(Mye) Aralin-2-Isyu-Sa-Paggawa

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 86

Aralin 2

ANG GLOBALISASYON AT MGA


ISYU SA PAGGAWA
NILALAMAN
1. ANG MGA ISYU SA PAGGAWA
2. KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA I
BA’T IBANG SEKTOR
3. ISKEMANG SUBCONTRACTING, UNEMPLO
YMENT AT UNDEREMPLOYMENT
4. MURA AT FLEXIBLE LABOR
5. EPEKTO NG KONTRAKTUWALISASYON SA
MGA MANGGAGAWA
6. PAGBANGON NG MGA MANGGAGAWA AT
ANG KILUSANG MANGGAGAWA
BALIK-ARAL

Hindi mapasusubalian ang


impluwensiya ng globalisasyon
sa buhay ng tao. Nagdala ito
ng mga pagbabagong
nagpabuti sa ilang aspeto ng
ating buhay ngunit kalakip din
nito ang mga suliraning
kailangang harapin at bigyang
katugunan
ANG MGA ISYU SA PAGGAWA
BUNGA NG GLOBALISASYON
PANIMULA
Malaking hamon sa bansa ang mga
makabagong pagbabago sa iba’t ibang
larangan dulot ng globalisasyon.
Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay
ang mga hamon kung paano tutugunan
ng bawat pamahalaan sa daigdig ang
mga suliraning naidulot ng
globalisasyon, mga isyu sa lipunan na
napag-iwanan na ngunit hindi pa
lubusang natugunan bagkus patuloy
pang lumalala lalo na sa mga usapin sa
paggawa.
 Balita – Suri
Pangulong Duterte, Inisnab ng Labor Group
Ta b l a d o a n g i m b i t a s y o n n i P a n g u l o n g R o d r i g o D u t e r t e s a g r u p o n g m g a
manggagawa sa mismong araw ng Labor Day sa May 1.
Ay o n s a g r u p o n g B u k l u r a n n g M a n g g a g a w a n g P i l i p i n o ( B M P ) , w a l a s i l a n g
nakikitang katuturan ang imbitasyon sa kanila ni Pangulong Duterte sa isang
pagtitipon sa Davao City kasama ang iba’t ibang sektor at grupo.
I g i n i i t n i L e o d y d e G u z m a n , p a n g u l o n g B M P, s i g u r a d o n g m a g s a s a b o y l a m a n g n g
mabubulaklak na pangako si Duterte at siguradong mawawala ang tunay na
agenda na dapat ay pag-usapan ang krisis na nararanasan ng mga manggagawa
at kung papaano iaangat ang dignidad ng paggawa sa bansa.
“Hindi bahagi ng programa ang mga lider-manggagawa, gagawin lamang
kaming palamuti at hindi bibigyan ng pagkakataong ihapag ang aming saloobin sa
mga isyu gaya ng kontraktuwalisasyon, mababang pasahod at malawakang
k a w a l a n n g h a n a p b u h a y. K a h i t o p e n f o r u m , w a l a ” , ” g i i t n i d e G u z m a n .
Kabilang ang BMP sa pindalhan ng imbitasyon ni Pangulong Duterte para
maging saksi sa iaanunsiyo umano nitong ‘sorpresa’ para sa mga manggagawa sa
Mayo 1.
Paano kami gaganahan dumalo kung ang mismong pangako nito ay wala pa
ring katuparan. Ang kailangan namin at kanyang pinangako sa manggagawa ay
ang pagwawakas sa lahat ng tipo ng kontraktuwalisasyon at hindi ang paliwanag
kung bakit hindi niya ito tinupad,” dagdag pa ng grupo.
PAGSUSURI

1. Ano ang imbitasyon ni Pangulong Duterte sa mga


manggagawang Pilipino noong May 1? Bakit nagpatawag ng
pulong ang Pangulo?
2. Anong dahilan ng di pagdalo ng mga manggagawa?
3. Ano-ano ang mga nabanggit na hinaing ng mga
manggagawa?
4. Bakit nagkakaroon ng di pagsang-ayon o pagtanggap ang
mga manggagawa sa mga paliwanag at iniaalok ng gobyerno?
5. Bakit kaya nangyayari ang mga ganitong kalagayan?
DATA ANALYSIS
POPULASYON NG PILIPINAS AYON SA
Suriin ang datos ng GULANG SA TAONG 2015
populasyon ng GULANG BILANG
Pilipinas noong 2015.
Ano ang maaring 0-14 32,282,200
mong mahinuha mula
15-64 54, 269,400
rito?
65 pataas 4, 873,800

