2 Kabanata 1 5 2

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 140

1

Kabanata 1
INTRODUKSIYON
Kaligiran ng Pag- aaral
Ayon sa DepEd order No. 31, s, 2012, Implementation of K to 12

Basic Education Curriculum, para sa mas lalong ikauunlad ng edukasyon

sa ating bansa, ang mga paaralan ay hinahamon na ipatupad ang mga

alituntunin sa masining at makabagong pamamaraan at estilo ng

pagtuturo na angkop sa binagong kurikulum at henerasyon.

Ang epektibong estilo sa pagtuturo ay ang basehan sa epektibong

pagkatuto ng mga mag- aaral at pag- unlad ng kanilang performans

ngunit hindi lahat ng guro ay may kakayahan patungkol sa paggamit ng

iba’t ibang estilo sa pagtuturo. Ayon kay Dee Frank (2015), ang mga

mag- aaral ay walang kamalayan sa kanilang responsibilidad sa pag-

aaral. Ang aktibong pag- aaral ay nakatuon sa pagtulong sa mga mag-

aaral na makisangkot at mapaunlad ang kanilang akademikong

performans subalit hindi lahat ng mga paaralan ay may kakayahang

makamit ito; ang iba ay hindi angkop ang estilong idinudulog ng guro sa

nilalaman ng paksa.

Lumalabas na mula taong 2018-2019, 15% ang ibinaba ng

akademikong performans ng mga mag- aaral ng Colonia Divina

Integrated School (CDIS), ito ay batay sa naging resulta ng National

Achievement Test (NAT) na ibinigay sa ika-7 at ika-11 na mga mag- aaral

ng CDIS. Ito’y nanganghulugan na kinakailangan ang angkop ng estilo


2

ng pagtuturo upang mapaigting ang akademikong performans ng mga

mag- aaral.

Ang akademikong performans ay hindi basta- bastang matatamo

sa simpleng pagpasok sa paaralan at pakikipag- ugnayan ng mga mag-

aaral sa kapwa nila. Ang ang mga mag- aaral ay hindi natuto nang lubos

sa pamamagitan ng pag- upo at pakikinig lamang sa mga guro,

pagsasaulo ng impormasyon, at pagsagot sa katanungan. Dapat din

nilang pag- usapan ang kanilang natutuhan, isulat ang tungkol dito,

iugnay sa sariling karanasan, ilapat sa kanilang pang- araw- araw na

pamumuhay at dapat din nilang tanggapin ang kanilang natutuhan

bilang bahagi ng kanilang sarili. Ito ang maaaring mga positibong epekto

ng angkop na paggamit ng estilo sa pagtuturo, (Villarin, 2015).

Mahalagang paglaanan ng panahon na matukoy ang mga angkop

na estilo ng pagtuturo ng mga guro na siyang magsisilbing puwersa sa

aktibong pag- aaral sapagkat ito ang sukatan sa aktibong motibasyon ng

bawat mag- aaral. Dapat akma ang estilong gagamitin sa pagtuturo

upang mas lalong maintindihan ng mga mag- aaral ang isang paksang

tatalakayin.

Ang mananaliksik bilang guro sa Filipino sa kasalukuyan ay

nahaharap sa napakaraming suliranin sa pagtuturo, isa sa mga ito ay

ang kawalan ng interes ng mga mag- aaral sa pagbabasa ng mga akdang

pampanitikan. Ang masaklap pa, hindi lahat ay mulat sa mga


3

pagbabagong nagaganap sa kapaligiran lalo na sa larangan ng pagtuturo

at paggamit ng angkop na estilo. Lahat ng ito ay nagbubunga ng

kawalan ng gana ng mga mag- aaral na makinig at makisangkot sa

talakayan na naging dahilan ng pagbaba ng kanilang performans lalo na

sa akademiko. Isa sa kahalagahan ng pag- aaral na ito ay upang

mabigyan ng atensyon, malalim na pag- unawa, masusing pag- iisip at

malapatan nang angkop na estilo ang pagtuturo na magsisilbing tulay sa

pag- unawa nang lubos ng mga mag- aaral sa araling nais ibahagi.
4

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang antas ng estilo

ng pagtuturo ng mga guro kaugnay sa akademikong performans ng mga

mag- aaral ng Junior High School at Senior High School ng Colonia

Divina Integrated School (CDIS) sa akademikong taon 2019-2020.

Kaugnay nito, layunin ng pag- aaral na sagutin ang mga

sumusunod na ispesipikong katanungan.

1. Ano ang propayl ng mga guro ng Colonia Divina Integrated

School ayon sa mga sumusunod na mga baryabol:

a. Edad

b. Kasarian

c. Pinakamataas na antas ng Pinag- aralan

d. Kabuuang kita ng pamilya

2. Ano ang antas ng pagtuturo ng mga guro ng Junior High School

at Senior High School ng Colonia Divina Integrated School ayon sa mga

sumusunod na estilo:

a. Demokratiko;

b. Awtoritarisado;

c. Laissez Faire;

d. Indifferent?
5

3. Ano ang antas ng estilo ng pagtuturo ng mga guro ng Colonia

Divina Integrated School kung papakangkatin ayon sa binanggit na mga

baryabol.

4. Ano ang antas ng akademikong performans ng mga mag- aaral

ng Colonia Divina Integrated School.

5. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng estilo ng

pagtuturo ng mga guro kung pagpapangkatin at paghahambingin ayon

sa binanggit na mga baryabol?

6. Mayroon bang kaugnayan sa antas ng estilo ng pagtuturo ng

mga guro at akademikong performans ng mga mag- aaral.

Hipotesis

Para mabigyan ng kaukulang tugon ang mga layunin sa pag- aaral

na ito, ang mananaliksik ay nakabuo ng mga sumusunod na hipotesis.

1. Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng estilo ng

pagtuturo ang mga guro kung papangkatin at paghahambingin ayon sa

binanggit na baryabol.

2. Walang makabuluhang kaugnayan sa antas ng estilo ng

pagtuturo ng mga guro at akademikong performans ng mga mag- aaral.

Mga Palagay sa Pag-aaral.

1. Ang antas ng estilo ng pagtuturo ng mga guro ay may iba’t ibang

antas.
6

2. Ang akademikong performans ng mga mag- aaral ay may iba’t

ibang antas.

3. Ang estilo ng pagtuturo ng mga guro ay may kaugnayan sa

akademikong performans ng mga mag- aaral.

Mga Baryabol, Indekeytor at Kategorya sa Pag- aaral

Baryabol Indikasyon Kategorya

Edad Ang haba o tagal na Mas Bata- (pababa sa


nabubuhay ang 37 taong gulang)
tagatugon
Mas Matanda- (37
taong gulang at
pataas)

Kasarian Kinabibilangan ng mga Babae


respondente sa
Lalaki
larangang biyolohikal

Pinakamataas na Ang pinakamataas na Mababa (nagtapos ng


Antas ng Pinag- aralan edukasyong natamo ng kolehiyo)
mga respondent
Mataas (nagtapos ng
master’s degree)

Kabuuang Kita ng Kabuuang kita ng Mababa (pababa sa


Pamilya pamilya ng mga 24,000)
tagatugon
Mataas (24,000
pataas)
7

Teoritikal na Balangkas

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng teorya at konseptwal na

angkop sa paksa bilang gabay at pundasyon ng pag- aaral na ito.

Ang pananaliksik ay nakabatay sa teoryang Behaviorism. Ito ay

naiuugnay sa sikat na psychologist at behaviorist na si B.F Skinner

(1968). Ayon kay Skinner, kailangang “alagaan” ang intelektwal na

kakayahan ng isang indibidwal sa pamamagitan ng pagganyak,

pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi ng

mga mag- aaral. May paniniwala rin siya na maaaring maisagawa ng

mga bata ang anumang gawain kung tuturuan at bibigyan sila ng

tamang direksyon.

Ipinapahayag ng teoryang behaviorist na ang mga bata ay

ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos o

gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanilang

kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapapayaman

at mapa-uunlad sa tulong ng mga angkop na estilo sa pagtuturo na

magpapatibay nito. Ito ay nagbibigay sa mga guro ng set ng mga

simulain, ideya at pamamaraang magpapadali sa isasagawang

pagtuturo.

May kaugnayan ang teoryang ito sa kasalukuyang pag- aaral

sapagkat ang pagkontrol ng kapaligiran ng mag- aaral ay nakatuon sa

guro. Isa sa mga estilo na isinasagawa ng guro sa pagtuturo ay ang pag-


8

uulit o dril, paggamit ng target na wika, pagbibigay ng gantimpala sa

bawat tamang sagot at kagyat na pagwawasto sa kamalian ng bata. Ang

angkop na estilong gagamitin ng guro tulad ng pagbibigay puri sa bawat

tama o partisipasyon ng mag- aaral (magaling, tama ang sagot mo,

kahanga- hanga ka, sige, ipagpatuloy mo) ay maaaring magbibigay ng

motibasyon sa mag- aaral upang makinig at pagtibayin ang kanilang

adhikain na mapaunlad ang kanilang sarili lalo na ang kanilang

akademikong performans.

Ang pagtuturo ay isang gawaing masalimuot at maraming anyo.

Ang isang listahan ng mga pamamaraan sa pagtuturo ay

kinapapalooban ng maraming ideya. Halimbawa kung paano hihikayatin

ang mag- aaral na makisangkot sa talakayan. Ang pamamaraan,

kasanayan, estilo at pagkontrol sa iba- ibang ugali ng mag- aaral ay

lubhang mahalaga sa pagtuturo. Sa pagpili ng angkop na estilo

mahalaga ring tandaan na ang guro ay tagapangalaga sa pagpapa-unlad

ng intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak, pagbibigay- sigla at

pagapapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi ng mga mag- aaral.

Konseptwal na Balangkas

Makikita sa Pigura 1 ang konseptwal na batayan ng pananaliksik

na ito; Masisilayan ang linyang nagpapahiwatig ng makabuluhang

ugnayan sa pagitan ng malayang baryabol at di- malayang baryabol.

Masasabing ang pukos ng pag- aaral na ito ay alamin ang malakas na


9

ugnayan ng bawat isa, ang mga estilo ng pagtuturo ng mga guro na may

apat na uri, Demokratiko, Awtoritarisado, Laissez Faire, Indifferent na

Estilo at ang akademikong performans ng mga mag- aaral.

Isinaalang- alang ng pag- aaral na ito ang estilo ng pagtuturo ng

mga guro kaugnay sa akademikong performans ng mga mag- aaral ng

Colonia Divina Integrated School sa taong panuruan 2019-2020. Ang

natamong marka ng pagganap ng mga guro ay kinlasipika sa Lubhang

mataas na antas, Mataas na antas, Katamtamang antas, Mababang

antas at Lubhang mababang antas.

Samakatuwid, ang nakuhang marka sa paunang pagsubok at

panghuling pagsubok ay isinasaalang- alang upang malaman ang

kaugnayan ng estilo ng pagtuturo ng mga guro sa akademikong

performans ng mag- aaral. Ang natamong marka ng pagganap ng mga

mag- aaral ay kinlasipika sa Outstanding (may markang mula 90-100),

Very Satisfactory (may markang mula 85- 89), Satisfactory (may

markang mula 80-84), Fairly Satisfactory (may markang mula 75-79),

Did Not Meet Expectations (may markang mababa sa 75).


10

Malayang Baryabol Di- Malayang Baryabol


Estilo ng pagtuturo ng Akademikong Performans
mga guro. ng mga mag- aaral sa
Junior at Senior High
Demokratikong Estilo ng School
Pagtuturo
Outstanding
Awtoritarisadong Estilo ng (90-100)
Pagtuturo
Very Satisfactory
Laissez Faire na Estilo ng (85-89)
Pagtuturo
Satisfactory
Indifferent na Estilo ng (80-84)
Pagtuturo
Fairly Satisfactory
(75-79)
Lubhang Mataaaas
Did Not Meet Expectations
Mataas (74 pababa)

Katamtamang

Mababa

Lubhang Mababa

Pigura 1.

Skematikong Dayagram sa Paglalahad ng Pagkakaugnay ng Antas

ng Estilo ng Pagtuturo at mga Baryabol


11

Saklaw ng Pag- aaral

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa antas ng mga estilo ng

pagtuturo ng mga guro: ang Demokratikong Estilo ng Pagtuturo,

Awtoritarisadong Estilo ng Pagtuturo, Laissez Fair na Estilo ng

Pagtuturo, Indifferent na Estilo ng Pagtuturo at ang kaugnayan nito sa

akademikong performans ng mga mag- aaral ng Junior High School at

Senior High School ng Colonia Divina Integrated School.

Ang mga talatanungan ay nahahati sa dalawa, ang una ay tungkol

sa personal na impormasyon ng guro at ang ikalawa ay binubuo ng

apatnapung (40) tanong para sa apat na uri ng estilo ng pagtuturo. Ito ay

sasagutan ng mga guro ng Colonia Divina Integrated School,

dalawampu’t apat (24) mula sa dapartamento ng Junior High School

(JHS) at labinlima (15) na mula sa departamento ng Senior High School

(SHS).

Upang masubok ang kahusayan ng mga instrumentong ginamit sa

pag- aaral humingi ang mananaliksik ng gabay sa mga tagapayo na

dalubhasa sa Asignaturang Filipino gamit ang krayterya nina Carter at

Good Douglas Scates. Isinagawa naman ang drayran ng talatanungan sa

mga guro ng Bato National High School- Baviera Extension sa lungsod

ng Sagay City.

Ang anim na layunin ng pag- aaral na ito ay ginamitan ng tatlong

skemang analitikal. Para sa una hanggang ikaapat na layunin ginamitan


12

ito ng deskriptib na skema. Sa ikalimang layunin, komparatibong skema

ang ginamit at sa ikaanim na layunin, relasyunal na skema ang ginamit.

Ang magiging resulta sa bawat aytem ng katanungan ay ginamitan ng

angkop na pamamaraan upang maibigay ang akmang interpretasyon.

Sa unang layunin ng pag- aaral na ito Frequency Count o Percentage ang

ginamit. Sa ikalawa, ikatlo at ikaapat na layunin ginamit ang mean

upang masukat ang central tendency. Sa ikalimang layunin ginamitan ito

ng Mann- Whitney U- Test at Pearson r naman ang ginamit sa huling

layunin.

Kahalagahan ng Pag- aaral

Ninanais ng pag- aaral na ito na malaman ang angkop na estilo ng

pagtuturo ng mga guro at kung ano ang kaugnayan nito sa akademikong

performans ng mga mag- aaral sa Junior High School at Senior High

School ng Colonia Divina Integrated School. Ito ay mapapakinabangan

nang lubos ng mga sumusunod:

Puno ng Curriculum Implementor Development. Ang mga

natuklasan at rekomendasyon ng pag- aaral na ito ay maaaring maging

batayan sa pagpaplano ng angkop na estilo ng pagtuturo ng mga guro

upang mas mapaunlad ang akademikong performans ng mga mag- aaral

sa debisyong nasasakupan.

Puno ng Departamento ng Junior High School at Senior High

School. Ang resulta at rekomendasyon ng pag- aaral na ito ay


13

makakatulong sa paglikha at pagbibigay ng mga programa na

magsasanay sa mga guro sa angkop na estilo na dapat gamitin sa

pagtuturo sa loob ng silid- aralan.

Punong Guro. Ang resulta ng pag- aaral na ito ay makakatulong

na matukoy ang pondong gugulin sa pagpapatupad ng mga seminar sa

mga guro na magpapaunlad sa proseso ng pagtuturo at upang mapataas

ang akademikong pagganap hindi lamang sa asignaturang Filipino

bagkus sa lahat ng mga asignatura.

Mga Guro. Magiging batayan ito ng mga guro sa kung anong estilo

ang angkop na gagamitin sa pagtuturo lalong- lalo na sa asignaturang

Filipino at magsisilbi itong gabay upang lalong mapaunlad ang

akademikong performans ng mga mag- aaral, mapahusay ang proseso ng

pagtuturo at maitataas ang kawilihan at pagganap ng mga mag- aaral.

Mga mag- aaral. Sila ang pangunahing makakabenepisyo sa

pinabuti at angkop na estilo ng pagtuturo ng guro. Malilinang din nang

husto ang kanilang kaalaman at madagdagan pa ang kanilang interes na

matuto ng mga araling itinuturo.

Mga Magulang. Ang kanilang gabay at suporta ay isang malaking

tulong para maging matagumpay ang ginawang pananaliksik.

Mahalagang pag-ukulan nila ang kanilang mga anak ng oras at ipamalas

nang lubos ang patnubay upang mas mapabuti ang kanilang pag- aaral.
14

Mga Stakeholder. Malaman ng mga stakeholder ang kahalagahan

ng angkop na estilo sa pagtuturo kaugnay sa akademikong performans

ng mga mag- aaral, at mahihikayat silang maglaan ng pondo sa mga

seminar na maglilinang ng pangangailangan ng mga guro.

Kasalukuyang Mananaliksik. Bilang isang guro, ang pag- aaral na

ito ay magiging batayan sa kung anong angkop na estilo ang dapat na

gamitin sa pagtuturo at kung paano maging mas kawili-wili ang

talakayan. Ito rin ay isang karangalan at daan sa paglinang ng kaalaman

ng tagapagsaliksik sa larangan ng pananaliksik.

Mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang resulta ng pag- aaral na ito

ay magagamit na sanggunian sa pagsasaliksik sa hinaharap at

kaugnayan nito sa iba pang mga baryabol.

Depinisyon ng mga Termino sa Pag- aaral

Akademikong Performans. Ito ay tumutukoy sa resulta kung

natamo ba ng mag- aaral, guro, at institusyon ang kanilang

pangmatagalan at panandaliang layunin sa pag- aaral. Ito ay

kadalasang nasusukat sa pamamagitan ng pagsusulit, pagtatasa at

araw-araw na gawi ng isang mag- aaral. (Solivio, 2014)

Ayon sa pag- aaral, ito ay tumutukoy sa marka na natamo ng mga

mag- aaral sa una at ikalawang markahan.


15

Estilo ng Pagtuturo. Sa konseptwal na kahulugan, ito ay

pamamaraan sa pangkalahatang tuntunin, pedagohiko sa

pagpapangasiwa na ginagamit sa pagtuturo sa silid- aralan. (Merriam-

Webster’s Collegiate Dictionary, 2015)

Sa operasyonal na kahulugan, ito ay tumutukoy sa estilo ng mga

guro sa pagtuturo ng aralin.

Mag- aaral. Ito ay tumutukoy sa indibidwal na nag- aaral sa

paaralan. (Merriam- Webster’s Collegiate Dictionary, 2015)

Ayon sa pag- aaral, ito ay ang mga estudyanteng mula baitang 7

hanggang baitang 12 na tinuturuan ng mga guro sa Colonia Divina

Integrated School.

Guro. Sa konseptwal na pagpapakahulugan, ito ay tumutukoy sa

isang tao na nagbibigay edukasyon para sa mga mag- aaral. Ang guro ay

maaaring magturo ng edukasyon, pangliterasya at numerasya,

kasanayan o kagalingan sa larangan o kagalingan sa isang larangan o

pagsasanay na bokasyonal, sining relihiyon, sibika, mga gampaning

pampamayanan, o kasanayang pampamuhay (Marcelino, 2016).

Sa operasyonal na pagpapakahulugan, sila ay tinutukoy bilang

mga guro na nagtuturo sa Colonia Divina Integrated School na

magsisilbing respondente sa gagawing pananaliksik.


16

Demokratikong Estilo ng Pagtuturo. Ito ay tumutukoy sa estilo

ng pagtuturo na tumutulong sa mga mag- aaral na makisangkot sa

talakayan upang tumaas ang kanilang lebel ng katalinuhan sa

pamamaraang hikayatin sila na sumali sa iba’t ibang gawain sa paksang

aralin bagama’t hahayaan ang mag- aaral na matuto sa kanilang sariling

pag- unawa (Munir at Rehman, 2016)

Ayon sa pag- aaral, ito ay paraan ng pagtuturo ng guro sa mag-

aaral sa Colonia Divina Integrated School na naghihikayat sa mga mag-

aaral na makisangkot sa talakayan.

Awtoritarisadong Estilo ng Pagtuturo. Sa konseptwal na

kahulugan, ito ay tumutukoy sa estilo ng pagtuturo na nakasalalay sa

pag- uugali ng guro. Ang ikinikilos ng mga mag- aaral ay nakabatay sa

pamantayang gusto niyang masunod sa loob ng silid- aralan. (Munir

Rehman, 2016)

Sa operasyonal na pagpapakahulugan, ito ay tumutukoy sa

paraan ng pagtuturo ng guro na kung saan pagdating sa talakayan ang

nais ng guro ang dapat na masunod.

Laissez Fair na Estilo ng Pagtuturo. Ito ay tumutukoy sa estilo

ng pagtuturo na kung saan ang guro ay binibigyang pansin ang halaga

at oras ng mga mag- aaral sa hindi gaanong naintindihang mga gawain,

ang mga guro ay inilalarawan bilang mapag- alaga at mapag- aruga dahil
17

pinaglalaanan nila ang mga mag- aaral ng emosyonal na suporta (Felis,

2018).

Ayon sa pag- aaral, ito ay tumutukoy sa pamamaraan ng

pagtuturo ng guro na nagbibigay ng panahon sa mga mag- aaral upang

lubos na maintindihan ang talakayan.

“Indifferent” na Estilo ng Pagtuturo. Tumutukoy ito sa estilo ng

pagtuturo na kung saan ang guro ay walang malasakit at hindi

nagbibigay ng mga ideya sa mga estudyante at madalas nararamdaman

nila na ang paghahanda sa klase ay hindi mahalaga (Okwori et al. 2015)

Sa operasyonal na kahulugan, ito ay tumutukoy sa pamamaraan

ng pagtuturo ng guro na kung saan tanging ang aralin lamang ang

ibinabahagi ng guro sa mga mag- aaral at hindi na kabilang sa

pagtuturo ang malasakit ng guro. Ang estilong ito ang magpapatunay

kung mayroon bang kaugnayan ang malasakit ng guro sa akademikong

performans ng mag- aaral.


18

Kabanata 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT MGA PAG- AARAL

Ipinapakita sa kabanatang ito ang pagbabalik- tanaw ng mga

kaugnay na literatura. Kasama sa pagbabalik- tanaw na ito ang mga

dayuhan at lokal na literatura kung saan nagbigay sa mananaliksik ng

malawak na kaalaman sa paksang pinag- aralan. Ang mga kaalamang

natutunan mula sa literaturang nabanggit ay nakatulong sa pagpapabuti

ng pag- aaral na ito.

Konseptwal na Literatura
Dayuhan
Estilo ng Pagtuturo
Ang mabisang pagtuturo ay nakabatay sa mag-aaral bilang isang

tao at sa kanyang pangkalahatang pag-unlad dapat kilalanin ng guro

ang mga indibidwal na pagkakaiba nila at ayusin ang mga tagubilin na

angkop para sa kanila. (Atkinson, 2015). Ito ay isang katotohanan na

bilang mga tagapagturo, gumaganap tayo ng iba't ibang mahahalagang

tungkulin sa silid-aralan. Ang mga guro ay itinuturing na liwanag sa

silid-aralan at sa napakaraming responsibilidad na mula sa

pinakasimple patungo sa pinaka-kumplikado. Ito ay nangangailangan ng

iba't ibang mga estilo ng pagtuturo o pamamaraan upang makuha ang

interes ng mga mag-aaral. Higit sa lahat, ang guro ay dapat magkaroon

ng sapat na kaalaman sa mga layunin at pamantayan ng kurikulum,

kasanayan sa pagtuturo, interes, pagpapahalaga at mga mithiin.


19

Ang mga estilo sa pagtuturo ay may malalaki at mahahalagang

tungkulin sa pagbibigay ng tulong sa guro upang ang mga katotohanang

nakapaloob dito ay maihatid patungo sa mga mag-aaral na mas madali

at mas magandang kalidad ng gawain. Madalas nating marinig sa

parehong mga baguhan at beteranong guro na nagrereklamo na ang

kanilang mga mag-aaral ay hindi "nakikisangkot" sa mga aralin o gawain

sa loob ng silid-aralan na nakakaapekto sa pagkatuto. Ang ibang mag-

aaral ay may sariling mundo na malayo sa mundong ating hinahangad

para sa kanila. Malaki ang maiaambag ng pananaliksik na ito para sa

suliranin na kinakaharap ng maraming guro.

Dagdag pa nina Allen at Reeson (2019), kapag ibinabahagi nila

ang mga paksang ito sa mga guro hindi nila maiiwasan na magtaka

kung anong uri ng pag-aaral ang itinatatag ng guro sa bawat mag-aaral

at ayon sa kanila mas mahalagang malaman din kung anong aktibong

estilo ng pagtuturo ang dapat na isagawa upang hikayatin na makilahok

ang mag- aaral at matiyak ang pakikipag- ugnayan nila sa pag-aaral.

Ang demokratikong estilo ng pagtuturo ay tumutukoy sa estilo ng

guro na tumutulong sa mga mag-aaral na makisangkot sa talakayan

upang tumaas ang kanilang lebel ng katalinuhan sa pamamaraang

hikayatin ang mag-aaral na sumali sa iba’t ibang gawain sa paksang

aralin bagamat hayaan ang mag-aaral na matuto sa kanilang sariling

pang-unawa (Munir at Rehman, 2016). Ang demokratikong edukasyon

ay nagsisimula sa saligan na ang lahat ay natatangi, kaya natututo ang


20

bawat isa sa atin sa ibang paraan. Sa pamamagitan ng pagsuporta sa

indibidwal na pagpapaunlad ng bawat kabataan sa loob ng isang

mapagkalingang komunidad, tinutulungan ng demokratikong edukasyon

ang mga kabataan na matuto tungkol sa kanilang sarili, nakikibahagi sa

mundo, sa kanilang paligid, maging positibo at nag-aambag sila bilang

miyembro ng lipunan (Bennis, 2013).

