LOPEZ ESPWLASGrade10Week7QuarterII PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 2 – Week 7
Weekly Learning Activity Sheet
Mga Yugto ng Makataong Kilos
at mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya

WLAS
ADN

1
WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEET
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Grade 10 Quarter 2, Week 7

Mga Yugto ng Makataong Kilos at mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya

Pangalan: ___________________________________ Pangkat: ____________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELCS)

A. Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan at mga sirkumstansya ng


makataong kilos
B. Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang
sitwasyon batay sa layunin, paraan at sirkumstansya nito

LAYUNIN

A. Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan at mga sirkumstansya ng


makataong kilos (EsP10MK-IIg-8.2)
B. Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang
sitwasyon batay sa layunin, paraan at sirkumstansya nito (EsP10MK-IIh-
8.3)

TIME ALLOTMENT – Isang Linggo

BATAYANG PANGKONSEPTO

“Edukasyon sa Pagpapakatao”, Grade 10 Learner’s Material. Pp. 143-153

MGA GAWAIN

Gawain 1: Paunang Pagtataya (mula sa Edukasyon sa Pagpapakatao”, Grade 10


Learner’s Material. Pp. 144-145)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos


ayon kay Sto. Tomas de Aquino?

A. Isip at Kilos-loob C. Paghuhusga at Pagpili


B. Intensiyon at Layunin D. Sanhi at Bunga

2. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos.


Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil
siya sandali at nag-isip kung saan siya ng pera upang mabili to. Nasa anong
yugto ng makataong kilos si Mary Rose?

A. Intensiyon ng layunin C. Pagkaunawa sa layunin

2
B. Nais ng layunin D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili

3. Gamit ang halimbawa sa Bilang 2. Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang
paraan upang mabili niya ang sapatos? Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang
magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasan na
kayang yugto ng kilos si Mary Rose?

A. Intensiyon ng layunin C. Paghuhusga sa nais makamtan


B. Pagkaunawa ng layunin D. Masusing pagsusuri ng paraan

4. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng


pasiya?

A. Dahil ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.


B. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
C. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kasiguruhan sa kaniyang pagpili.
D. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkariin siya ng mabuting
kilos.

5. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?

A. Upang magsilbing gabay sa buhay.


B. Upang magsilbing paalala sa mga gawain.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

6. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na


pagpapasiya?

A. Tingnan ang kalooban C. Isaisip ang posibilidad


B. Magkalap ng patunay D. Maghanap ng ibang kaalaman

7. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang


na iyong gagawin?

A. Isaisip ang mga posibilidad C. Umasa at magtiwala sa Diyos


B. Maghanap ng ibang kaalaman D. Tingnan ang kalooban

8. Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at


pumunta na lamang sa computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred
bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at
ano ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong
proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred?

A. Isaisip ang mga posibilidad C. Tingnan ang kalooban


B. Maghanap ng ibang kaalaman D. Magkalap ng patunay

9. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at


binibigyang halaga mo ang iyong pasiya, makapagpapasiya sa iyo o hindi.
Anong bahagi ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?

A. Magkalap ng patunay C. Tingnan ang kalooban


B. Maghanap ng ibang kaalaman D. Umasa at magtiwala sa Diyos

3
10. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang
tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naayon sa
Kaniyang kautuan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng
pagpapasiya si Amir?

A. Tingnan ang kalooban C. Maghanap ng ibang kaalaman


B. Isaisip ang posibilidad D. Umasa at magtiwala sa Diyos

Gawain 2: Pagtuklas ng Dating Kaalaman (mula sa Edukasyon sa


Pagpapakatao”, Grade 10 Learner’s Material. Pp. 146)

Mapapansin mo na sa bawat oras at araw, ikaw ay nagsasagawa ng


pagpapasiya. Naging madali ba ito para sa iyo? Napansin mo ba ang nagging
epekto nito sa iyo at sa iyong kapuwa? Mas mabuti kung ang bawat pasiya ay
nakabatay sa makataong pagkilos.

Mga Panuto:

1. Ano ang kahulugan ng makataong kilos para sa iyo?


2. Isulat sa loob ng parisukat ang iyong sagot.
3. Gawin ito sa sagutang papel.

Makataong Kilos

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Bakit iyan ang mga kahulugan mo sa salitang makataong kilos? Ipaliwanag


2. Kailangan ba na palaging isagawa ang makataong kilos sa lahat ng oras o
pagkakataon? Bakit?
3. Paano ito makatutulong sa iyo sa araw-araw na pamumuhay?