KABUUAN 101,562,300

Pinagkunan: PSA (2015)


LAKAS PAGGAWA (LABOR FORCE)

Ito ay bahagi ng
populasyon ng bansa na
may edad 15 pataas na
may trabaho o empleyong
full time o part time o
naghahanap ng trabaho.
Sa ngayon, tinatayang
halos 70% ng ating
populasyon ang kabilang
sa labor force.
EPEKTO NG GLOBALISASYON SA
PAGGAWA

1. Demand ng
bansa para sa
iba’t ibang
kakayahan o
kasanayan sa
paggawa na
globally standard
EPEKTO NG GLOBALISASYON SA
PAGGAWA

2. Mabibigyan ng
pagkakataon ang mga
lokal na produkto na
makilala sa
pandaigdigang
pamilihan
EPEKTO NG GLOBALISASYON SA
PAGGAWA
3. Binago ng
globalisasyon ang
workplace at mga salik
ng produksiyon tulad ng
pagpasok ng iba’t ibang
gadget, computer/IT
programs, complex
machines at iba pang
makabagong kagamitan
sa paggawa
EPEKTO NG GLOBALISASYON SA
PAGGAWA
4. Dahil sa mura at mababa
ang labor o pasahod sa mga
manggagawa kaya’t madali
lang sa mga namumuhunan
na magpresyo ng mura o
mababa laban sa mga
dayuhang produkto o mahal
na serbisyo at pareho ang
kalidad sa mga produktong
lokal.
EPEKTO NG GLOBALISASYON SA
PAGGAWA

5. Nagpupunta sa
ibang bansa ang
mga manggagawa
partikular na sa
mga bansa na may
mataas na sahod.
EPEKTO NG GLOBALISASYON SA
PAGGAWA
6. Dumami ang mga
dayuhan at
dambuhalang lokal na
negosyante kaya’t
nalugi ang
napakaraming maliliit
na negosyo na
nakapagbibigay ng
trabaho sa ating bansa.
KAKAYAHAN NA MAKAANGKOP SA
GLOBALLY STANDARD NA PAGGAWA

Upang makatugon sa mga kasanayang ito,


isinasakatuparan sa panibagong kurikulum ang
pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education
ng mga mag-aaral na tinatawag na Senior High
School. Sasanayin ang mga mag-aaral sa mga
kasanayang pang-ika-21 siglo upang maging
globally competitive na nakabatay sa balangkas ng
Philippine Qualifications Framework – ang Basic
Education, Technological-Vocational Education at
Higher Education (DepED, 2012).
IBA’T IBANG ANYO NG SULIRANIN AT
HAMON SA PAGGAWA
1. Mababang pasahod
2. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
3. Kontraktwalisasyon sa paggawa
4. Job-mismatch bunga ng mga job-skills mismatch
5. Mura at flexible labor.
6. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga
dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad naman ng
kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at
korporasyon sa bansa.
MGA DAHILAN NG UNEMPLOYMENT
SA BANSA
1. Kakulangan ng oportunidad para makapagtrabaho
2. Paglaki ng populasyon ng bansa
3. Kawalan ng pamahalaan ng komprehensibo at
pangmatagalang plano na makalilikha ng trabaho
4. Hindi tugma ang pinag-aralan o kwalipikasyon ng
mga mamamayan sa maari nilang pasukang trabaho
5. Kakulangan sa kinakailangag kasanayan para sa
trabaho
MGA DAHILAN NG UNEMPLOYMENT
SA BANSA
6. Hindi matugunan ang kondisyon ng kawalan ng
trabaho
7. Hindi pagbibigay ng wastong sahod sa mga
manggagawa
8. Katamaran ng mga tao na magtrabaho
9. Masalimuot na paraan para makapagtatag ng negosyo
10. Pamumulitika at katiwalian ng mga nanunungkulan sa
pamahalaan
KAKAYAHAN NA MAKAANGKOP SA
GLOBALLY STANDARD NA PAGGAWA
Mga Kasanayan at Kakayahan na Kakailanganin
na Hinahanap ng mga Kompanya
Skills Educational Level
Basic writing, reading, Elementary
arithmetic
Theoretical knowledge and work Secondary
skills
Practical knowledge and skills of Secondary
work
Human relations skills Secondary
Work Habits Secondary
Will to work Secondary
Social responsibility Secondary
Sense of responsibility Secondary
Ethics and morals Secondary

Health and hygiene Elementary

Halaw mula sa Productivity and Development Center


Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng
trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa
Employment Pillar paggawa, at maayos na workplace para sa mga
manggawa.

