Ang Kabihasnang Greece at Kontribusyon

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 45

Ang Kabihasnang

Greece at mga
Kontribusyon nito
TAMA o MALI
1. Ang Kabihasnang Minoan ay batay sa pangalan ni
Haring Minos, ang hari ng sinasabing nagtatag nito .
2. Ang mga Minoan ay magagaling na mandaragat.
3. May limang pangkat ng tao sa pamayanang Minoan.
4. Nagwakas ang kabihasnang Mycenean ng salakayin
ng di kilalang mananalakay.
5. Di naglaon ang mga kuwento tungkol sa mga hari at
bayaning Minoan ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga
diyos-diyosan na sinasabing naging batayan ng
mitolohiyang Greek.
ANG KABIHASNANG
ΑΝΓΚ GREEK
ΚΑΜΠΙΧΑΣΝΑΝΓΚ ΓΚΡΗΚ
BC – Before Christ
BCE – Before Christian Era or Before Common
Era

AD – Anno Domini; in the year of the Lord –


referring to the birth of Jesus Christ; CE
Common Era
Ang Panahong Hellenic
(800 B. C. E. – 338 B. C. E. )

• Hellene – Katawagan ng mga Greek sa


kanilang mga sarili H\hango ito sa salitang
Hellas na tumutukoy sa kabuuang lupain ng
sinaunang Greece.
• Panahong Hellenic – Ang panahon ng
kasikatan ng kabihasnang Greek hanggang sa
pagtatapos nito noong 338 B. C. E.
Ang Polis
• Polis – Ang tawag sa mga unang pamayanan
sa Greece na itinuturing na lungsod-estado o
city state sa kadahilanang ito ay malalaya, may
sariling pamahalaan ang bawat isa at ang
pamumuhay ng mga tao ay nakasentro sa
iisang lungsod.
• Acropolis - Ang pinakamataas na lugar sa mga
lungsod-estado kung saan itinayo ng mga
Greek ang kanilang mga templo.
• Agora – Isang bukas na lugar sa gitna ng
lungsod kung saan maaaring magtinda o
magtipon-tipon ang mga tao.
Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig
ng daigdig, natutuhan ng mga Greek ang mga
bagong ideya at teknik
• sa mga Phoenician -ang ideya ng alpabeto
• Phoenician - paggawa ng mas malalaki at
mabibilis na barko
• Sumerian -ang sistema ng panukat
• Lydian -ang paggamit ng barya sa
pakikipagkalakalan
Sparta: Isang Mandirigmang Polis

• Higit na binigyang
halaga ng Sparta ang
pagkakaroon ng
malalakas at
magagaling na sundalo.
Nanatili rin ang Sparta
sa pagkakaroon ng
pamahalaang
Oligarkiya.
Pagkakatatag
• Dorian-itinatag ang polis o lungsod-estado ng Sparta sa
Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece.

Ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan.


-magandang klima
-sapat na patubig
-matabang lupa na angkop sa pagsasaka.
-Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa
pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at
pangangangamkam nito
Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa
Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang
lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang
mga helot.
• Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-
estado ng Sparta ay magkaroon ng mga
kalalakihan at kababaihang walang
kinatatakutan at may malalakas na
pangangatawan.
• Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri.
Kapag nakitang mukhang mahina at sakitin ang
isang sanggol ay dinadala sa paanan ng
kabundukan at hinahayaang mamatay doon.
• Samantala, ang malulusog na sanggol ay
hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang
bahay, hanggang sumapit ang ikapitong taon
nila.
• Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na
sa mga kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na
disiplina at sanayin sa serbisyo militar.
• Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa
pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing layunin
ng pagsasanay.
• Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang walang reklamo.
Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang pamilya sa
panahon ng bakasyon.
• Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay magiging
sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan
ng labanan.
• Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat
na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na
sila sa gastos.
• Sa edad na 60, sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.
• Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang
mapigilan ang mga pag-aalsa ng mga helot.
• Maging ang mga kababaihan ay sinasanay na maging
matatag.
• Di tulad ng mga kababaihang Greek na limitado ang
ginagampanan sa lipunan, ang mga kababaihang Spartan
ay maraming tinatamasang karapatan. Sila ang mga nag-
aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang
mga ito ay nasa kampo militar.
• Nangunguna din sila sa mga palakasan at malayang
nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga
asawa habang masaya silang nanonood ng mga palarong
tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera.
Athens: Isang Demokratikong Polis
• Athens at Sparta – Dalawang malakas na
lungsod-estado na kalaunan ay naging tanyag
sa Greece. Naging sentro ng kalakalan at
kultura sa Greece ang Athens samantalang ang
Sparta naman ay sinakop ang mga karatig na
rehiyon nito.
Sa simula ng 600 B.C.E., ang Athens ay isa
lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng
Greece na tinatawag na Attica.