Ang demokratikong estilo ay isang klase ng pagkatuto na

nakasentro sa silid-aralan. Iginagalang nito ang mga opinyon ng mga

mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Ang mga pagpapasya ay sinasang-

ayunan ng sama-sama at ang pagtatakda ng mga layunin ay ibinabahagi

sa lahat. Ibinabahagi rin ng guro ang kanyang mga responsibilid sa mag-

aaral sa loob ng silid-aralan na ang pakay ay isangkot ang mga mag-

aaral sa paggawa ng polisiya at desisyon na nakakaapekto sa kanilang

sarili (Dyikuk, 2015).

Ang awtoritarisadong estilo ng pagtuturo ay ang pinakamahusay

na pamamaraan sa silid-aralan na naghihikayat sa ang mga mag-aaral

na maging malaya, bagamat hindi sila pinapabayaan, ang mga kabataan

ay pinahihintulutan na ipahayag ang kanilang mga pananaw. Ang mga

awtoritatib na estilo ay ang pinakamahusay na anyo ng estilo ng

pamamahala sa silid-aralan dahil ito ang pinakamalapit na nauugnay sa

angkop na pag-uugali ng mag-aaral (Baumrind, 2017).

Sa kabilang banda may negatibong epekto ang awtorisadong

pagtuturo sapagkat ang guro lamang ang higit na may kakayahan na


21

itatag ang pagkatuto ayon sa sariling panuntunan nito, na sinusunod

lamang ng mga mag-aaral.

Ang pamumuno bilang isang laissez-faire ay isang uri ng estilo ng

pamumuno kung saan ang mga pinuno ay pinapayagan ang mga

miyembrong grupo na gumawa ng mga desisyon. Natuklasan ng mga

mananaliksik na ito ay karaniwang estilo ng pamumuno na

humahantong sa pinakamababang produktibo sa mga miyembro ng

grupo.

Ayon kay Eusaff (2018), gayunpaman, mahalagang malaman na

ang estilo ng pamumuno na ito ay maaaring magkaroon ng parehong

mga benepisyo at posibleng may kapahamakan katulad rin ng mga ibang

estilo. Mayroon ding ilang mga kaligiran at sitwasyon kung saan ang

estilo ng pamumuno ng laissez-faire ay maaaring ang pinakaangkop.

Sa indifferent na estilo ng pagtuturo, ang guro ay maaaring kulang

sa mga kasanayan, kumpiyansa, o lakas ng loob upang disiplinahin ang

mga estudyante. Ang mga mag-aaral ay nag-iisip at nagpapakita ng

walang malasakit na saloobin ng guro. Alinsunod dito, ang napakaliit na

pagkatuto ay nangyayari. Ang bawat tao'y ay "sumasabay nalang sa

anumang mangyari" at ginagawang pampalipas oras nalang ang klase.

Sa kaligiran ng pag-aaral na ito, ang mga mag-aaral ay may

napakakaunting pagkakataon upang obserbahan o magsanay ng mga

kasanayan sa komunikasyon. Ang mga mag-aaral ay may mababang

pagganyak na nakamit sa estilong ito (McGinty, 2010).


22

Ayon kay Tompson (2015), ang isang guro ay nagsisikap na

magkaroon ng baryedad ng mga gawain sa klase upang maiwasan ang

pagkainip o pagkabagot, pagkasawa at panlalamig ng sigasig ng mga

mag- aaral. Ang mga gawaing ito ay may iba’t ibang uri na binatay sa

kakayahan ng mga mag- aaral. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ang

mga mag- aaral ng pagkakataon na pumili ng mga gawain upang

maipahayag nila ang kanilang kaalaman at abilidad.

Mahalaga ang pagbibigay ng mga kahulugan sa iba’t ibang uri ng

mga estilong ito sa pagtuturo para sa kasalukuyang pag- aaral na ito

dahil ito ang magsisilbing patunay na ang mga estilong nabanggit ay

may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik. Nakakatulong din ito

upang lubos na maintindihan ng mananaliksik at mabigyan sagot kung

ano ang kaugnayan, negatibo, at positibong epekto ng mga estilong ito sa

akademikong performans ng mga mag- aaral.

Binigyang diin ni Nunley (2014), na mahalagang isaaalang- alang

din ng guro ang silid- aralan bilang isang malaking bagay na rin na

maaaring baguhin at paunlarin upang mas matuto ang mag- aaral.

Maaaring ibagay ito sa kung paano matututo ang mag- aaral at kung

saan sila komportable. Mayroong mag- aaral na mas natututo at

gumagawa na may kasama o grupo. May gusto rin na umiikot sa loob ng

silid- aralan samantalang ang iba ay mas gusto na nakaupo lamang sa

kanilang sariling upuan.


23

Ang literatura na ito ay mahalaga sa kasalukuyang pag- aaral

sapagkat isa sa mga maaaring makatulong upang mas maging epektibo

ang estilo ng pagtuturo ay ang pagsasaalang- alang ng lugar kung saan

matuto ang mga mag- aaral. Mapagkukunan ito ng kaisipan kung

papaano mapaunlad ang kanilang pagkatuto. Ang silid- aralan ay

maaaring baguhin ang estilo o ayos upang komportableng mahikayat

ang interes ng mga mag- aaral. Ang mga ideya at konseptong nakapaloob

ay may malaking tulong sa kasalukuyang pag- aaral.

Ayon sa mga guro ng Unibersidad ng Corcodia Portland (2017),

bilang isang tagapagturo ay dapat isaalang- alang kung paano maging

kawili- wili ang paraan ng pagtuturo, ikaw bilang isang guro ay

nagnanais na gumamit ng isang paraan na angkop at kapakipakinabang

para sa lahat ng iyong mga mag- aaral at upang tamasahin nila ang

proseso ng pag- aaral na walang halong pagkabagot, katamaran at

kawalang galang, dahilan ng pagiging maging maayos at kontrolado ng

silid-aralan.

May kaugnayan ito sa kasalukuyang pananaliksik sapagkat

pareho nitong isinaalang- alang ang pagkakaiba ng mga mag- aaral sa

paggamit ng angkop na estilo upang mapaunlad ang kanilang

performans. Bukod dito walang dalawang guro ang magtuturo sa

parehong paraan, tulad ng walang dalawang mag-aaral na matuto ng

isang bagay sa parehong paraan. Ang estilo ng pagtuturo ng mga guro ay

batay sa kanilang pilosopiya sa edukasyon, demograpiko ng kanilang


24

silid-aralan, kung ano ang paksa (o mga lugar na itinuturo nila), at kung

ano ang misyon ng paaralan. Kung ikaw ay isang baguhang guro, maaari

kang magtaka kung ano ang estilo ng iyong pagtuturo at kung paano ito

makakaapekto sa iyong mga mag-aaral.

Ayon sa Bloom’s Taxonomy, habang ang mga bata ay gumagalaw

tungo sa baitang ng pagkatuto, ang kanilang pag- aaral ay kailangan

ding progresibong gagalaw tungo sa pagpapaunlad sa mataas na pag-

iisip. Sa paggamit ng guro ng angkop na estilo sa pagtuturo na naaayon

sa pangangailangan ng mga mag- aaral, maibabaling nila ang kanilang

pokus sa pakikinig at pagkatuto na magdudulot ng positibong resulta

kaugnay sa kanilang performans. Ang estilo ng pagtuturo ng mga guro

ay nakabatay sa pangangailangan ng mga mag- aaral sa

kasalukukuyang panahon. Ang papel na ginagampanan ng guro at mag-

aaral ay kapansin- pansing nagbabago sa paglipas ng dalawapu’t limang

(25) taon. Sa tradisyunal na modelo ng edukasyon ang guro ang siyang

responsible sa pagpalaganap ng impormasyon sa mga mag- aaral (Ercan,

2014). Samantala, sa kasalukuyan, ang pangunahing responsibilidad ng

mga mag- aaral ay tumutok at panatilihin ang mga katunayan at

tayahin. Bukod sa pagkakaroon ng malawak na kaalaman, ang guro ay

makapag- alok ng pedagohikong paggabay at pangangasiwa sa

pamamagitan ng pagpapasigla, pagganyak at paggabay sa mga mag-

aaral sa kanilang paghahanap ng kaalaman. (Andressen at Brik, 2013)


25

Ang mga nabanggit na literatura ay mahalaga sa kasalukuyang

pag- aaral sapagkat ang konseptong makakatulong kung paano

maisasakatuparan ng guro ang kanyang layunin sa paraang hindi

maisasantabi ang kahinaan ng ibang mag- aaral bagkus mabigyan ang

lahat ng pantay- pantay na kalaaman. Ito ang layunin sa paggamit ng

differentiated teaching style na isa sa mga pokus ng pananaliksik na ito.

Akademikong Performans

Marami ang nagpatunay na ang akademikong performans ng mga

mag- aaral ay lalong napapa-unlad kapag ang estilong ginamit sa

pagtuturo ay angkop sa estilo ng pagkatuto ng mag- aaral. Ito ay sa

pamamagitan ng pagtuturo ng gurong may personalidad na tulad ng

mayroon ang mag- aaral. May mga pananaliksik na nagpapatunay na

kapag ang estilong ginamit ay hindi angkop sa estilong kinakailangan ng

mga mag- aaral upang matuto madalas silang nawawalan ng gana,

palaging lumiliban, nakakaramdam ng pagkabagot na nagreresulta sa

mahinang performans (Hatami, 2012).

Ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag- aaral dahil binigyan

nito ng katuturan na kapag angkop ang ginamit na estilo ay mas

mapapaunlad ng mag- aaral ang kanyang akademikong performans.

Kapag ang guro at mag- aaral ay may kaisahan pagdating sa

personalidad mas magiging epektibo ang talakayang nagaganap.


26

Lokal

Estilo ng Pagtuturo

Binigyang diin ni (Chisno, 2010), sa awtoritarisadong estilo ng

pagtuturo,na ang guro ay bihasa sa pagkakaroon ng kapangyarihan.

Itinatag nila ang lahat ng klase na may panuntunan at tinutukoy nila

ang kahihinatnan sa lalabag ng panuntunan. Dagdag pa nina Munir et.

Al (2016), nakasalalay sa pag-uugali ng guro ang ikinikilos ng mga mag-

aaral na nakabatay sa kanyang pamantayang gusto niyang masunod sa

loob ng silid-aralan.

Ayon kay (Sobe,2014), kahit na ang mga demokratikong estilo ng

pagtuturo ng mga guro ay nagtatakda ng matatag na pag-uugali at

pagkatuto na kanilang inaasahan sa mga mag-aaral may kapasidad

parin silang makitungo at tumugon sa iba't ibang pangangailangan ng

mga estudyante.

Ang mga mag-aaral ay binibigyan ng higit na kalayaan upang

gumawa ng mga desisyon sa kaligiran ng pagkatuto at pag-aaral. Hindi

nangangahulugang guro ang responsible sa mga mag-aaral na mailantad

ang kanilang kapasidad sa pag-aaral. Kundi bibigyan sila ng

pagkakataon na hayaan silang tumuklas sa sarili nilang kaalaman. Sa

demokratikong estilo ng pagtuturo binibigyan ang mga mag-aaral ng

pagkakataong matuto sa sarili nilang kakayahan at pag-unawa na

gumawa sa mga panuntunan na binibigay ng guro.


27

Sa pagliwanag ni (Paharis,2018), ang laissez fair ay ang estilo na

binibigyang- pansin ang halaga at oras ng mga mag-aaral sa hindi

gaanong naiintindihan na mga gawain na itinuturo at ipinapakita ng

guro. Sa isang banda, ang mga guro na nagpapakita ng estilo ng

pagtuturo na ito, ay inilarawan bilang mapag-alaga at mapag-aruga dahil

pinaglalaanan nila ang mga mag-aaral ng emosyonal na suporta. Sa

kabilang banda, higit nilang binibigyang-diin ang pag-aaral bilang

malayang pag-aaral at bihirang magtakda ng mga inaasahang tugon sa

mga mag-aaral (Chang, 2017).

Ayon kay (De Juan, 2018), ipinapakita sa Indifferent na estilo na

walang kakayahan ang isang guro na makuha ang mithiing pagkatuto ng

mga mag-aaral. Ang walang malasakit na guro ay nakapokus sa

kanilang personal na gawain. Bihira silang gumugol ng oras o bigyang-

pansin ang mga mag-aaral kapag lagpas na sa oras ang kanilang klase.

Nag-aalok sila ng kaunti o walang emosyonal na suporta. Bukod dito,

ang mga guro ay bihirang magtatag ng mga panuntunan upang

makontrol ang mga karanasan sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Ayon kay (Barberos, Gozalo at Padayogdog, 2018), ang mabisang

pagtuturo ay nakabatay sa mag- aaral bilang isang tao at sa kanyang

pangkalahatang pag- unlad. Dapat kilalanin ng guro ang mga indibidwal

na pagkakaiba nila at ayusin ang tagubilin na angkop para sa mga mag-

aaral. Ito ay isang katotohanan na bilang tagapagturo, may

ginagampanan ang bawat isa na mahahalagang tungkulin sa silid-


28

aralan. Ang mga guro ay itinuturing na liwanag sa silid- aralan at sa

napakaraming responsibilidad na mula sa pinakasimple patungo sa

pinakakumplikado. Ito ay nangangailangan ng iba’t ibang mga estilo ng

pagtuturo o pamamaraan upang makuha ang mga interes ng mga mag-

aaral. Higit sa lahat, ang guro ay dapat magkaroon ng sapat na

kaalaman sa mga layunin at pamantayan ng kurikulum, kasanayan sa

pagtuturo, interes, pagpapahalaga at mga mithiin.

Ang mga nabanggit na literatura ay makakatulong nang malaki sa

kasalukuyang pag- aaral sapagkat ang mga ito ay mapagkukunan ng

mga ideya at konseptong may kaugnayan sa pananaliksik. Sinasabi rito

na ang angkop na estilo ng pagtuturo ay dapat lamang na mapagtibay

upang mapataas ang antas ng pagkatuto at malinang ang kasanayan ng

mga mag- aaral.

Akademikong Performans

Ang nabanggit na literatura ay may kahalagahan sa pag- aaral

dahil nakatuon sa konsepto na ang guro ay isa sa may

pinakamahalagang papel na ginagampanan sa pagpapaunlad ng

kakayahan at akademikong performans ng mga mag- aaral. Ito ay

maisasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga estilo

upang maabot ang layuning matuto ang mga mag- aaral. Kung kaya isa

sa rekomendasyon ng pag- aaral na mabigyan ng kaukulan at sapat na

pagsasanay ang mga guro sa mga angkop na estilo sa pagtuturo.


29

Mga Kaugnay na Pag- aaral


Dayuhan
Estilo ng Pagtuturo
Sa pag- aaral na isinagawa ni Kassing (2014) na pinamagatang

How to Improve the Educational System lumalabas na 66% ng mga mag-

aaral na walang motibasyon sa pag- aaral ay dahil sa panlabas na salik

gaya ng mga magulang, komunidad, ang lugar at guro. May mga mag-

aaral na nawawalan ng ganang pumasok sa paaralan dahil sa malayo

ang kanilang tahanan sa paaralan at ang iba ay walang suporta mula sa

kanilang pamilya. Ngunit isa sa kanilang napatunayan na ang

pagkakaroon ng guro ng kasanayan sa pagtuturo ay nakahihikayat sa

mga mag- aaral na pumasok at tapusin ang kanilang pag- aaral.

Ito ay may malaking kaugnayan sa kasalukuyang pag- aaral dahil

binibigyang diin nito ang kahalagahan ng angkop na estilo sa pagtuturo.

Maaaring maraming salik ang nakakaapekto sa pag- aaral ng bata at sa

akademikong performans nito ngunit kapag may mga angkop na estilong

ginamit sa pagtuturo ay mahihikayat sila na paunlarin ang kanilang

kaalaman at makisangkot sa talakayan.

Sa pananaliksik ni (Basic, 2015), napatunayan niyang ang angkop

na estilo ay ang susi ng guro upang maging maganda ang takbo ng

talakayan. Kapag ang estilong ginamit ay angkop sa mag- aaral

nababago nito ang takbo ng talakayan maging ang pag- uugali nila.

Nahihikayat ang mga bata na sumali sa interaksiyong sosyal. Lumabas


30

din sa kanyang pag- aaral na hindi dapat binabago- bago ang estilo, Mas

magiging mabisa ang estilo kapag patuloy na pinapaunlad at ginagamit

May kaugnayan ang pag- aaral na ito sa kasalukuyang

pananaliksik. Magiging batayan ito ng magiging kalalabasan ng pag-

aaral kung dapat bang baguhin ang estilong natuklasan na angkop

gamitin o dapat ipagpatuloy at paunlarin. Idinidiin din ng pag- aaral na

ito na kapag napapaunlad ang estilo, napapadali ang pagtuturo, kapag

napapadali ang pagtuturo napapadali rin ang pagkatuto.

Sa isinagawang pag- aaral ni Kozina (2016), kanyang natuklasan

na ang estilo at kakayahang pangkomunikatibo ay ang pangkalahatang

pamamaraan ng isang guro upang maabot ang inaasahang layunin at

mapanatili ang positibong ugali ng mga mag- aaral. Ang kakayahang

pangkomunikatibo ng guro ay sa pamamagitan ng paggamit ng angkop

na wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyarihan ng pag- uusap, o sa

taong kausap mismo.

Malaki ang naitutulong ng pag- aaral na ito sa kasalukuyang

pananaliksik dahil nililinaw na ang estilo ay hindi lamang tumutukoy sa

galaw, kagamitan at kahandaan ng guro, ito ay tumutukoy rin sa

kakayahan nito na pamahalaan ang klase, makiramdam, makinig, at

pagpapahayag gamit ang angkop na wika. Ang kakayahang ding ito ay

maaaring gamitin ng guro hindi lamang sa pagtuturo kundi maging sa

pakikipagsalamuha sa mga tao sa paligid.


31

Akademikong Performans

Sa pag-aaral na sinagawa ni Kleefer (2015) na pinamagatang “How

to Improve Teaching and Learning” natulasan niya na ang learning style

ay “pang- edukasyon na mga kondisyon sa ilalim kung saan ang mga

mag- aaral ay pinakamalamang na matuto”. Kaya, ang learning style ay

hindi talagang nababahala sa kung “ano” ang natutunan ng mag- aaral,

ngunit sa halip ay kung “paano” nila gustong matuto at ano- ano ang

mga pamamaraan ng taga-turo.

Ang pag- aaral ni Kleefer ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-

aaral sapagkat parehong binibigyan linaw ng dalawa ang kahalagahan

ng pagtuturo, pamamaraan at estilong ginagamit ng guro kaysa sa

paksang tinatalakay. Ang pagkakaiba lamang ng dalawa ay pokus ng

dalawang naunang pananaliksik ang “estilo ng pagkatuto” samantalang

“estilo ng pagtuturo” naman ang pokus ng kasalukuyang pag- aaral.

Sa isinagawang case study ni Felder (2014), ito ay tungkol sa

pagtutugma sa pagitan ng learning styles ng mga estudyante at ang

teaching styles ng mga propesor. Inihayag niya ang katakot- takot na

kahihinatnan na nauugnay sa mismatching sa pagitan estilo at uri ng

mga mag- aaral. May mga pagkakataon na ang ginagamit na estilo ng

guro ay masyado ng luma para sa mga kabataang mulat sa mga

makabagong teknolohiya, lalo na ang mga elementarya. Hindi na rin


32

namamalayan ng guro na ang estilong kanyang ginagamit ang dahilan

ng mahinang partisipasyon ng mga mag- aaral.

Ang literaturang ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag- aaral

sapagkat pinag- aralan nito kung ano ang maaaring epekto kapag hindi

angkop ang ginamit na estilo ng guro. Binigyang linaw rin ng pag- aaral

na ito na ang mismatching sa pagtuturo ay maaaring isa sa dahilan ng

hindi aktibong partisipasyon ng mga mag- aaral sa klase at pagbaba ng

kanilang marka.
33

Lokal

Estilo ng Pagtuturo

Sa pag- aaral ni (Llanera,2014), na nagsagawa ng pananaliksik

tungkol sa estilo ng pagtuturo at ang kaugnayan sa performans ng mag-

aaral sa ikaanim na taon, Mababang Paaralan ng Balogo. Lumalabas na

halos karamihan sa mag- aaral sa ikaanim na baitang ay ang

sumusunod: awditaryo may apatnapu’t anim (46) na bahagdan, biswal

dalawampu’t walang (28) na bahagdan at kinesthenic sampung (10)

bahagdan.

May pagkakatulad ang nasabing pag- aaral sa kasalukuyang

pananaliksik sapagkat ito ay nakatoun sa iba’t ibang estilo sa pagkatuto

ng mag- aaral. Ang estilo ng pagkatuto ay mahalagang konsepto na

dapat isaalang- alang sa paggamit ng iba’t ibang estilo ng pagtuturo. Ang

pagkakaiba, ang una ay pokus ang pagkatuto ng mga mag- aaral ang

kasalukuyan ay ang estilo ng pagtuturo ng guro.

Ayon kina Jefrey et Al. (2014), nabanggit sa pananaliksik ni Maria

Merlisa V. Manuel (2015) na pinamagatang Guro: Tagahubog ng

Kinabukasan ng Sambayanan. Malaki ang impluwensya ng mga guro sa

mga estudyante maging sa personal na buhay man ito o kinabukasan,

kaya naman, nararapat na pahalagahan ng isang guro ang kanyang

propesyon hindi lamang bilang isang trabaho. Sa kanyang pag- aaral

lumabas na isa sa naging motibasyon ng mga mag- aaral upang tapusin


34

ang kanilang pag- aaral ay ang motibasyon, gabay at kagalingang angkin

ng guro sa pagtuturo.

May kaugnayan ang pag- aaral na ito sa kasalukuyang

pananaliksik dahil tinutukoy nito ang guro bilang malaking bahagi ng

tagumpay na natatamo ng mag- aaral. Mayroong iba’t ibang gampanin

ang isang guro gaya ng pagbabahagi ng kaalaman. Ayon dito, hindi

maibabahagi ng isang guro ang isang kaalaman kung wala itong sapat

na kasanayan lalo na sa mga estilo na dapat ilapat sa paksang

tatalakayin. Kaya naman, pangunahing gawain nito ang patuloy na

pangangalap ng mga bagong impormasyon at pamamaraan sa

pagsasakatuparan ng pagtuturo na makakatulong sa kanyang

propesyon.

Sa aklat ni Dr. Lizette F. Escolla (2014) na Maximum Learning and

Teching, isinaad niya na isa sa mga salik na mahalaga sa proseso ng

pagkatuto ay ang kapaligiran. Ang paghahanda ng isang magandang

kapaligiran ay nakakaapekto sa motibasyon ng pagkatuto.

May kaugnayan ang pananaliksik ni Escolla sa kasalukuyang pag-

aaral sapagkat binigyan niya ng linaw ang kasalukuyang mananaliksik

na bukod sa istilo ang kapaligiran tulad na lamang ng silid aralan ay

may mahalagang papel sa pagtuturo. Mas magiging epektibo ang istilo

ng pagtuturo kung ang guro ay handa at may positibong kapaligiran

para sa mga mag- aaral.


35

Sa isang aksyon riserts na isinagawa ni (Saymon, 2015) na

naglalayong tukuyin ang mga salik sa epektibong pagtuturo at pagkatuto

ng mga mag- aaral, natukoy ng mananaliksik ang mga bagay na

humahadlang sa paglinang ng kakayahan at kahusayan sa ng mga mag-

aaral sa masinsinang klase. Kaugnay pa rin sa nasabing pag- aaral, ang

paggamit ng ICT ang naging dahilan ng aktibong motibasyon ng mga

mag- aaral at pagtaas ng kanilang marka.

May kaugnayan ang pag- aaral na ito sa kasalukuyang

pananaliksik sapagkat ang Information and Communication Technology

(ICT) ay tumutukoy sa mga pamamaraan, proseso, kasangkapan, at

teknolohiyang tumutulong sa mga tao upang makakalap, makapagtago,

makakuha, makapaglantad at makapagbahagi ng impormasyon na

magagamit sa pagtuturo, (Delos Reyes, 2017). Ibig- sabihin mapapadali

ang pagtuturo, magiging kawili- wili ang talakayan at mas mapapaunlad

ang akademikong performans ng mga mag- aaral sa tulong ng ICT.

Sa pag- aaral ni Cantero (2015), napatunayan ang kahalagahan ng

motibasyon/pagganyak at estilo sa pagtuturo ng literatura sapagkat

napupukaw nito ang interes ng mga mag- aaral upang

makipagtalakayan sa klase. Lumalabas na ang pagbibigay ng

motibasyon ay isang paraan upang mahikayat ang mga mag- aaral na

makinig at matuto sa aralin na magbubunga ng aktibong performans

lalo na sa akademiko.
36

Ang motibasyon ay may dalawang uri, maaaring panlabas o

panloob na motibasyon. Kadalasan nagiging aktibo ang mag- aaral dahil

sa panloob na motibasyon. May kaugnayan ang pag- aaral ni Cantero sa

kasalukuyang pag- aaral sapagkat ang motibasyon ay minsan ding

nagmumula sa guro, kabilang na rito kung paano binibigyang-buhay ng

guro ang pagtuturo sa tulong ng mga estilong angkop sa paksa at mag-

aaral.

