Fildis Pananaliksik 1
Fildis Pananaliksik 1
Fildis Pananaliksik 1
IBA’T IBANG
DISIPLINA
Pananaliksik
Layunin
1.Nakatalakay ang iba’t ibang kombensyon ng pagsulat ng
pananaliksik;
2.Naipaliliwanag ng mga mag-aaral ang konsepto ng
pananaliksik sa iba’t ibang piling larangan
3.Nakabubuo ng panukalang pananaliksik batay sa mga
teoryang tinalakay;
4.Nakapagpapasya sa angkop na disenyo ng pananaliksik
kaugnay ng mga inihandang sitwasyon ng dalubguro.
Kahulugan ng
Pananaliksik
Ayon sa diskyunaryo ng Oxford
(sinipi 2018), ang pananaliksik ay
sistematikong pagsisiyasat ng
mga kagamitan o sanggunian
upang mapatatag ang isang
pangyayari upang makabuo ng
isang konklusyon.
• Sa larangan ng edukasyon, binigyan ng
depinisyon ng Americal Educational
Research Association (sinipi, 2018) ang
pananaliksik bilang isang siyentipikong
pag- aaral na sumusuri sa edukasyon at
proseso ng pagkatuto, katangian ng
tao, pakikisalamuha, samahan, at
institusyong humuhulma sa
kalalabasan ng mga pag-aaral.
Pinaniniwalaan ng mga paham sa larangang ito
na ang pananaliksik ay naglalayon na ilarawan,
umunawa, at ipaliwanag kung paano
nakaaapekto sa buhay ng tao at kung paanong
ang pormal at impormal na konteksto ng
edukasyon ay nakaaapekto sa lahat ng anyo ng
pagkatuto. Kinasasangkutan ang pananaliksik sa
edukasyon ng isang masusing metodo na
angkop sa pagtuklas ng sagot sa tanong at
pagbuo ng bagong kagamitan at metodo ng
pag-aaral at pagtuturo.
Sa larangan naman ng komunikasyon, ang
pananaliksik ay kinasasangkutanng
kwantitatibo at kwalitatibong pag-aaral
upang maunawaan ang penomina na
nakapaloob sa komunikasyon. Nakatutulong
ito nang malaki upang bigyan ng kumpirmasyon o
tuklasin ang gawing komunikasyon ng tao, at
tulungan ang mga iskolar na makabuo ng isang
makabuluhang teorya ng komunikasyon
(https://www.mbaskool.com Concepts Marketing
and Strategy, sinipi 2018)
Sa daigdig man ng kalakalan ay may malaki rin
na papel na ginagampananang pananaliksik. Ayon
sa site na smallbusiness.chron.com/business-
research-43341.html (sinipi 2018), ang
pananaliksik ay isang praktika na kung saan
ang isang organisasyon ay kumukuha ng datos
na nakalaang suriin para sa higit na mahusay
na pangangasiwa ng kumpanya. Kasamia rito
ang mga datos sa pananalapi, feedback o
tugon ng mga kliyente, produkto, at maging
ang kahusayan nito kumpara sa iba pang
katunud na negosyo.
Sa iba pang asignatura ng agham
panlipunan naman makikita ang
pananaliksik na sumasagot sa mga
katanungan na may kaugnayan sa
behavior o gawi ng tao. Karanium
itong sumasagot sa mga tanong na
umuunawa sa sitwasyon ng paano
at bakit ng behavior o gawi ng tao
Sa larangan naman ng advertising, ang
pananaliksik ay karaniwang nakatuon sa
kahusayan ng isang patalastas sa
kasalukuyang gumagamit ng produkto at
mga potensyal na gagamit pa nito. Bago ang
pormal na paglulunsad ng produkto sa
komersyoay isaalang-aalang muna ang isang pag-
aaral na siyang magtatasa kung
paanomahihikayat ng ahensya ang mga potensyal
na gagamit na gamitin ang produkto o serbisyo na
nasa ilalim ng patalastas.
Layunin ng
Pananaliksik
Bakit nga ba tayo
nanaliksik?
1.Makadiskubre
ng mga bagong
kaalaman
hinggil sa mga
batid na.
2.Makakita ng
mga sagot sa
mga suliraning
hindi pa ganap
na nalulutas.
3.Makadevelop
ng episyenteng
instrument,
kagamitan o
produkto.