karamihan sa mga mamamayan nito ay


nagtrabaho
• sa mga minahan
• gumawa ng mga ceramics
• naging mangangalakal o mandaragat.
tyrant
• Sa sinaunang kasaysayan, pinamunuan ang Athens
• nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng
karapatan ng karaniwang tao at maayos na
pamahalaan
• karamihan sa kanila ay naging mabubuting pinuno
• may mangilan-ngilan din na umabuso sa kanilang
posisyon na nagbigay ng bagong kahulugan sa
katawagang tyrant bilang malupit na pinuno sa
ating panahon
Hari
• Sa simula, pinamunan ang Athens ay
pinamunuan
• inihalal ng asembleya ng mamamayan
• pinapayuhan ng mga mga konseho ng maharlika
-Ang asembleya ay binubuo naman ng
mayayaman na may malaking kapangyarihan
-Ang mga pinuno nito ay tinawag na Archon
na pinapaburan naman ang mga may kaya sa
lipunan.
Pagbabago
• nagnais ng pagbabago ang mga artisano at mga mangangalakal
• nagpagawa ang mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay
Draco isang tagapagbatas
• Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito binago ni Draco ngunit
• ang kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkakapantay-pantay sa lipunan
• binawasan ng mga karapatan ang mga namumuno

Sa gitna ngpagbabagong ito nanatiling di kontento ang mga


mamamayan ng Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin
upang makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa
kanila ang nagnais ng mas malaking bahagi sa larangan ng
politika.
Pagbabago
Solon
• pinangunahan ni ang sumunod na pagbabago ay naganap
noong 594 B.C.E.
• mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa
pamamagitan ng pakikipagkalakalan
• Kilala din siya sa pagiging matalino at patas
Mga Ginawa
• Inalis niya ang mga pagkakautang ng mahihirap
• ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang
• Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng
malayang kalalakihang ipinanganak mula sa mga magulang
na Athenian ay maaaring maging hurado sa mga korte.
Sa gitna ng malawakang repormang ginawa
ni Solon, di nasiyahan ang mga aristokrata.
Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon
ang mahihirap.
Pagbabago
Pisistratus
• Namuno sa pamahalaan ng Athens noong mga 546 B.C.E
• Bagamat mayaman siya, nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng karaniwang
tao
• Mas radikal ang mga pagbabagong
-ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng malalaking lupang sakahan sa
walang lupang mga magsasaka
-Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa malalaking
proyektong pampubliko
-Pinagbuti niya ang sistema ng patubig sa lungsod ng Athens, at nagpatayo ng
magagandang temple
-ipinakita rin niya ang kaniyang interes sa sining at kultura sa pamamagitan
ng pagbibigay suporta sa mga pintor at sa mga nangunguna sa drama.