Akademikong Performans

Sa isinagawang sarbey ni Benavides (2016), napatunayan niya na

mahalaga ang estilo sa pagtuturo upang makamit ang mastered level ng

mga mag- aaral. Ayon sa kanyang pag- aaral kinakailangang gumamit ng

iba’t ibang estratehiya batay sa lebel ng kakayahan at istilo ng pagkatuto

ng mga mag-aaral. Napatunayan din na ang mga mag- aaral na may

sapat na suporta galing sa kanilang pamilya ang kadalasang nakaabot

ng inaasahan lebel ng masteri.

Ang pag-aaral na ito ay may pagkakatulad sa kasalukuyang pag-

aaral dahil pareho itong gumamit ng estratehiya at estilo upang

mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral. Nagkakaiba lamang ito sa

pokus, ang unang pag-aaral ay tungkol sa estratehiya upang makamit

ang masteri ng kasanayan samantalang ang kasalukuyang pananaliksik

ay ang akademikong performans ng mga mag- aaral.


37

Sa isang pananaliksik na isinagawa ni Vargas (2018), lumabas na

mayroong makabuluhang relasyon ang performans ng mga mag-aaral at

estilo ng pagtuturo na ginagamit ng mga guro. Ang lebel ng pagkatuto ng

mga bata ay hindi nakadepende sa isang estratehiya lamang kung hindi

sa ibat’t ibang estilong naangkop sa mag-aaral.

Ang nabanggit na pag-aaral ay may pagkakatulad sa kasalukuyang

pag-aaral dahil pareho itong nakapokus iba’t ibang uri ng estilong

ginagamit ng mga guro na nakakaapekto at may malaking papel na

ginagampanan sa performans ng mga mag-aaral. Ang pagkakaiba

lamang nito ay ang unang pag-aaral ay nakatuon sa epekto ng paggamit

ng angkop na estratehiya sa performans ng mga mag-aaral, samantalang

nakatuon sa epekto ng differentiated instruction sa pag-unawa ng

literaturang Filipino ang kasalukuyang pag-aaral.

Sintesis

Ang mga kaugnay na literatura at kaugnay na pag-aaral ay batay

sa estratehiya, estilo, motibasyon, pamamaraan ng pagtuturo at

pagkatuto upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at

mapataas ang antas ng kasanayan nito.

Ayon kina Llanera, Delos Reyes, Benavides at Vargas ang pagpili at

paggamit ng angkop na estilo ay may napakalaking ambag upang

mapataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng

pagkonsidera sa mga baryabol gaya ng katangian ng mga mag- aaral at


38

kung ano ang angkop na estilo para sa kanila. Magiging kawili-wili ang

pag-aaral nito kung mabisa at makabuluhan ang pamamaraang

gagamitin ng guro.

Nabanggit nina Kassing, Jefrey, Cantero, at Manuel na ang guro ay

may mahalagang papel na ginagampanan sa paghubog sa kakayahan ng

mga mag-aaral. Kaya marapat lamang na alam niya ang mga estratehiya

sa pagtuturo upang mahikayat ang kawilihin ng mga mag-aaral sa

pagkatuto.

Sa pag-aaral ni Kozina binanggit niya na nakasalalay ang

performans at kasanayan ng mga mag-aaral sa estilong ginagamit ng

mga guro sa pagtuturo. Ang paggamit ng mga makabagong estratehiya

ay nakakatulong din upang maabot ang masteri lebel ng pagkatuto.

Ang mga nakalap na kaugnay na literatura at pag-aaral ay

nakatulong nang lubusan sapagkat lalong pinagtibay nito na ang

kasalukuyang pag-aaral. Ito rin ang nagsilbing sandigan ng

mananaliksik na pinagkuhanan ng mga impormasyon upang

makaragdag sa kabatiran at kaalaman sa pagpapabuti at

makatotohanang pagpapahayag ng pag- aaral. Ito rin ay nakatulong sa

mananaliksik upang malinang ang “communicative competence” o

kakayahang komunikatibo.
39

Kabanata 3

METODOLOHIYA
Sa bahaging ito, inilalahad ang mga pamamaraan at

instrumentong ginagamit sa pangangalap ng mga datos kabilang dito

ang mga sagot sa mga tagatugon ng mga mananaliksik. Nakapaloob din

dito ang mga disenyo at metodolohiya sa pananaliksik, kalahok,

instrumento, pamamaraan at kahalagahang pang- istadistika.

Disenyo ng Pag- aaral

Ang pag- aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng

pamamaraang deskriptib- korelesyunal na pananaliksik. Ito’y desinyo ng

pag- aaral na sumusuri at sumusukat sa mga datos na sasagot sa mga

katanungang kinapapalooban ng paglalarawan, pagtatala, pagsusuri at

pagpapakahulugan sa mga kondisyon o kalagayang umiiral.

Ipinaliwanag ni Dianggal (2017), na ang deskriptibong

pananaliksik ay isinagawa sa pamamagitan ng sarbey at ipinaliwanag

ang kahulugan nito sa papamagitan ng mga nakalap na datos. Binigyang

pansin nito ang mga pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan at

kalagayan. Nilalayon ng mga datos na ilarawan kung ano ang mga

kasalukuyang nagaganap sa mga suliraning kinakaharap ng mga tao sa

kanilang paligid.

Ang pamamaraang ito ay makakatulong upang mapatunayan ang

mga nakalap na sagot mula sa respondente sapagkat ito ay


40

kumakasangkapan sa mga katotohanan hinggil sa kalikasan at

kalagayan ng mga guro na pag- aaralan at maging ang mga mag- aaral

upang matukoy kung may kaugnayan ba ang estilo ng pagtuturo sa

akademikong performans ng mga mag- aaral.

Lokal ng Pag- aaral

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa Colonia Divina Integrated

School na nasa Brgy. Colonia Divina, Sagay City. Ang Colonia Divina

Integrated School ay nag- aalok ng mga pangunahing edukasyon mula

kindergarten hanggang ikaanim na baitang para sa elementarya, ika-7

hanggang ika-10 baitang sa Junior High School at ika-11 hanggang ika-

12 sa Senior High School. Ang Junior High School ay binubuo ng 293 na

mag- aaral. Ang Senior High School naman ay may 87 mag- aaral.

Sa kasalukuyang taon ay mayroong mahigit 700 na naka-enrol sa

paaralan ito. Sa kabuuan mayroong 57 guro na nagtuturo rito, 18 mula

sa elementarya, 24 sa Junior High School at 15 sa Senior High School.

Isa ang Colonia Divina Integrated School sa mga hinahangaang paaralan

sa lungsod ng Sagay. Sa katunayan 6 mula sa 10 outstanding students’

na napili ng lungsod ng Sagay ay mula sa paaralang ito.

Mga Taong Kasangkot sa Pag- aaral

Ang mga guro ng Colonia Divina Integrated School ang napili

bilang kalahok ng pananaliksik sa kadahilanang nakapokus ang pag-

aaral na ito sa estilo ng pagtuturo ng mga guro kaugnay sa akademikong


41

performans ng mga mag aaral. Nais rin ng pag- aaral na ito na na

masolusyunan ang problema na kinakaharap ng mga guro sa sa paghina

ng performans ng mga mag- aaral lalo na sa akademiko.

Ang pananaliksik na ito ay nilalahukan ng dalawampu’t apat (24)

mula sa Junior High School (JHS) at labinlima (15) mula sa Senior High

School (SHS). Sa kabuuan kinalalahukan ito ng tatlumpu’t siyam (39) na

mga tagatugon.

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Respondente

Guro Kabuuang Porsyento


Populasyon
JHS 24 61.54%
SHS 15 38.46%
Kabuuan 39 100%

Instrumento sa Pagkolekta ng Datos

Naghanap ang mananaliksik ng istandard kwestyuner na

gagamitin sa pag- aaral at ang mga talatanungan ay maiging nirebisa at

isinalin ng mananaliksik sa tulong at patnubay ng gramaryan at

kanyang adviser. Ang una (1) ay ang estilo ng pagtuturo na idinisenyo ni

Chen, (2018) na sa kalaunan ay ginamit ni Chamie, (2018) sa kanyang

pag- aaral. Ang pangalawa (2) ay ang aktibong performans na binuo nina

Tuan et al. (2014). Ang unang bahagi ng talatanungan ay tungkol sa

personal na impormasyon ng respondente samantala ang ikalawang


42

bahagi ay binubuo ng apatnapung (40) aytem ng mga tanong na

pinangkat sa mga sumusunod: Demokratiko, Awtoritarisadong, Laissez

faire, at Indifferent na estilo ng pagtuturo na may sampung (10) aytem sa

bawat isa. Upang matukoy ang akademikong performans ng mga mag-

aaral ang mananaliksik ay humingi sa mga respondenteng guro ng

average grades na ibinigay nila sa mga mag- aaral sa una at ikalawang

markahan.

Katumpakan ng mga Instrumento sa Pag- aaral

Ayon kina Franenkel at Wallen (2015), ang instrumentong panukat

ay nakadepende sa sinusukat. Ito ay tumutukoy sa mga datos na hindi

lamang mapaniwalaan kundi tumpak at walang mali. Tumutukoy ito sa

lawak na kung saan ang instrumento ay may kakayahang magsukat sa

kung anong dapat niyang sukatin.

Ang pagsusulit na isinagawa ng mga mananaliksik ay dumaan sa

matinding pagsusuri. Una, humingi ang mga mananaliksik ng gabay sa

kanilang tagapayo para siguraduhing akma ang nilalaman ng pagsusulit

sa mga eryang nabanggit. Ikalawa, dumaan sa masusing pagbalideyt ang

mga instrumentong ginamit sa tatlong mga hurado na sina Binibining

Analita T. Batislaon, na nagtapos ng kaniyang Master’s Degree sa La

Consolacion College- Bacolod at nagtuturo sa loob ng 28 taon at

kasalukuyang Department Head ng Kagawarang Filipino sa Negros

Occidental National High School. Ginoong Bayani Lacson na nagtuturo


43

ng Filipino sa STI West Negros University sa matagal na panahon at

nagtapos ng kaniyang Pagkadalubhasa sa Filipino sa taong 2014.

Ginoong Jose John Mendez na nagtapos ng Doctor’s Degree sa Filipino sa

STI West Negros University taong 2018. Para sa pinal na pagpuna at

pagpapatibay ginamit ang krayterya nina Carter Good at Douglas Scates,

4.52 ang naging resulta ng isinagawang pagbalideyt na

nangangahulugang “Napakahusay” ang nasabing instrumento.

Ang mga mungkahi at pagbabago sa ilang aytem ay kaagad na

isinagawa upang magamit ng mga mananaliksik.

Kahusayan ng mga Instrumento sa Pag- aaral

Ang masusing pagtingin at pagwawasto ng mga dalubhasa sa

talatanungan, minabuti ng mga mananaliksik na magkaroon ng drayran

sa isang pampublikong paaralan sa lungsod ng Sagay. Tatlumpung (30)

mga guro ng Bato National High School- Baviera Extension ang

isinailalim sa pagsusulit na hindi kasali sa aktwal na pagsusulit upang

matitiyak ang katumpakan at kahusayan ng nasabing talatanungan.

Ang resulta sa isinagawang drayran ay 0.788 na

nangangahulugang “lubhang mahusay”, isinailalim ito sa kumputasyon

gamit ang Cronbach’s Alpha upang matiyak ang “internal consistency

reliability” ng instrumentong gagamitin.


44

Iskemang Analitikal

Gumamit ang pag- aaral na ito ng tatlong skemang analitikal kung

isasangguni sa mga layuning makikita sa Kabanata 1. Ito ay ang

deskriptib, relasyonal at komparatibo

Sa layunin 1 na naglalayong malaman kung ano ang propayl ng

mga guro ng Colonia Divina Integrated School ayon sa mga nabanggit na

baryabol ay gumamit ng deskriptib na skema.

Sa layunin 2 na naglalayong matukoy ang antas ng pagtuturo ng

mga guro sa Junior High School at Senior High School ng Colonia Divina

Integrated School, deskriptib na skema ang ginamit.

Sa layunin 3 na naglalayong matukoy ang antas ng estilo ng

Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina Integrated School kung

pagpapangkatin ayon sa binanggit na mga baryabol, ginamitan ito ng

deskriptib na skema.

Sa layunin 4 na naglalayong matukoy ang antas ng akademikong

performans ng mga mag- aaral ng Colonia Divina Integrated School

deskriptib na skema ang ginamit.

Sa layunin 5 na naglalayong matukoy kung mayroon bang

kabuluhang pagkakaiba sa antas ng estilo ng pagtuturo ng mga guro

kung pagpapangkatin at paghahambingin ayon sa binanggit na mga

baryabol ay ginamitan ng komparatibong skema.


45

Sa layunin 6 na naglalayong malaman ang kaugnayan ng antas ng

estilo ng pagtuturo ng mga guro at akademikong performans ng mga

mag- aaral ginamitan ng relasyunal na skema.

Pamamaraang Pang- istatistika

Pagkatapos na mapagtibay ng mananaliksik ang katumpakan at

kahusayan ng instrumentong ginamit, sinimulan nang isagawa ang

pagpaparami ng kopyang gagamitin sa paglikom ng mga kinakailangang

datos. Ang mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa punong-guro ng

Colonia Divina Integrated School upang makapagbibigay ng pagsusulit

sa mga guro (Grade 7-12) sa nasabing institusyon. Gayunpaman ang

mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa mga guro na gamitin ang

kanilang oras at silid-aralan upang maisagawa ang pagsusulit.

Pagkatapos na makuha ang pahintulot, kaagad sinimulan ang pagbigay

ng pagsusulit sa mga tagatugon ng pag-aaral.

Ang resulta ng pagsusulit na natamo ng mga tagatugon sa bawat

erya ay natanto sa pamamagitan ng paggamit ng interpretasyon sa mga

sumusunod; Demokratikong, Awtorisado, Laissez Faire, at Indifferent na

Estilo ng Pagtuturo. Ito ay binubuo ng apatnapung (40) aytem na

katanungan na may tigsasampung (10) aytem sa bawat isa.

Upang matiyak ang unang layunin na naglalayong kunin ang

propayl ng mga guro ng Colonia Divina Integrated School, ang

mananaliksik ay gumamit ng Frequency Count o Percentage.


46

Sa layunin 2 upang matukoy ang antas ng estilo ng mga guro sa

Colonia Divina Integrated School, ginamit ang mean upang masukat nito

ang central tendency.

Sa layunin 3 ginamit ang mean upang masukat kung ano ang

antas ng estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina Integrated

School kung papangkatn ayon sa binanggit na mga baryabol.

Sa layunin 4 na naglalayong matukoy ang antas ng akademikong

performans ng mga mag- aaral ng Colonia Divina Integrated School

ginamitan din ito ng mean.

Sa ika-5 layunin ay sinubok upang malaman kung mayroon o

walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng estilo ng pagtuturo ng

mga guro kung papangkatin at paghahambingin sa binanggit na mga

baryabol, ginamit ang Mann-Whitney U-Test.

Sa layunin 6 na naglalayong matukoy kung mayroon ba o walang

kaugnayan sa antas ng estilo ng pagtuturo ng mga guro at akademikong

performans ng mga mag- aaral ng Colonia Divina Integrated School,

Pearson r naman ang ginamit.


47

Kabanata 4
PAGLALAHAD, PAG- ANALISA AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Matutunghayan sa kabanatang ito ang presentasyon ng mga datos

na nalikom at ang mga pagsusuri kasama na ang pagpapakahulugan

nito ayon sa mga suliraning nailahad sa unang kabanata.

Ang pag- aaral na ito ay tumatalakay sa Estilo ng Pagtuturo ng

mga Guro kaugnay sa Akademikong Performans ng mga Mag- aaral.

Talahanayan 2

Profayl ng mga Guro ng CDIS

Baryabol Kategorya Frequency Percentage


Mas Bata 20 51.3
Edad (37 pababa)
Mas Matanda 19 48.7
(37 pataas)
Kabuuan 39 100
Babae 27 69.2
Kasarian Lalaki 12 30.8
Kabuuan 39 100
Pinakamataas na Kolehiyo 28 71.8
antas ng Pinag- aralan Master’s degree 11 28.2
Kabuuan 39 100
Mas mababa 23 59.0
Kabuuang Kita ng (P24,000 pababa)
Pamilya Mas mataas 16 41.0
(P24,000 pataas)
Kabuuan 39 100
48

Profayl ng mga Guro ng CDIS

Ang resulta para sa unang suliranin ay ipinapakita sa

Talahanayan 2.

May kabuuang 39 na mga guro mula sa CDIS ang naging

respondente sa pagsasagawa ng pag- aaral tungkol sa estilo ng

pagtuturo ng mga guro (na may kaugnayan sa akademikong performans

ng mga mag- aaral). Apat na mga baryabol ang ginamit upang tukuyin

ang profayl ng mga guro ng CDIS, na naayon sa: Edad, Kasarian,

Pinakamataas na Antas ng Pinag-aralan at Kita ng Pamilya.

Mayroong 20 o 51.3% ng mga guro mula sa kabuuan ang mas

bata at 19 o 48.7% ng mga guro ang kabilang sa mas matandang

kategorya. Mas marami ang mas batang guro na naging kalahok sa

pananaliksik na ito. Ibinatay sa edad na 37 pababa ang kategoryang mas

bata at 38 pataas ang mas matandang mga guro.

Nagkaroon 12 o 30.8% mga respondent na lalaking guro at 27 o

69.2% mga babaeng respondenteng guro. Mas malaki ang naging bilang

ng mga respondenteng babaeng guro.

Batay sa pinakamataas na antas ng pinag- aralan, 28 o 71.8% ay

napabilang sa nakapagtapos ng kolehiyo at 11 o 28.2% naman ay

nakatapos ng masteral’s degree. Mas kakaunti ang bilang ng mga

respondenteng guro na nakapag- aral at nakapagtapos ng masteral’s

degree.
49

Sa Kita ng Pamilya, 23 o 59.0% ng mga respondenteng guro ang

may buwanang kita na 24, 000 pababa at 16 o 41.0% naman ang may

24, 000 pataas na kita. Mas marami ang mga respondenteng guro na

may mas mababang kita.

Batay sa natuklasan, ito ay nagbibigay ng implikasyon na sa mga

respondenteng guro na may kabuuang bilang na 39. Mas mababa ang

bilang ng mga guro na matanda kumpara sa mas bata sapagkat

karamihan sa mga gurong mas matanda ay lumipat na ng paaralan na

mas malapit sa kanila kaya napalitan na ng mga baguhang guro. Sa

kasarian naman, makikitang karamihan sa mga guro ay mga babae

dahil likas na mahilig ang mga kababaihan sa paggawa kasama ang mga

bata. Ayon sa pag- aaral ni Jasmine (2013), na nabanggit sa

pananaliksik nina Medina et. al. (2017), mas marami ang mga gurong

nakapagtapos ng kolehiyo kumpara sa mga may mas mataas na pinag-

aralan sapagkat kadalasan ang mga guro ng paaralan na ito ay bago pa

sa serbisyo at wala pang sapat na pera na pantustos sa kanilang pag-

aaral. Sa kabuuang kita ng pamilya naman karamihan sa mga

respondenteng guro ay mas mababa sa 24,000 na buwanang kita, ito ay

dahil karamihan sa kanila ay Teacher 1 pa lang ang posisyon, higit na

mas mababa ang sahod kumpara sa Teacher 2, Teacher 3 at Master

Teacher na kanilang kasama.


50

Talahanayan 3

Antas ng Pagtuturo ng mga Guro ng Junior High School at Senior

High School ng Colonia Divina Integrated School ayon sa

Demokratikong Estilo

Bilang Mean Interpretasyon

1 Pinupuri ang mga mag- aaral sa kanilang


4.38 Mataas
mabuting pag-uugali.
2 Tinatanong ang opinyon ng mga mag- aaral
bago gumawa ng anumang mga desisyon o 3.87 Mataas
mga patakaran.
3 Ibinahagi sa mga mag- aaral ang karanasan. 3.87 Mataas
Nirerespeto ang personal na buhay ng mga
4.46 Mataas
4 mag- aaral.
5 Hinihikayat ang mga mag- aaral na tapusin
4.36 Mataas
ang kanilang gawain na sila lang.
6 Tinatanggap ang opinyon ng mga mag- aaral. Mataas
4.31
7 Sa hindi sinasadyang pagkakataon kapag
nagkakamali ang mga bata, binibigyan sila ng 3.56 Mataas
pagkakataong ayusin ito.
8 Masinsinan na kinakausap ang mga mag-
aaral na panatilihin nila ang kanilang 4.46 Mataas
mabuting pag- uugali.
9 Ang paghihikayat sa mga mag- aaral na mag-
aral nang mabuti ay lalong nagbibigay interes 3.79 Mataas
sa kanila upang galingan pa ang pag- aaral.
10 Lumilikha ng komportableng kapaligiran sa
3.54 Mataas
silid-aralan.

Kabuuang Mean 4.06 Mataas


51

Antas ng Pagtuturo ng mga Guro ng Junior High School at Senior

High School ng CDIS ayon sa Demokratikong Estilo

May sampung (10) katanungan ang inilahad sa antas ng pagtuturo

ng mga guro ng Junior High School at Senior High School ng CDIS ayon

sa demokratikong estilo ng pagtuturo. Lahat ng mga katanungan ay

mayroong “mataas” na resulta. Ang ikaapat at ikawalong aytem na,

“Nirerespeto ang personal na buhay ng mga mag- aaral” at “Masinsinan

na kinakausap ang mga mag-aaral na panatilihin ang kanilang mabuting

pag- uugali”, ang nagkaroon ng pinakamataas na katampatang iskor

(mean) na 4.46. Ang ikasampung aytem na, “Lumilikha ng

komportableng kapaligiran sa silid- aralan”, ang nakakuha ng

pinakamababang mean na 3.54, ngunit “mataas” pa rin ang naging

interpretasyon nito.

Ipinakita na ang antas ng demokratikong estilo ng pagtuturo ng

mga guro ng CDIS ay may pangkalahatang mean na 4.06 o pagkakaroon

ng interpretasyon na “mataas”.

Para higit pang maunawaan ang antas ng estilo ng pagtuturo ng

mga guro ng CDIS ayon sa demokratikong estilo at ang kaugnayan nito

sa akademikong performans ng mga mag- aaral, ipinakita ang bahagi ng

katanungan sa Talahanayan 3.

Batay sa natuklasan, nagbibigay ito ng implikasyon na ang aytem

bilang 10 ang nakakuha ng pinakamababang mean. Ibig- sabihin na


52

kakaunti lamang sa mga guro ng CDIS ang lumilikha ng komportableng

kapaligiran sa silid- aralan. Ito ay isa sa mga dahilan ng hindi

magandang performans ng mga mag- aaral, maihahantulad ito sa pag-

aaral na sinagawa ni Kleefer (2015) na pinamagatang “How to Improve

Teaching and Learning” natuklasan niya na ang learning style ay “pang-

edukasyon na mga kondisyon sa ilalim kung saan ang mga mag- aaral ay

pinakamalamang na matuto”. Kaya, ang learning style ay hindi talagang

nababahala sa kung “ano” ang natutunan ng mag- aaral, ngunit sa halip

ay kung “paano” nila gustong matuto at ano- ano ang mga pamamaraan

ng taga-turo. Ito ay tumutukoy sa epekto ng mga isinagawang hakbang

ng guro tulad ng kung paano isinaayos ang silid upang mas komportable

at mapadali ang pagtuturo sa mga mag- aaral. Mahalaga ang

pagkakaroon ng positibo, angkop at kaaya- ayang kapaligiran sa

pagkatuto ng mga mag- aaral.


53

Talahanayan 4

Antas ng Pagtuturo ng mga Guro ng Junior High School at Senior

High School ng Colonia Divina Integrated School ayon sa

Awtoritarisadong Estilo

Bilang Mean Interpretasyon

1 Kailangang sundin ng mga mag- aaral


ang lahat ng mga tuntunin sa loob at
4.44 Mataas
labas ng paaralan.

2 Binibigyan ng limitasyon ang suhestiyon


ng mga mag- aaral. 3.67 Mataas

3 Nagiging istrikto ang ekspresyon ng


mukha kapag may mga mag- aaral na
3.23 Katamtamang taas
itinatago ang kanilang nais ipahayag.

4 Inuutusan ang mga mag- aaral na dapat


sundin ang alituntunin. 4.00 Mataas

5 Mas pinahahalagahan ang sariling


awtoridad. 3.31 Katamtamang taas

6 Hindi mahalaga ang nararamdaman ng


mga mag- aaral. 2.26 Mababa

7 Tinatalakay ang mga bagay na


makabubuti sa mga mag- aaral. 4.67 Lubahang mataas

8 Pinakikinggan lang ang suhestiyon na


batay sa sariling paniniwala lamang. 2.79 Katamtamang taas

9 Ginagamit ang mga alituntunin at


regulasyon ayon sa sariling pananaw. 3.00 Katamtamang taas

10 Kapag naipatupad na ang mga


alituntunin sa klase ay hindi na ito
3.36 Katamtamang taas
maaaring mabago.

Kabuuang Mean 3.47 Katamtamang taas


54

Antas ng Pagtuturo ng mga Guro ng Junior High School at Senior

High School ng Colonia Divina Integrated School ayon sa

Awtoritarisadong Estilo

Para sa antas ng pagtuturo ng mga guro ng junior at senior high

school ng CDIS ayon sa awtoritarisadong estilo ay may sampung

katanungan na ibinigay. Ang mga katanungan ay mayroong mataas,

mababa, katamtaman at lubhang mataas na interpretasyon. Ang

ikapitong aytem na, “Tinatalakay ang mga bagay na makabubuti sa mga

mag- aaral”, ang nagkaroon ng lubhang mataas na interpretasyon na

mean na 4.67. Ang ikaanim na aytem na “Hindi mahalaga ang

nararamdaman ng mga mag- aaral”, ang nakakuha ng pinakamababang

mean na 2.26.