4.Makatuklas ng mga
bagong sabstans o
element at lalo pang
makilala ang kalikasan
ng mga dati ng sabstans
o element (komposisyon
o kabuuan ng isang
bagay)
5.Makalikha ng mga
batayan para
makapagpasya at
makagawa ng mga polisya,
regulasyon, batas o mga
panuntunan na maaaring
gamitin sa iba’t ibang
larangan.
6.Matugunan ang
kuryositi, interes
at pagtatangka ng
isang
mananaliksik.
7.Madagdagan,
mapalawak at
maverifay ang
mga
kasalukuyang
kaalaman.
Katangian
ng Mahusay
na Riserts
•Sistematiko
May sinusunod na
proseso/hakbang
tungo sa pagtuklas ng
katotohanan,
solusyon ng suliranin,
o ano pa mang
layunin ng
pananaliksik.
•Kontrolado
Konstant ang mga
varyabol sa pananaliksik. Di
dapat baguhin ito upang
kung may pagbabagong
magaganap sa sabjek na
pinag-aaralan ay maiugnay sa
eksperimental na varyabol.
Ito ay kailangang gawin
lalong-lalo na kung
eksperimental ang
pananaliksik.
Empirikal
Ang mga datos na
nakalap ay maaaring
i-verify o isabjek sa
eksperimentasyon. Ito ang
ginagawa kapag ang mga
datos ay empirical
sapagka’t base lamang sa
obserbasyon at ekspiryens
(karanasan) ng mga ito.
•Analitikal at kritikal na
pagsusuri
Kailangang suriin nang
maingat ng mananaliksik
ang mga nakalap na datos,
o particular ang mga sagot
sa navalideyt na
“questionnaire” o
talatanungan upang
mabigyan niya ng tamang
interpretasyon
Obhektibo, lohikal at walang
pagkiling
Isang pagtinging walang
“biases”, walang manipulasyon,
lohikal na inihanay at walang
pagkiling sa kalalabasan. Ang
resulta (finidings) ay kailangang
totoong natuklasan sa mga sagot
ng respondente at interbyu ng mga
kasangkot sa pag-aaral. Hindi
dapat na baguhin ang resulta
upang panigan o kumiling sa isang
panig o grupo.
Kwantiteytiv o istatistikal na metodo
Numerikal ang presentasyon upang
masuri ang kantidad ng mga nakasaad
na datos. Gumagamit ng mga
istatistikal tritment sa pag-aanalays ng
mga bilang upang ipakita ang
kahalagahan, gamit at kung bakit ito
(tritment) ang gagamitin sa riserts.
Mahalagang iispesifay kung sampung
porsyento, tatlo sa sampung mag-aaral;
sampung tanong bawat respondente
(distribusyon). Isang pagtiyak/pagtaya
sa tamang bilang na malinaw na
maiintindihan sapagkat kwantifayabol.
•Akyurasi ng investigasyon,
deskripsyon at obserbasyon
Isang siyentipikong
paglalahad ang isinasagawa sa
riserts. Kailangan ang
katumpakan, akyurasi sa
pagsasabi ng natuklasan. Walang
hinuha, agam-agam at
alinlangan sa sinasabi. Ang
katibayan, evidensya ay bunga
ng isang siyentifiko at
sistematikong pag-aaral.
•Orihinal na akda na
matiyagang
isinasagawa at
sinusulat sa
iskolarling
pamamaraan
Tungkulin at
Katangian ng
Mananaliksik
Mahirap ang gawaing pananaliksik.
Napakalaki ng panangutan ng mananaliksik sa
kanyang sarili; sa mga awtor/manunulat na
kanyang kino-quotes, sinisipi/isinasama ang
ilang ideya o gawa (works) na nagiging
hanguan niya; sa kanyang mambabasa at sa
lipunan.
Kailangan taglayin niya ang mga
sumusunod na katangian:
•Masipag at matiyaga
•Maingat
•Sistematiko
•Kritikal na nagsusuri
Ang Pananagutan
Pag-iingat sa plajerismo, katapatan at
paninindigan sa sinulat ay pananagutan ng
mananaliksik – siya “mismo” ang nagsulat, nag-
interpret, nangalap, nag-imbestiga at nag-aral ng
riserts sa pamamatnubay ng isang tagapayo,
istatistisyan, eksperto at mga konsoltant na
nakatulong sa kanyang ginawang pag-aaral. Nag-
aatribyut o nagbibigay respeto sa mga pangalan ng
mga tona isinasama niya sa literature, bibleograf
“work cited” at iba pang ginagamit na hanguan.