J Worker’s Rights
Naglalayong palakasin at siguruhin ang
paglikha ng mga batas para sa paggawa at

O Pillar matapat na pagpapatupad ng mga karapatan


ng mga manggagawa.

Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at

B Social Protection
Pillar
mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga
mekanismo para sa proteksyon ng
manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod,

S
at oportunidad.

Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa


Social Dialogue pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at
Pillar kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga
collective bargaining unit.

Pigura 2.1
Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa
(DOLE, 2016)
COLLECTIVE BARGAINING
AGREEMENT

Ito’y isang kasunduang panlahat sa


pagitan ng isang kumpanya at
manggagawa ukol sa kontrata ng
paggawa.
PAGLALAHAT

Ang mga manggagawang Pilipino ay


humaharap sa iba’t ibang anyo ng
suliranin at hamon sa paggawa tulad
ng mababang pasahod, kawalan ng
seguridad sa pinapasukang
kompanya, ‘job-mismatch’ bunga ng
mga ‘job-skills mismatch,’ iba’t ibang
anyo ng kontraktuwalisasyon sa
paggawa, at ang mura at flexible
labor.
PAGPAPAHALAGA

Paano nakaaapekto ang mga isyu sa


paggawa sa kalagayan ng mga
manggagawa sa kasalukuyan?
KALAGAYAN NG MGA
MANGGAGAWA SA IBA’T IBANG
SEKTOR
PANIMULA

Isa rin sa mga hamon ng


globalisasyon sa bansa ay ang
isyu ng paggawa at ang
kalagayan ng mga
manggagawa sa iba’t ibang
sektor ng ating bansa kabilang
ang agrikultura, industriya at
paglilingkod/serbisyo.
VIDEO-SURI

Suriin ang introduction video ng


Knowledge Channel ukol sa sektor ng
agrikultura. Anu-anong suliranin at
hamong ipinakita ng video at bakit ito
nangyayari?

https://www.youtube.com/watch?v=ABWYPEEGNq4
Percentage Distribution of Employed Persons by
Industry, Occupation, Class of Worker and Hours
Worked in a Week, Philippines 2016 (PSA, 2016)

SECTOR PERCENTAGE

AGRICULTURE 26.9%

INDUSTRY 17.5%

SERVICE 55.6%
KALAGAYAN NG SEKTOR NG
AGRIKULTURA
1. Pagkonbert ng mga lupang sakahan upang
patayuan ng mga subdibisyon, malls, at iba pang
gusaling pangkomersiyo para sa mga pabrika at
pagawaan
2. Bagsakan ng mga produkto mula sa TNCs
3. Paglaganap ng patakarang neo-liberal sa bansa
simula dekada 80
4. Pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan
KALAGAYAN NG SEKTOR NG
INDUSTRIYA
1. Imposisyon ng IMF-WB bilang isa sa mga kondisyon ng
pagpapautang nila sa bansa.
2. Pagbubukas ng pamilihan ng bansa
3. Import liberalizations
4. Tax incentives sa mga TNCs
5. Deregularisasyon sa mga polisiya ng estado at
pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo
6. Industriya na naapektuhan ng globalisasyon:
Konstruksiyon, Telecommunikasyon, Beverages, Mining at
enerhiya
KALAGAYAN NG SEKTOR NG
PAGLILINGKOD / SERBISYO

