Saloobin Sa Dynamic Learning Program

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Saloobin sa Dynamic Learning Program (DLP) ng mga Mag-aaral

sa Ikalawang Taon ng Aklan Catholic College High School


Perception Towards Dynamic Learning Program (DLP)
of Second Year High School Students of ACC

Merie Cris I. Ramos

Nilalayon ng deskriptibong pag-aaral na ito na matukoy ang saloobin


sa Dynamic Learning Program ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng Aklan
Catholic College, taong panuruan 2013-2014.
Bilang pagtitiyak, sinagot ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang Saloobin sa Dynamic Learning Pogram ng mga magaaral sa ikalawang taon sa kabuuan at ng silay pinangkat ayon
sa antas sa sekondarya at kahantaran sa makabagong paraan ng
pagtuturo?
2. Mayroon bang makabuluhang pag unlad sa pagkatuto ang mga
mga mag-aaral sa Dynamic Learning Program ng silay pinangkat
ayon sa:
a. paaralang pinagmulan (private o public), at
b. kahantaran sa makabagong paraan ng pagtuturo?
3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa saloobin sa
Dynamic Learning Program ang mga mag-aaral sa ikalawang
taon ng silay pinangkat ayon sa:
a. paaralang pinagmulan (private o public), at

b. kahantaran sa makabagong paraan ng pagtuturo?

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay 144 na mag-aaral sa


ikalawang taon ng Aklan Catholic College High School, taong panuruan
2013-2014. Sila ay pinangkat ayon sa paaralang pinagmulan (private o
public) at kahantaran sa makabagong paraan ng pagtuturo.
Sa pagtitipon ng mga datos, ginamit ng mananaliksik ang mga
sumusunod na instrumento: talatanungan para sa pagtukoy sa
saloobin ng mga mag-aaral sa Dynamic Learning Program at pagsukat
sa kahantaran ng mga mag-aaral sa makabagong paraan ng pagtuturo.
Para sa pang-istadikang pagsusuri sa mga datos, ang ginamit na
palarawang istadistika ay frequency, mean at standard deviation,
samantalang sa imperensyal na datos, ginamit ang T-test. Ang antas
na kabuuan ay itinakda sa lebel na 0.5.
Batay sa pagsusuri ng mga datos, ang mga sumusunod ang
kinalabasan ng pag-araal:
1. Ang saloobin sa Dynamic Learning Program ng mga mag-aaral sa
ikalawang taon ng Aklan Catholic College High School ng sila ay
pinangkat ayon sa paaralang pinagmualan (private o public); ang
mga mag-aaral na nagmula sa private school ay nagpakita ng
negatibong saloobin sa DLP na may katampatang tuos na
M=2.499 samantalang ang mga mag-aaral na nagmula public

school ay nagpakita ng positibong saloobin tungkol dito sa


katampatang M=2.64. Ang natamong Standard Deviation (SD) na
sumasaklaw sa 12.13 ay nagpapakita ng malapit na dispersion
ng mga saloobin ng mga tagtugon sa talatanungan.
Ang kinalabasan ng pananaliksik na ito ay sinuportahan ng pag-aaral ni
Carpio-Bernido at Bernido (2004) Ipinapakita ang mahahalagang tampok ng
DLP bilang isang magkaiba at target na-oriented na programa para sa
mabisang pag-aaral sa ilalim ng maraming mga hadlang sa sosyo-ekonomik
at pangkultura. Ang programang ito ay magpapatibay sa pananaw ng higit
pa sa kaalamang kung ano ang matutunan ng mga mag-aaral at kung paano
talaga sila matututo ,sa paglipas ng kung ano ang maituturo at kung paano
ito maituturo.