USAPANG
PLAJERISMO
Para kina Atienza at mga kasama
(1996), nakikita ang plajerismo sa
mga sumusunod:
•Kapag ginamit ang gawa ng iba
(ginamit ang datos ng iba at ipinalabas
na kanya ito)
•Kapag kinuha, ninakaw ang
disenyo, balangkas at himig at di
kinikilala ang orihinal na manlilikha.
•Kapag isinalin ang gawa ng iba
ngunit hindi ito kinilala
•Kapag namulot/pumik-up ng ideya,
pahayag, termino na nakasulat sa ibang
wika at kanyang isinalin nguni’t di kinilala
ang orihinal na awtor na pinagkuhaan.
•Kung ginamit na lahat ang termino, mga
salita at pangungusap at di ikinulong sa
panipi at di itinala ang pinagkunan.
•Mahigpit ang panuntunang itinatadhana ng
intellectual Property Right na maaaring
mademanda o mabilanggo ang mga violeytor.
Rebyu sa mga Batayang Kasanayan
sa Pananaliksik
MAHAHALAGANG SALIK SA
PANANALIKSIK
Nakita ng may-akda na mahalagang
mapagtuunan ng pansin ng isang
mananaliksik ang mga sumusunod na
salik sa pagbuo ng kanyang awtput:
1. Pagpili ng Paksa
2. Pagbuo ng Pamagat.
3. Pagtukoy sa mga
Suliranin ng Pag-aaral
4. Etika ng Pagsulat
5. Pagtatala ng Talasanggunian
6. Kaalaman sa Pagtatala mula
sa Binasa
7. Kaalaman sa Paghahanda ng
Burador
8. Kaalaman sa Pagsusulat ng
Burador
9. Kaalaman sa Pagsasaayos ng
Burador
10. Metodo ng Pag-aaral
11. Ugnayan ng Bahagi ng Papel
12. Kaalaman sa
Dokumentasyon at Katibayan
PAANO NGA BA
TAYO PIPILI NG
PAKSA?
1. Magbasa ng mga dyornal at
iba pang iskolarling sanggunian
upang higit pang pagbabasa
upang pukawin ang pinakanais
na interes. Tumawak ang sakop
ng pamimilian paksa
2. Magsagawa nang
maraming
brainstorming
3. Ang maliwanag na
paglalahad ng mga suliranin
ay may malaking
maitutulong upang
makahanap ng magandang
paksa ng pag-aaral.
4. Maganda rin na
isaalang-alang sa pagpili
ng paksa ang kakayahan
na tapusin ang pag-aaral
sa oras na itinakda para
rito.
5. Ang
kwalipikasyon
din ng
mananaliksik
6. Ang pagiging
bukas na
tanggapin ang
ideya ng iba
7. Paglalahad
ng maraming
suliranin
8. Siguraduhin na mayroong
kakayahan ang
mananaliksik na makakuha
ng datos at impormasyon
bago simulan ang
pananaliksik.
Pagbuo ng
Pamagat sa
Pananaliksik
1. Bumuo ng
isang pamagat
na naglalarawan
sa sakop ng
pananaliksik.
2. Piliin ang
pamagat na
sumasakop sa
kahalaghan ng
panukalang
proyekto.
Halimbawa:
a. Ang Code-switching Bilang Midyum sa Pagtuturo sa mga Mag-aaral
ng Kursong Information Technology sa Technological Institute of the
Philippines
Bilang Batayan ng mga Mungkahing Gawain Makikita sa mga ibinigay na
halimbawang pamagat sa itaas nalantad kung sinu-sino ang mga maaaring
maging respondente ng pag- aaral. Sa pag-aaral ng code-switching,
maliwanag na isinasaad na ang direksyon ng pag-aaral ay tuklasin ang
kabisaan ng code-switching bilang midyum ng pagtuturo sa mga mag-aaral
ng Information Technology sa Technological Institute of the Philippines.
Upang maipakita ang katatagan ng pag-aaral, maaaring sukatin ang
pananaw ng dalubguro at mga mag-aaral
b. Pag-unawa sa Kultura ng Pananaliksik sa Pamantasan ng Maynila
Sa ikalawang halimbawa naman na ibinigay, mababasa na ang mga
departamento sa loob ng Pamantasan ng Maynila ang maaaring
mapagkunan ng datos upang makita ang kalagayan ng kultura ng
pananaliksik. Mahalaga na malaman ang kanilang mga pananaw hinggil
sa baryabol na kasama sa pag-aaral sapagkat sila ang tiyak na
nakararanas o nakakikita ng mga pangyayari na may kaugnayan sa mga
gawaing pananaliksik sa nabanggit na pamantasan.