1. Patakarang liberalisasyon
2. Mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino
3. Malayang patakaran ng mga mamumuhunan
4. Tax incentives
5. Samu’t saring suliranin tulad ng over-worked
6. Mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay
ng mga mga manggagawa sa BPO
7. Patuloy na pagbaba ng bahagdan ng bilang ng Small-
Medium Enterprises (SMEs)
PAGLALAHAT
Ang mga sektor ng ating bansa ay
nahaharap sa iba’t ibang suliranin
tulad ng pagkonbert ng mga lupang
sakahan upang patayuan ng mga
subdibisyon, malls, at iba pang
gusaling pangkomersiyo,
deregularisasyon sa mga polisiya ng
estado at pagsasapribado ng mga
pampublikong serbisyo at mababang
pasahod sa mga manggagawang
Pilipino.
ISKEMANG SUBCONTRACTING,
UNEMPLOYMENT AT
UNDEREMPLOYMENT
PANIMULA
Dahil sa globalisasyon mas naging
mabilis ang pagdating ng mga
dayuhang namumuhunan sa bansa,
bunga nito mas nahikayat ang mga
namumuhunan na pumasok sa
bansa at hindi na naiwasang
mapalaganap ang iskemang
subcontracting sa paggawa sa
bansa na naging malaking hamon
sa pagpapaangat ng antas ng
pamumuhay ng uring manggagawa.
DATA-SURI

Suriin ang
datos ng
PSA hinggil
sa mga
contractual
workers sa
bansa. Ano
ang maaring
mong
mahinuha
mula rito?
ISKEMANG SUBCONTRACTING

Ito ay tumutukoy sa kaayusan sa


paggawa kung saan ang kompanya
(principal) ay komukontrata ng isang
ahensiya o indibidwal na subcontractor
upang gawin ang isang trabaho o
serbisyo sa isang takdang panahon.
2 ANYO NG SUBCONTRACTING

1. Labor-only Contracting
2. Job Contracting
LABOR-ONLY CONTRACTING

Kung saan ang subcontractor ay


walang sapat na puhunan upang
gawin ang trabaho o serbisyo at ang
pinasok niyang manggagawa ay may
direktang kinalaman sa mga gawain
ng kompaya.
JOB CONTRACTING
Ang subcontrator ay may sapat na puhunan
para maisagawa ang trabaho at mga gawain
ng mga manggagawang ipinasok ng
subcontractor. Wala silang direktang
kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Hindi
pinapayagan sa batas ang job-contracting
dahil naaapektuhan nito ang seguridad ng
mga manggagawa sa trabaho.
UNEMPLOYMENT
Ang trabahong nalilikha lamang sa loob ng
bansa taon-taon ay nasa 687,000 ayon sa
Philippine Labor Employment Plan (PLEP
2016). Hindi makasasapat kahit ikumpara
sa mga bagong pasok na puwersa sa
paggawa na umaabot mula sa 1.3 milyon
hanggang 1.5 milyon.
UNEMPLOYMENT

Bunga ng mataas na unemployment sa bansa,


mabilis na lumalaki ang bilang ng
Pilipinong nangingibang bayan upang
magtrabaho. Ayon sa pagtataya, umaabot na
sa 8 milyon ang kabuuang OFW dahil sa
kawalan ng oportunidad at regular na trabaho.
UNDEREMPLOYMENT
Ayon sa ulat ng isang grupo ng mga manggagawa,
tinataya na aabot sa 1.2 milyon na college at
vocation graduates noong 2016 ang mahihirapan
sa pagkuha ng mga trabaho dahil sa patuloy na
mismatch sa kanilang kasanayan at kakayahan mula
sa kanilang tinapos na kurso sa kakailanganing
kasanayan at kakayahan na hinihingi ng mga
employer sa loob at sa labas ng bansa (TUCP, 2016).
UNDEREMPLOYMENT

Ayon sa DOLE (2016), para sa taong 2013 hanggang


2020, tinataya na aabot sa 275 na iba’t ibang
trabaho ang kinilala ng kanilang kagawaran na hard
to fill o mga trabaho na mahirap punan mula sa mga
major at emerging industries tulad ng 2-D digital
animator, agricultural designer, clean-up artist,
cosmetic dentist, cosmetic surgeon, cuisine chef,
multi-lingual tour guide, at mechatronics
engineer.
MGA HAMONG KAUGNAY NG UNEMPLOYMENT
AT UNDEREMPLOYMENT

1. 22 milyon ay ang mga taong may edad 15 pataas na may


kakayahan nang magtrabaho ngunit hindi pa aktuwal na
lumalahok sa produksiyon o naghahanap ng trabaho.
2. Pagkakaroon ng mga mataas na bilang ng mga student at
full-time mother.
3. Pagkakaroon ng mataas na bilang ng impormal na sektor
4. Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa
paggawa ay ang patuloy na pagbubukas ng bansa sa
pandaigdigang pamilihan. Dahil dito, nagbago ang mga
kakailanganing kasanayan at salik sa produksiyon.
PAGLALAHAT