Ipinakita na ang antas ng awtoritarisadong estilo ng pagtuturo ng

mga guro ng CDIS ay may pangkalahatang mean na 3.47 o pagkakaroon

ng interpretasyon na “katamtamang taas”.

Natukoy ng pag- aaral na ito ang implikasyon na ang tanong na

may pinakamataas na kabuuang mean ay ang bilang 7. Ibig- sabihin,

ang mga respondenteng guro ay tumatalakay sa ang mga bagay na

makabubuti sa mga mag- aaral. Pinakamababa naman ang mean ng

bilang 6 na nangangahulugang ang mga naturang guro ay tunay na

nagbibigay halaga sa mga nararamdaman ng mga mag- aaral. Ang

pagiging guro ay hindi natatapos lamang sa loob ng silid- aralan. Ika nga
55

ang guro ang ikalawang magulang. Minsan mas maraming panahon ang

nilalaan ng isang mag- aaral sa kaniyang guro kaysa sa kaniyang mga

magulang. Nangangahulugan lamang ito na bilang ikalawang magulang

ay kailangang magkaroon ng tapat na pagmamalasakit sa kaniyang mga

mag- aaral. Nabanggit ni Marcelo (2018), sa kaniyang pag- aaral na

pinamagatang “Ang Pagiging Guro ay Isa sa Pinakamahalaga at

Pinagpipitagang Propesyon sa Ating Lipunan”, ang pagpapakita ng guro

ng pagkalinga sa kanilang mag- aaral ay makakatulong para sa pagbuo

ng positibo at suportang relasyong guro at mag- aaral. Minamaliit natin

ang kapangyarihan ng pagtapik, pangangamusta, pagngiti,

magagandang salita, mga taingang handang makinig at pagmamalasakit.

Kung puno ang mga mag- aaral ng pagmamalasakit, paggabay,

pagtuturo ng mga magagandang asal at pagmamahal ay tiyak din na

maibabahagi rin nila ito sa mga taong kanilang nakakasalamuha.


56

Talahanayan 5

Antas ng Pagtuturo ng mga Guro ng Junior High School at Senior

High School ng Colonia Divina Integrated School ayon sa Laissez

Faire na Estilo

Bilang Mean Interpretasyon

1 Dinidisiplina ang mga mag- aaral sa tuwing


nagkakamali. 4.38 Mataas

2 Nagbabago ang desisyon ayon sa situwasyon


kahit na nakapagbigay na ng pasya. 3.87 Mataas

3 Dumadaan sa likuran ng mga mag- aaral na


walang pahintulot upang masiyasat ang
3.87 Mataas
kanilang ginagawa.

4 Pinapaliwanag at tinutulungan ang mga mag-


aaral upang lubos na maunawaan nila ang
araling-bahay kapag nahihirapan silang 4.46 Mataas
sagutin ito.

5 Nakikinig nang mabuti kapag may mag- aaral


na lumalapit at nagtatanong. 4.36 Mataas

6 Binabasa ng ilang ulit ang panuto upang lubos


itong maunawaan. 4.31 Mataas

7 Hinihingi ang bakanteng oras ng mga mag-


aaral upang gamitin ito sa hindi nila
3.56 Mataas
maunawaang talakayan.

8 Bukas sa mga mag- aaral na nais magbahagi


ng kanilang problema. 4.46 Mataas

9 Ibinibigay ang numero ng telepono upang


makontak kapag may mga problema. 3.79 Mataas

10 Kapag may mga mag- aaral na mababa sa


pagsusulit ay ipinapatawag pagkatapos ng
3.54 Mataas
klase upang mas matutukan.

Kabuuang Mean 4.06 Mataas


57

Antas ng Pagtuturo ng mga Guro ng Junior High School at Senior

High School ng Colonia Divina Integrated School ayon sa Laissez

Faire na Estilo.

Ang sampung katanungan sa bahagi ng laissez faire na estilo ng

pagtuturo ng mga guro ng JHS at SHS ng Colonia Divina Integrated

School ay parehong may interpretasyon na “mataas”. Ang ikaapat at

ikawalong aytem na, “Pinapaliwanag at tinutulungan ang mga mag-

aaral upang lubos na maunawaan nila ang araling- bahay kapag

nahihirapan silang sagutin ito” at “Bukas sa mga mag- aaral na nais

magbahagi ng kanilang problema” ang parehong nakakuha ng

pinakamataaas na mean na 4.46 at ang ikasampung aytem na, “Kapag

may mga mag- aaral na mababa sa pagsusulit ay ipinapatawag

pagkatapos ng klase upang mas matutukan” ay nakakuha ng

pinakamababang mean na 3.54 subalit parehong “mataas” pa rin ang

naging interpretasyon nito.

Sa estilo ng laissez faire, nagpapakita ito ng implikasyon na mula

sa sampung aytem na ibinigay, ang bilang na nakakuha ng

pinakamataas na mean ay ang ikaapat at ikawalong aytem.

Nangangahulugan na ang mga guro sa JHS at SHS ng CDIS ay

nagpapaliwanag at tumutulong sa mga mag- aaral upang lubos nilang

maunawaan ang mga araling mahirap sagutin. Ito ay kabaliktaran sa

libro nina Sampath et. al. (2014). Ayon sa kanila “Learning usually
58

involves both student and a teacher. But in some of the recent innovations

of the educational system, the teacher needs not to be physically present

to teach”, ibig- sabihin ang guro ay tanging taga-gabay na lamang sa

pagkatuto ng mga mag- aaral at hindi sa lahat ng oras ay handa silang

umalalay sa pangangailangan ng mga mag- aaral. Pinakamababa ang

mean na nakuha ng bilang 7, lumalabas na karamihan sa mga guro ay

wala ng oras sa pagsasagawa ng remedial class sapagkat ang kanilang

bakanteng oras ay inilalaan na sa mga gawain nila sa kanilang ancillary

services at paghahanda para sa kanilang tatalakaying paksa.


59

Talahanayan 6

Antas ng Pagtuturo ng mga Guro ng Junior High School at Senior

High School ng Colonia Divina Integrated School ayon sa

Indifferent na Estilo

Bilang Mean Interpretasyon

1 Nagbibigay oras na makipag- usap sa


mga mag- aaral tungkol sa kanilang
3.85 Mataas
pang- araw- araw na buhay.

2 Hinihikayat ang mga mag- aaral na


makilahok sa mga gawaing ekstra-
4.49 Mataas
kurikular tulad ng isports at kultural.

3 Nilalapitan ng mga mag- aaral kapag


nagkakamali. 4.05 Mataas

4 Pinapahalagahan ang malasakit sa mga


mag- aaral. 4.46 Mataas

5 Naniniwala na ang pagpupuri ay


mahalaga kapag nakikisangkot ang mga
4.54 Lubhang Mataas
mag- aaral sa talakayan.

6 Madalas magbigay ng panuto.


4.41 Mataas
7 Pinapahalagahan ang mga hinaing ng
mga mag- aaral. 4.33 Mataas

8 Iniiwasang mapalapit ang damdamin sa


mga mag- aaral. 3.23 Katamtamang taas

9 Kayang magturo kahit hindi


nakapaghanda. 3.90 Mataas

10 Pinapahalagahan ang paghahanda sa


itatalakay. 4.31 Mataas

Kabuuang Mean 4.16 Mataas


60

Antas ng Pagtuturo ng mga Guro ng Junior High School at Senior

High School ng Colonia Divina Integrated School ayon sa

Indifferent na Estilo

May sampung katanungan na inilahad sa ikaapat na uri ng estilo

ng pagtuturo ng mga guro ng JHS at SHS ng Colonia Divina Integrated

School. Ito ay may parehong “mataas” na interpretasyon ngunit ang

ikalimang aytem na, “Naniniwala na ang pagpupuri ay mahalaga kapag

nakikisangkot ang mga mag- aaral sa talakayan” ay may pinakamataas

na mean na 4.31 at ang may pinakamababang katampatang mean na

3.23 ay ang ikawalong aytem na, “Iniiwasang mapalapit ang damdamin

sa mga mag- aaral.” Ipinapakita na ang mga guro ng JHS at SHS ng

CDIS ayon sa indifferent na estilo ng pagtuturo ay may pangkalahatang

mean na 4.16 o pagkakaroon ng interpretasyon na “mataas”.

Natukoy sa bahaging ito ang implikasyon na ang ikalimang bilang

ang nakakuha ng “lubhang mataas” na katampatang iskor, na

nangangahulugang ang mga guro ng CDIS ay lubos na naniniwala na

ang pagpupuri ay mahalaga kapag nakikisangkot ang mga mag- aaral sa

talakayan. Ito ay may kaugnayan sa teorya ng sikat na sikolohistang si

B.F Skinner (1968). Ang angkop na estilong gagamitin ng guro tulad ng

pagbibigay puri sa bawat tama o partisipasyon ng mag- aaral (magaling,

tama ang sagot mo, kahanga- hanga ka, sige, ipagpatuloy mo) ay

maaaring magbibigay ng motibasyon sa mag- aaral upang makinig at

pagtibayin ang kanilang adhikain na mapaunlad ang kanilang sarili lalo


61

na ang kanilang akademikong performans. Ang ikawalong aytem na may

pinakamababang mean ay may kaugnayan sa ikalimang aytem na

nabanggit sa itaas at nangangahulugan na ang mga guro ng CDIS ay

naniniwala na ang rekognisyon sa magandang-asal ng mga mag- aaral,

pagiging bukas at hindi pamamahiya tuwing sila ay may maling sagot ay

makakatulong upang mas lalong mapaigting ang relasyon ng guro sa

mga mag- aaral, ito ay may pagkakatulad sa isinagawang pag- aaral ni

Kozina (2016), kanyang natuklasan na ang estilo at kakayahang

pangkomunikatibo ay ang pangkalahatang pamamaraan ng isang guro

upang maabot ang inaasahang layunin at mapanatili ang positibong

ugali ng mga mag- aaral. Ang kakayahang pangkomunikatibo ng guro ay

sa pamamagitan ng paggamit ng angkop ng mga salita na makahihikayat

sa mga mag- aaral na lalong galingan ang kanilang performans.


62

Talahanayan 7

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Demokratikong Estilo kung

papakangkatin ayon sa Edad

Mas Bata Mas Matanda


Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon
1 Pinupuri ang mga mag- aaral
Lubhang Lubhang
sa kanilang mabuting pag- 4.85 4.74
Mataas Mataas
uugali.
2 Tinatanong ang opinyon ng
mga mag- aaral bago
4.45 Mataas 4.42 Mataas
gumawa ng anumang mga
desisyon o mga patakaran.
3 Ibinahagi sa mga mag- aaral
4.30 Mataas 4.05 Mataas
ang karanasan.
4 Nirerespeto ang personal na Lubhang Lubhang
4.80 4.79
buhay ng mga mag- aaral. Mataas Mataas
5 Hinihikayat ang mga mag-
aaral na tapusin ang 4.40 Mataas 4.42 Mataas
kanilang gawain na sila lang.
Tinatanggap ang opinyon ng Lubhang Lubhang
6 4.70 4.74
mga mag- aaral. Mataas Mataas
7 Sa hindi sinasadyang
pagkakataon kapag
Lubhang Lubhang
nagkakamali ang bata, 4.65 4.53
Mataas Mataas
binibigyan sila ng
pagkakataong ayusin ito.
8 Masinsinan na kinakausap
ang mga mag-aaral na Lubhang
4.50 4.32 Mataas
panatilihin nila ang kanilang Mataas
mabuting pag- uugali.
9 Ang paghihikayat sa mga
mag- aaral na mag- aral nang
Lubhang
mabuti ay lalong nagbibigay 4.55 4.47 Mataas
Mataas
interes sa kanila upang
galingan pa ang pag- aaral.
10 Lumilikha ng komportableng
Lubhang
kapaligiran sa silid-aralan 4.45 Mataas 4.53
Mataas

Kabuuang Mean Lubhang Lubhang


4.58 4.57
Mataas Mataas
63

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Demokratikong Estilo kung

papakangkatin ayon sa Edad

Ang mga respondente ay inuri ayon sa edad (mas bata at mas

matanda). Sa demokratikong estilo ng pagtuturo ayon sa kategoryang

mas bata, ang mga aytem ay may mga interpretasyon na “lubhang

mataas at mataas”. Ang unang aytem na, “Pinupuri ang mga mag- aaral

sa kanilang mabuting pag- uugali” ay nagkaroon ng 4.85 na mean na

may interpretasyong “lubhang mataas” samantalang ang ikatlong aytem

na, “Ibinabahagi sa mga mag- aaral ang karanasan” nagkaroon ng

pinakamababang mean na 4.30 na may interpretasyon na “mataas”. Sa

kabuuan, ang mean na nakuha ng mga mas batang guro ay 4.57 na may

interpretasyong “lubhang mataas”.

Ayon sa kategoryang mas matanda, ang mga aytem ay may

interpretasyon na “lubhang mataas at mataas”. Ang ikaapat na aytem

na, “Nirerespeto ang personal na buhay ng mga mag- aaral” ay

nagkaroon ng “lubhang mataas” na mean na 4.79 at ang ikatlong aytem

na, “Ibinabahagi sa mga mag- aaral ang karanasan” ay nakakuha ng

pinakamababang mean na 4.05 na mayroong interpretasyon na

“mataas”. Sa kabuuan, ang tinatayang mean ng mas matandang guro ay

4.57 na may interpretasyong “lubhang mataas”


64

Batay sa natuklasan, lumalabas na may implikasyon na sa antas

sa demokratikong estilo ng pagtuturo ng mga mas matandang guro ng

JHS at SHS ng CDIS ay mas mababa kaysa sa mga batang guro. Ito’y

nagpapatunay na ang mga matatandang guro ay di gaanong matulungin

sa mga mag- aaral lalo na sa pakikisangkot sa mga talakayan at iba’t

ibang gawain na magpapaunlad sa kanilang lebel ng katalinuhan

kumpara sa mga mas bata. Ito ay sa kadahilanang mas masunurin ang

mga baguhang guro sa kanilang patakaran at responsibilidad. Ang

naging resulta ay sinuportahan sa paniniwala ni Wilhelm Wundt, tanyag

sa pagiging Ama ng Sikolohiya, na ang pagkakaroon ng sariwang pag-

iisip ay nagdudulot ng alertong pagkakaunawa. Sumasang- ayon din ang

paniniwalang ito kay Atkinson (2015), ito ay isang katotohanan na bilang

mga tagapagturo, gumaganap tayo ng iba't ibang mahahalagang

tungkulin sa silid-aralan. Ang mga guro ay itinuturing na liwanag sa

silid-aralan at sa napakaraming responsibilidad na mula sa

pinakasimple patungo sa pinaka-kumplikado.


65

Talahanayan 8

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Demokratikong Estilo kung papangkatin ayon

sa Kasarian

Lalaki Babae
Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon
1 Pinupuri ang mga mag- aaral
Lubhang Lubhang
sa kanilang mabuting pag- 4.92 4.74
Mataas Mataas
uugali.
2 Tinatanong ang opinyon ng
mga mag- aaral bago Lubhang
4.50 4.41 Mataas
gumawa ng anumang mga Mataas
desisyon o mga patakaran.
3 Ibinahagi sa mga mag- aaral
4.25 Mataas 4.15 Mataas
ang karanasan.
4 Nirerespeto ang personal na Lubhang Lubhang
4.75 4.81
buhay ng mga mag- aaral. Mataas Mataas
5 Hinihikayat ang mga mag-
aaral na tapusin ang 4.42 Mataas 4.41 Mataas
kanilang gawain na sila lang.
Tinatanggap ang opinyon ng Lubhang Lubhang
6 4.67 4.74
mga mag- aaral. Mataas Mataas
7 Sa hindi sinasadyang
pagkakataon kapag
Lubhang
nagkakamali ang bata, 4.83 4.48 Mataas
Mataas
binibigyan sila ng
pagkakataong ayusin ito.
8 Masinsinan na kinakausap
ang mga mag-aaral na
4.33 Mataas 4.44 Mataas
panatilihin nila ang kanilang
mabuting pag- uugali.
9 Ang paghihikayat sa mga
mag- aaral na mag- aral
nang mabuti ay lalong Lubhang
4.67 4.44 Mataas
nagbibigay interes sa kanila Mataas
upang galingan pa ang pag-
aaral.
10 Lumilikha ng komportableng
Lubhang
kapaligiran sa silid-aralan 4.50 4.48 Mataas
Mataas
Kabuuang Mean 4.57 Lubhang 4.58 Lubhang
66

Mataas Mataas

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Demokratikong Estilo kung pagpapangkatin

ayon sa Kasarian.

Ayon sa kasariang panlalaki, ang unang aytem na, “Pinupuri ang

mga mag- aaral sa kanilang mabuting pag- uugali” ay nakakuha ng

mean na 4.92 na may interpretasyong “lubhang mataas” at ang tanong

na nasa bilang 3 na, “Ibinabahagi sa mga mag- aaral ang karanasan”

ang nakakuha ng pinakamababang mean na 4.25 kahit na may

interpretasyon na “mataas”. Sa kasariang babae naman ang tanong

bilang 4 na, “Nirerespeto ang personal na buhay ng mga mag- aaral” ang

may pinakamataas na mean na 4.81 na mayroong interpretasyon na

“lubhang mataas”. Ang aytem bilang 3 na, “Ibinabahagi sa mga mag-

aaral ang karanasan” ang nakakuha ng pinakamababang mean na 4.15

kahit na may “mataas” na interpretasyon.

Ang resulta ay nagbibigay ng implikasyon na mas mababa ang

kabuuang mean (4.57) ng mga lalaki kaysa sa kabuuang mean na (4.58)

ng mga babae. Ito ay nagpapatunay na ang mga gurong lalaki ay

madalas na kinakatakutan ng mga mag- aaral dahil sa pagiging istrikto

nito at sa pamamaraan ng kanilang pagdidisiplina. Ayon sa pag- aaral ni

Thomas F. Nelso Laird ng Ondiana University Center for Postsecondary

Research (2009) na may pamagat na Gender Gaps Understanding


67

Teaching Style Differences Between Men and Women, kaniyang napag-

alaman na higit na mahigpit ang pagdidisiplina sa klase ng mga lalaking

guro kumpara sa mga babaeng guro sapagkat impluwensiya ito ng

kanilang papel sa lipunan, ngunit di- malayo ang kanilang agwat sa

pagpapatupad nito dahil lumalabas na pareho nilang nililinang ang

pagkatuto ng mga mag- aaral. Lumalabas din na karamihan sa mga

gurong babae ay nagtuturo nang may paggalang sa opinyon ng mga

mag- aaral sa loob at labas ng silid- aralan. Sumasang- ayon ito sa

paniniwala ni Dyikuk, (2015) na pinapakinggan ng mga kababaihang

gurong ang opinyon ng mga mag- aaral sa pagsasagawa ng polisiya at

desisyon na maaaring makaapekto sa kanilang sarili.


68

Talahanayan 9

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Demokratikong Estilo kung pagpapangkatin

ayon sa Pinakamataas na antas ng Pinag- aralan

Kolehiyo Master’s Degree


Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon
1 Pinupuri ang mga mag- aaral sa Lubhang Lubhang
kanilang mabuting pag-uugali. 4.79 4.82
Mataas Mataas
2 Tinatanong ang opinyon ng mga
mag- aaral bago gumawa ng
anumang mga desisyon o mga 4.46 Mataas 4.36 Mataas
patakaran.

3 Ibinahagi sa mga mag- aaral ang


karanasan. 4.21 Mataas 4.09 Mataas

4 Nirerespeto ang personal na Lubhang Lubhang


buhay ng mga mag- aaral. 4.82 4.73
Mataas Mataas
5 Hinihikayat ang mga mag- aaral
na tapusin ang kanilang gawain 4.46 Mataas 4.27 Mataas
na sila lang.

Tinatanggap ang opinyon ng mga Lubhang Lubhang


6 mag- aaral. 4.71 4.73
Mataas Mataas
7 Sa hindi sinasadyang
pagkakataon kapag nagkakamali Lubhang Lubhang
ang bata, binibigyan sila ng 4.61 4.55
Mataas Mataas
pagkakataong ayusin ito.

8 Masinsinan na kinakausap ang


mga mag-aaral na panatilihin
nila ang kanilang mabuting pag- 4.46 Mataas 4.27 Mataas
uugali.

9 Ang paghihikayat sa mga mag-


aaral na mag- aral nang mabuti
ay lalong nagbibigay interes sa
Lubhang
4.61 4.27 Mataas
kanila upang galingan pa ang Mataas
pag- aaral.

10 Lumilikha ng komportableng Lubhang


kapaligiran sa silid-aralan 4.50 4.45 Mataas
Mataas
69

Kabuuang Mean Lubhang Lubhang


4.57 4.58
Mataas Mataas

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Demokratikong Estilo kung pagpapangkatin

ayon sa Pinakamataas na Antas ng Pinag- aralan.

Sa mga gurong nakapagtapos ng kolehiyo, mas marami ang

naniniwala sa pahayag bilang 4 na, “Bilang guro nirerespeto ang

personal na buhay ng mga mag- aaral” na may mean na 4.82 at

interpretasyong “lubhang mataas”. Samantalang “mababa” naman ang

interpretasyon sa aytem bilang 3 na, “Bilang guro ibinabahagi sa mga

mag- aaral ang karanasan” na may mean na 4.21.

Ayon naman sa mga guro na nakapagtapos ng Master’s degree,

“lubhang mataas” ang kanilang paniniwala sa pahayag bilang 1

na,“bilang guro pinupuri ang mga mag-aaral sa kanilang mabuting pag-

uugali.” na may pinakamataas na mean na 4.82 at may interpretasyong

“lubhang mataas” kasalungat ito sa pahayag bilang 3 na, “Bilang guro

ibinabahagi sa mga mag- aaral ang karanasan” na may pinakamababang

mean na 4.09 kahit na mayroong interpretasyon na “mataas”.

Batay sa naging resulta ito ay nagpapakita ng implikasyon na

maraming guro na nakapagtapos ng master’s degree, ang gumagamit ng

demokratikong estilo ng pagtuturo batay sa kabuuang mean na 4.58

kung ikukumpara sa mga gurong nakapagtapos ng kolehiyo na may

kabuuang mean na 4.58. Ang resulta ay nagpapatunay na mas lamang

ang kanilang kamalayang taglay dahil sa mas mataas na digring


70

kanilang natapos bilang pandagdag kaalaman at lalong luminang sa

angkop na estilong tinataglay at ginagamit sa pagtuturo.

Inilahad ni Blane (2011), na ang pagkakaroon ng mataas na antas

ng pinag- aralan ay malakas na nakakaimpluwensiya sa kalagayang

pangkabuhayan at may matibay na epekto sa kung paano matututo sa

kultura’t paniniwala ng ibang tao at kung paano matugunan ang

pakikihalubilo sa mga ito. Dagdag pa ni Magpantay (2015), ang patuloy

na pag- aaral ay lalong nakakatulong upang ang guro ay masanay at

malinang sa paggamit ng angkop na estratehiya o metodo sa pagtuturo

upang makamit ang epektibong pagkatuto ng mga mag- aaral.


71

Talahanayan 10

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Demokratikong Estilo kung

papakangkatin ayon sa Kabuuang Kita ng Pamilya

Mas mababa Mas mataas


Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon
1 Pinupuri ang mga mag- aaral sa
4.83 Lubhang Mataas 4.75 Lubhang Mataas
kanilang mabuting pag-uugali.

2 Tinatanong ang opinyon ng mga


mag- aaral bago gumawa ng
4.43 Mataas 4.44 Mataas
anumang mga desisyon o mga
patakaran.

3 Ibinahagi sa mga mag- aaral ang


4.22 Mataas 4.12 Mataas
karanasan.

4 Nirerespeto ang personal na


4.65 Lubhang Mataas 5.00 Lubhang Mataas
buhay ng mga mag- aaral.

5 Hinihikayat ang mga mag- aaral


na tapusin ang kanilang gawain 4.39 Mataas 4.44 Mataas
na sila lang.
Tinatanggap ang opinyon ng mga
6 4.61 Lubhang Mataas 4.88 Lubhang Mataas
mag- aaral.

7 Sa hindi sinasadyang
pagkakataon kapag nagkakamali
4.61 Lubhang Mataas 4.56 Lubhang Mataas
ang bata, binibigyan sila ng
pagkakataong ayusin ito.

8 Masinsinan na kinakausap ang


mga mag-aaral na panatilihin
4.43 Mataas 4.38 Mataas
nila ang kanilang mabuting pag-
uugali.

9 Ang paghihikayat sa mga mag-


aaral na mag- aral nang mabuti
ay lalong nagbibigay interes sa 4.48 Mataas 4.56 Lubhang Mataas
kanila upang galingan pa ang
pag- aaral.

10 Lumilikha ng komportableng 4.39 Mataas 4.62 Lubhang Mataas


kapaligiran sa silid-aralan

Lubhang Lubhang
Kabuuang Mean 4.58 4.57
Mataas Mataas
72

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Demokratikong Estilo kung Papangkatin

ayon sa Kabuuang Kita ng Pamilya.

