Komunikasyon 1 - Wika

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 50

ANO ANG WIKA?

 Buhay ng tao
 Pangunahing kasangkapan
upang maipahayag ang
iyong kaisipan at saloobin
Wika ang ginamit ng
naunang henerasyon sa
modipikasyon ng mga
kaalamang natuklasan nila
at sa pagsasalin ng mga ito
sa kasunod na salinlahi.
 Wikaang gamit ng mga tao
sa pagbuo ng mga batas na
kokontrol sa kilos at tittiyak
ng kaayusan.
 Wika ang gamit sa:
a. pakikipagkalakalan -
upang maisara ang mga
transaksyon;
b. Medisina – upang matukoy ng
manggagamot ang sakit ng
pasyente at maipaliwanag dito
ang lunas.
c. RELIHIYON – upang
maipahayag ng mga sumasamba
ang kanilang pananampalataya.
d. EDUKASYON - upang
mabisang makapagtalastasan ang
guro at estudyante.
Wika ang nagtitik
ng panitikan,
kasaysayan, sining
at mga agham.
 Ang pangunahing instrumento ng
komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan
nito ay maaaring matamo ng tao ang mga
instrumental at sentimental niyang
pangangailangan (Constantino)
 Ito ay ekspresyon, ang imbakan-hanguan at
agusan ng kultura ng isang grupo ng tao,
maliit man o malaki, na may sarili at likas na
katangian.(Salazar)
 Ang WIKA ay isang masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na
pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga
taong nabibilang sa isang
kultura.(GLEASON)
1. ANG WIKA AY TUNOG
-unang natututuhan ang wika
sa tunog na naririnig, hindi sa
mga titik na nababasa
-Language Acquisition
device(LAD)
-maagang nahahasa ang
kakayahan sa pagsasalita ng isang
batang lantad sa tunog ng
kanyang wika samantalang
mabagal naman sa hindi gaanong
kinakausap o walang masyadong
tunog na nakasanayan
 Halimbawa:
 Ang isang Pilipino na lumaki sa
ibang bansa
 Ang magiging wika nya pati
paraan ng pagbigkas ay kung ano
ang wika ng kanyang kapaligiran
2. ANG WIKA AY ARBITRARYO
Hindimagkakatulad ang
tuntuning sinusunod ng mga
wika sa pagbuo ng mga salita at
sa pagkakabit ng mga
kahulugan sa mga salitang iyon.
Maaaring ito ay mag-iba,
depende sa natatanging
kalikasan ng bawat wika
HALIMBAWA:
 langgam
tagalog-maliit na insekto
bisaya – ibon

May kanya-kanyang kayarian at


pagpapakahulugan sa mga salita
ang bawat linggwistikong
komunidad
a. May tuntuning panggramatika
May tiyak na ayos na sinusunod
upang makabuo ng kahulugan at
maunawaan.
 Halimbawa: BAHAY
 B-a-h-a-y
 Masistema rin ang wika sapagkat
may pagkabai-baitang din itong
sinusunod upang mapalawak ng
mapalawak ang pagdidiskurso-
nagsisimula sa tunog, susundan ng
titik, salita, parirala, pangungusap,
talata
 Ang pagsasalita ay mabilis na
paraan upang
makapagpahayag ng
kaisipan o saloobin.
 Ito ang pinakakaraniwang
paraan ng pagsasalin ng
impormasyon.
Mga responsible sa
pagpoprodyus ng tunog
 Baga-pinanggagalingan ng
hangin
 Vocal chords- pinoproseso ang
hangin upang maging tunog
 Bibig/ilong- nagmomodipika
ng tunog upang maging
maintindihang salita
 Ayon kay Salazar, ang wika ang “impukan-
kuhanan ng isang kultura. Dito natitipon ang
pag-uugali, isip at damdamin ng isang grupo
ng tao”
 Ang wika ang gamit ng tao sa pagpapangalan
ng anuman sa mundong kanyang
ginagalawan
 hal. Tawag sa kanyang diyos, magulang,
kapatid, anak
 Wika din ang ginagamit sa pagsasalin sa
kaalamang iyon sa susunod na salinlahi
na huhubog din sa kanyang kaakuhan at
etnisidad.
 Ang wika ay kabuhol ng kultura dahil
makikilala sa uri ng wikang gamit ng tao
ang kanyang kultura(kasarian, antas
panlipunan, pinag-aralan at propesyon)
 Nakikilala ang isang tao ayon sa wikang
gamit nya
6. ANG WIKA AY NAGBABAGO
 Dahil dinamiko ang wika, nagbabago
ito dahil sa impluwensya ng panahon
at kasaysayan.
 Malayo na sa pananagalog ni
Balagtas ang wikang Filipino sa
kasalukuyan, na pinayaman na ng
mga salitang banyaga
 May mga nadagdag at nawala na sa
bokabularyo
7. ANG WIKA AY MAY
KAPANGYARIHANG LUMIKHA