Ilan sa mga suliranin sa


paggawa na kinakaharap ng
ating bansa na kinakailangan
ng matinding atensyon ay
ang iskemang
subcontracting, mataas na
unemployment at
underemployment.
MURA AT FLEXIBLE LABOR
O KONTRAKTWALISASYON
PANIMULA
Isang matinding hamon
ang kinakaharap ng mga
manggagawa mula nang
ipatupad ang patuloy na
paglala ng “mura at flexible
labor” sa bansa (IBON,
2006).
SANDALING ISIPIN!
Ipagpalagay na ikaw ay
isang manggagawa sa
isang kompanya sa EPZA
na kumikita ng 10,000
pesos kada buwan, paano
mo mapagkakasya ito sa
iyong pamilya na may 5
miyembro? Gumawa ng
talaan na nagpapakita ng
iyong pagkakagastusan.
Paano nagsimula at
lumawak ang mura at
flexible labor o
kontraktwalisasyon?
PRESIDENTIAL DECREE 442

Kilala bilang Labor Code na siyang


pinaghanguan ng konsepto ng mura
at flexible labor na pinagtibay sa
panahon ni Pangulong Marcos.
REPUBLIC ACT (RA) 5490

Sa pamamagitan ng batas na ito ay


naitayo ang Bataan Export
Processing Zone (BEPZ), at iba pang
Economic Processing Zone (EPZ)
bilang show case ng malayang
kalakalan.
“ MURA AT FLEXIBLE LABOR”
• Pinagtibay ang Presidential Decree (PD)
442 o Labor Code bilang patakarang
pinaghanguan ng flexible labor. Nauna rito
na isinabatas ang Investment Incentive Act
of
1967 para ilunsad ang malayang kalakalan at
pamumuhunan sa ilalim ng patakarang neo-
liberal Isinunod dito ang pagsasabatas ng RA
PD 442 o Labor 5490 – para itayo ang Bataan Export
Code Processing Zone (BEPZ), at iba pang
Republic Act No. 5490 Economic Processing Zone (EPZ) bilang show
case ng malayang kalakalan.
Subalit nahirapan ang dating
Pangulong Marcos na maipatupad ang flexible
labor dahil sinalubong at binigo ito ng mga
demonstrasyon at kilusang anti-diktadura
hanggang sa pagsiklab ng pag-aalsa sa EDSA
noong 1986.
OMNIBUS INVESTMENT ACT OF 1987 AT
FOREIGN INVESTMENT ACT OF 1991

Ang mga batas na ito na nagbigay ng buong


laya sa daloy ng puhunan at kalakal sa bansa
ay nagsilbing malawak na impluwensiya ng
mga kapitalista upang ilipat lipat ang kanilang
produksyon sa mga itinayong branch
companies sa panahong may labor dispute sa
kanilang itinayong kompanya.
“ MURA AT FLEXIBLE LABOR”
• Niyakap ang neo-liberal na globalisasyon at
kasunod nito, ginawang bukas para sa mga
dayuhang mamumuhunan ang kalagayan ng
paggawa. Neo-liberalism – isang political
approach na pumapabor sa free-market
capitalism, deregulation (walang gaanong
regulation), and reduction in government
spending.
Isinabatas ang Omnibus Investment Act of
1987 at Foreign Investment Act of 1991 na batas
na nagpapatibay sa mga patakarang neo-liberal.
Ang mga batas na ito na nagbigay ng buong laya
sa daloy ng puhunan at kalakal sa bansa ay
nagsilbing malawak na impluwensiya ng mga
kapitalista upang ilipat-lipat ang kanilang
produksyon sa mga itinayong branch companies
sa panahong may labor dispute sa kanilang
itinayong kompanya.
INVESTMENT INCENTIVE ACT OF 1967

Isinabatas ito upang ilunsad ang


malayang kalakalan at
pamumuhunan sa ilalim ng
patakarang neo-liberal.
“ MURA AT FLEXIBLE LABOR”
RA 6715 (Herrera Law)
> kaswal,
> kontraktwal,
> temporary,
> seasonal,
> on the job training (OJT)
Article 106-109
pagpapakontrata ng mga trabaho (CONTRACTUALIZATION