Kung papangkatin ayon sa Kabuuang Kita ng Pamilya. “Lubhang

mataas.” ang bilang ng mga gurong may mas mababang kita (24,000

pababa) na naniniwalang, “Bilang guro pinupuri ang mga mag- aaral sa

kanilang mabuting pag- uugali” na may mean na 4.83 samantalang

pinakamababa ang mean (4.22) na nakuha ng ikatlong bilang na, “Bilang

guro ibinabahagi sa mga mag- aaral ang karanasan” kahit mayroong

interpretasyon na “ mataas”. Samantala karamihan sa mga gurong may

mas mataas na kita (24,000 pataas) ay “lubhang mataas” ang paniniwala

sa bilang 4 na bilang guro nirerespeto ang personal na buhay ng mga

mag- aaral na may mean na 5.00 samantalang tulad ng naunang

pangkat pinakamababa ang nakuhang mean (4.12) ng ikatlong bilang na

ibinabahagi sa mga mag- aaral ang karanasan kahit mayroong

interpretasyon na “ mataas”.

Batay sa ipinapakitang kabuuang mean ng pag- aaral na ito,

nagpapakita ng implikasyon na ang dalawang pangkat ng guro ay

parehong may interpretasyon na “lubhang mataas” ngunit ang mga

gurong may mas mababang kita ang may mas mataas na kabuuang

mean na 4.58 kumpara sa mga gurong may mas mataas na sahod na

may 4.57 mean.


73

Nagpapatunay ang kinalabasan ng pag- aaral na ito na ang

kabuuang kita ng pamilya ay hindi nakakaapekto sa estilo na ginagamit

ng guro sa pagtuturo. Ito ay may pagkakatulad sa pag- aaral ni Maria

Rita D. Lucas sa kaniyang librong “Facilitating Learning: A Metacognitive

Process” ayon sa aklat na ito ang proseso ng pagkatuto ay nakasalalay

sa pagtuturo. Bilang isang guro ang pagtuturo ay mas magiging epektibo

lalo na kung ito ay intensyonal na proseso at mula sa karanasan.

Walang maaaring magiging sagabal kung ang hangad ng guro ay ang

makabuluhan at matagumpay na pagtuturo.


74

Talahanayan 11

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Awtoritarisadong Estilo

kung papakangkatin ayon sa Edad

Mas bata Mas matanda


Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon
1 Kailangang sundin ng mga
mag- aaral ang lahat ng mga
4.35 Mataas 4.53 Lubhang Mataas
tuntunin sa loob at labas ng
paaralan.
2 Binibigyan ng limitasyon ang
3.60 Mataas 3.74 Mataas
suhestiyon ng mga mag- aaral.
3 Nagiging istrikto ang
ekspresyon ng mukha kapag
may mga mag- aaral na 2.95 Katamtaman 3.53 Mataas
itinatago ang kanilang nais
ipahayag.
4 Inuutusan ang mga mag- aaral
na dapat sundin ang 4.10 Mataas 3.89 Mataas
alituntunin.
5 Mas pinahahalagahan ang
2.85 Katamtaman 3.79 Mataas
sariling awtoridad.
Hindi mahalaga ang
6 nararamdaman ng mga mag- 1.70 Mababa 2.84 Katamtamang
aaral.
7 Tinatalakay ang mga bagay na
makabubuti sa mga mag- 4.65 Lubhang Mataas 4.68 Lubhang Mataas
aaral.
8 Pinakikinggan lang ang
suhestiyon na batay sa sariling 2.40 Mababa 3.21 Katamtamang
paniniwala lamang.
9 Ginagamit ang mga
alituntunin at regulasyon ayon 2.65 Katamtaman 3.37 Katamtamang
sa sariling pananaw.
10 Kapag naipatupad na ang mga
alituntunin sa klase ay hindi 2.80 Katamtaman 3.95 Mataas
na ito maaaring mabago.

Kabuuang Mean Lubhang Lubhang


4.58 4.57
Mataas Mataas
75

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Awtorisadong Estilo

kung papangkatin ayon sa Edad

Sa talahanayan 11, ang mga sumagot ay inuri ayon sa edad, mas

bata at mas matanda. Sa mga mas bata, ang aytem bilang 7, “Bilang

guro tinatalakay ang mga bagay na makabubuti sa mga mag- aaral” ang

may pinakamataas na katampatang iskor na 4.65 na nangangahulugang

“lubhang mataas” habang ang bilang 6, “Hindi mahalaga ang

nararamdaman ng mga mag- aaral” ang nakakuha ng pinakamababang

katampatang iskor na 1.70 na nangangahulugang “mababa”. Sa

kabuuan ang tinatayang mean ng mas bata ay 4.58 na

nangangahulugang “lubhang mahusay”.

Sa mga mas matanda naman, ay may pagkakatulad din ang

naging resulta sa pangkat ng mga mas batang guro. Pinakamataas ang

nakuha ng bilang 7 na may katampatang iskor na 4.68 na

nangangahulugang “lubhang mataas” at pinakamababa ang nakuha ng

bilang 6 na may katampatang iskor na 2.84 na nangangahulugang

“katamtaman”. Ang natantiyang mean ng mas matandang guro ay 4.57

na nangangahulugang “lubhang mataas”.

Batay sa resulta ng pag- aaral, nagpapakita ito ng implikasyon na

ang awtoritarisadong estilo ng pagtuturo ay lumalabas na walang

pagkakaiba sa pagitan ng mga mas bata at mas matandang guro. Ang

mga mas bata at matandang guro na naging respondente ay parehong


76

hindi gumagamit ng estilong ito sapagkat mas binibigyan nila ng halaga

ang mga bagay na mas makabubuti at ang nararamdaman ng mga mag-

aaral. Sumasalungat rin ang karamihan sa mga gurong ito sa tanong na

balewalain ang nararamdaman ng mga mag- aaral. Ito ay may

pagkakahawig sa pag- aaral ni Dyikuk, 2015. Ayon sa pag- aaral nito

ang pagtuturo ay mas magiging mabisa kung ang mga pagpapasya ay

sinasang-ayunan nang sama-sama at ang pagtatakda ng mga layuning

makabubuti at tinatalakay sa lahat. Ibinabahagi rin ng guro ang

kanyang mga responsibilid sa mag-aaral sa loob ng silid-aralan na ang

pakay ay isangkot ang mga mag-aaral sa paggawa ng polisiya at desisyon

na nakakaapekto sa kanilang sarili. Ipinapahiwatig lamang ng pag- aaral

na ito na walang pagkakaiba ang estilo ng pagtuturo kung ang

pagbabasehan ay ang edad.


77

Talahanayan 12

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Awtoritarisadong Estilo

kung papakangkatin ayon sa Kasarian

Babae Lalaki
Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon
1 Kailangang sundin ng mga mag-
aaral ang lahat ng mga
4.44 Mataas 4.42 Mataas
tuntunin sa loob at labas ng
paaralan.

2 Binibigyan ng limitasyon ang


3.59 Mataas 3.83 Mataas
suhestiyon ng mga mag- aaral.

3 Nagiging istrikto ang


ekspresyon ng mukha kapag
may mga mag- aaral na 3.30 Katamtamang 3.08 Katamtamang
itinatago ang kanilang nais
ipahayag.

4 Inuutusan ang mga mag- aaral


na dapat sundin ang 4.00 Mataas 4.00 Mataas
alituntunin.

5 Mas pinahahalagahan ang


3.30 Katamtamang 3.33 Katamtamang
sariling awtoridad.

Hindi mahalaga ang


6 nararamdaman ng mga mag- 2.22 Mababa 2.33 Mababa
aaral.

7 Tinatalakay ang mga bagay na


4.67 Lubhang Mataas 4.67 Lubhang Mataas
makabubuti sa mga mag- aaral.

8 Pinakikinggan lang ang


suhestiyon na batay sa sariling 2.85 Katamtamang 2.67 Katamtamang
paniniwala lamang.

9 Ginagamit ang mga alituntunin


at regulasyon ayon sa sariling 3.04 Katamtamang 2.92 Katamtamang
pananaw.

10 Kapag naipatupad na ang mga


alituntunin sa klase ay hindi na 3.48 Katamtamang 3.08 Katamtamang
ito maaaring mabago.

Kabuuang Mean Lubhang Lubhang


4.58 4.57
Mataas Mataas
78

Antas ng Estilo ng mga Guro ng Colonia Divina Inyegrated School sa

Awtoritarisadong Estilo kung pagpapangkatin ayon sa Kasarian.

Kung papangkatin ayon sa kasarian, sa pangkat ng mga babae

ang bilang 7 na may pahayag na, “Bilang guro tinatalakay ang mga

bagay na makabubuti sa mga mag- aaral” ang nakakuha ng

pinakamataas na katampatang iskor na 4.67 na nangangahulugang

“lubhang mataas”, samantalang pinakamababa ang mean (2.22) na

nakuha ng bilang 6 na, “Bilang guro hindi mahalaga ang

nararamdaman ng mga mag- aaral” na nangangahulugang “mababa”.

Sa pangkat ng mga kalalakihan naman, tulad ng naunang pangkat ang

bilang 7 ang may pinakamataas na katampatang iskor na 4.67 na may

interpretasyon na “lubhang mataas”. Bilang 6 rin ang may

pinakamababa mean na 2.67 na nangangahulugang “katamtaman”.

Sa kabuuan, batay sa naging resulta ito ay may implikasyon na

ang mga babae ay nakakuha ng mean na 4.58 a nangangahulugang

“lubhang mataas” samantala ang mga lalaki naman ay may kabuuang

mean na 4.57 na nangangahulugang “lubhang mataas”. Ito ay

nangangahulugang ang mga babae mas nagbibigay ng kahalagahan sa

nararamdaman ng mga mag- aaral kumpara sa mga kalalakihan. Isa sa

mga dahilan nito ay karamihan sa mga guro ay mga ina at ang kanilang

pagiging ina ay hindi lamang nangyayari sa loob ng kanilang tahanan

kung hindi maging sa paaralan. Ayon sa pag- aaral ni Charlotte A.


79

Malinao sa kaniyang aklat na pinamagatang “Mga Katangian ng Guro”,

lumalabas sa kaniyang pag- aaral na isa sa mga hinahangaan ng mga

mag- aaral partikular na sa mga babaeng guro ay ang likas na “haplos

personal” na katangian nito. Mas napapadali ang pagdidisiplina ng mga

guro dahil sa pagiging maunawain, sensitibo, pagkilala nila sa mga

katangian at pagkakaiba- iba ng mga mag- aaral. Lumalabas rin sa pag-

aaral na ito na parehong binibigyan halaga ng mga lalaki at babaeng

guro ang mga tuntunin na dapat sundin ng mga mag- aaral lalo na sa

loob ng paaralan.
80

Talahanayan 13

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Awtoritarisadong Estilo kung papakangkatin

ayon sa Pinakamataas na antas ng Pinag- aralan

Kolehiyo Master’s degree


Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon
1 Kailangang sundin ng mga
mag- aaral ang lahat ng mga
4.39 Mataas 4.55 Lubhang Mataas
tuntunin sa loob at labas ng
paaralan.

2 Binibigyan ng limitasyon ang


3.54 Mataas 4.00 Mataas
suhestiyon ng mga mag- aaral.

3 Nagiging istrikto ang


ekspresyon ng mukha kapag
may mga mag- aaral na 3.29 Katamtamang 3.09 Katamtamang
itinatago ang kanilang nais
ipahayag.

4 Inuutusan ang mga mag- aaral


na dapat sundin ang 4.07 Mataas 3.82 Mataas
alituntunin.

5 Mas pinahahalagahan ang


3.39 Katamtamang 3.09 Katamtamang
sariling awtoridad.
Hindi mahalaga ang
6 nararamdaman ng mga mag- 2.18 Mababa 2.45 Mababa
aaral.

7 Tinatalakay ang mga bagay na


makabubuti sa mga mag- 4.68 Lubhang Mataas 4.64 Lubhang Mataas
aaral.

8 Pinakikinggan lang ang


suhestiyon na batay sa sariling 2.93 Katamtamang 2.45 Mababa
paniniwala lamang.

9 Ginagamit ang mga alituntunin


at regulasyon ayon sa sariling 3.11 Katamtamang 2.73 Katamtamang
pananaw.

10 Kapag naipatupad na ang mga


alituntunin sa klase ay hindi 3.43 Katamtamang 3.18 Katamtamang
na ito maaaring mabago.

Kabuuang Mean Lubhang Lubhang


4.57 4.58
Mataas Mataas
81

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Awtoritarisadong Estilo kung papangkatin

ayon sa Pinakamataas na Antas ng Pinag- aralan

Ang ika-7 pahayag na, “Bilang guro tinatalakay ang mga bagay na

makabubuti sa mga mag- aaral.”, ang nakakuha ng pinakamataas na

mean na 4.68 sa antas ng estilo ng pagtuturo ng mga guro na

nakapagtapos ng kolehiyo, ito ay nangangahulugang “lubhang mataas”.

Ang bilang 6 naman na nagsasabing, “Bilang guro hindi mahalaga ang

nararamdaman ng mga mag- aaral” ay nakakuha ng pinakamababang

katampatang iskor na 2.18 na nangangahulugang “mababa”. Sa mga

guro naman na nakapagtapos ng master’s degree katulad ng naunang

pangkat ang bilang 7 rin ang nakakuha ng pinakamataas na mean na

4.64 na may interpretasyon na “lubhang mataas” at bilang 6 na may

mean na 2.45 na ibig sabihin “mababa”.

Sa konseptwal na kahulugan, ang awtoritarisadong pagtuturo ay

tumutukoy sa estilo ng pagtuturo na nakasalalay sa pag- uugali ng guro.

Ang ikinikilos ng mga mag- aaral ay nakabatay sa pamantayang gusto

niyang masunod sa loob ng silid- aralan. Munir Rehman, (2016).

Nangangahulugan lamang sa talahanayan bilang 13 na ang mga gurong

nakapagtapos ng kolehiyo at master’s degree ay parehong hindi

gumagamit ng awtoritarisadong estilo kapag nagtuturo. Ang ikabubuti

ng pag- aaral ang higit na binibigyang halaga kumpara sa kanilang


82

sariling kagustuhan. Lumalabas din na mahalaga para sa kanila ang

nararamdaman ng mga mag- aaral. Ngunit kung ang kabuuang mean

ang pagbabasehan mas mataas ang katampatang iskor na nakuha ng

mga gurong nakapagtapos ng master’s degree kumpara sa kolehiyo.

Ayon sa pag- aaral ni Richards (2017), isa sa mga benipisyo ng patuloy

na pag- aaral ng mga guro kahit pa sila ay nasa field na ng kanilang

trabaho ay patuloy na nalilinang ang kanilang dating kakayahan kung

paano mas maging kawili- wili at maging malikhain ang pagtuturo. Ang

patuloy na pag- aaral ng mga guro ay hindi lamang naglalayon na

magpunla at magkintal ng impormasyon at prinsipyo, kundi higit sa

lahat, ang hangarin nito ay matulungan ang mag- aaral na mapabuti

ang buhay. Sa pamamagitan ng patuloy na pag- aaral ng guro ay mas

nalilinang pa ang kakayahan tungo sa matagumpay na pagtuturo.


83

Talahanayan 14

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Awtoritarisadong Estilo kung papangkatin

ayon sa Kabuuang Kita ng Pamilya

Mas mababa Mas mataas


Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon
1 Kailangang sundin ng mga mag-
aaral ang lahat ng mga tuntunin 4.30 Mataas 4.62 Lubhang Mataas
sa loob at labas ng paaralan.
2 Binibigyan ng limitasyon ang
3.70 Mataas 3.62 Mataas
suhestiyon ng mga mag- aaral.
3 Nagiging istrikto ang ekspresyon
ng mukha kapag may mga mag-
3.17 Katamtamang 3.31 Katamtamang
aaral na itinatago ang kanilang
nais ipahayag.
4 Inuutusan ang mga mag- aaral
na dapat sundin ang 4.22 Mataas 3.69 Mataas
alituntunin.
5 Mas pinahahalagahan ang
3.22 Katamtamang 3.44 Katamtamang
sariling awtoridad.
Hindi mahalaga ang
6 nararamdaman ng mga mag- 1.91 Mababa 2.75 Katamtamang
aaral.
7 Tinatalakay ang mga bagay na
4.74 Lubhang Mataas 4.56 Lubhang Mataas
makabubuti sa mga mag- aaral.
8 Pinakikinggan lang ang
suhestiyon na batay sa sariling 2.39 Mababa 3.38 Katamtamang
paniniwala lamang.
9 Ginagamit ang mga alituntunin
at regulasyon ayon sa sariling 2.70 Katamtamang 3.44 Katamtamang
pananaw.
10 Kapag naipatupad na ang mga
alituntunin sa klase ay hindi na
ito maaaring mabago. 3.22 Katamtamang 3.56 Mataas

Kabuuang Mean Lubhang Lubhang


4.58 4.57
Mataas Mataas
84

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Awtoritarisadong Estilo kung papangkatin

ayon sa Kabuuang Kita ng Pamilya

Sa ika- 14 na talahanayan, lumalabas na may pagkakatulad ang

naging resulta ng pangkat ng mga gurong may mas mataas at mababang

kita. Ang tanong bilang 6 na, “Bilang guro hindi mahalaga ang

nararamdaman ng mga mag- aaral” ang nakakuha ng mean, 1.91

(mababa) para sa mga gurong may mas mababang sahod at 2.75

(katamtaman) sa mga mas mataas ang sahod. Para sa pangkat ng mga

gurong may mas mababang sahod ang may pinakamataas na mean ay

ang bilang 7 na, “Bilang guro tinatalakay ang mga bagay na makabubuti

sa mga mag- aaral” na nakakuha ng mean na 4.74 (lubhang mataas), at

4.62 (lubhang mataas) naman ang nakuha ng bilang 1 ng mga gurong

may mas mataas na sahod, “Bilang guro kailangang sundin ng mga mag-

aaral ang lahat ng mga tuntunin sa loob at labas ng

paaralan”.Nangangahulugan ito na hindi ginagamit ang awtoritarisadong

estilo sa pagtuturo ng mga guro mataas man o mababa man ang

kanilang sahod.

Sa kabuuan ito ay may implikasyon na mas mataas ang nakuhang

mean ng mga gurong may mas mababang sahod kumpara sa mga

gurong may mas mataas na sahod. Nangangahulugan hindi naging

hadlang ang mababang sahod sa pagtuturo ng guro at pagbibigay halaga


85

sa mga bagay na makabubuti sa mga mag- aaral. Kabaliktaran ito sa

aklat na isinulat ni Aquino, 2015 na pinamagatang “Titser ano po ang

tinda niyo” na nagsasabing dahil sa kakarampot na kinikita ng guro,

hindi maiiwasan ang paghahanap ng iba pang alternatibong

pagkukunan ng ikabubuhay para maitaguyod ang mga sinusuportahan

nila. Lumalabas rin na walang pagkakaiba ang pagpapahalagang

ibinibigay ng mga guro sa kanilang mga mag- aaral kung papangkatin

ayon kabuuang kita ng pamilya. Lubos na pinaninidigan ng pag- aaral

na ito, na ang pagtuturo ay isang marangal at dakilang propesyon na

marapat suklian nang mataas na pagpapahalaga. Sa kabila ng

kalagayan at estado ng buhay ng mga pampublikong guro tuwiran parin

nilang isinusulong at pinupunan ang mga kakulangan sa larangan ng

edukasyon. Sumasang- ayon ang pag- aaral na ito sa pahayag ni Nunley

(2014), na mahalagang isaaalang-alang ng guro ang silid- aralan bilang

isang malaking bagay na maaaring baguhin at paunlarin upang mas

matuto ang mag- aaral.


86

Talahanayan 15

Antas ng Estilo ng mga Guro ng Colonia Divina Integrated

School sa Laissez Faire na Estilo kung papangkatin ayon sa Edad

Mas Bata Mas matanda


Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon
1 Dinidisiplina ang mga mag-
4.30 Mataas 4.47 Mataas
aaral sa tuwing nagkakamali.
2 Nagbabago ang desisyon ayon
sa situwasyon kahit na 3.85 Mataas 3.89 Mataas
nakapagbigay na ng pasya.
3 Dumadaan sa likuran ng mga
mag- aaral na walang
3.80 Mataas 3.95 Mataas
pahintulot upang masiyasat
ang kanilang ginagawa.
4 Pinapaliwanag at
tinutulungan ang mga mag-
aaral upang lubos na Lubhang
4.35 Mataas 4.58
maunawaan nila ang araling- Mataas
bahay kapag nahihirapan
silang sagutin ito.
5 Nakikinig nang mabuti kapag
Lubhang
may mag- aaral na lumalapit 4.20 Mataas 4.53
Mataas
at nagtatanong.
Binabasa ng ilang ulit ang
6 panuto upang lubos itong 4.20 Mataas 4.42 Mataas
maunawaan.
7 Hinihingi ang bakanteng oras
ng mga mag- aaral upang
3.45 Katamtamang 3.68 Mataas
gamitin ito sa hindi nila
maunawaang talakayan.
8 Bukas sa mga mag- aaral na
nais magbahagi ng kanilang 4.45 Mataas 4.47 Mataas
problema.
9 Ibinibigay ang numero ng
telepono upang makontak 3.60 Mataas 4.00 Mataas
kapag may mga problema.
10 Kapag may mga mag- aaral na
mababa sa pagsusulit ay
ipinapatawag pagkatapos ng 3.35 Katamtamang 3.74 Mataas
klase upang mas matutukan.

Lubhang Lubhang
Kabuuang Mean 4.58 4.57
Mataas Mataas
87

Antas ng Estilo ng mga Guro ng Colonia Divina Integrated School sa

Laissez Faire na Estilo kung papangkatin ayon sa Edad

Sa pag- aaral na ito, lumalabas sa talahanayan 15 na sa pangkat

ng mga mas batang guro “mataas” ang bilang ng mga guro na bukas sa

mga mag- aaral na nais magbahagi ng kanilang problema, nakakuha ang

bilang 8 ng mean na 4.45, pinakamababa naman ang ikasampung bilang

na, “Bilang guro kapag may mga mag- aaral na mababa sa pagsusulit ay

ipinapatawag pagkatapos ng klase upang mas matutukan” na nakakuha

ng 3.35 na mean na nangangahulugang “katamtaman”. Sa mga mas

matandang guro naman, may pinakamataas na mean ang bilang 4,

“Bilang guro pinapaliwanag at tinutulungan ang mga mag-aaral upang

lubos na maunawaan nila ang araling- bahay kapag nahihirapan silang

sagutin ito” na nakakuha ng mean na 4.58 na ibig- sabihin ay “lubhang

mataas” at pinakamababa ang bilang 7, “Bilang guro hinihingi ang

bakanteng oras ng mga mag- aaral upang gamitin ito sa hindi nila

maunawaang talakayan” na nakakuha ng mean na 3.68

nangangahulugang “mataas”. Sa kabuuan ang mga gurong mas mababa

ang sahod ang nakakuha ng mas mataas na kabuuang mean na 4.58 na

nangangahulugang “lubhang mataas”.

Batay sa mga nakalap na datos narito ang mga sumusunod na

naging implikasyon; ang laissez faire ay tumutukoy sa estilo ng

pagtuturo na kung saan ang guro ay binibigyang pansin ang halaga at


88

oras ng mga mag- aaral sa hindi gaanong naintindihang mga gawain,

ang mga guro ay inilalarawan bilang mapag- alaga at mapag- aruga dahil

pinaglalaanan nila ang mga mag- aaral ng emosyonal na suporta (Felis,

2018). Ayon sa pananaliksik na ito, lumalabas na karamihan sa mga

mas batang guro ay iginugugol ang kanilang oras sa mga mag- aaral na

nangangailangan ng higit na atensyon. Ito ay sa kadahilanang

karamihan sa mga gurong ito ay wala pang sariling pamilya kung kaya’t

marami pa silang oras sa kanilang mga mag- aaral. Ang mga guro ring

ito ay kayang makipagsabayan sa kanilang mag- aaral sapagkat hindi

masyadong malayo ang agwat ng kanilang edad. Isa sa maaaring dahilan

kung kayat parehong mababa ang naging resulta sa bilang 7 ay dahil sa

mga karagdagang gawain na ibinibigay sa mga guro bata man o matanda

kung kaya’t hindi nila kayang ibigay ang kanilang bakanteng oras upang

gamitin sa hindi naunawaang talakayan ng mga mag- aaral. Samantala

sumasalungat sa resulta ng talahanayang ito sa pag- aaral na isinagawa

ni Suarez, 2018 na nagsasabing higit na mas magaling magturo ang mga

mas matatanda sapagkat mas malawak na ang kanilang karanasan at

kaalaman kung kaya’t mas mataas ang kalidad ng pagtuturo ng mga

mas matanda. Ito ay isang katotohanan na bilang mga tagapagturo,

gumaganap tayo ng iba't ibang mahahalagang tungkulin sa silid-aralan.

Ang mga guro ay itinuturing na liwanag sa silid-aralan at sa

napakaraming responsibilidad na mula sa pinakasimple patungo sa

pinaka-kumplikado. Ito ay nangangailangan ng iba't ibang mga estilo ng


89

pagtuturo upang makuha ang interes ng mga mag-aaral. Higit sa lahat,

ang guro ay dapat magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga layunin at

pamantayan ng kurikulum, kasanayan sa pagtuturo, interes,

pagpapahalaga at mga mithiin, (Atkinson, 2015).