Ang pagsulong niya sa sining ang nagbigay-daan upang


tanghalin ang Athens na sentro ng kulturang Greek.
Pagbabago
Cleisthenes
• Pinamunuang ang pagbabago sa sistemang politikal
noong 510 B.C.E
• Hinati niya ang Athens sa sampung distrito.
• Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat
distrito at maglilingkod sa konseho ng tagapayo upang
magpasimula ng batas sa Asembleya ang tagagawa ng
mga pinaiiral na batas.
• Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaboto sa
asembleya ang mga mamamayan, may-ari man ng
lupa o wala.
• Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan
ipinatupad ni Cleisthenes ang isang sistema kung saan bawat
taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na
ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens.
• Kapag ang isang tao ay nakakuha ng mahigit 6,000 boto, siya
ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa ang pangalan ay
isinusulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon,
ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay
tinawag na ostracism.
• Bagamat kaunti lamang ang naipatapon ng sistemang ito,
nabigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga
mamamayan.
• Sa pagsapit ng 500 B.C.E., dahil sa lahat ng mga repormang
naipatupad sa Athens, ang pinakamahalagang naganap ay ang
pagsilang ng demokrasya sa Athens,
Demokrasya
Mga Ilang Paalala
• Panimula (Introduction)

• Pagbabasa ng mag-aaral sa panimulang mga salita mula sa modyul tungkol sa Kabihasnang Minoan,
Mycenean at Kabihasnang Klasiko ng Greece

May Gawaing nakalaan sa slides ng powerpoint presentation.

• Pagpapaunlad (Development)

Gawain sa Pagkatuto bilang 2 on page 10

• Pakikipagpalihan (Engagement)

Basahin at unawain ang nilalaman ng aralin tungkol sa Kabihasnang Minoan, Mycenean at


Kabihasnang Klasiko ng Greece. Tunghayan sa inyong modyul sa mga pahina 6 hanggang 10. May
nakalaang video powerpoint na uploaded sa google classroom.
Written Task Activity 1.1 - Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 on page 10
Written Task Activity 1.2 - Gawain sa Pagkatuto Bilang 5 on page 10
• Paglalapat (Asssimilation)
Upang mataya ang pang-unawa sa aralin ay isagawa ang mga sumusunod
na gawain.
Integrative Performance Task (AP and ESP) Tele-Talakayan – kung saan ang
bawat grupo na may lima (5) o anim (6) na mga mag-aaral ay magkakaroon ng
talakayan on-line ukol sa aralin. Batay sa mga impormasyon at detalye na
kanilang nakalap ay magpapalitan sila ng mga kaalamang natutunan nila mula
dito. Matataya dito kung paanong nagkakaroon sila ng maayos at malinaw na
pakikipag-ugnayan sa kapwa. Maaari ding makita sa kanila ang maayos na
pagsang-ayon, pagtugon, at pagsuporta sa isa’t isa na maaaring
naiimpluwensiyahan sila mula sa kanilang pakikisalamuha sa loob ng tahanan,
sa kanilang mga kaibigan sa pamamagitan ng personal na pakikipag-usap o on-
line man.
• Sa gawaing ito ay maaari silang gumamit ng video call via messenger o kaya
naman ay podcast. Ipakikita nila nang maayos at kawili-wili ang talakayan.
• Huling Pagtataya
Sagutin ang mga tanong sa sa Post Test na
nasa google form na uploaded sa google
classroom.
1. Ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa
isang tao ay tinawag na_______________.
OSTRACISM

2. Sa pagsapit ng 500 B.C.E., dahil sa lahat ng mga


repormang naipatupad sa Athens, ang
pinakamahalagang
DEMOKRASYA
naganap ay ang pagsilang ng
_____________ .
PISISTRATUS
3.Si ___________ ay namuno sa pamahalaan ng
Athens noong mga 546 B.C.E. Bagamat mayaman
siya, nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng
karaniwang tao
4. Inalis ni __________
SOLON ang mga pagkakautang
ng mahihirap.
5. Nagpagawa ang mayayamang tao o
aristokrata ng nakasulat na batas kay
________isang tagapagbatas
DRACO