3. Pumili ng
pamagat na
sumasaklaw sa
kahalagahan ng
mungkahing
awtput.
4. Dapat na maging
tiyak ang
paglalarawan ng
pamagat sa kalikasan
ng pangunahing
elemento o paksa ng
pag-aaral
Gamit pa rin ang dalawang halimbawa na may kaugnayan sa
code- switching at kultura ng pananaliksik, mabibigyang-
katwiran ng may-akda na maayos ang kanyang naging pasya
sa paglalapat ng pamagat dito kung ang kalikasan o nature
ng pag-aaral ang pag-uusapan.
Ang pamagat na "Ang Code-switching Bilang Midyum ng
Pagtuturo sa mga mag-aaral ng Kursong Information
Technology sa Technological Institute of the Philippines" ay
nagpapakita na may-akda ay tagapagsulong ng isang
dekalidad na edukasyon sa pamamagitan ng pagsukat sa
kabisaan ng code-switching sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Maaaring ang may-akda ng pananaliksik sa code-switching
ay naniniwala sa kapangyarihan ng wika bilang midyum ng
pagsasalin ng karunungan ng isang indibidwal tungo sa
ibang indibidwal.
5. Kailangan na maging
informative at
makabuluhan ang
pamagat ng isang pag-
aaral at makapupukaw
ng atensyon ng mga
mambabasa.
6. Hindi kailangan na maging
mahaba ang pamagat
(karaniwan ay hindi lalampas
sa dalawampung salita)
subalit kailangan na
makapagbigay ng
kinakailangang impormasyon
kung maaari.
7. Higit na mainam
na ang pamagat ay
nasa anyong
declarative at hindi
sa anyong patanong
8. Dapat iwasan ang
paggamit ng mga
teknikal na salita o
jargon sa pamagat.
Dapat rin na limitahan
ang paggamit ng
acronym sa isang pag-
aaral.
MARAMING
SALAMAT
FILIPINO SA
IBA’T IBANG
DISIPLINA
Disensyo at
Pamamaraan
ng
Ang disenyo ng pananaliksik ay
pangkalahatang pamamaraan na ginagamit
ng mananaliksik upang makabuo ng isang
lohikal at maayos na pag-aaral.
Tinitiyak nito na masasagot ng pananaliksik
ang suliraning kaakibat ng pag- aaral at
matutugunan ang layuning binuo para rito.
Kinasasangkutan ito ng proseso ng
pangangalap ng datos, presentasyon, at
pagsusuri. Kasama rito ang pagpapaliwanag
kung anong uri ng pananaliksik ang
gagamitin sa pag-aaral.
May pagkakaiba-iba ang disenyo ng
pananaliksik (kwantitatibo at kwalitatibo).
Ang kwantitatibo buhat sa salitang
quantity/kwantiti ay tumutukoy sa
kalkulasyon ng bilang o sa bigat ng
kasagutan ng mga respondente ng pag-
aaral. Kinabibilangan ito ng empirikal at
masistemang imbestigasyon ng iba't ibang
paksa. Kasangkot din dito ang iba't ibang
penominang panlipunan gamit
ekspirimentasyon. ang matematika,
estatistika, at pag-compute. Halimbawa
nito ang sarbey
Sa kabilang dako, ang kwalitatibong pag-aaral
naman ay tumutukoy sa pamamaraan ng
pangangalap ng datos ng isang mananaliksik na
kung saan ay personal ang pagkuha ng datos sa
paksa ng pag-aaral upang higit na maunawaan ang
karakter, pag-uugali, katangian ng pakikipag-
ugnayan, at iba pang sirkumstansya na maaaring
maging salik sa pagbibigay ng interpretasyon sa
datos na makakalap. Ang layunin nito ay ipaliwanag
at bigyan ng inisyal na pagkakaunawa ang mga
sirkumstanya sa datos na kinalap at kinakalap.
Hindi ito nagbibigay ng pangkalahatang
kongklusyon sa pag-aaral. Tumutukoy ito sa mga
pananaw na nakabatay sa maayos at may
kredibilidad na sanligan.