90

Talahanayan 16

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Laissez Faire na Estilo

kung papakangkatin ayon sa Kasarian

Babae Lalaki
Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon
1 Dinidisiplina ang mga mag-
4.37 Mataas 4.42 Mataas
aaral sa tuwing nagkakamali.
2 Nagbabago ang desisyon ayon
sa situwasyon kahit na 3.67 Mataas 4.33 Mataas
nakapagbigay na ng pasya.
3 Dumadaan sa likuran ng mga
mag- aaral na walang
3.85 Mataas 3.92 Mataas
pahintulot upang masiyasat
ang kanilang ginagawa.
4 Pinapaliwanag at tinutulungan
ang mga mag- aaral upang
lubos na maunawaan nila ang 4.37 Mataas 4.67 Lubhang Mataas
araling-bahay kapag
nahihirapan silang sagutin ito.
5 Nakikinig nang mabuti kapag
may mag- aaral na lumalapit at 4.37 Mataas 4.33 Mataas
nagtatanong.
Binabasa ng ilang ulit ang
6 panuto upang lubos itong 4.30 Mataas 4.33 Mataas
maunawaan.
7 Hinihingi ang bakanteng oras
ng mga mag- aaral upang
3.37 Katamtamang 4.00 Mataas
gamitin ito sa hindi nila
maunawaang talakayan.
8 Bukas sa mga mag- aaral na
nais magbahagi ng kanilang 4.52 Lubhang Mataas 4.33 Mataas
problema.
9 Ibinibigay ang numero ng
telepono upang makontak 3.70 Mataas 4.00 Mataas
kapag may mga problema.
10 Kapag may mga mag- aaral na
mababa sa pagsusulit ay
3.33 Katamtamang 4.00 Mataas
ipinapatawag pagkatapos ng
klase upang mas matutukan.
Kabuuang Mean Lubhang Lubhang
4.58 4.57
Mataas Mataas
91

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Lissez Faire na Estilo

kung papangkatin ayon sa Kasarian

Matutunghayan naman sa talahanayang na ito ang antas ng estilo

ng pagtuturo ng mga guro kung papangkatin ayon sa kasarian. Sa grupo

ng kababaihan, ang bilang 8 na, “Bilang guro bukas sa mga mag- aaral

na nais magbahagi ng kanilang problema” ang mayroong pinakamataas

na mean na 4.52 o nangangahulugang “lubhang mataas”. Pinakamababa

ang nakuhang mean (3.33) ng bilang 10 na, “Bilang guro kapag may mga

mag- aaral na mababa sa pagsusulit ay ipinapatawag pagkatapos ng

klase upang mas matutukan” na may interpretasyon na “katamtaman.”

Iba naman ang bilang ng may pinakamataas na mean sa pangkat ng

mga lalaki. Ang bilang 4 na, “Bilang guro pinapaliwanag at tinutulungan

ang mga mag- aaral upang lubos na maunawaan nila ang araling- bahay

kapag nahihirapan silang sagutin ito.” Mayroon itong mean na 4.67 na

nangangahulugang “lubhang mataas”. “Mataas” naman ang naging

interpretasyon ng bilang 3 na, “Bilang guro dumadaan sa likuran ng mga

mag- aaral na walang pahintulot upang masiyasat ang kanilang

ginagawa” na may mean na 3.92. Sa kabuuan higit na mas mataas ang

kabuuang mean ng mga babaeng guro na 4.58 kumpara sa mga lalaki

na 4.57 lang ngunit parehong nangangahulugang “lubhang mataas”.


92

Ang naging implikasyon sa pag- aaral na ito ay higit na

marami ang mga babaeng guro na nagtuturo ng may pag- aaruga, pag-

aalaga at emosyonal na suporta sa mga mag- aaral, ito ay sa

kadahilanang ang mga babae ay likas na may malambot na puso at mas

nakakaunawa sa pagkakaiba ng mga mag- aaral. Kadalasan din sa mga

babae ay buong pusong tinatanggap ang pagkakamali at nagpapatawad

nang may sinseridad sa mga batang humihingi ng paumanhin.

Lumalabas na mas bukas sa mga mag- aaral ang gurong babae lalo na

pagdating sa mga problemang kinakaharap ng mga estudyante. Sang-

ayon ito sa pag- aaral ni Papham (2018), nabanggit sa kaniyang aklat na

pinamagatang Mga Katangian ng Guro, ang katayuan, kasarian at

katangian ng isang guro ay may malaking tungkuling ginagampanan sa

pagpapaunlad ng kakayahan ng mga mag- aaral. Ang kaniyang

impluwensiya sa lipunan at sa paghubog ng mga kakayahan ng mga

mag- aaral ay hindi matatawaran kailanman. Bilang pangunahing

magulang, bukod sa ilaw ng tahanan ay nagsisilbi rin silang uhay sa

pagpapalago at pagpapayabong ng anumang kakayahang mayroong ang

mag- aaral.
93

Talahanayan 17

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Laissez Faire na Estilo kung papakangkatin

ayon sa Pinakamataas na antas ng Pinag- aralan

Kolehiyo Master’s degree


Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon
1 Dinidisiplina ang mga mag- aaral
4.32 Mataas 4.55 Lubhang Mataas
sa tuwing nagkakamali.
2 Nagbabago ang desisyon ayon sa
situwasyon kahit na 3.89 Mataas 3.82 Mataas
nakapagbigay na ng pasya.
3 Dumadaan sa likuran ng mga
mag- aaral na walang pahintulot
3.96 Mataas 3.64 Mataas
upang masiyasat ang kanilang
ginagawa.
4 Pinapaliwanag at tinutulungan
ang mga mag- aaral upang lubos
na maunawaan nila ang araling- 4.46 Mataas 4.45 Mataas
bahay kapag nahihirapan silang
sagutin ito.
5 Nakikinig nang mabuti kapag
may mag- aaral na lumalapit at 4.43 Mataas 4.18 Mataas
nagtatanong.
Binabasa ng ilang ulit ang
6 panuto upang lubos itong 4.36 Mataas 4.18 Mataas
maunawaan.
7 Hinihingi ang bakanteng oras ng
mga mag- aaral upang gamitin
3.54 Mataas 3.64 Mataas
ito sa hindi nila maunawaang
talakayan.
8 Bukas sa mga mag- aaral na nais
magbahagi ng kanilang 4.57 Lubhang Mataas 4.18 Mataas
problema.
9 Ibinibigay ang numero ng
telepono upang makontak kapag 3.57 Mataas 4.36 Mataas
may mga problema.
10 Kapag may mga mag- aaral na
mababa sa pagsusulit ay
3.54 Mataas 3.55 Mataas
ipinapatawag pagkatapos ng
klase upang mas matutukan.
Kabuuang Mean 4.57 Lubhang 4.58 Lubhang
94

Mataas Mataas

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Laissez Faire na Estilo kung papangkatin

ayon sa Pinakamataas na Antas ng Pinag- aralan.

Sa bahaging ito, ang bilang 8 sa mga gurong nakapagtapos ng

kolehiyo na, “Bilang guro bukas sa mga mag- aaral na nais magbahagi

ng kanilang problema” ang nakakuha ng pinakamataas na mean score

(4.57), ito ay nangangahulugang “lubhang mataas”. Pinakamababa

naman ang nakuha ng bilang 7 na, “Bilang guro hinihingi ang bakanteng

oras ng mga mag- aaral upang gamitin ito sa hindi nila maunawang

talakayan” at bilang 10 na, “Kapag may mga mag- aaral na mababa sa

pagsusulit ay ipinapatawag pagkatapos ng klase upang mas matutukan”

ang nakakuha ng pinakamababang mean na 3.54 bagama’t may

interpretasyon “mataas”. Sa pangkat naman ng mga gurong may mas

mataas na pinag- aralan, ang bilang 1 na, “Bilang guro dinidisiplina ang

mga mag- aaral sa tuwing nagkakamali” ang may “lubhang mataas” na

katampatang iskor na 4.55 at pinakamababa ang bilang 10 na, “Kapag

may mga mag- aaral na mababa sa pagsusulit ay ipinapatawag

pagkatapos ng klase upang mas matutukan” na may mean na 3.55

(mataas). Nangangahulugan na ang pangkat ng mga gurong may mas

mataas na pinag- aralan ang may mas mataas na kabuuang

katampatang iskor na 4.58.


95

Batay sa naging resulta ito ay nagpapakita ng implikasyon na ang

pinakamababang mean na 3.55 at 3.54 na nakuha ng pangkat ng mga

gurong may mataas at mababa pinag- aralan ay parehong nasa bilang

10. Ito ay nangangahulugan na ang mga guro ay walang sapat na oras

upang magbigay pa ng kanilang panahon sa mga mag- aaral na may

mababang iskor sa pagsusulit upang matutukan. Ito ay sa kadahilanang

iksakto lamang ang inilaang oras ng mga guro sa pagtuturo at iba pang

karagdagang gawain. Dagdag pa rito ang sahod ng pampublikong guro

ay hindi na sapat sa kanilang pang araw- araw ng gastusin kaya

naghahanap sila ng iba pang mapagkakakitaan. Ngunit lumalabas na

ang pagdidisiplina at pagiging bukas sa mga mag- aaral na may

pangangailangan ay nagagampanan pa rin ng mga gurong ito. Ang mga

estratehiya sa pagtuturo ay may malalaki at mahahalagang tungkulin sa

pagbibigay ng tulong sa guro upang ang mga katotohanang nakapaloob

dito ay maihatid patungo sa mga mag-aaral na mas madali at mas

maganda ang kalidad ng gawain. Ayon kina Zebrua et al. (2013), ang

lahat ng gawain, malaki man o maliit ay ginagamitan ng mga

pamamaraan upang matapos ang naturang gawain. Sinasabi ng pag-

aaral na ito na kahit hindi man naibigay ng guro ang bakanteng oras sa

mga mag- aaral ay matagumpay pa rin nilang naisagawa ang pagtuturo

dahil sa mga estilong ginamit na angkop sa pangangailangan ng mga

mag- aaral.
96

Talahanayan 18

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Laissez Faire na Estilo kung papakangkatin

ayon sa Kabuuang kita ng Pamilya

Mas mababa Mas mataas


Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon
1 Dinidisiplina ang mga mag-
4.43 Mataas 4.31 Mataas
aaral sa tuwing nagkakamali.
2 Nagbabago ang desisyon ayon
sa situwasyon kahit na 3.91 Mataas 3.81 Mataas
nakapagbigay na ng pasya.
3 Dumadaan sa likuran ng mga
mag- aaral na walang
3.87 Mataas 3.88 Mataas
pahintulot upang masiyasat
ang kanilang ginagawa.
4 Pinapaliwanag at
tinutulungan ang mga mag-
aaral upang lubos na Lubhang
4.43 Mataas 4.50
maunawaan nila ang araling- Mataas
bahay kapag nahihirapan
silang sagutin ito.
5 Nakikinig nang mabuti kapag
Lubhang
may mag- aaral na lumalapit 4.13 Mataas 4.69
Mataas
at nagtatanong.
Binabasa ng ilang ulit ang
Lubhang
6 panuto upang lubos itong 4.13 Mataas 4.56
Mataas
maunawaan.
7 Hinihingi ang bakanteng oras
ng mga mag- aaral upang
3.30 Katamtamang 3.94 Mataas
gamitin ito sa hindi nila
maunawaang talakayan.
8 Bukas sa mga mag- aaral na
Lubhang
nais magbahagi ng kanilang 4.43 Mataas 4.50
Mataas
problema.
9 Ibinibigay ang numero ng
telepono upang makontak 3.74 Mataas 3.88 Mataas
kapag may mga problema.
10 Kapag may mga mag- aaral na 3.39 Katamtamang 3.75 Mataas
mababa sa pagsusulit ay
ipinapatawag pagkatapos ng
97

klase upang mas matutukan.

Lubhang Lubhang
Kabuuang Mean 4.58 Mataas 4.57 Mataas

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Laissez Faire na Estilo kung papangkatin

ayon sa Kabuuang Kita ng Pamilya

Sa pangkat ng mga gurong may mas mababa na kita, ang bilang 1

na, “Dinidisiplina ang mga mag- aaral sa tuwing nagkakamali”, bilang 4

na, “ Bilang guro pinapaliwanag at tinutulungan ang mga mag- aaral

upang lubos na maunawaan nila araling- bahay kapag nahihirapan

silang sagutin ito” at bilang 8, “Bilang guro bukas sa mga mag- aaral na

nais magbahagi ng kanilang problema” ang nakakuha ng pinakamataas

na mean na 4.43 na nangangahulugang “lubhang mataas”.

Pinakamababa naman ang nakuhang mean (3.30) ng bilang 7 na,

“Bilang guro hinihingi ang bakanteng oras ng mga mag- aaral upang

gamitin ito sa hindi nila maunawaang talakayan” na mayroong

interpretasyon na “katamtaman”. Sa mga gurong may mas mataas na

sahod naman ang bilang 5 na, “Bilang guro nakikinig nang mabuti

kapag may mga mag- aaral na lumalapit at nagtatanong” ang nakakuha

ng pinakamataas na 4.69 na mean na nangangahulugang “lubhang

mataas”. Ang bilang 10, “Bilang guro kapag may mga mag- aaral na

mababa sa pagsusulit ay ipinapatawag pagkatapos ng klase upang mas

matutukan” ang may pinakamababang mean na 3.75 bagama’t may

interpretasyong “mataas”. Sa kabuuan mas mataas ang mean score na


98

4.58 ng mga gurong may mas mababang kita kumpara sa mga gurong

may mas mataas na sahod sa katampatang mean na 4.57 ngunit

parehong nangangahulugang “lubhang mataas”.

Ang talahanayan na ito ay nagpapakita ng implikasyon na hindi

nakakaapekto ang kita ng pamilya sa pagtuturo ng guro. Sa kabila ng

mas mababang sahod ay nagagawa pa rin nila ang kanilang mga papel

bilang kontribyutor sa pagkatuto ng mga mag- aaral. Kahit na may iba-

ibang pasanin ay nadidisiplina pa rin nila ang mga mag- aaral tuwing

nagkakamali at nabibigyan ng sapat na oras ang mga mag- aaral na

humihingi ng tulong kapag nangangailangan lalo na pagdating sa mga

aralin. Sinasabi rin ng talahanayan na ito na ang mga gurong may mas

mataas na sahod ay wala ng oras na ipatawag pa ang mga mag- aaral na

may mababang iskor sa pagsusulit ito maaaring dahil ang mga

panahong ito ay inilalaan na nila sa iba pang pinagkakakitaan nila

halimbawa ay ang pagnenegosyo. Sa kabila nito napapatunayan pa rin

ng pag- aaral na ito na may kabuluhan ang sinasabi ni Magpantay

(2015), na ang guro mataas man o mababang sahod ang epetibong

pagtuturo ay nakasalalay pa rin sa pagpili ng angkop na estilo at metodo

sa pagtuturo upang makamit ang epektibong pagkatuto.


99

Talahanayan 19

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Indifferent na Estilo

kung Papangkatin ayon sa Edad

Mas Bata Mas Matanda


Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon

1 Nagbibigay oras na makipag-


usap sa mga mag- aaral
3.75 Mataas 3.95 Mataas
tungkol sa kanilang pang-
araw- araw na buhay.

2 Hinihikayat ang mga mag-


aaral na makilahok sa mga
4.60 Lubhang Mataas 4.37 Mataas
gawaing ekstra-kurikular
tulad ng isports at kultural.

3 Nilalapitan ng mga mag- aaral


3.70 Mataas 4.42 Mataas
kapag nagkakamali.

4 Pinapahalagahan ang
4.40 Mataas 4.53 Lubhang Mataas
malasakit sa mga mag- aaral.

5 Naniniwala na ang pagpupuri


ay mahalaga kapag
4.65 Lubhang Mataas 4.42 Mataas
nakikisangkot ang mga mag-
aaral sa talakayan.

6 Madalas magbigay ng panuto. 4.35 Mataas 4.47 Mataas

7 Pinapahalagahan ang mga


4.15 Mataas 4.53 Lubhang Mataas
hinaing ng mga mag- aaral.

8 Iniiwasang mapalapit ang


3.15 Katamtamang 3.32 Katamtamang
damdamin sa mga mag- aaral.

9 Kayang magturo kahit hindi


3.70 Mataas 4.11 Mataas
nakapaghanda.

10 Pinapahalagahan ang
paghahanda sa itatalakay. 4.25 Mataas 4.37 Mataas
100

Kabuuang Mean Lubhang Lubhang


4.58 4.57
Mataas Mataas

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mg Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Indifferent na Estilo

kung papangkatin ayon sa Edad

Kung papangkatin ang mga guro ayon sa edad, ang tanong bilang

5 na, “Bilang guro naniniwala na ang pagpupuri ay mahalaga kapag

nakikisangkot ang mga mag- aaral sa talakayan” ang may pinakamataas

na mean score na 4.56 na, nangangahulugang “lubhang mataas”

samantalang ang bilang 8 na, “Bilang guro iniiwasang mapalapit ang

damdamin sa mga mag- aaral” ang nakakuha ng pinakamababang mean

na 3.15 ibig-sabihin ay “katamtaman”. Parehong “lubhang mataas”

naman ang bilang ng mga matatandang guro na nagbibigay halaga sa

malasakit sa mga mag- aaral (bilang 4) at nagbibigay halaga sa mga

hinaing ng mga mag- aaral (bilang 7) na may mean score na 4.53

(lubhang mataas). Ang bilang 8 na, “Iniiwasang mapalapit ang

damdamin sa mga mag- aaral” ang may pinakamababang katampatang

iskor na 3.32 na may interpretasyon na “katamtaman”. Ang kabuuang

mean score ng mga mas batang guro ay 4.58 mas mataas kumpara sa

4.57 ng mga mas matandang guro.


101

Mababasa sa kabanata 1 ang pagpapakahulugan ng Indifferent na

Estilo, tumutukoy ito sa estilo ng pagtuturo na kung saan ang guro ay

walang malasakit at hindi nagbibigay ng mga ideya sa mga estudyante at

madalas nararamdaman nila na ang paghahanda sa klase ay hindi

mahalaga (Okwori et al. 2015). Lumalabas sa talahanayan bilang 17 ang

implikasyon na ang mga guro ng CDIS ay hindi gumagamit ng estilong

ito. Unang- una ay karamihan sa mga mas batang guro ay naniniwala na

ang pagpupuri ay mahalaga kapag nakikisangkot ang mga mag- aaral sa

talakayan. Ito ay dahil sariwa pa sa mga gurong ito ang kanilang mga

natutunan sa kolehiyo ng kahalagahan ng teoryang Behaviorism. Ito ay

naiuugnay sa sikat na psychologist at behaviorist na si B.F Skinner

(1968). Ayon kay Skinner, kailangang “alagaan” ang intelektwal na

kakayahan ng isang indibidwal sa pamamagitan ng pagganyak,

pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi ng

mga mag- aaral. Ang pagbibigay puri sa bawat tama o partisipasyon ng

mag- aaral (magaling, tama ang sagot mo, kahanga- hanga ka, sige,

ipagpatuloy mo) ay maaaring magbibigay ng motibasyon sa mag- aaral

upang makinig at pagtibayin ang kanilang adhikain na mapaunlad ang

kanilang sarili lalo na ang kanilang akademikong performans.

Lumalabas rin na iniiwasan ng mga guro matanda man o bata na

mapalapit ang damdamin sa mga mag- aaral, ito ay dahil nagbibigay na

sila ng limitasyon sa pagitan nila at ng mga mag- aaral na maaaring

maging dahilan ng pagkawala ng galang ng mga mag- aaral sa kanilang


102

guro at upang maiwasan ang mga pangyayari na may kinalaman sa

imoral na gawain na kinasasangkutan ng guro at mag- aaral. Masyadong

malayo na rin ang pagkakaiba ng henerasyon ng mga guro kumpara sa

mga kabataan sa kasalukuyan. Halimbawa, sa pananamit, hilig,

paniniwala kultura at iba pa.

Talahanayan 20

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Indifferent na Estilo kung papakangkatin

ayon sa Kasarian

Babae Lalaki
Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon

1 Nagbibigay oras na makipag-


usap sa mga mag- aaral tungkol
3.74 Mataas 4.08 Mataas
sa kanilang pang- araw- araw
na buhay.
2 Hinihikayat ang mga mag- aaral
na makilahok sa mga gawaing
4.37 Mataas 4.75 Lubhang Mataas
ekstra-kurikular tulad ng
isports at kultural.
3 Nilalapitan ng mga mag- aaral
4.11 Mataas 3.92 Mataas
kapag nagkakamali.
4 Pinapahalagahan ang malasakit Lubhang
4.52 4.33 Mataas
sa mga mag- aaral. Mataas

5 Naniniwala na ang pagpupuri ay


mahalaga kapag nakikisangkot
4.44 Mataas 4.75 Lubhang Mataas
ang mga mag- aaral sa
talakayan.

6 Madalas magbigay ng panuto. 4.37 Mataas 4.50 Lubhang Mataas

7 Pinapahalagahan ang mga 4.33 Mataas 4.33 Mataas


103

hinaing ng mga mag- aaral.


8 Iniiwasang mapalapit ang
3.11 Katamtamang 3.50 Mataas
damdamin sa mga mag- aaral.
9 Kayang magturo kahit hindi
3.78 Mataas 4.17 Mataas
nakapaghanda.
10 Pinapahalagahan ang
paghahanda sa itatalakay. 4.22 Mataas 4.50 Lubhang Mataas

Lubhang Lubhang
Kabuuang Mean 4.58 4.57
Mataas Mataas

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated sa Indifferent na Estilo kung Papangkatin ayon sa

Kasarian

Ayon sa talahanayan na ito, sa kategorya ng mga babaeng guro,

ang tanong bilang 4 tungkol sa, “Bilang guro pinapahalagahan ang

malasakit sa mga mag- aaral” ang may pinakamataas na mean na 4.52

na nangangahulugang “lubhang mataas”. Pinakamababa ang bilang 8

na, “Iniiwasang mapalapit ang damdamin sa mga mag- aaral” na may

mean na 3.11 ibig-sabihin “katamtaman”. Ayon naman sa mga

kalalakihan ang bilang 5, “Bilang guro naniniwala na ang pagpupuri ay

mahalaga kapag nakikisangkot ang mga mag- aaral sa talakayan” ang

may pinakamataas na mean na umabot ng 4.75 na may interpretasyong

na “lubhang mataas”, pinakamababa ang bilang 8 na, “Bilang guro

iniiwasang mapalapit ang damdamin sa mga mag- aaral” na may


104

katampatang mean na 3.50 kahit may interpretasyong “mataas”. Sa

kabuuan ang pangkat ng mga babaeng guro ay nakakuha ng kabuuang

mean score na 4.58 mas mataas kumpara sa 4.57 ng mga lalaking guro.

Sa operasyonal na kahulugan ang indifferent na estilo ng

pagtuturo ay tumutukoy sa pamamaraan ng pagtuturo ng guro na kung

saan tanging ang aralin lamang ang ibinabahagi nila sa mga mag- aaral

at hindi na kabilang sa pagtuturo ang pagmamalasakit . Batay sa naging

resulta lumalabas na ito ay may implikasyon na ang mga babaeng guro

ay hindi nabibilang sa mga gurong gumagamit ng estilong ito sapagkat

mas pinaiiral nila ang pagbibigay malasakit sa kanilang mga mag- aaral.

Makikita rin sa pag- aaral na ito na karamihan sa mga babaeng guro ay

ninanais na maging malapit ang kanilang damdamin sa kanilang mga

mag- aaral. Samantala ang mga lalaki naman ay kadalasang nagbibigay

halaga sa mga ekstra- kurikular na gawain na nais nilang lahokan ng

mga mag- aaral. Kadalasan ang mga sinasabing isports o kultural na ito

ay ang mga nakahiligang gawin din ng mga naturang mga guro. Ito ay

isa sa mga paraan at dahilan kung kaya’t madalas na ang mga lalaking

mag- aaral ay malapit ang damdamin sa kanilang mga gurong lalaki lalo

na kapag iisa lang ang kanilang nakahiligan. Pinatunayan ito ng pag-

aaral ni Torres (1998), nabalik- aralan niya ang umiiral na

pansikolohikal na kultura ng pagkakaiba ng kasarian ayon sa mga pag-

uugaling kalakip sa kinabibilangang uri. Lubhang dapat nating

unawaing mabuti ang kaugnayan nito sa mga ipinapakita at mga


105

isinasagawang kilos, paniniwala at pag- uugali na makakatulong upang

mas mapadali ang pagtuturo at kung paano ito makakaapekto sa

magiging performans ng mga mag- aaral.