Gawain 3: Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa (mula sa


Edukasyon sa Pagpapakatao”, Grade 10 Learner’s Material. Pp. 147-
148)

Mga Panuto:

1. Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.
2. Sa susunod na pahina, lagyan ng tsek ( ) ang loob ng panaklong kung
ang tauhan ay nagpapakita ng makataong kilos at ekis (x) kung hindi.

4
3. Isulat ang paliwanag sa ibaba nito.
4. Pagkatapos, ibahagi mo sa isang kamag-aral ang iyong sagot.

Sitwasyon A

Niyaya si Omar ng kaniyang kamag-aral na huwag munang umuwi pagkatapos ng


klase dahil mag-iinuman daw sila. Sumama si Omar kahit ipinagbabawal ito ng
kaniyang magulang.

Nagpakita ba si Omar ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )


Bakit:____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________

Sitwasyon B

Hindi nakapag-aral si Monica sa Filipino kahit alam niyang mayroon silang pagsusulit.
Sa oras ng pagsusulit ay maraming tanong na hindi niya nasagot. Sinabihan siya ng
kaniyang katabi na pakokopyahin siya ng sagot subalit tinanggihan niya ito.

Nagpapakita ba si Monica ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )


Bakit:____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________

Sitwasyon C

Nakita ni Abdullah na ang kaniyang kamag-aral na si Fatima ang kumuha ng cellphone


ng kaniyang guro. Ngunit nanahimik na lamang siya upang huwag nang madamay pa.

Nagpakita ba si Abdullah ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )


Bakit:____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________

Sitwasyon D

Si Ella ay labinlimang gulang pa lamang. Niyaya siya ng kaniyang kasintahan na sila


ay magsama na. Ngunit kahit mahal ni Ella ang kasintahan ay hindi siya sumama rito.

Nagpakita ba si Ella ng makataong kilos? Oo () Hindi ()


Bakit:____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________

5
Sitwasyon E

Si Ernie ay pinakiusap ng kaniyang guro na tulungan ang isang pangkat sa Baitang 7


sa kanilang paaralan para sa paglahok nito sa isang paligsahan sa Sayawit. Pinili siya
dahil mahusay si Ernie sa larangang ito. Masayang pumayag si Ernie kaya’t sinimulan
na niya ang pagtuturo sa kapuwa niya mag-aaral. Tatlong araw na lamang bago ang
paligsahan, biglang hindi na nagpakita si Ernie at ang sinabi niya, kailangan niyang
alagaan ang kaniyang kapatid na may sakit. Ngunit ang totoo, kinuha siya ng isang
pangkat at pinangakuang babayaran ng malaking halaga.

Nagpakita ba si Ernie ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )


Bakit:____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Sino-sino ang tauhan na nagpakita ng makataong kilos? Ng hindi


makataong kilos? Ipaliwanag.
2. Mahalaga ba para sa iyo ang pagsassagawa ng makataong kilos?
Ipaliwanag.
3. Nakatutulong ba sa isang tao ang pagsasagawa ng makataong kilos?
Ipaliwanag.

Gawain 4: Talakayayin Natin!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay.

Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang Moral na Pagpapasiya


(mula sa Edukasyon sa Pagpapakatao”, Grade 10 Learner’s Material. Pp. 151-154)

Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya. Ito ay madalas mong


ginagawa sa iyong pang-araw-araw na buhay. Kung tatanungin ka, mula sa iyong
iba’t ibang karanasan ng pagsasagawa ng pasiya, masasabi mo bang madali ang
mga ito para sa iyo? Ito ba ay nakapagdulot sa iyo ng tagumpay o kabiguan?
Ito ba ay nagpapakita ng makataong kilos? Ngayon ay inaanyayahan kitang
balikan mo ang bawat sitwasyon kung saan gumagawa ka ng pagpapasiya. Isipin
mong Mabuti kung anu-ano ang mga ito mula sa pinaka-simple at
pinakamahirap na pasiya. Ngayon, ano ang masasabi mo rito? Nakatulong ba
ito sa iyo upang ikaw ay lalong maging isang mabuting tao? Ito ba ay
nakabatay sa pinaka huling layunin ng tao na makapiling ang Diyos sa
kabilang buhay?