6. Sa gulang na _____
20 ang mga kabataang lalaki
ay magiging sundalong mamamayan at
ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan.
60
7. Sa edad na ____, sila ay maaari nang magretiro sa
hukbo.
AGORA
8. __________– Isang bukas na lugar sa gitna ng
lungsod kung saan maaaring magtinda o magtipon-
tipon ang mga tao.
9. ________
POLIS
– Ang tawag sa mga unang pamayanan sa
Greece na itinuturing na lungsod-estado o city state sa
kadahilanang ito ay malalaya, may sariling pamahalaan
ang bawat-isa at ang pamumuhay ng mga tao ay
nakasentro sa iisang lungsod.
10. _________-
ACROPOLIS Ang pinakamataas na lugar sa mga
lungsod-estado kung saan itinayo ng mga Greek ang
kanilang mga templo.
11-12. Bakit ang bagong kahulugan sa
katawagang tyrant ay malupit na pinuno sa ating
panahon? Sapagkat may mangilan-ngilang umabuso sa kanilang posisyon na
nagbigay ng bagong kahulugan sa katawagang tyrant bilang
malupit na pinuno sa ating panahon

13-15. Paano isinilang ang demokrasya sa


Athens mula sa mga tyrant na naging pinuno
nila?
Sa kabila ng malupit na batas sa Athens, nagkaroon ng mga pagbabago sa bawat
pamumuno ng mga tyrant o pinuno. Mula sa paghalal ng mga pinunong pinaburan ng
asembleyang pinangugunahan ng mga mayayaman , ay unti-unting nabago ang
pagbabawas ng karapatan sa huli, at binigyan ang mga karaniwang tao tulad ng
pagkakaalis mula sa pagkakautang,nabigyan ng mga lupang sakahan, at nagkaroon ng
karapatang bumoto.
Mga Digmaan sa Greece
Ang Banta ng Persia
• Nakailang ulit na tinangka
ng Persia na sakupin ang
Greece. Nanguna ang
Athens at Sparta sa
pakikidigma sa Persia.
• Cyrus the Great – Noong
546 B. C. E., sinalakay niya
ang Lydia sa Asia Minor.
Humalili sa kanya kalaunan
ang anak niya na si Darius
I.
Ang Digmaang Graeco – Persian
(499 B. C. E. – 479 B. C. E. )

• Noong 490 B. C. E., tinangka ng plota


ng Persia na salakayin ang Athens.
Pumunta ito sa Marathon Bay na 25
milya lamang ang layo mula sa
Athens. Bagamat hindi dumating ang
tulong na hiniling ng Athens mula sa
Sparta, nanalo pa rin ang hukbo ng
Athens.
• Xerxes – Anak ni Darius tinangkang
pabagsakin ang Athens. Noong 480
B. C. E., tinalo ng kanyang hukbo ang
pwersa ng Sparta sa Thermopylae.
Ang Digmaang Peloponnesian
(431 B. C. E. – 404 B. C. E. )

• Delian League – Isang malawak na pederasyon


ng mga lungsod-estado sa Greece na
pinagbuklod sa pangunguna ng Athens.
• Dahil sa inuna ng Athens ang sarili nitong
kapakanan, ang Delian League ay hindi naging
ganap na napagbuklod ang mga lungsod-
estado sa Greece. Sa halip, ito ay naging daan
para sa pagpapalawig ng imperyong
pangkalakalan ng athens.
• Noong 431 B. C. E., sumiklab ang Digmaang
Peloponnesian. Dito, nagsama-sama ang mga
lungsod-estado sa Peloponnesus. Pinili nila
ang Sparta upang pamunuan sila laban sa
Athens.
• Noong 404 B. C. E., tinalo ng Sparta ang
Athens.
• Nagpatuloy ang alitan sa iba’t ibang lungsod-
estado at bumagsak ang pamumuno ng Sparta
sa Labanang Leuctra noong 371 B. C. E.
• Iniwan ng Digmaang Peloponnesian ang mga
Greek na mahina at watak-watak.
Imperyong Macedonian
(336 B. C. E. – 263 B. C. E. )
• Philip II – Hari ng
Macedonia na nagnais na
pag-isahin ang ang mga
lunsgod-estado sa
Greece sa ilalim ng
kanyang pamamahala.
Bumuo siya ng isang
hukbo at sinanay sa
pinakamabisang paraan
ng pakikidigma.
• Alexander the Great – Naging tanyag na lider
ng Macedonia na anak ni Philip II. Noong 334
B. C. E., pinangunahan niya ang isang hukbo
na lumusob sa Kanlurang Asya.

You might also like