2. Sa kabuuan, malaki ang naibigay na pagunlad sa pagkatuto


gamit Dynamic Learning Program sa mga mag-aaral mula sa
public school at may maliit na pag-unlad sa pagkatutong
naibigay sa mga mag-aaral mula private school. Nagpapakita
ang resulta na bagamat pinangkat ang mga tagatugon sa
dalawang grupo ay may malaking naiambag ang DLP sa proseso
ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
3. Walang makabuluhang pagkakaiba sa saloobin sa Dynamic
Learning Program ang mga mag-aaral sa ikalawang taon nang

silay pinangkat sa paaralang pinangmulan (Private o Public) at


kahantaran sa makabagong paraan ng pagtuturo. Nagpapakita
na maluwag ang pagtanggap ng mga mag-aaral sa makabagong
approach ng Aklan catholic College sa ikabubuti ng pagkatuto at
proseso ng pagtuturo.
Pinapakita ng resulta ng pag-aaral na walang makabuluhang pag-unlad sa
pagkatuto na naibigay ang Dynamic Learning Program sa mga mag-aaral
mula sa private. Ito ay sinuportahan ng isang blog jroxas1179 na ang mga
mag-aaral ay may ibat ibang paraan o kagustuhan sa pagkatuto, upang
magsilbing pangangailangan sa pagkatuto ay kailangang ang iba pang mga
kasanayan sa pagkatuto ay maisaalang-alang. Ang pagsasalita at panonood
na kasanayang kahantaran ay lumiit at ang mga kasanayang itoy tumawag
para sa pang-asal. ang kabalisahan ng mga mag-aaral ay madadagdagan
dahil pakiramdam nila ang pangangailangan na kumilos at magsalita. Ang
mga mag-aaral ay natututo depende sa paraan at estilo ng pagtuturo o
pagkatuto. Ang mga mag-aaral ay mas natututo gamit ang kanilang ibat
ibang kasanayan (Schank et al., 1999). Dahil sa paraan ng pagtuturong ito
ang Multiple Intelligences ay nakakalimutan. Maraming mga paraan upang
ipahayag ang sarili, at marahil higit na mas maraming mga paraan upang
magkaroon ng kaalaman at maunawaan ang mundo. Ang mga indibidwal ay
may kakayahan, ang teorya ng Multiple Intelligence ay tagapagtaguyod ng
malalim na pag-unawa at kahasaan sa pinaka malalim na lugar ng karanasan
ng tao, ang teoryang ito ay nagpapahayag ng bawat kultura na may

ginagampanang mahalagang papel sa pagtukoy ng mga kalakasan at


kahinaan ng bawat isang intelligences.Napatunayan ng mga kritiko na ang
katalinuhan ay nasisiwalat kapag ang isang indibidwal ay naharap sa hindi
pamilyar ng gawain sa isang hindi pamilyar na kapaligiran. (Gardner, 1983)
Kapag nagturo ka "magturo sa pang-unawa," ang iyong mga mag-aaral ay
makaipon ng positibong mga karanasan pang-edukasyon at ang kakayahan
para sa paglikha ng mga solusyon sa mga problema sa buhay.
(Gardner,1983).

Kongklusyon
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod na
kongklusyon ay nabuo:
Ang mga mag-aaral sa ikalawang taon ay may positibong saloobin sa
Dynamic Learning Program sa kabuuan. Ang mga mag-aaral na nagtapos sa
private school ay may negatibong saloobin ngunit hindi rin nagkakalayo ang
resulta sa kabuuan. Nakaka-adjust sila sa panibagong paraan ng pagtuturo
sa loob ng klase.
Mahihinuha na ang paggiging hantad nila sa makabagong paraan ng
pagtuturo ang naging daan upang tanggapin at yakapin ang bagong paraan
ng pagtuturo na ipinatupad. Ang pagbago-bago ng dulog o metodo ng guro