Napagnilayan mo ba na ang bawat pangyayari sa iyong buhay ay bunga ng


iyong pagpapasiya? Tulad ng isang nagmamaneho ng sasakyan, siya ang may
hawak ng manibela at siya ang nagdadala kung saang direksiyon niya nais
pumunta. Gayon din ang tao, ang bawat kilos at pasiya na kaniyang gagawin
ay may epekto sa kaniyang sarili at kapuwa kung kaya’t kailangan na ito ay
isagawa nang maingat gamit ang talino na ibinigay ng Diyos. Kung iyo lamang
titingnang mabuti sa bawat araw na nagsasagawa ka ng kilos, may mga kilos

6
na hindi mo kailangang pag-isipan tulad ng paghinga, pagbahing kung ikaw ay
sinisipon, paglakad, at iba pa. Ngunit mayroon ka ring mga kilos na kailangan mong
pag- isipan at pagnilayan tulad halimbawa: kung papasok ba sa paaralan,
makikinig bas a tinuturo ng guro, kakainbang almusal bago pumasok, susunod
ba sa utos ng magulang, gagawa ba ng takdang-aralin, at marami pang iba. Ang
mga ito ay kailangan ng maingat na pagtitimbang sa kung ano ang dapat piliin at
kung anong kilos ang dapat gawin. Mahalaga na Makita mo kung ang pipiliin
mob a ay nakabatay sa makataong kilos.

Naririto ang mga yugto ng makataong kilos ni Sto. Tomas de Aquino. Ang isip
at kilos-loob.

Isip Kilos-loob
1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin
3. Paghuhusga sa nais na 4. Intensiyon ng layunin
makamtan
5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili 8. Pagpili
9. Utos 10. Paggamit
11. Pangkaisipang kakayahan ng 12. Bunga
layunin

Paano gagamitin ang yugtong ito? Naririto ang isang halimbawa.

“Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall kung


saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito”

Suriin natin ang paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyong ito.

1. Pagkaunawa sa layunin. Matagal na niyang nais magkaroon ng cellphone


nab ago sapagkat ang ginagamit niya ay luma na.
2. Nais na layunin. Ang unang reaksiyon ni Alvin ay ang pagkakaroon ng
pagnanasa rito. Nag-iisip na siya kung saan kukuha ng pera para mabili
ito.
3. Paghuhusga sa nais makamtan. Ito ang nais ng kaniyang kalooban, ang
magkaroon ng bagong modelo ng cellphone
4. Intensiyon ng layunin. Hanggang ngayon ay wala pa ring kalayaan si Alvin
na pumili sapagkat ang kaniyang kilos-loob ay likas na tumatanggap
lamang kung ano ang mabuti
na sinasabi ng kaniyang isip.
5. Masusing pagsusuri ng paraan. Ang pagsusuri ng paraan na kaniyang
gagawin ay pagapatuloy at ang pangsang-ayon niya sa mga nasabing
pagpipilian.
6. Paghuhusga sa paraan. Ngayon ay huhusgahan na niya kung alin ang
pinakamabuti.
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili. Ang isip ay kasalukuyang pumili ng
pinakamabuting paraan.

7
8. Pagpili. Dito ay pumapasok na ang malayang pagpapasiya na kung saan
ang kaniyang isip ay nag-uutos na bilhin ay ginamit na niya ito agad.
9. Utos. Matapos niya itong bilhin ay ginamit na niya ito agad.
10. Paggamit. Ngayon ay mauunawaan niya kung angkop ba ang kaniyang
isinagawang kilos.
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin. Ngayon ay ikatutuwa niya ang
pagtatamo niya ng cellphone.
12. Bunga. Ito ang resulta ng kaniyang pinili.

Gawain 5: Tantuhin mo!

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na makataong kilos na isinasaad sa


sitwasyon sa ibaba nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pagkaunawa sa layunin Paghuhusga sa nais na makamtan


Nais na layunin Intensiyon ng layunin
Masusing pagsusuri ng paraan Praktikal na paghuhusga
Paghuhsga sa paraan Praktikal na paghuhusga sa pinili
Pagpili Paggamit
Pangkaisipang kakayahan ng layunin Bunga

Sitwasyon:
Nakakita si Nico ng isang bagong modelong sasakyan sa isang mall kung
saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang kamag-anak ay mayroon na nito.