> Security guard,


serbisyong janitorial, at
> messengerial
REPUBLIC ACT (RA) 6715
(HERRERA LAW)
Sa pamamagitan ng mga probisyon ng batas
na ito, madaling naipataw ng mga kapitalista
ang patakarang mura at flexible labor. Ginamit
ng mga kapitalista ang probisyon ng Article
106-109 hinggil sa pagpapakontrata ng mga
trabaho at gawaing hindi bahagi ng
produksyon
“ MURA AT FLEXIBLE LABOR”
> Isinunod ng gobyerno ang mga patakarang
magpapalakas ng flexible labor gaya ng Department
Order No. 10 ng Department of Labor and
Employment (DOLE)

> Nilalaman ng Department Order 10 ng DOLE


ang probisyong maaaring ipakontrata ang mga
trabahong hindi kayang gampanan ng mga
regular na manggagawa; pamalit sa mga absent
sa trabaho, mga gawaing nangangailangan ng
espesyal na kasanayan o makinarya
DOLE ORDER NO. 10

Nilalaman nito ang probisyong maaaring


ipakontrata ang mga trabahong hindi
kayang gampanan ng mga regular na
manggagawa; pamalit sa mga absent sa
trabaho, mga gawaing nangangailangan
ng espesyal na kasanayan o makinarya.
Department Order 18-02 ng DOLE

Isinaad nito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng


mga trabaho at gawaing makakaapekto sa mga
manggagawang regular na magreresulta sa
pagbabawas sa kanila at ng kanilang oras o araw ng
paggawa; o kung ang pagpapakontrata ay
makakaapekto sa unyon gaya ng pagbabawas ng
kasapi, pagpapahina ng bargaining leverage o
pagkahati ng bargaining unit.
MINIMUM WAGE IN NCR

National Wages and Productivity Commission (2018)


MINIMUM WAGE IN CALABARZON

SECTOR / MINIMUM WAGE


INDUSTRY RATE
NON-AGRICULTURE P317 – P400
AGRICULTURE P303-372
RETAIL/SERVICE &
P303
MANUFACTURING
National Wages and Productivity Commission (2018)
MINIMUM WAGE IN ASEAN

National Wages and Productivity Commission (2017)


PAGLALAHAT

Ang mura at flexible labor ay


isang paraan ng mga kapitalista
o mamumuhunan upang
palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mababang
pagpapasahod at paglimita sa
panahon ng paggawa ng mga
manggagawa.
PAGPAPAHALAGA

1. Bakit umiiral ang mura at flexible


labor sa bansa?
2. Sa iyong palagay, anong sektor ng
paggawa ang naaapektuhan ng mura at
flexible labor sa bansa?
EPEKTO NG
KONTRAKTUWALISASYON SA
MGA MANGGAGAWA
PANIMULA

