Makrong Kasanayan Sa Pagsasalita
Makrong Kasanayan Sa Pagsasalita
Makrong Kasanayan Sa Pagsasalita
Pagsasalita
— ito ay ang pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa pamamagitan ng verbal na paraan na
ginagamit ang wika na may wastong tunog, tamang gramatika, upang malinawan na maipaliwanag ang
damdamin at kaisipan.
Kahalagahan ng Paglinang ng Kasanayan sa Mabisang Pagsasalita
— ang isang taong epektibo na magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na madaling
nakakakuha ng respeto ng ibang tao.
ABRAHAM LINCOLN
Tanyag at nag-iwan ng hindi na mabuburang bahagi sa kasaysayan hindi lamang sa Amerika kundi
maging sa buong mundo.
Hindi mataas ang pinag-aralan sapagkat wala siyang pormal na edukasyon at siya’y mahirap na
mamamayan lamang.
Ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay sa kanyang determinasyon na linangin at paunlarin ang kanyang
kakayahang magsalita sa harap ng publiko.
Dahil sa kakulangan ng “speech schools”, matamang inobserbahan at pinakinggan ni Lincoln ang paraan
ng pagsasalita ng ibang tao kahit noong bata pa lamang siya.
Hanggang sa kasalukuyan, ipinapalagay na ang kanyang Gettysburg Address at ikalawang Inaugural
Speech ay ilan sa natatanging pinakamahusay na talumpati sa buong kasaysayan ng daigdig.
FRANKLIN DELANO ROOSEVELT
Nanatali sa White House nang apat na sunud-sunod na termino mula 1923-1945.
Nilinang niya ang kanyang kakayahan sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng matamang
atensyon sa mga malalayang simulain ng pagsasalita.
Halos lahat ng kanyang talumpati sa radyo ay praktisado ng lubusan.
Maging ang kanyang mga kalaban sa pulitika ay umaming ang kanyang sunud-sunod na tagumpay ay
nakaugat sa kanyang impluwensya sa kanyang tagapakinig.
JOHN F. KENNEDY
Isa sa mga susi ng kanyang tagumpay ay ang husay na ipinakita niya sa serye ng mga debateng ipinalabas
ng mga programang pantelebisyon.
Dahil sa Kanyang epektib na pagsasalita, tinalo niya si Nixon sa nasabing halalalan.
DEMOSTHENES
Kilalang dakilang orador.
Pautal magsalita ngunit tinuruan niya ang kanyang sarili magsalita nang tuluy-tuloy at tuwid sa
pamamagitan ng pagtatalumpati sa harap ng hampas ng alon sa dalampasigan.
Madalas na nagsusubo siya ng maliit na bato upang maituwid lamang ang kanyang pananalita.
• Kasanayan sa Pagsasalita
> Mga Kasanayang Di- Pormal
>Mga Pormal na Kasanayan
Kasanayang Di-Pormal
a. Pakikipagusap
b. Pagpapakilala sa sarili sa ibang tao
c. Pakikipag-usap sa telepono
d. Pagbibigay ng reaksyon at panuto
e. Pagbibigay Komento
A. Pakikipag-usap
•Nagkakaroon ng palitan ng kaisipan, damdamin at pagpapalagayan ng loob ang mga taong sangkot sa
usapan.
•Makatutulong upang magkaroon ng kakayahang umunawa, bumuo ng mga palagay o hinuha sa
kahulugan ng kilos ng kausap
B. Pagpapakilala sa sarili sa ibang tao
•Pagpapakilala sa isang taong upang makapagpalagayang loob
C. Pakikipag-usap sa telepono
•Nagkakaroon ng palitan ng impormasyon at karanasan gamit ang telepono
D. Pagbibigay ng reaksyon at panuto
•Isang paraang malinaw, simple,tiyak at madaling maunawaan
•Nakatutulong ang mga senyas,oras,mapa,pananda at larawanupang maisagawa nang wasto at tama ang
isang bagay
•Napadadali at napagagaan ang isang gawain kapag marunong tayong sumunod sa panuto at direksyon
E. Pagbibigay komento
•Impormal na kasanayan sa pagsasalita
•Kadalasang nangyayari ito pagkatapos manuod ng pelikula o di kaya ay pagkatapos makinig ng isang
talakayan,seminar,lecture,forum at iba pa.