Talahanayan 21

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Indifferent na Estilo kung papakangkatin

ayon sa Pinakamataas na antas ng Pinag- aralan

Kolehiyo Master’s degree


Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon
1 Nagbibigay oras na makipag-
usap sa mga mag- aaral
3.79 Mataas 4.00 Mataas
tungkol sa kanilang pang-
araw- araw na buhay.
2 Hinihikayat ang mga mag-
aaral na makilahok sa mga Lubhang
4.54 4.36 Mataas
gawaing ekstra-kurikular Mataas
tulad ng isports at kultural.
3 Nilalapitan ng mga mag-
4.00 Mataas 4.18 Mataas
aaral kapag nagkakamali.
4 Pinapahalagahan ang Lubhang
4.54 4.27 Mataas
malasakit sa mga mag- aaral. Mataas
5 Naniniwala na ang pagpupuri
ay mahalaga kapag Lubhang
4.64 4.27 Mataas
nakikisangkot ang mga mag- Mataas
aaral sa talakayan.
106

6 Madalas magbigay ng panuto. 4.39 Mataas 4.45 Mataas


7 Pinapahalagahan ang mga
4.39 Mataas 4.18 Mataas
hinaing ng mga mag- aaral.
8 Iniiwasang mapalapit ang
damdamin sa mga mag- 3.25 Katamtamang 3.18 Katamtamang
aaral.
9 Kayang magturo kahit hindi
3.89 Mataas 3.91 Mataas
nakapaghanda.
10 Pinapahalagahan ang
paghahanda sa itatalakay. 4.25 Mataas 4.45 Mataas

Lubhang Lubhang
4.57 4.58
Kabuuang Mean Mataas Mataas

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Indifferent na Estilo kung papangkatin

ayon sa Pinakamataas na antas ng Pinag- aralan

Sa pangkat ng mga gurong nakapagtapos ng kolehiyo, ang bilang 5

na, “Bilang guro naniniwala na ang pagpupuri ay mahalaga kapag

nakikisangkot ang mga mag- aaral sa talakayan” ang mayroong

pinakamataas na mean na 4.64 (lubhang mataas). “Katamtaman” naman

ang naging interpretasyon ng bilang 8 na, “Bilang guro niiwasang

mapalapit ang damdamin sa mga mag- aaral” na may mean na 3.25. Sa

pangkat naman ng mga gurong may mas mataas na pinag- aralan

nakakuha ng pinakamataas na mean na 4.45, ang bilang 6, “Bilang guro

madalas magbigay ng panuto” at bilang 10, “Bilang guro

pinapahalagahan ang paghahanda sa itatalakay” ang mga ito ay may

parehong interpretasyon na “mataas”. Ang bilang 8 naman na, “Bilang


107

guro iniiwasang mapalapit ang damdamin sa mga mag- aaral” ang may

pinakamababang mean score na 3.18 kahit na nangangahulugang

“katamtaman”.

Batay sa naging resulta ito ay nagpapakita ng implikasyon na

kung ihahambing ang pagkakaiba ng pangkat ng mga guro ayon sa

pinakamataas na antas ng pinag- aralan pagdating sa indifferent na

estilo ng pagtuturo, naipakita ng talahanayan 21 na ang pangkat ng mga

gurong may mas mataas na pinag- aralan ang nakakuha ng mas mataas

na kabuuang mean score na 4.58 mataas kumpara sa 4. 57 ng mga

gurong nakapagtapos ng kolehiyo. Nangangahulugang ang mga gurong

ito ay hindi gumagamit ng nasabing estilo sapagkat kabaliktaran ang

naging kinalabasan sa kahulugan nito na kung saan ito ay ang estilo ng

pagtuturo na tanging ang aralin lamang ang ibinabahagi ng guro sa mga

mag- aaral at hindi na kabilang sa pagtuturo ang malasakit ng guro.

Lumalabas din na ang mga gurong may mas mataas na pinag- aralan ay

madalas magbigay ng panuto sa mga mag- aaral at pinapahalagahan ang

paghahanda sa tinatalakay. Ibig- sabihin naisasabuhay ng mga guro ang

kanilang natututunan sa kanilang patuloy na pag- aaral kahit sila ay

nasa kani- kanilang mga larangan. Ayon sa The American Heritage

Dictionary, ang edukasyon ay mga kaalaman at kasanayang nakakamtan

at umuunlad sa pamamagitan ng proseso ng pagkatuto. Ang taong may

pormal na edukasyon ay higit na may kakayahang magtamasa pa ng

higit na kaalaman at maging isang highly skilled na manggagawa. Kaya


108

nga mas higit na pinapaboran ng mga kumpanya ang mga aplikanteng

mayroong mas mataas na natamong edukasyon.

Talahanayan 22

Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Indifferent na Estilo kung papakangkatin

ayon sa Kabuuang Kita ng Pamilya

Mas Mababa Mas mataas


Bilang
Mean Interpretasyon Mean Interpretasyon
1 Nagbibigay oras na makipag-
usap sa mga mag- aaral tungkol
3.78 Mataas 3.94 Mataas
sa kanilang pang- araw- araw na
buhay.
2 Hinihikayat ang mga mag- aaral
na makilahok sa mga gawaing
4.61 Lubhang Mataas 4.31 Mataas
ekstra-kurikular tulad ng isports
at kultural.
3 Nilalapitan ng mga mag- aaral
3.96 Mataas 4.19 Mataas
kapag nagkakamali.
4 Pinapahalagahan ang malasakit
4.39 Mataas 4.56 Lubhang Mataas
sa mga mag- aaral.
5 Naniniwala na ang pagpupuri ay 4.52 Lubhang Mataas 4.56 Lubhang Mataas
109

mahalaga kapag nakikisangkot


ang mga mag- aaral sa
talakayan.
6 Madalas magbigay ng panuto. 4.39 Mataas 4.44 Mataas
7 Pinapahalagahan ang mga
4.13 Mataas 4.62 Lubhang Mataas
hinaing ng mga mag- aaral.
8 Iniiwasang mapalapit ang
3.09 Katamtamang 3.44 Katamtamang
damdamin sa mga mag- aaral.
9 Kayang magturo kahit hindi
3.83 Mataas 4.00 Mataas
nakapaghanda.
10 Pinapahalagahan ang
paghahanda sa itatalakay. 4.30 Mataas 4.31 Mataas

Lubhang Lubhang
Kabuuang Mean 4.58 4.57
Mataas Mataas
Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng Colonia Divina

Integrated School sa Indifferent na Estilo kung papangkatin

ayon sa Kabuuang Kita ng Pamilya

Sa talahanayan 22, natukoy na ang mga gurong may mas

mababang kita ay may kabuuang mean na 4.58 mas mataas kumpara sa

4.57 ng mga gurong may mas mataas na kita, pareho itong may

interpretasyon na “lubhang mataas”. Sa mga gurong may mas mababang

sahod, ang ikalawang tanong na, “Bilang guro hinihikayat ang mga mag-

aaral na makilahok sa mga gawaing ekstra- kurikular tulad ng isports at

kultural” ang nakakuha ng pinakamataas na mean na 4.61 (lubhang

mataas) at pinakamababa ang bilang 8 na, “Bilang guro iniiwasang

mapalapit ang damdamin sa mga mag- aaral”. Sa mga gurong may mas

mataas na kita ang bilang 7 na, “Bilang guro pinapahalagahan ang mga

hinaing ng mga mag- aaral” ang may pinakamataas na katampatang


110

iskor na 4.62 (lubhang mataas). Tulad ng naunang pangkat,

pinakamababa ang bilang 8 na may mean na 3.44 kahit

nangangahulugang “katamtaman”.

Pinatunayan ng pag- aaral na ito ang implikasyon na ang kita ng

pamilya ay hindi nakakaapekto sa pagtuturo sapagkat ang mga gurong

may mas mababang sahod ang nakakuha ng mas mataas na mean score

kumpara sa mga gurong may mas mataas na sahod. Nangangahulugan

rin ang talahanayang ito na ang mga guro ng CDIS ay hindi gumagamit

ng estilong indifferent sapagkat ang tanong kung saan may

pinakamataas na mean ay kasalungat ng kahulugan ng estilong ito.

Sinasabing ang mga naturang guro ay humihikayat sa mga mag- aaral

na makilahok sa mga gawaing ekstra- kurikular tulad ng isports at

kultural. Ayon kina Gayola et. Al (2014), nabanggit sa kanilang aklat na

Edukasyon sa Pagpapakatao “Walang pinakamasarap kundi maging bata

(childlike). Kung minsan sa labis na pagiging seryoso natin sa buhay,

nakakalimutan na natin ang halaga ng paminsan- minsang paglalaro at

paglilibang kasama ang mga kaibigan”. Sa paraang ito nakakalimutan ng

mga mag- aaral ang maraming pag- aalala, takot, pagdududa, at

insekyuridad sa kanilang kapwa kabataan. Nakakatulong din ang mga

ekstra- kurikular na mga aktibi upang mas mahubog pa ng mga mag-

aaral ang kanilang mga hilig at pagpapahalaga sa pagpapaunlad nila ng

kanilang mga mithiin sa buhay.


111

Talahanayan 23

Antas ng akademikong performans ng mga mag- aaral ng

Colonia Divina Integrated School

Antas Mean Interpretasyon

Junior High School 82.92 Satisfactory


Senior High School 84.12 Satisfactory
Kabuuang Mean 83.52 Satisfactory

Antas ng Akademikong Performans ng mga Mag- aaral ng Colonia

Divina Integrated School

Ang talahanayan 23 ay nagpapakita ng kabuuang mean score na

nakuha ng Junior High School at Senior High School na mga mag- aaral

ng Colonia Divina Integrated School sa kanilang una at ikalawang


112

markahan. Upang matukoy ang antas ng akademikong performans ng

mga mag- aaral ginamitan ito ng pamamaraang “descriptive scheme”.

Lumalabas na ang kabuuang nakuhang mean score ng mga mag- aaral

sa Junior High School ay 82.92 na nangangahulugang “satisfactory”.

Samantalang ang mga mag- aaral naman sa departamento ng Senior

High School ay nakakuha ng 84.12 na parehang may interpretasyong

“satisfactory”. Ang mga mag- aaral na ito ay kabilang sa mga tinuturuan

ng mga guro ng JHS at SHS ng CDIS na naging respondente sa naturang

pananaliksik.

Natukoy ng talahanayan na ito ang implikasyon na ang mga mag-

aaral na mula sa departamento ng Junior High School ay may mas

mataas na mean score na 82.92 mas mababa kumpara sa mga mag-

aaral ng Senior High School na may 84.12. Isa sa unang dahilan nito ay

mas kaunti ang mga mag- aaral sa senior high kung kaya’t mas

natutukan at nabigyan sila ng atensyon sa kanilang talakayan. Ayon sa

aklat ni Dr. Lizette F. Escolla (2014) na Maximum Learning and Teching,

isinaad niya na isa sa mga salik na mahalaga sa proseso ng pagkatuto

ay ang kapaligiran. Ang kapaligiran na ito ay tumutukoy sa silid- aralan

o bilang ng mga mag- aaral na maaaring maging sanhi ng ingay, amoy at

init kapag sobra na sa angkop na dami. Pangalawa, karamihan sa mga

guro ng senior high school ay may mas mataas na pinag- aralan.

Madalas din silang ipinapadala kapag may mga seminars tungkol sa

kung paano pagbubutihin ang pagtuturo at asignaturang kanilang


113

itinuturo. Sa pananaliksik ni Basic (2015), napatunayan niyang ang

estilo ay ang susi ng guro upang maging maganda ang takbo ng

talakayan. Kapag ang estilong ginamit ay angkop sa mag- aaral

nababago nito ang takbo ng talakayan at maging ang pag- uugali ng mga

ito.

Karamihan rin sa mga mag- aaral ng junior high school ay

nagmula sa mga malalayong lugar at kailangan pa nilang maglakad ng

mahigit 30 minuto papunta sa paaralan. Ito ang isa sa mga dahilan

kung kaya’t minsan ay umuuwi sila nang maaga at napapadalas ang

pagliliban sa klase. Sa pag- aaral na isinagawa ni Kassing (2014),

lumalabas na 66% ng mga mag- aaral ay walang motibasyon sa pag-

aaral dahil sa panlabas na salik gaya ng mga magulang, komunidad,

lugar at guro. May mga mag- aaral na nawawalan na ng gana na

pumasok sa paaralan dahil sa malayo ang kanilang tahanan sa paaralan

at ang iba ay walang suporta mula sa kanilang pamilya.

Talahanayan 24

Pagkakaiba sa Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng

Colonia Divina Integrated School sa Demokratikong Estilo

kung papangkatin ayon sa mga Baryabols

Mann
P- Sig Interpretasyo
Baryabol Kategorya Mean Whitney
value level n
U test
Edad Mas 4.56 186.5 0.921 0.05 Walang
Bata Makabuluhang
114

Mas
4.50 Pagkakaiba
Matanda
Babae 4.51 Walang
Kasarian 145.0 0.602 Makabuluhang
Lalaki 4.58 Pagkakaiba
Pinakamataas
Kolehiyo 4.56 Walang
na antas ng
136.5 0.582 Makabuluhang
pag aaral na
M.A 4.45 Pagkakaiba
natapos
Mas
Kita ng mababa 4.50 Walang
145.0 0.262 Makabuluhang
Pamilya Mas Pagkakaiba
mataas 4.57

Komparatibong Pag- aanalisa sa Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng

Colonia Divina Integrated School sa Demokratikong Estilo kung

Papangkatin ayon sa Baryabols

Ang ikalimang layunin ng pag- aaral na ito ay upang matukoy

kung nagkaroon bang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng

demokratikong estilo ng pagtuturo ng mga guro kung pagpapangkatin at

paghahambingin ayon sa mga sumusunod na baryabol.

Sa naging resulta ng talahanayan 24, natukoy ang pagkakaiba sa

antas ng demokratikong estilo ng pagtuturo ng mga guro kung

papangkatin ayon sa mga baryabol gamit ang mann whitney u test at p-

value, lumalabas na sa kategorya ng edad, kasarian, pinakamataas na

antas ng pinag- aralan at kita ng pamilya ay may p-value na mas mataas

kumpara sa 0.05 na lebel ng kabuluhan, ang apat na baryabol ay

nangangahulugang “walang makabuluhang pagkakaiba”.


115

Sa kabuuan, ang ikalawang haypotesis na ipinahayag sa kabanata

1 na nagsasabing “Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng estilo

ng pagtuturo ang mga guro kung papangkatin at paghahambingin ayon

sa binanggit na mga baryabol”, ay lubos na katanggap- tanggap.

Batay sa naging resulta naipakita ang implikasyon na walang

makabuluhang pagkakaiba sa antas ng estilo ng pagtuturo ng mga guro

sa demokratikong estilo kung iaayon sa iba’t ibang baryabol na

nabanggit, ito’y nagpapakita lamang na ang pagtuturo ng mga guro ay

hindi nakasalalay sa edad, kasarian, kita o antas ng pinag- aralan na

mayroon sila. Walang maaaring hadlang sa iyong hangarin lalo na kung

ito ay buong- puso mong isinasagawa, ito ang isa mga salik kung kaya

pinagbubuti pa ng guro ang kaniyang pagtuturo. Sang ayon dito sina

Jefrey et Al. (2014), ayon sa kanila malaki ang impluwensya ng mga guro

sa mga estudyante maging sa personal na buhay man ito o kinabukasan,

kaya naman, nararapat na pahalagahan ng isang guro ang kanyang

propesyon hindi lamang bilang isang trabaho kundi maging tagasulong

ng pagbabago. Sa kanyang pag- aaral lumabas na isa sa naging

motibasyon ng mga mag- aaral upang tapusin ang kanilang pag- aaral ay

ang motibasyon, gabay at kagalingang angkin ng guro sa pagtuturo. Sabi

nga ni Lacson, (2011) “iba- iba ang tao”. Mayroon man tayong

natatanging personalidad at kaibahan, subalit sa anumang paraan,

tayo’y may angking kagalingan.


116

Talahanayan 25

Pagkakaiba ng Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia

Divina Integrated School sa Awtoritarisadong Estilo kung

papakangkatin ayon sa Baryabols

Mann
P- Sig
Baryabol Kategorya Mean Whitney Interpretasyon
value level
U test

Mas bata 3.20 May


Edad Mas 113.0 0.030 Makabuluhang
3.75 Pagkakaiba
Matanda

Babae 3.49 Walang


Kasarian 150.0 0.714 Makabuluhang
Lalaki 3.43 Pagkakaiba

Pinakamataas Kolehiyo 3.50 0.05 Walang


na antas ng pag 141.0 0.684 Makabuluhang
aaral na natapos Babae 3.40 Pagkakaiba

Mas
3.36 Walang
mababa
Kita ng Pamilya 152.0 0.360 Makabuluhang
Mas Pagkakaiba
3.64
matanda
117

Komparatibong Pag- aanalisa sa Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng

Colonia Divina Integrated School sa Awtoritarisadong Estilo kung

Papangkatin ayon sa Baryabols

Batay sa naging resulta ng talahanayan 25, gamit ang mann

whitney u test at p-value natukoy na mula sa apat na mga baryabol:

edad, kasarian, kita ng pamilya at pinakamataas na antas ng pinag-

aralan, tanging ang edad lamang ang may mas mababang p-value

kumpara sa 0.05 na lebel ng kabuluhan na nangangahulugang “may

makabuluhang pagkakaiba”. Samantala ang kasarian, pinakamataas na

antas ng pinag- aralan at kita ng pamilya ay may mas mataas na p-

value kumpara sa lebel ng kabuluhan, ibig sabihin ang ang tatlong

baryabols na ito ay nangangahulugang “walang makabuluhang

pagkakaiba”.

Samakatuwid, ang unang haypotesis na ipinahayag sa kabanata 1

na nagsasabing “Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng estilo

ng pagtuturo ng mga guro ng CDIS sa awtoritarisadong Estilo kung

papangkatin at paghahambingin ayon sa binanggit na mga baryabol”, ay

hindi tanggap.

Batay sa resulta, ito ay may implikasyon na sa apat na nabanggit

na mga baryabol sa talahanayan 25, natukoy na ang pangkat ng mga

gurong mas bata at matanda ay mayroong makabuluhang pagkakaiba sa

antas ng awtoritarisadong estilo ng pagtuturo. Lumalabas na ang mga


118

gurong mas matanda ay nagbibigay ng kahalagahan sa pagtatalakay ng

mga bagay na makabubuti sa mga mag- aaral. Ayon sa pag- aaral ni

Baumrind (2017), ang estilo ng pagtuturong ito ay ang pinakamahusay

na pamamaraan sa silid-aralan na naghihikayat sa ang mga mag-aaral

na maging malaya, bagamat hindi sila pinapabayaan, ang mga kabataan

ay pinahihintulutan na ipahayag ang kanilang mga pananaw. Ang mga

awtoritatib na estilo ay ang pinakamahusay na anyo ng estilo ng

pamamahala sa silid-aralan dahil ito ang pinakamalapit na nauugnay sa

angkop na pag-uugali ng mag-aaral. Ayon kay Gelacio (2014), likas sa

mga tradisyunal na guro ang pagiging magaling sa pagtitimpi dahil sa

labis ang kanilang malasakit para sa kinabukasn ng kabataan. Isa sa

dahilan nito ang mga naturang guro ay mayroong mas maraming

karanasan na natutunan nila sa pang- araw- araw na pamumuhay tulad

ng kanilang papel sa lipunan at tahanan na ginagamit nila sa

pagsasabuhay ng kanilang propesyon. Ang gurong may malawak na

kaalaman sa paksang itinuturo at may kakayahang iugnay ito sa iba

pang larangan ng paksa ay isang halimbawa ng mahusay na guro.

Talahanayan 26

Pagkakaiba ng Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia

Divina Integrated School sa Laissez Faire na Estilo kung

papakangkatin ayon sa mga Baryabol

Mann
P- Sig
Baryabol Kategorya Mean Whitney Interpretasyon
value level
U test
119

Mas
3.95 Walang
bata
Edad 131.5 0.099 Makabuluhang
Mas Pagkakaiba
Matanda 4.17

Babae 3.99 Walang


Kasarian 122.0 0.222 Makabuluhang
Lalaki 4.23 Pagkakaiba
0.05
Pinakamataas Kolehiyo 4.06 Walang
na antas ng pag 150.0 0.900 Makabuluhang
aaral na natapos M.A 4.05 Pagkakaiba

Mas
mababa 3.98 Walang
Kita ng Pamilya 146.5 0.283 Makabuluhang
Mas Pagkakaiba
matanda 4.18

Komparatibong Pag- aanalisa sa Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro ng

Colonia Divina Integrated School sa Laissez Faire kung papangkatin

ayon sa mga Baryabols

Natukoy ng talahanayan 26, na mula sa apat na mga baryabol,

ang nakakuha ng pinakamataas na p-value ay ang kategorya ng mga

gurong may mas mataas at mababang sahod. Samantala ang nakakuha

ng pinakamababang p-value ay ang baryabol na edad. Subalit mula sa

apat na mga baryabol: edad, kasarian, pinakamataas na antas ng pinag-

aralan at kita ng pamilya ay walang may nakakuha ng mas mababa sa

0.05 na lebel ng kabuluhan sa madaling salita ito ay nagsasabing

“walang makabuluhang pagkakaiba” kung pagsamahin at paghambingin

ang mga guro ayon sa mga nabanggit na baryabol.

Ang haypotesis na nabanggit sa unang kabanata na nagsasabing

“Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng estilo ng pagtuturo ng


120

mga guro ng CDIS sa Laissez Faire na estilo kung papangkatin at

paghahambingin ayon sa binanggit na mga baryabol”, ay katanggap-

tanggap.

Ang kinalabasan ng pag- aaral na ito ay nagpapakita ng

implikasyon na walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng laissez

faire na estilo ng pagtuturo ng JHS at SHS na mga guro ng CDIS kung

papangkatin ayon sa edad, kasarian, pinakamataas na pinag- aralan at

kita ng pamilya. Ang mga ito ay nangangahulugan na ang guro iba- iba

man, pagdating sa pagtuturo ay may pagpapahalagang tinataglay at

naglalaan ng oras sa mga mag- aaral sa hindi gaanong maiintindihan na

mga gawain at talakayan, sa madaling salita sila ay mailalarawan bilang

mapag- alaga at mapag- aruga dahil pinaglalaanan nila ang mga mag-

aaral ng emosyonal na suporta (Felis, 2018). Madalas naririnig na, ang

baguhan at beteranong guro o mas matanda at bata ay parehong

nagrereklamo na ang kanilang mga mag-aaral ay hindi "nakikisangkot"

sa mga aralin o gawain sa loob ng silid-aralan na nakakaapekto sa

pagkatuto. Ang ibang mag- aaral ay may sariling mundo na malayo sa

mundong ating hinahangad para sa kanila. Ang mga estratehiya sa

pagtuturo ay may malalaki at mahahalagang tungkulin sa pagbibigay ng

tulong sa guro upang ang mga katotohanang nakapaloob dito ay

maihatid patungo sa mga mag-aaral na mas madali at mas maganda ang

kalidad ng gawain. Ayon kina Zebrua et al. (2013), ang lahat ng gawain,

malaki man o maliit ay ginagamitan ng mga pamamaraan upang


121

matapos ang naturang gawain. Hindi kailanman magiging hadlang ang

katayuan o suliraning kinakaharap sa pagsasagawa ng misyon natin sa

buhay. ‘Ika nga nila ang guro ay parang manggagamot, iba- iba man ang

kanilang espesyalisasyon ngunit kinakailangan nilang damhin,

pakinggan ang tibok ng kanilang puso, pag-aralan ang sanhi ng kanilang

karamdaman bago lapatan ng kaukulang lunas.

Talahanayan 27

Pagkakaiba ng Antas ng Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng Colonia

Divina Integrated School sa Indifferent na Estilo kung

papakangkatin ayon sa mga Baryabol

Mann
p- Sig
Baryabol Kategorya Mean Whitney Interpretasyon
value level
U test

Mas bata 4.07 Walang


Edad 136.5 0.131 Makabuluhang
Mas
4.25 Pagkakaiba
Matanda

Babae 4.10 Walang


Kasarian 137.5 0.454 Makabuluhang
Lalaki 4.28 Pagkakaiba
0.05
Pinakamataas Kolehiyo 4.13 Walang
na antas ng pag 150.0 0.913 Makabuluhang
aaral na natapos M.A. 4.17 Pagkakaiba

Mas
mababa 4.10 Walang
Kita ng Pamilya 139.0 0.197 Makabuluhang
Mas Pagkakaiba
matanda 4.24
122

Komparatibong Pag- aanalisa sa Estilo ng Pagtuturo ng mga guro ng

Colonia Divina Integrated School sa Indifferent na Estilo kung

papangkatin ayon sa Baryabols

Naipakita sa datos ng talahanayan 27 na ang mga gurong

pinangkat ayon sa mga baryabols ay may kaantasan na natukoy gamit

ang mann whitney u test at p-value. Lumalabas na ang baryabol na may

pinakamataas na antas ng pinag- aralan ang may pinakamataas na p-

value at edad ang may pinakamababa ngunit mas mataas pa rin sa 0.05

lebel ng kabuluhan, nangangahulugang “walang makabuluhang

pagkakaiba” sa antas ng indifferent na estilo ng pagtuturo ng mga guro

sa CDIS kung papangkatin ayon sa edad, kasarian, kita ng pamilya at

pinakamataas na antas ng pinag- aralan.

Ang haypotesis na nabanggit sa unang kabanata na nagsasabing

“Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng estilo ng pagtuturo ng

JHS at SHS na mga guro ng CDIS sa Indifferent na Estilo kung

papangkatin at paghahambingin ayon sa binanggit na mga baryabol.”, ay

katanggap-tanggap.

Ang naging implikasyon sa kinalabasan ng talahanayan 27 ay

walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng estilo ng pagtuturo ng

mga guro ng CDIS pagdating sa indifferent na estilo. Nabanggit sa

kabanata 1 na sa operasyonal na pagpapakahulugan, ang estilong

indifferent ay tumutukoy sa pamamaraan ng pagtuturo ng guro na kung


123

saan tanging ang aralin lamang ang ibinabahagi ng guro sa mga mag-

aaral at hindi na kabilang sa pagtuturo ang malasakit ng guro. Sa

madaling salita ang mga guro ay hindi gumagamit ng ganitong uri ng

estilo sapagkat ang bilang kung saan nakakuha ng lubhang mataas na

mean score ang mga guro ay ang tanong na taliwas sa kahulugan nito.