 Ayonkay Ferdinand de
Saussaure(1983), ang isang
ideya(sign) ay binubo ng salitang
kumakatawan dito (signifier) at
mga konseptong kaakibat
nito(signified).
 Halimbawa:
 ang ideya ng isang panulat na ang
paglabas ng tinta ay kontrolado ng
isang maliit na bolitas na umiikot sa
dulo nito
 bolpen(signifier)
 Pagiging panulat nito(signified)
 Dahil sa kakayahan ng wikang lumikha ng
isang konsepto at ilagay ito sa isang salitang
magsisilbi nitong pananda, nagkakaroon ng
kapangyarihan lumika ng lumikha ang wika
sa iba’t ibang antas, mapapormal o balbal.
 Malikhain din ang wika dahil nagagamit ito
sa paggawa ng iba’t ibang pahayag,
diskurso o pahayag, pasalita man o pasulat
 Kailan ninyo huling
ginamit ang wika sa
paglikha?
 Paano mo ilalarawan ang
iyong naging produkto?
 Ito ang gamit ng nasa itaas upang ipakilala
ang kanyang awtoridad at ipailalim ang
mga taong nakabababa sa kanya
 Ito rin ang gamit ng mga nasa ilalim upang
ipahayag ang pagtutol o paglaban sa mga
naghaharing uri kapag umabuso ito sa
kapangyarihan
 Ang wika ay ang pagpapahayag
ng kapangyarihan.
 Ang responsableng paggamit sa
wika ay responsible ring paggamit
ng kapangyarihang iyon na
tinataglay nito
 ANG WIKA AY….
 TUNOG
 ARBITRARYO
 MASISTEMA
 SINASALITA
 KABUHOL NG KULTURA
 NAGBABAGO
 MAY KAPANGYARIHANG LUMIKHA
 MAY KAPANGYARIHANG
MAKAAPEKTO SA KAISIPAN AT
PAGKILOS
 SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA
SITWASYON. ISULAT KUNG ANONG
KATANGIAN NG WIKA ANG GINAMIT.
1. Si Althea ay isang Pilipino na
ipinanganak at lumaki sa US.
Pagkatapos ng 10 taon ay
nagbakasyon sila ng Pilipinas. Nais
man niyang makipagkaibigan sa
mga dinatnang kamag-anak ay
iniiwasan siya dahil sa iba ang
kanyang pananalita.
2. Nanawagan sa radyo si
Fidel V. Ramos upang
makiisa ang maraming
Pilipino sa mapayapang
pagkilos noong Pebrero 1986
4. Sa kabila ng edad niyang
limang taon ay nananatiling bulol
pa rin si Karl dahil yun ang
paraan ng pakkipag-usap ng
kanyang mga kasama sa bahay
5. Ang salitang langgam sa tagalog
ay ibon sa mga bisaya

6. Kasabay ng pag-unlad ng
teknolohiya ay pag-unlad ng wika
at pagsilang ng maraming salita
gaya ng “selfie”
7. Kristo ang tawag ng mga
Kristyano sa sinasambang
Diyos samantalang Allah
naman sa mga Muslim.
8. Eroplano- salipawpaw
eroplano- sasakyang
panghimpapawid
Assignment