Ang mga sumusunod ay klasipikasyon ng
pananaliksik:
1. Disenyong eksploratori (Exploratory Research)
2. Historikal (Historical Research)
3. Aksyon (Action Research)
4. Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan
(Normative Study)
5. Etnograpikong Pag-aaral (Ethnographic
Research)
6. Komparatibong Pananaliksik (Comparative
Research)
7. Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study)
8. Deskriptibo (Descriptive Research)
Deskriptibo. Konkreto o abstrato ang deskripsyon sa
pamamagitan ng pagtugon sa mga katanungan na
sino, ano, kailan, saan, at paano. Inilalarawan nito
ang mga kasalukuyang ginagawa sa pananaliksik na
may pagsasaalang-alang sa mga pamantayan at
kalagayan. Ang mga sumusunod ay ang mga
halimbawa nito:
a. Ebalwasyon ng mga Mag-aaral sa Salik na
Nakaapekto sa Tagumpay ng Isinagawang Programa
sa Paaralan.
b. Pagtatasa sa Musika ng Kabataang Pilipino bilang
Lunsaran ng Talakayan sa Klase.
c. Antas ng Pagkahilig ng mga kabataan sa Paglalaro
ng Dota at ang Implikasyon Nito sa kanilang
Partisipasyon sa Klase.
Historikal. Ito ay gumagamit ng mga pamamaraan sa
pagkalap ng datos upang makabuo ng kongklusyon sa
nakaraan. Mahalaga na isaalang-alang dito ang mga
sanggunian na maaring bigyan ng klasipikasyon na
pangunahing sanggunian at sekondarya. Higit na
binibigyan ng timbang ang mga datos na nanggaling sa mga
pangunahing sanggunian katulad ng sarbey at aktwal na
panayam, subalit dahil na rin sa kalikasan ng uri ng
pananaliksik na ito, maaaring tanggapin ang mga datos na
manggagaling sa sekondaryang sanggunian katulad ng mga
balita sa pahayagan
Halimbawa:
a. Pagtuklas sa mga Babae sa Buhay ni Dr. Jose Rizal at
ang Implikasyon nito sa kasalukuyang Panahon
b. Si Heneral Luna Bilang Unang Pangulo ng Republika ng
Pilipinas
c. Si Rizal nga ba ang Pambansang Bayani?
Ang disenyo ng pananaliksik ay
pangkalahatang pamamaraan na ginagamit
ng mananaliksik upang makabuo ng isang
lohikal at maayos na pag-aaral.
Tinitiyak nito na masasagot ng pananaliksik
ang suliraning kaakibat ng pag- aaral at
matutugunan ang layuning binuo para rito.
Kinasasangkutan ito ng proseso ng
pangangalap ng datos, presentasyon, at
pagsusuri. Kasama rito ang pagpapaliwanag
kung anong uri ng pananaliksik ang
gagamitin sa pag-aaral.
Disenyong Aksyon (Action Research). Kinasasangkutan ito ng mga pag-
aaral na tumutuklas sa kalagayan, mga pamamaraan o estratehiya,
modelo, polisiya, at iba pa na ang layunin ay ang pagpapaunlad dito para
sa higit na epektibong gamit. Ang disenyong aksyon ay makikilala sa mga
respondente na kasangkot sa pag-aaral na pawang mga nasa loob ng
institusyon o isang grupo. Upang maisakatuparan ang disenyong ito,
marapat na ang mananaliksik ay kabilang sa organisasyon, grupo, o
institusyon na ginagawan ng pag-aaral. Mainam ito sa nais lamang niya ay
balidasyon ng datos para makabuo ng isang mungkahing kadahilanang
pamilyar ang mananaliksik sa gawi ng mga respondente, at ang gawain
para sa ikauunlad ng organisasyon.
Halimbawa:
a. Kabisaan ng Paggamit ng Powerpoint Presentation Bilang Estratehiya sa
Pagtutuo ng Panitikan.
b. Pagsukat sa kalagayan ng Pamumuno ng mga Lider Mag-aaral sa
Pamantasan ng Marikina Bilang Batayan ng mga Mungkahing Plano ng mga
Namumuno sa Paaralan.
c. Ebalwasyon sa Implementasyon ng English Only Policy sa Institusyon
ng Silangan Bilang Batayan ng mga Mungkahing Programa.
Pag-aaral sa isang Kaso o Case Study. Ang pag-aaral
na ito nakatuon sa partikular na tao, grupo, o
institusyon katulad ng paaralan, simbahan, negosyo,
adiksyon, at iba pa. Ang layunin nito ay gawing
espisipiko ang paksa ng pag- aaral buhat sa isang
malawak na dimensyon. Karaniwan itong
isinasailalim sa ketegorya ng kwalitatibong pag-
aaral.