Ang edad, kasarian, antas ng pinag- aralan at kita ng guro ay hindi

naging salik upang yakapin nila ang naturang estilo sa pagtuturo. Ayon

sa Abante- a daily Filipino tabloid Publication in the Philippines (2019),

ang mahusay na pagtuturo ng guro ay nakadepende sa pinakamabisang

paraan para maibahagi ang kaalaman at impormasyon sa kaniyang mga

mag- aaral. Ito ay isang kasanayan na kinakailangan na tuloy- tuloy ang

paghahasa, paglinang at pangangalaga. Maraming paraan upang lalong

mapagtibay ng guro ang kanilang potensyal, karapat- dapat lamang na

ang mga baryabol na ito ay hindi magiging hadlang at maging pantay-

pantay sa mga oportunidad na makakatulong sa kanila na makisabay sa

pangangailangan ng ating kabataan, lipunan at bansa. Malaki ang

maitutulong ng ipinaglalaban ng Senate Bill No. 367 o ang The

Continuing Education for Teachers Act upang maitaguyod ang mandatory

continuing education para sa mga elementarya at sekondaryang guro ng

pribado at pampublikong paaralan na makakatulong sa pagpapabuti

pagpapayaman sa kanilang kasanayan sa pagtuturo.

Talahanayan 28
124

Kaugnayan sa antas ng estilo ng pagtuturo ng mga guro at

akademikong performans ng mga mag- aaral

R p-value Sig level Interpretasyon


Estilo ng Pagtuturo ng mga
May
Guro
0.678 0.022 0.05 Makabuluhang
Akademikong Performans
Pagkakaugnay
ng mga Mag- aaral

Makabuluhang Pagkakaugnay sa Pagitan ng Antas ng Estilo ng

Pagtuturo ng mga guro at Akademikong Performans ng mga Mag-

aaral

Batay sa talahanayan 28, dito ay natuklasan na may

makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng antas ng estilo ng pagtuturo ng

mga guro at akademikong performans ng mga mag- aaral sa JHS at SHS

na departamento. Gamit ang r- value na 0.678 at p- value na 0.022 ito’y

nangangahulugan na ang haypotesis na inihayag sa kabanata 1 na

“Walang makabuluhang kaugnayan sa antas ng estilo ng pagtuturo ng

mga guro at akademikong performans ng mga mag- aaral” ay hindi

tinanggap. Ayon sa resulta, ito ay nangangahulugang may

“makabuluhang pagkakaugnay” dahil mas naging mababa ang p- value

na 0.022 kaysa sa lebel ng kabuluhan na 0.05. Kung kaya’t masasabing

ang naging akademikong performans ng mga mag- aaral ng JHS at SHS

ng Colonia Divina Integrated School ay naimpluwensyahan ng estilo na

ginagamit ng mga guro sa naturang paaralan.


125

Batay sa resulta ito ay nagpapahayag ng implikasyon na ang

makabuluhang pagkakaugnay ng estilo ng pagtuturo sa akademikong

performans ay napatunayan sa pag- aaral na isinagawa ni Basic (2015),

napatunayan niyang ang estilo ay ang susi ng guro upang maging

maganda ang takbo ng talakayan. Kapag ang estilong ginamit ay angkop

sa mag- aaral nababago nito ang takbo ng talakayan maging ang pag-

uugali ng mga mag- aaral. Nahihikayat ang mga bata na sumali sa

interaksiyong sosyal.

Malaki ang papel na ginagampanan ng edukasyon sa pag- unlad

ng isang bansa. At dahil sa paaralan nakabatay ang mga inaasahan at

mithiin ng mamamayan hindi maitatanggi ang katotohanan na ang isang

guro ay isa sa pinakamahalagang sangkap sa isang paaralan. Sa mga

kamay ng guro nakasalalaay ang malilikhaing gawain at angkop na

estilong makakatulong at magsisilbing gabay ng mga mag- aaral.

Teaching should be subordinate to learning, ibig sabihin, kinakailangan

ang angkop na hakbang ng mga guro sa pagtuturo upang

maisakatuparan ang pagkatuto.


126

Kabanata 5

BUOD NG MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Layunin ng pag- aaral na ito na matukoy ang Estilo ng Pagtuturo

ng mga Guro ng Colonia Divina Integrated School at ang kaugnayan nito

sa Akademikong Performans ng mga Mag- aaral. Ang ginamit na

pamamaraan ng pananaliksik ay deskriptibong metodolohiya. Naghanap

ng istandard na kwestyuner ang mananaliksik na maiging nirebisa at

isinalin sa tulong at patnubay ng gramaryan at kanyang adviser. Ang

pag- aaral na ito ay isinagawa sa Taong Panuruan 2019-2020.


127

Nais bigyang- linaw ng pag- aaral na ito ang sumusunod na

suliranin sa pamamagitan ng paglalahad ng buod ng mga natuklasan,

ang konklusyon at mga rekomendasyon ay para sa lalong ikabubuti ng

pag- aaral na ito.

Natuklasan

Natuklasan na sa tatlumpu’t siyam (39) na mga guro ng Colonia

Divina Integrated School na respondente sa pag- aaral na ito mas

marami ang mas batang guro na naging kalahok sa pananaliksik na ito.

Kung papangkatin ayon sa kasarian mas kaunti ang naging bilang ng

mga respondenteng lalaking guro kumpara sa mga babaeng guro. Batay

sa pinakamataas na antas ng pinag- aralan, mas maraming ang bilang

ng mga gurong nakapagtapos ng kolehiyo o may mas mababang pinag-

aralan kumpara sa mga nakapagtapos ng masteral’s degree. Lumalabas

din na sa kabuuang kita ng pamilya, mas marami ang bilang ng mga

respondenteng guro ang may mas mababa sa 24, 000 na buwanang kita

kaysa sa mga gurong may mas mataas na kita.

Sa ikalawang suliranin, natuklasan na ang demokratiko, laissez

faire, at indifferent na estilo ay parehong may kabuuang interpretasyon

na “mataas”, maliban na lamang sa awtoritarisadong estilo na may

pinakamababang kabuuang mean na nangangahulugang “katamtamang

taas”.
128

Sa ikatlong suliranin na ano ang antas ng estilo ng Pagtuturo ng

mga guro ng Colonia Divina Integrated School kung papakangkatin ayon

sa binanggit na mga baryabol. Sa apat na estilo: demokratiko,

awtoritarisado, laissez faire at indifferent na estilo tanging ang

awtoritarisadong estilo lamang ang may baryabol na mas mababa ang p-

value kumpara sa 0.05 na lebel ng kabuluhan. Ito ay nangangahulugan

na sa Estilong awtoritarisado ang edad lamang na baryabol ang may

interpretasyon na “may makabuluhang pagkakaiba”. Maliban sa

awtoritarisadong estilo, ang edad, kasarian, pinakamataas na antas ng

pinag- aralan, at kita ng pamilya ng mga nabanggit na estilo ay may p-

value na mas mataas sa lebel ng kabuluhan at parehong

nangangahulugang “walang makabuluhang pagkakaiba”.

Natuklasan sa ikaapat na suliranin na sa antas ng akademikong

performans ng mga mag- aaral ng Colonia Divina Integrated School, ang

mag- aaral mula sa Junior High School ay may mas mababang mean

score kumpara sa mga mag- aaral na mula sa Senior High School. Sa

kabuuang ang dalawang pangkat ay mayroong mean na

nangangahulugang satisfactory.

Sa ikalimang suliranin natuklasan na mula sa apat na uri ng

estilong nabanggit, tanging ang awtoritarisadong estilo lamang ang may

baryabol na mas mababa ang p-value kumpara sa 0.05 na lebel ng

kabuluhan na nangangahulugang “mayroong makabuluhang


129

pagkakaiba”. Ang demokratiko, laissez faire at indifferent na estilo ay

may p- value na mas mataas kaysa sa lebel ng kabuluhan na 0.05 na

nangangahulugang “walang makabuluhang pagkakaiba” sa antas ng

pagtuturo ng mga guro ng Junior High School at Senior High School ng

Colonia Divina Integrated School ayon sa nabanggit na mga estilo.

Sa ikaanim na suliranin ang antas sa kaugnayan ng estilo ng

pagtuturo ng mga guro at akademikong performans ng mga mag- aaral

ay nagkaroon ng p- value na mas mataas kumpara sa lebel ng

kabuluhan. Ito ay nangangahulugang mayroong “makabuluhang

kaugnayan” ang estilo ng pagtuturo sa akademikong performans ng mga

mag- aaral.

Konklusyon

Batay sa natuklasan, ang mananaliksik ay nakabuo ng mga

sumusunod na konklusyon:

Sa unang suliranin, ayon sa mga sumusunod na baryabol: Edad,

Kasarian, Pinakamataas na Antas ng Pinag- aralan at Kabuuang Kita ng

Pamilya, ang kategoryang may pinakamataas na mean score sa mga

respondenteng guro ay nabibilang sa baryabol na pinakamataas na


130

antas ng pinag- aralan o mga gurong may mas mababang pinag- aralan.

Isa mga dahilan kung kaya’t maraming guro ang hindi naipagpatuloy

ang pag- aaral dahil sa medyo may kalayuan ang lugar kaya’t tinatamad

na sila .Lumalabas na mas marami sa mga gurong ito ang mas mababa

ang sahod kaya’t karamihan sa mga gurong ito ay walang sapat na

pambayad para sa kanilang patuloy na pag- aaral at ang bakanteng araw

nila ay inilalaan na lang sa kani- kanilang pamilya.

Sa ikalawang suliranin, nangangahulugan na sa antas ng

pagtuturo ng mga guro ng Junior High School at Senior High School ng

Colonia Divina Integrated School, ang indifferent na estilo ang may

pinakamataas na kabuuang mean at pinakamababa ang kabuuang

mean na nakuha ng awtoritarisadong estilo na may interpretasyon na

“katamtamang taas”. Nagpapahiwatig ito na ang JHS at SHS na mga

guro ng CDIS ay nagtuturo nang may malasakit at n agbibigay halaga sa

kahandaan sa klase. Lumalabas din na iniiwasan ng mga gurong ito na

ang kaniyang kagustuhan lamang ang dapat na sundin ng mga mag-

aaral sa loob ng silid- aralan.

Sa ikatlong suliranin natuklasan na may makabuluhang

kaugnayan ang edad sa paggamit ng awtoritarisadong guro. Ito ay dahil

karamihan sa mga guro ng CDIS ay bago pa sa serbisyo at naniniwala sa

kasabihang first impression last kung kaya’t karamihan sa kanila ay

nagnanais na sundin ng mga mag- aaral ang mga tuntunin upang


131

maikintal sa mga mag- aaral na ang gurong ito ay nagbibigay

kahalagahan sa pagiging masunurin sa loob at labas ng paaaralan. Sa

madaling salita naniniwala ang mga naturang guro na ang pagsunod ng

mga mag- aaral sa alituntunin at regulasyon sa paaaralan ay isang

paraan upang mas mapadali at maging epektibo ang talakayan.

Pinatunayan ito ni Baumrind (2017), ayon sa kanya ang mga awtoritatib

na estilo ay ang pinakamahusay na anyo ng estilo ng pamamahala sa

silid-aralan dahil ito ang pinakamalapit na nauugnay sa angkop na pag-

uugali ng mag-aaral.

Ang mga mag- aaral na mula sa departamento ng Senior High

School ng CDIS ang may mas mataas na antas sa akademikong

performans kaysa sa mga mag- aaral ng Junior High School, isa sa

dahilan nito ay ang mga mag- aaral ng SHS ay mas matured na kung

mag- isip kumpara sa mga mag- aaral ng JHS. Sa madaling salita sila ay

mas aware na sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mataas na marka at

kung paano ito makakatulong sa kanilang pag- aaral sa kolehiyo.

Sa ikalimang suliranin, natuklasan na mula sa apat na mga

baryabol: edad, kasarian, pinakamataas na antas ng pinag- aralan at

kita ng pamilya, tanging ang edad lamang ang may pinakamababang p-

value kumpara sa lebel ng kabuluhan o nangangahulugang “may

makabuluhang pagkakaiba”. Mas mahigpit ang mga gurong mas

matanda sa pagdidisiplina sa mga mag- aaral dahil nakagawian na nila


132

ang tradisyunal na pagdidisiplina na kung saan nais nila na sundin ng

mga mag- aaral ang lahat ng tuntunin sa loob at labas ng paaralan.

Karamihan rin sa mga gurong ito ay mga magulang na kung kaya’t dala-

dala rin nila sa loob ng paaralan ang paniniwala at paninidigan na

ipinapatupad nila sa kanilang tahanan.

Ang ikaanim suliranin ay nagpapahiwatig na “mayroong

makabuluhang pagkakaiba” sa estilo ng pagtuturo ng mga guro at

akademikong performans. Ito ay nagpapahiwatig na ang guro at ang

angkop na estilong kaniyang ginagamit ay may malaking papel na

ginagampanan upang mapadali at mas maging maganda ang kalidad ng

pagtuturo. Ipinapakita rin na kapag mas angkop ang estratehiya at

estilong gagamitin ng guro ay lalo ring mapapaunlad ang akademikong

performans ng mga mag- aaral.

REKOMENDASYON

Kaugnay sa isinagawang pag- aaral, buong

pagpapakumbabang iminumungkahi ng mananaliksik sa mga

kinauukulang indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon ang mga

sumusunod na rekomendasyon:

Batay sa pag- aaral lumalabas na karamihan sa mga guro ng

Colonia Divina Integrated School ay wala ng bakanteng oras para sa mga

mag- aaral na hindi naunawaan ang talakayan at mababa sa pagsusulit.


133

Isa sa rekomendasyon ng mananaliksik ay lalong paigtingin ng mga guro

ang programang remedial class upang matutukan ang mga mag- aaral

na may higit na pangangailangan. Tapusin ang mga gawain sa takdang

panahon upang maibahagi ang oras sa programang ito. Nirerekomenda

rin ang pagpapanatili ng malinis, nakakapanabik at positibong silid na

lalong naghihikayat sa mga mag- aaaral na makisangkot at pagbutihin

ang kanilang pag- aaral. Maging bukas sa pagpapahalaga, sa mga

hinaing, suhestiyon at nararamdaman ng mga mag- aaral lalo na kung

ito’y may mabuting naidudulot sa kanilang performans.

Dagdag pa rito, para sa mga superintendente at superbisor ng

lungsod ng Sagay, magsagawa ng programang “Remedial sa Summer”,

ito ay isang uri ng remedial na isinasagawa, dalawang linggo bago ang

pasukan sa mga mag- aaral na may higit na pangangailangan. Sa

pamamaraang ito ay lalong mapapaunlad ang akademikong performans

ng mga mag- aaral at magagamit ang kanilang oras sa makabuluhang

gawain. Makakatulong rin ito upang maihanda sila para sa paparating

na pasukan.

Lumalabas sa pag- aaral na hindi lahat ng mga guro ay nakalilikha

ng komportableng kapaligiran sa silid- aralan. Iminumungkahi ng

mananaliksik sa mga administrador ng paaralan, guro, magulang at

mag- aaral ang programang bayanihan na isasagawa tuwing may Parents

Teacher Conference (PTC) upang matulungan ang mga guro sa paglilinis


134

at pagsasaayos ng silid- aralan na makakatulong sa mga mag- aaral

upang mas lalo pang makisangkot sa talakayan at mapadali ang

pagkatuto.

Lumalabas rin sa talahanayan 4 na may mga gurong nagbibigay

ng limitasyon sa mga suhestiyon ng mga mag- aaral. Nirerekomenda ng

mananaliksik sa tagapamahala ng paaralan, ang pagkakaroon ng

quarterly assessment sa mga guro kung ito ay nagpapamalas ng

positibong pag- uugali tulad ng pagiging bukas sa mga mabuting

suhestiyon, paggalang, tamang pamamaraan ng pagdidisiplina at

pagbibigay oras sa mga mag- aaral na may higit na pangngailangan.

Ang paglalagay ng Suggestion Box sa labas ng silid- aralan para

magsilbing lunsaran ng mga impormasyon o komentong at puna na

makakalap tungkol sa pagiging awtoritarisado ng guro tulad ng

paglilimita ng suhestiyonng mag- aaral, pinapahalagahan ang sariling

awtoridad lamang, at pagpapatupad ng alituntunin na hindi

napagkasunduan na nakakaapekto sa akademikong performans ng mga

mag- aaral.

Pagbibigay ng award sa mga gurong may magandang performans

na masusukat sa isasagawang quarterly assessment at MPS ng mga

mag- aaral sa asignaturang itinuturo ng naturang guro upang lalong

mahikayat at magsilbing motibasyon sa mga guro na pagbutihin pa ang

pagtuturo.
135

Pagbabawas ng mga ancillary services at pantay na pamamahagi

nito upang mas matutukan ng mga guro mga mag- aaral na may

mababang akademikong performans at maibigay ang pangangailangan

nila.

Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang

pag- aaral na ito upang makatuklas ng iba pang solusyon, magsagawa

ng katulad na pag- aaral hinggil sa ibang sabjek at/o sa ibang lokalidad

upang mahanapan ng mga posibleng solusyon sa mga suliraning pang-

edukasyon.

MGA SANGGUNIAN

Abante News Letter. Retrieved December 2019 from www.abante.com.ph

Allen, Tracy and Reeson, Clarisa (2019). Journal of Language and Linguistic
Studies. Retrieved October, 2019 from
https://www.jlls.org/index.php/jlls/article/view/91

Andresen, B. and Brink, K. UNESCO Institute for Information Technologies


in Education. (2014). Multimedia in Education: Curriculum. Moscow:
UNESCO Institute for Information Technologies in Education.
Retrieved October, 2019 from
https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1077625.pdf
136

Andresen, B. and Brink, K. UNESCO Institute for Information Technologies


in Education. (2014). Multimedia in Education: Curriculum. Moscow:
UNESCO Institute for Information Technologies in Education.
Retrieved October, 2019 from
https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1077625.pdf

Atkinson, Tracy (2015). Discover Your Learning Style. Retrieved October,


2019 from https://medium.com/@tracy.ada.atkinson/discover-your-
learning-style-41816f734d7a

Baumrind, Diana. (2017). Is authoritative teaching beneficial for all


students? A multi-level model of the effects of teaching style on
interest and achievement. Retrieved October, 2019 from
https://psycnet.apa.org/record/2011-07320-001

Belvez, Paz Ed. D Ang sining at Agham ng Pagtuturo (aklat sa pamamaraan


pagtuturo ng Filipino at sa filipino, 2015). Retrieved September,
2019 from https://www.worldcat.org/title/ang-sining-at-agham-ng-
pagtuturo-aklat-sa-pamamaraan-ng-pagtuturo-ng-filipino-at-sa-
filipino/oclc/989249977

Benavides, Christian (2016) Task interspersal and performance of matching


tasks by preschoolers with autism. Retrieved October 2019, from
https://www.researchgate.net/publication/229211654_Task_intersp
ersal_and_performance_of_matching_tasks_by_preschoolers_with_aut
ism

Bennis, Warren (2013). A Delphi Study: The Characteristics of Democratic


Schools. Retrieved October, 2019 from
https://scholar.google.com.ph/scholar?
q=bennis+democratic+education&hl=en&as_sdt=0&as_vis=1&oi=scho
lart

Chamie,Jhayme . (2018). "Students’ perceptions of teaching styles and use


of learningstrategies. " master's thesis, university of tennessee.
Retrived on
October 1, 2019 from http://trace.tennessee.edu/utk_gradthes/782.

Chen, Y. C. (2018), An investigation of the relationships between teaching


style and studies achievement in miaoli jianguo junior high school.
(unpublished master's thesis). hsuan chuang university, miaoli,
taiwan. Retrieved September 9, 2019 fromhttps://education.cu-
portland.edu/
137

Chisno, Don (2010). Learning Styles and Preferences


http://www.nwlink.com/~donclark/hrd/styles.html)

Dee Frank School of Teaching, Learning and Educational Sciences (2015).


Retrieved August, 2019 from
https://education.okstate.edu/stles.html

Drury, Richard L. Community Colleges in America: A Historical Perspective


(2015) Retrieved September,2019 from
http://www.vccaedu.org/inquiry-spring97/i11tay.html

Dyikok, Justine J. (2015) Classroom Management Styles and Students’


Performance in Basic Technology: A Study of Junior Secondary
School in Bariga metropolis, Lagos State, Nigeria. Retrieved
September, 2019 from
https://s3.amazonaws.com/academia.edu.documents/57450705/sjs
s1393-100.pdf?response-content-disposition

Ercan, O. (2014). The Effects of Multimedia Learning Material on Student’s


Academic Achievement and Attitudes towards Science Courses.
Retrieved October, 2019 from
https://pdfs.semanticscholar.org/e108/063a2e74e5b58a8b21bee52
5029be845844b.pdf
Escolla, Lizette F. (2014). ENVIRONMENT IN MAXIMUM LEARNING AND
TEACHING (MLT). Retrieved October 2019 from
http://padarangan.blogspot.com/2010/08/environment-in-
maximum-learning-and_1760.html

Felder, Richard M. (2014). Applications, Reliability and Validity of the


Index of Learning Styles. Retrieved October, 2019 from
https://wss.apan.org/jko/mls/Learning%20Content/ILS_Validation(I
JEE).pdf

Felis, John K. Instructional Style and Method of Teaching, (2018). Retrieved


October 2016 from
http://www.public.asu.edu/~ifmls/ARE496/instructionalstyle.html

Fernandez, Jenneleyn S. Mga Salik Tungo sa Epektibong Pamamaraan ng


Pagtuturo. Retrieved September, 2019 from
https://www.academia.edu/230153371/MGA_SALIK_TUNGO_SA_EP
EKTIBONG_PAMAMARAAN_NG_PAGTUTURO
138

Fraenkel, Jack R. (2010) How to Design and Evaluate Research in


Education retrieved from
https://www.researchgate.net/publication/265086460_How_to_Desi
gn_and_Evaluate_Research_in_Education

Galton, Francis Pearson correlation coefficient, retrieved from


https://en.wikipedia.org/wiki/Pearson_correlation_coefficient

Galoya et. al. (2014). Populasyon at Pag- unlad, Sekswalidad at


Mapanagutang Pagmamagulang (Population and Development,
Sexuality and Responsible Parenthood). Retrieved from
http://www.population-development.com.ph

Garson D., and Statistical Associates (2016). Validity and Reliability.


Retrieved October, 2019 from http://www.
Statisticalassociates.com/validityandreliability_.pdfhttps://psycnet.a
pa.org/record/2011-07320-001

Kendra, Cherry (2019). History and Key Concepts of Behavioral Psychology


B.F Skinner 1968). Retrieved October, 2019
https://www.verywellmind.com/behavioral-psychology-4157183

Lopez Jethro O., Alquizola, Aljean Mae , Yap, Rose May (2018). Estilo ng
Pagtutura Kaugnay sa Aktibong Motibasyon ng mga Mag- aaral.
Retrieved from
https://www.academia.edu/37968542/ESTILO_NG_PAGTUTURO_N
G_MGA_GURO_AT_ANG_AKTIBONG_MOTIBASYON_NG_MGA_MAG-
AARAL

Lim, Fernandez, Mabisang Pagtuturo ng Guro (2017). Retrieved from


https://www.academia.edu/4437797/Introduksiyon_Lim

Malinao, Charlotte A., Mga Katangian ng Guro (2015). Retrieved from


https://www.scribd.com/doc/161623211/Mga-Katangian-Ng-Guro

Merriam-Webster’s Collegiate Dictionary (2015) Nominal Constructions.


Retrieved October, 2019 from
https://academic.oup.com/ijl/article/31/4/452/4781508

Muni, Farrukh and Rehman, Atiq Ur Study on Attitudes of Secondary


School Students towards English as Foreign Language A case study
at Lahore, Pakistan (2016). Retrieved October, 2016 from
139

311432213_Attitudes_of_Secondary_School_Students_towards_Englis
h_as_Foreign_Language_A_case_study_at_Lahore_Pakistanpdf

Nunley, Dennise Teaching and Learning Group Theory (2014). Retrieved


October, 2019 from https://scholar.google.com.ph/scholar?
hl=en&as_sdt=0%2C5&as_vis=1&q=nunley+theory+about+teaching&
btnG=

Okwori, Owodunni and Abiodun. Classroom Management Styles and


Students’ Performance in Basic Technology: A Study of Junior
Secondary School in Bariga metropolis, Lagos State, Nigeria (2015).
Retrieved from https://www.google.com/search?
biw=1034&bih=620&ei=n4SgXZaFIdCvoAT68aHwCg&q=Okwori+indif
ferent+teaching+style&oq=Okwori+indifferent+teaching+style&gs_l=ps
yab.

Oliveros, Jeson M. (2016) Titser ano po ang tinda niyo? Retrieved from
http://tanawguro.blogspot.com/2016/03/bukod-sa-pagiging-guro-
ni-titser-isang.html?m=1

Padayogdog, Arturo M. (2018) Ang guro,pagtuturo at ang Sakripisyo at mga


Panganib. Retrieved October, 2019 from
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102002163

Pahari, Stephen (2018) The Key to Effective Class Management Style.


Retrieved September, 2019 from
https://hvlopen.brage.unit.no/hvlopen-xmlui/handle/11250/22783
5

Policy and Guidelines on the Implementation of Grades 1-12. Retrieved


October, 2019 from https://www.slideshare.net/kenjoyb/policy-
guidelines-on-the-implementation-of-grades-1-to-10-k-to-12

Solivio, Kaye S. (2017) Academic Performance of Grade 7. Retrieved


September, 2019 from https://www.igi-global.com/dictionary/the-
relationship-between-individual-student-attributes-and-online-
course-completion/42383

Villanueva, Joel Emmanuel J., Mga Tuntunin at mga Regulasyong


Pampatupad ng Batas sa Pinabuting Edukasyon (2012). Retrieved
from https://www.officialgazette.gov.ph/2013/09/04/mga-tuntunin-
at-mga-regulasyon-pampatupad-ng-batas-sa-pinagbuting-
edukasyon-ng-2013
140

You might also like