Come up with some


affirmation statements to
help you become a more
lovable and capable person.
THANKYOU FOR
LISTENING
 Batas Komonwelt - Blg. 184 – An Act to
Establish a National Language and
Define Its Powers and Duties
 Kautusang Tapagpaganap blg. 134 –
Proclaiming the National Language of
the Phil. Based on the “ Tagalog”
Language
 Kautusang Tagapagpaganap Blg.263
S.1940 Fixing the day from which said
language shall be used and Taught in
the Public and Private School of the Phil.
 Batas Tydings-McDuffie noong 1934-
Itinatatag ang Pamahalaang Komonwelt
na nagsilbing transiyonal na
Pamahalaan ng Pilipinas.
 Batas Tydings-McDuffie- Ingles ang
naging wikang panturo sa mga
paaralang publiko sa bansa.
 Saligang Batas ng 1935-Nagtataguyod
ng isang pambansang wika batay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wikasa
Pilipinas
 Ordinansa Militar Blg. 13, s. 1942 –
Isinulong ng mga Hapones ang
pagtangkilik sa Tagalog at Niponggo
bilang mga opisyal na waika habang
inalis ang impluwensya ng Ingles.
 1943- Itinakda ng Saligang Batas ang
pagsasagawa ng pamahalaan ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapalaganap ng tagalog bilang
Pambasang wika.
 Tagapagpaganap Blg. 10 – Inilabas ni
Pangulong Laurel ang kautusan na
nagtakda ng pagtuturo sa pambansang
wika.
 Proklamasyon Blg. 12, s. 1954- Ipinalabas
ni Pang. Ramon Magsaysay noong ika-26
ng Marso 1946 na nag-aatas ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa mula ika-29 ng Marso
hanggang Abril 4 taon-taon bilang
paggunita sa kaarawan ni Balagtas
 Proklamasyon Blg. 186,s 1955-
Ipinalabas ni Pang. Magsaysay noong
ika-23 ng Setyembre 1955 na
sumususog sa naunang poroklamasyon.
Nilipat ang petsa ng Linggo ng Wikang
Pambansa sa ika-13 hanggang 19 ng
Agosto bilang paggunita sa
kapanganakan ng Pang. Quezon na
kinikilalang “Ama ng Pambansang
wika”.
 1974- Ayon kay Epifanio San Juan Tagalog ang
wika sa Pilipinas na maituturing na
pinakamaunlad at pinakamayamang panitikan
bago pa man dumating ang mga Espanyol
 Deskritong Edukasyunal ng 1863- Ito ang
pag-aatas ng pagtatatag ng primaryang
paaralan para sa edukasyon sa Espanyol
 Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang batas ng
1935- upang luminang at magpatibay ng
iisang wikang pambansang mula sa umiiral na
wika sa Pilipinas.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263,s 1940-
Nagpahintulot na maglimbag ng dalawang
Publikasyong magsisilbing kodipikasyon ng
pambansang wika ang “ Tagalog-English
Vocabulary” Ang Balarila ng Wikang Pambansa
 Hunyo 19, 1940- Sinimulan ang pagtuturo ng
wikang pambansa sa lahat ng paaralang
publiko at pribado sa buong bansa
 Ordinansa Militar Blg. 13- Sa pamumuno ni
Vargas na nagtatalaga sa Tagalog at Niponggo
bilang mga opisyal na wika sa kapuluan
 Proklamasyon Blg. 12-
Pagsusulit
 1. Ilarawan ang Pilipinas bago dumating ang mga
mananakop.
 2. Paano naging natatangi ang Tagalog sa mga
wika sa Pilipinas ayon sa obserbasyon ng mga
Espanyol?
 3. Bakit nahirapan ang mga misyonerong
palaganapin ang pananampalatayang Katoliko?
Paano nila ito sinolusyonan? Naging matagumpay
ba sila? Ipaliwanag.
 4. Paano sinikap ng mga monarka ng Espanya na
maturuan ng kanilang wika ang mga Pilipino? Bakit
paulit-ulit itong nabigo?
 5. Ano-ano ang maituturing na pamanang wika ng
mga Espanyol sa mahigit 300 taon nilang
pananakop sa ating lupain? Nakabuti ba ang mga
ito sa mga katutubong wika sa Pilipinas?
Pangatuwiranan ang iyong sagot.
 6. Paano kinilala sa mga unang konstitusyon
ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang
opisyal na wika?
 7. Paano ipinakilala ng mga Amerikano ang
kanilang sarili sa mga Pilipino? Paano sila
nagsikap na iangat ang kalagayang pang-
edukasyon ng Pilipinas?
 8. Paano ipinasok ng mga Amerikano ang Ingles
sa pamumuhay ng mga Pilipino? Masasabi mo
bang nagtagumpay sila? Ipaliwanag.

You might also like