Narito ang ilang halimbawa:
a. Pag-aaral sa Hazing Gamit ang kaso ng Isang
Biktima Buhat sa Isang Kilalang Unibersidad sa
Pilipinas
b. Komunikasyon Bilang Tagapag-ugnay sa mga
kasapi ng Pamilya Andanar sa Tondo.
c. Si Leo Echegaray at ang Mukha ng Death Penalty
sa Pilipinas
Komparatibong pag-aaral o Pananaliksik.
Layunin nito na ihambing anganumang
konsepto, kultura, bagay o pangyayari na
kasangkot sa dalawang paksa (subject) ng
pag-aaral.
Mga halimbawa
1. Komparatibong Pag-aaral sa Serbisyong
Ibinibigay ng Dalawang 5 Star
2. Pagtugon ng mga Lokal na pamahalaan
ng mga Syudad ng Batangas at Hotel
(Hotel A at B) sa Kanyang mga Customer
Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan
(Normative Study).
a. Nakabalangkas na pakikipanayam
(structured interview)
1. Kwantitatibong pananaliksik
2. Kwalitatibong Pananaliksik
3. Pinaghalong kwantitatibong pananaliksik
at kwalitatibong pananaliksik
1. Kwantitatibong Pananaliksik
Isa itong uri ng pananaliksik na
kinasasangkutan ng pagkuha sa sukat ng sagot
ng mga respondente ng pag-aaral.
Kailangan ito upang malaman ang bigat o
weight ng sagot kasangkot ang estadistikang
pagpapahalaga.
Tumutukoy sa sistematiko at emperikal na
imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at
phenomenang panlipunan sa pamamagitan ng
matematika-estadistikal
- at mga Teknik na gumagamit ng komputasyon
2. Kwalitatibong Pananaliksik
• May mga pananaliksik na higit na angkop na
gamitin ang kwalitatibong pag-aaral kaysa sa
kwantitatibong pag-aaral.
• Madalas gamitin sa mga pag-aaral na limitado
lamang ang bilang ng posibleng sumagot. -
Panayam ang karaniwan na pamamaraan sa
pangangalap ng datos.
• Maari itong case study o case analysis.
• Dahilan ng pagliban sa klase ng mga Ikasampung
Baitang ng paaralan sa Brookers Point National
High School. (Kapag panayam ang ginamit na
pamamaraan)
2. Kwalitatibong Pananaliksik
• May mga pananaliksik na higit na angkop na
gamitin ang kwalitatibong pag-aaral kaysa sa
kwantitatibong pag-aaral.
• Madalas gamitin sa mga pag-aaral na limitado
lamang ang bilang ng posibleng sumagot. -
Panayam ang karaniwan na pamamaraan sa
pangangalap ng datos.
• Maari itong case study o case analysis.
• Dahilan ng pagliban sa klase ng mga Ikasampung
Baitang ng paaralan sa Brookers Point National
High School. (Kapag panayam ang ginamit na
pamamaraan)
3. Kombinasyon ng Kwantitatibo at
Kwalitatibong pananaliksik
-Upang higit na mapagtibay ang isang pag-
aaral, may mga mananaliksik na gumagamit
ng kombinasyon ng kwantitatibo at
kwalitatibong pag-aaral. Higit itong maganda
sapagkat ang kwalitatibong interpretasyon ay
maaring sumuporta sa isinasaad ng mga datos
na mabibigyan lamang ng interpretasyon gamit
ang estadistikang pagpapahalaga.
FILIPINO SA
IBA’T IBANG
DISIPLINA
Rebyu ng
Literatura
Ayon kay Mongan-Rallis (2014),
ang rebyu ng literatura ay hindi
anotasyon ng sanggunian na kung
saan ay ibinubuod ang bawat
artikulo na binasa. Bagamat ang
buod ng iyong mga binasa ay
nakapaloob sa rebyu ng literatura,
dapat itong tingnan nang malalim
higit sa simpleng pagbubuod ng
mga propesyunal na literatura.
Ito ay nakatuon sa mga espisipikong paksa ng interes
kasama ang kritikal na pag-analisa sa ugnayan ng bawat
iskolarling sulatin sa kasalukuyang pag-aaral. Dapat
itong mamukod-tangi upang magbigay ng balangkas
teoretikal sa kahalagan o dahilan ng pag-aaral. Sa
kabilang dako, ang rebyu ng literatura ay binigyan ng
depinisyon sa
https://library.concordia.ca/help/writing/literature-
review.php (sinipi 2018) bilang nakasulat na pasulyap sa
pangunahing sulatin at ibang sanggunian ng mga piling
paksa. Kasama sa mga sangguniang ito ang iskolarli na
artikulo na pangdyornal, aklat, ulat ng pamahalaan,
websites, at iba pa. Ang rebyu ng literature ay
nagbibigay ng deskripsyon, buod, at ebalwasyon ng
bawat sanggunian.