1. Matapos niya itong bilhin ay ginamit niya ito agad.


2. Ito ang nais ng kaniyang kalooban, ang magkaroon ng bagong modelo ng
sasakyan.
3. Ngayon ay huhusgahan na niya kung alin ang pinakamabuti.
4. Ang isip ay kasalukuyang pumili ng pinakamabuting paraan.
5. Ito ang resulta ng kaniyang pinili.
6. Ngayon ay mauunawaan niya kung angkop ba ang kaniyang isinagawang
kilos.
7. Matagal na niyang nais magkaroon ng sasakyan na bago sapagkat ang
ginagamit niya ay luma na.
8. Ngayon ay ikatutuwa niya ang pagtatamo niya ng sasakyan.
9. Dito ay pumapasok na ang malayang pagpapasiya na kung saan ang
kaniyang isip ay nag-uutos na bilhin ang nasabing sasakyan.
10. Ang unang reaksiyon ni Nico ay ang pagkakaroon ng pagnanasa rito.

Gawain 6: Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto (mula sa Edukasyon sa


Pagpapakatao”, Grade 10
Learner’s Material. Pp. 149)

Mga Panuto:

1. Mag-isip ng mga sitwasyon sa iyong buhay na hindi mo makalimutan. Isulat


kung paano ka nagpasiya at nagpakita ng makataong kilos sa bawat
sitwasyon.
2. Punan ang hanay sa ibaba. Gabay mo ang halimbawa.

8
3. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.
4. Ibahagi sa iyong katabi ang nilalaman ng iyong sagot.

Sitwasyon sa buhay na Kilos na Epekto ng Mga


nagsagawa ng pasiya isinagawa isinagawang pasiya realisasyon

Hal. Blg. 1 Hindi sumama Naunawaan ang Ang realisasyon ko


Nayaya ng kaibigan na at pinili na tinalakay ng guro ay mas makabubuti
mag-cutting classes. pumasok sa at nakakuha ng na piliin ang
klase. pasang marka sa pagpasok sa klase
pagsusulit sa araw dahil may Mabuti
na iyon. itong maidudulot sa
pagabot ko ng aking
pangarap at
tunguhin sa buhay.

1.

2.

3.

4.

5.

Sagutin ang mga tanong:

1. Sa kabuuan, anu-ano ang natuklasan mo sa iyong isinagawang mga kilos at


pasiya sa mga sitwasyon?
2. Sa iyong palagay, bakit naging mabuti o masama ang epekto ng iyong kilos at
pasiya?
3. May kinalaman ba ang pasiya ng tao sa kilos na kaniyang isasagawa?
Ipaliwanag.

Gawain 7: Pagninilay (mula sa Edukasyon sa Pagpapakatao”, Grade 10


Learner’s Material. Pp. 150)

Mga Panuto:

1. Balikan ang mga sitwasyon sa iyong buhay na iyong isinulat sa Gawain Bilang
5. Suriin kung ang bawat isa ay kung naging mapanagutan ba sa iyong
piniling pasiya at ito ba ay nagpakita ng makatong kilos.

9
2. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Nagpapakita ba ito ng
Mga sitwasyon (1-5) mapanagutang pasiya at
makataong kilos? Ipaliwanag

Sagutin ang mga tanong:

1. Sa kabuuan, Nakita mo ba ang mga mahalagang pananagutan mo sa bawat


pasiya na iyong ginagawa? Ipaliwanag.
2. Matapos mong pagnilayan kung naging mapanagutan ka o hindi, ano ang
nararamdaman mo ukol dito?
3. Sa iyong palagay, paano ito makatutulong sa iyo bilang isang kabataan?

10
SANGGUNIAN

Brizuela, Mary Jean B., Arnedo, Patricia Jane S., Guevara, Geoffrey A., et al,
“Edukasyon sa Pagpapakatao” - Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral. 5th
Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines, Unang
Edisyon 2015

Photo Credits

Ayo, Eduardo Jr. “Children Playing”, Butuan City, 2020

Susi sa Pagwawasto
10.C 10.Nais ng layunin
9. C 9. Pagpili
8. D ng layunin
7. C 8. Pangkaisipang kakayahan
6. B 7. Pagkaunawa sa layunin
5. D 6. Paggamit
4. B 5. Bunga
3. A sa pinili
2. B 4. Praktikal na paghuhusga
1. A 3. Paghuhusga sa paraan
makamtan
PAGTATAYA 2. Paghuhusga sa nais
Gawain 1: PAUNANG 1. Utos

Gawain 5: Tantuhin Mo

SWEET ZYNDY L. LOPEZ


Doña Rosario National High School
Division of Agusan del Norte
[email protected]

11
12

You might also like