Bunga ng paglago ng mga


negosyo sa ating bansa ay
ang pagtaas ng employment
rate ng bansa. Kasabay nito,
ang pagtaas din ng bilang ng
mga manggagawa sa ilalim ng
kontraktwalisasyon bilang
taktika ng mga kapitalista.
PHOTO-SURI
Suriin ang mga larawan na nasa ibaba. Ano
ang maaari mong mahinuha mula rito?
EPEKTO NG KONTRAKTWALISASYON SA
MGA MANGGAGAWA
1. Noong taong 1992, may 73% nang pagawaan sa
bansa ang nagpapatupad o gumagawa ng iba’t
ibang flexible working arrangements, ayon sa
International Labor Organization o ILO (1992).
2. Sa pagitan ng 1992 at 1997, sa sektor ng
industriya pa lamang - sa bawat isang
manggagawang regular na nakaempleyo, lima ang
kontraktuwal/kaswal.
EPEKTO NG KONTRAKTWALISASYON SA
MGA MANGGAGAWA
3. Noong 1999, 90% sa mga kompanyang elektroniks
ang nag-eempleyo ng mga temporaryong
manggagawa/kaswal dahil nagbabago-bago ang mga
job orders o purchase orders ng kanilang kalakal; at
bumababa ang halaga ng kanilang produkto sa
pandaigdigang pamilihan.
4. May 83% ng mga kompanya ang nag-empleyo ng
mga kaswal at kontraktuwal upang maiwasan ang
pagkakaroon ng unyon sa mga manggagawa noon
EPEKTO NG KONTRAKTWALISASYON SA
MGA MANGGAGAWA
5. Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod at
mga benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng
mga manggagawang regular.
6. Naiiwasan ng mga kapitalista maging ang
pagbabayad ng separation pay, SSS, PhilHealth at
iba pa.
7. Hindi nila natatamasa ang mga benepisyo ayon sa
Collective Bargaining Agreement (CBA) dahil hindi
sila kasama sa bargaining unit.
EPEKTO NG KONTRAKTWALISASYON SA
MGA MANGGAGAWA
8. Hindi rin sila maaaring magbuo o sumapi sa
unyon dahil walang katiyakan o pansamantala
lang ang kanilang security of tenure.
9. Hindi kinikilala ng contracting company ang
relasyong employee-employer sa mga
manggagawang nasa empleyo ng isang
ahensya.
EPEKTO NG KONTRAKTWALISASYON SA
MGA MANGGAGAWA
10. Sa tuwing natatalakay ang usapin ng
pagpapakontrata, napipilitan ang mga mahina
na magsama-sama at maglunsad ng iisang
pagkilos. Ang pana-panahong pagkilos na ito
ang lumilikha ng atensiyon at nakatatawag-
pansin sa pandaigdigang komunidad.
EPEKTO NG KONTRAKTWALISASYON SA
MGA MANGGAGAWA
11. Ang Department Order 18-A ng DOLE taong 2011
ay naghayag ng patakaran ng pamahalaan laban sa
pagpapakontrata. Hinigpitan ang probisyon ng
pagpapakontrata, pinatingkad (highlighted) ang
usapin ng karapatan ng mga manggagawang
kontraktuwal (partikular na ang seguridad sa trabaho
o pagka-regular), at iba pang karapatang tinatamasa
ng mga regular na manggagawa.
MGA PROBISYON NG ILANG KAUTUSAN MULA SA
DOLE LABAN SA PAGPAPAKONTRATA SA PAGGAWA
MGA PROBISYON NG ILANG KAUTUSAN MULA SA
DOLE LABAN SA PAGPAPAKONTRATA SA PAGGAWA
PAGLALAHAT

Sa kabuuan, hindi naging maganda ang


nagiging kalagayan ng mga manggagawang
kontraktuwal/kaswal. Hindi sila binabayaran
ng karampatang sahod at mga benepisyong
ayon sa batas na tinatamasa ng mga
manggagawang regular. Naiiwasan ng mga
kapitalista maging ang pagbabayad ng
separation pay, SSS, PhilHealth at iba pa.
Hindi nila natatamasa ang mga benepisyo
ayon sa Collective Bargaining Agreement.
PAGPAPAHALAGA

1. Ano-ano ang mabuti at hindi mabuting epekto ng


kontraktuwalisasyon sa mga manggagawang
Pilipino?
2. Isa-isahin ang mga batas o polisiya ng
pamahalaan na nagpapatibay sa isyu ng
kontraktuwalisasyon sa bansa at paano ito
nakaapekto sa mga manggagawang Pilipino?
PAGBANGON NG MGA
MANGGAGAWA AT ANG
KILUSANG MANGGAGAWA
PANIMULA

Kung ang mga kapitalista ay


mulat sa kalakaran na maging
dating bawal na
kontraktuwalisasyon ay ligal
na. Kailangan maging mulat
bilang uri at maging alerto ang
mga manggagawa para
magapi ang patakarang mura
at flexible labor.
Kailangan din ng mga
manggagawa ng isang
makauring pagkakaisa at
determinasyon upang isulong
ang kanilang mga karapatan.
Kailangan maging mulat bilang
uri at maging alerto ang mga
manggagawa para magapi ang
patakarang mura at flexible labor.
PAGPAPAHALAGA

1. Sa iyong palagay, naniniwala ka ba na


kinakailangan ng isang samahan ng mga
manggagawa sa isang kompanya? Pangatwiranan
ang iyong kasagutan.
2. Sa papaanong paraan ka makakatulong upang
maisulong ang kapakanan ng mga manggagawa
sa loob at labas ng bansa?
SANGGUNIAN

 ________ (2017) Araling Panlipunan 10 – Modyul


para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2017
 Antonio, E. et. al. (2017) KAYAMANAN: Mga
Kontemporaryong Isyu. Rex Publishing. Quezon city.

You might also like