Layunin ng rebyu ng literatura ng kritikal na
pagkilala ang kasalukuyang kalagayan ng
pananaliksik sa piling paksa: pagtukoy sa mga
naunang pag-aaral; paglalagay sa bawat sanggunian
sa konteksto ng pag-ambag sa espisipikong usapin,
aspeto ng pananaliksik, o teorya na kasama sa
rebyu; ilarawan ang ugnayan ng bawat sanggunian
sa iba pang sanggunian na kasama sa batayan ng
pag-aaral; pagtukoy sa bagong pamamaraan upang
magbigay ng interpretasyon bigyan ng liwanag ang
ilang bagay na wala pang pag-aaral sa mga
nakaraang pananaliksik; tukuyin ang
pangangailangan ng panibagong mga pag-aaral.
Sangkap ng Rebyu ng Literatura
Kailangang isama sa rebyu ng literatura ang
mga sumusunod:
1. Layunin ng rebyu;
2. Pahapyaw na pagtasa sa paksa ng pag-
aaral; 3. Maliwanag na kategorisasyon ng
mga sanggunian na kasama sa pag-aaral;
4. Tiyak na posisyon, mga oposisyon, at
ibang literatura na nagibigay ng taliwas na
mga argumento.
5. Pagtalakay sa pagkakaiba at pagkakatulad
ng literatura sa iba pang mga literatura.
Mga Hakbang sa Rebyu ng Literatura
Nahahati sa mga sumusunod na hakbang ang rebyu
ng literatura:
1. Pagbibigay ng kahulugan sa paksa at sakop rebyu.
2. Tingnan ang katalogo sa silid-aklatan, tiyak na mga
database at kagamitan upang matukoy ang mga
sanggunian na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-
aaral.
3. Basahin at bigyan ng ebalwasyon ang mga
sanggunian upang matukoy ang kanilang kakayahan
na tumugon sa pangangailangan na maunawaan ang
paksa.
4. Analisahin, bigyan ng interpretasyon, at talakayin
ang mga natuklasan at kongklusyon ang mga
sanggunian na iyong pinili.
Ilang Konbensyon sa Pagsulat ng Rebyu
Ang mga sumusunod ay ilang lamang sa mg
konbensyon sa pagsulat ng rebyu ng isang
pag-aaral:
1. Pagbubuod
2. Pagpaparirala ng orihinal na
teksto(paraphrase)
3. Direktang Sipi
4. Personal na komento
5. Kombinasyon ng dalawa o higit pa sa
naunang apat na binanggit.
Ang pagbubuod ay ang paglalahad
ng mga pangunahing ideya sa mga
binasang literatura gamit ang
sariling salita. Ito ay ang
pinaiksing bersyon ng orihinal na
teksto. Nakatutulong ito nang
malaki sa mananaliksik sapagkat
idinidikta nito kung ano ang
mahalaga at higit na mahalagang
ideya buhat sa orihinal na teksto.
Ang pagpaparirala ng orihinal na teksto
(paraphrasing) ay mabisang metodo upang
maiwasan ang pangungopya o plagiarism
habang isinasagawa ang rebyu ng isang pag-
aaral. Ang sariling salita o lenggwahe ng
nagsasagawa ng pag-aaral ay iniuugnay o
inilalagay sa orihinal na bersyon. Ang
pagpaparirala ay ang kumpletong pagpapalit ng
salita at hindi ang simpleng pag-aayos ng mga
salita batay sa orihinal. Magagawa ang
pagpaparirala kung ganap na naiintindihan ng
nagsasagawa ng rebyu ang orihinal na teksto.
Direktang sipi. Ito ay ang pinakamadaling
konbensyon sa pagsulat ng rebyu sapagkat
eksaktong kinukopya ng nagsasagawa ng rebyu
ang mahahalagang detalye na nasa orihinal na
teksto. Dapat lamang tandaan na maging
maingat sa paggamit ng mga bantas at
posibleng maling ispeling upang maiwasan ang
akusasyon ng pananabotahe o misattribution.
