikipaglaban
Paturong Kumpas – nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at panghamak
Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting itinitikom –
nagpapahiwatig ng matimping damdamin
Ang palad ay bukas paharap sa nagsasalita – pagtawag ng pansin sa alinang
bahagi ng katawan ng nagsasalita
Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad – nagpapahiwatig ng pagtanggi,
pagkabahala at takot
Kumpas na pahawi o pasaklaw – nagpapahayag ng pagsaklaw sa isang diwa, tao
o pook
Marahang pagbaba ng dalawang kamay – nagpapahiwatig ng kabiguan o
kawalan ng lakas
11. Tinig
Kailangang malinaw, masigla at parang nakikipag-usap lamang.