Pormal na Kasanayan
a. Masining na pagkukuwento
b. Pakikipagpanayam
c. Pangkatang Talakayan
d. Balagtasan
e. Pagtatalumpati
A. Masining na pagkukuwento
• Pagkukuwento sa malikhaing paraan
B. Pakikipagpanayam
• o pangagalugad ng isang impormasyon ay isang paraan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran ng
harap harapan
• URI
1. Isahan o Indibidwal na pakikipagpanayam
2. Pangkatang pakikipagpanayam
3. Tiyakan at Di-Tiyakang Pakikipagpanayam
4. Masaklaw na Pakikipagpanayam
C. Pangkatang Talakayan
• Kinabibilangan ng maliit na pangkat ng tao upang sama-samang lutasin ang napapanahong suliranin o
usapin
• Nagpapalitan ng mga opinyon o kuro-kuro tungkol sa paksang pinag-uusapan
D. Balagtasan o Batituan
• uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa
E. Pagtatalumpati
•Maituturing na isang uri ng sining
•Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang
kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay.
Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita
A. Kaalaman
•Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita - You cannot say what you do not know.
•Kailangan alam mo ang paksa sa isang usapan.
•Hindi mo malilinlang ang iyong tagapakinig.
•Kailangang may sapat kang kaalaman sa gramatika.
•May sapat na kaalaman sa kultura, at maging sa kultura ng iyong kausap.
B. Kasanayan
•Kailangan may sapat na kasanayan sa pag- iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon.
•Kailangan may sapat na kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita.
•Kailangan may sapat na kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre.
C. Tiwala sa sarili
•Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo.
•Sino nga naman ang magtitiwala sa isang taong walang tiwala sa kanyang sarili mismo.
Kasangkapan sa Pagsasalita
a. Tinig
b. Bigkas
c. Tindig
d. Kumpas
e. Kilos
A. Tinig
•Pinaka mahalagang puhunan sa isang nagsasalita.
•Kinakailangang ito ay mapanghikayat at nakakaakit talagang pakinggan.
•May mga sitwasyon na hindi nangangailangan ng malakas na tinig.
•Ano mang lakas o hina ng tinig, dapat ito ay angkop sa partikular na sitwasyon at sa damdaming nais na
ipahiwatig ng isang nagsasalita.
B. Bigkas
•Kailangan malinaw ang pagbigkas ng mga salita
•Ang maling pagbigkas ay maaaring magdulot ng maling interpretastyon para sa mga tagapakinig.
•Maaari din maging katawa tawa ang salita kung mali ang pagbibigkas dito.
C. Tindig o Postura
•Dapat tumindig nang maginhawa at maluwag ang nagsasalita. Maging anyong kagalang-galang at
maginoo. Tuwid ang katawan at ulo sa pag lakad
•Hindi magiging kapani paniwala ang isang mambibigkas kung siya’y parang nanghihina o kung siya’y
mukhang sakitin.
•Kailangan din niyang maging kalugud-lugod sa kanilang paningin upang siya’y maging higit na
mapanghikayat.
D. Kumpas
•Kung walang kumpas ang nagsasalita ay magmumukhang tood o robot. •Ngunit ang pagkumpas ay
kinakailangan maging angkop sa diwa o salitang binabanggit.
•Tandaan na ang bawat kumpas ay may kalakip ding kahulugan. Kung gayon ang kahulugan ng kumpas
ay tumutugma sa kahulugan ng nagsasalitang binibigkas kasabay ng kumpas.
•Tandaan na kailangang maging natural ang kumpas.
•Kailangan iwasan ang pagiging mekanikal ng mga ito.
•Hindi rin maganda tignan ang labis nito.
E. Galaw o Kilos
•Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaaring gumalaw.
•Mga mata, balikat, paa, at ulo. Ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang
nagsasalita.
•Ang labis na paggalaw ay maaring makahilo o makagulo sa kausap
•Samantala, ang mabisang pagpapanatili ng pakikipagugnayan sa tagapakinig sa pamamagitan ng
panuunan ng paningin ay maaaring makatulong sa kanya.