sa loob ng klase ay naging aspekto upang mabilis na makapag-adjust ang


mga mag-aaral sa mga panibagong nangyayari sa kapaligiran. Ang paggamit
rin ng mga makabagong mga materyales sa pagkatuto kasama na ang
paggamit ng teknolohiya ay naggiging malawak ang kaalaman at pagunawa
ng mga mag-aaral sa dynamikong panahon.
Ang paaralang pinagmulan ng mga mag-aaral ay naging aspeto rin sa
pagbibigay ng saloobin dahil ang bawat mag-aaral ay may kanya-kanyang
pinagmulang paaralan maaring mula sa public school o private school at
bawat paaralan ay may kanya-kanya ring mga paraan o dulog na ginagamit
sa mabisang pagkatuto. Tulad ng mga mag-aaral mula private school na may
negatibong resulta sa saloobin sa Dynamic Learning Program maaring naging
aspekto ang kanilang paaralang pinagmulan dahil maaring ang mga paraan
o dulog na ginagamit ng mga paaralang pinagmulan nila ay may malayong
distansiya sa bagong paraan ngayon. Kung noon ay ang dulog na ginagamit
ay Teacher-centered at ito ay nakasanayang paraan ng mga mag-aaral sa
kanilang pagkatuto at ngayon sa ilalaim ng Dynamic Learning Program ay
isang Student-centered ang pagkatuto kaya maaring naninibago o nagaadjust palang ang mga mag-aaral dala ng pagbabagong ito.

Rekomendasyon

Ang resulta ng pag-aaral ay nagpakita na ang mga mag-aaral sa


ikalawang taon ay may positibong saloobing sumasang-ayon sa bagong
paraan ng pagtuturo ang Dynamic Learning Program.
Itinatagubilin sa pamunuan ng Aklan Catholic College High School
Department na ipagpatuloy ang bagong paraan ng pagtuturo ang Dynamic
Learning Program at paunalarin pa lalo ang paraan ng pagtuturo kung saan
ay mapapalawak at mapapaunlad ang kasanayan, kakayahan at pang-unawa
sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Magsagawa rin ng ebalwasyon na patungkol
sa mga metodo o dulog na ginaganamit ng guro sa pagtalakay pati na rin
ang gawi at mga nangyayari sa loob ng klase na nakakaapekto sa pagkatuto
na pasasagutan sa mga mag-aaral. Ito ay magsisilbing batayan ng mga guro
upang malaman ang mga kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral
pagdating sa pagkatuto at para matugunan ang kanilang pangangailanagan
sa mas mabisang pagkatuto.
Itinatagubilin sa mga magulang na bigyan pansin ang mga kahinaan
ng mga anak sa pagkatuto. Makipag ugnayan din sa pamunuan ng paaralan
o sa mga guro sa mga bagong nagaganap sa loob ng paaralan o klase,
dumalo sa mga pagpupulong na pinapatupad ng paaralan upang magkaroon
ng kaalaman sa mga bagong nangyayari o mga bagong sisitema sa loob ng
paaralan para rin mas magabayan lalo ang inyong mga anak sa kanilang
pagkatuto.
Itinatagubilin sa mga mag-aaral ng Aklan Catholic College High School
na unawain ang implementasyon ng Dynamic Learning Program sa ating

paaralan, at mas lalong pagbutihin ang pag-aaral at i-appreciate ang mga


kabutihang dulot ng bagong sistemang ito. Ang pagbabagong ito ay
ginawa ng ating paaralan dahil sa paniniwalang mas mapapaganda nito
ang kalidad ng edukasyong ating matatanggap at higit sa lahat hindi
naman maiiwasan ang mga pagbabago lalo na kung gusto nating maging
mas maunlad sa buhay.
Itinatagubilin sa mga susunod pang mananaliksik na naglalayong
magsagawa ng katulad ng pag-aaral sa papel ng ginagampanan ng
Dynamic Learning Program sa pagtuturo at sa pagkatuto ng mga magaaral na dapat ding pag-aralan ang saloobin ng mga guro sa Dynamic
Learning Program.

You might also like