Iminumungkahi na iwasan kung maaari ang
ganitong uri ng rebyu lalo na sa panahon
ngayon na madali ang sistemang copy and
paste dulot ng teknolohiya. Kung hindi talaga
maiiwasan ang direktang sipi, huwag
kakalimutan ang paglalagay ng pahina bilang
ng sanggunian o orihinal na teksto.
Ang personal na komento ay mahalaga ring
konbensyon sa pagsulat ng rebyu sapagkat dito
nabibigyan ng pagkakataon ang nagsasagawa ng
rebyu na pagtatahiin ang kaugnayan ng bawat
literatura na kasama sa pag-aaral. Dapatnga lamang
tandaan na maging lohikal sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga batayan sa bawat argumentong
ibinibigay upang mapanatili ang pagiging iskolarli ng
isang rebyu.
Ang pinakamagandang konbensyon sa pagsulat ng
rebyu ay ang kakayahan ng nagsasagawa ng rebyu
na gamitin ang kombinasyon ng alinman sa mga
naunang konbensyon na tinalakay. Sa pamamagitan
nito ay matatamo sa maayos na pamamaraan ang
pagiging iskolarli ng isang sulatin.
Ebalwasyon sa mga Sanggunian
Sa pagsusuri ng sanggunian, mahalaga na
bigyan ng konsiderasyon ang mga
sumusunod:
1. Kasanayan at pinagkadalubhasaan ng
may-akda sa larangan ng pag-aaral;
2. Argumento ng mga may-akda na
sinusuportahan ng naoobserbahang
ebidensya (halimbawa: mga kwantitatibo at
kwalitatibong pag-aaral)
3. Pagkiling ng may-akda batay sa mga
kasalungat na pananaw at mga pag- aaral;
4. Kakanyahan ng sanggunian na mag-ambag
sa higit na pag-unawa sa paksa.
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng Rebyu ng
Literatura
Si Pautassao (2013) ay nagbigay ng sampung
pamantayan sa pagsulat ng
rebyu ng literatura. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod:
1. Tukuyin ang paksa at ang inaasahang magbabasa
nito;
2. Manaliksik at patuloy na manaliksik ng mga
literatura;
3. Magtala habang nagbabasa;
4. Piliin ang uri ng rebyu na nais mong talakayin;
5. Panatilihin ang pokus sa paksa ng pagtalakay
subalit gawin ito na higit na malawak na interes;
6. Maging mapanuri at konsistent;
7. Maghanap ng lohikal na istruktura
8. Isaalang-alang ang feedback o tugon;
9. Isama ang iyong kaugnay na pag-
aaral subalit maging obhektibo sa
gagawing ito;
10. Maging makabago subalit huwag
talikdan ang luma o mga nakaraang
pag-
Tukuyin ang Paksa at ang mga Inaasahang Magbabasa Nito.
Ang unang
dapat isaaalang-alang rebyu ng literatura ay ang paksa na tiyak na
malapit sa puso ng mananaliksik. Kasama sa konsiderasyon na ito
ang pagiging bago at pangangailangan na matugunan sa lalong
madaling panahon ang usapin na nakapaloob dito. Kung hindi
makapagpapasya ang mananaliksik sa paksa na nais na pag-
aralan, maaaring ang ibang tao ang magkaroon ng unang
pagkakataon na pag-aralan ito. Ang paksa na mapipili na malapit
sa puso ng mananalilksik ay makatutulong upang makabuo ng
isang matalinong rebyung literatura para sa pag- aaral. Gaya ng
sinabi sa unang bahagi ng aklat na ito, ang isang paksa ay
nararapat
na (1) malapit sa iyo; (2) mahalagang aspeto ng iyong
pinagkakadalubhasaan; (3) natutukoy ang mahahalagang isyu o
usapin.
Manaliksik at Patuloy na Manaliksik ng mga Literatura.
Hindi matatapos ang rebyu ng literatura sa loob ng isang upuan lamang.
Nangangailangan ito ng masusing pag-aaral at pag-iingat sapagkat dito
nakasalalay ang pagbuo ng balangkas ng pag-aaral na magiging sanligan
ng isang maayos at may kredibilidad na pananaliksik. Narito ang ilang
mahalagang payo bilang gabay upang mabigyan ng kabuluhan ang
aspetong ito ng rebyu ng literatura:
1. Subaybayan ang mga sinaliksik na sanligan upang mabalikan ito para
sa paulit-ulit na basahin;
2. Gumawa ng tala ng papel na PDF na hindi madali ang pagtukoy.
Kailangan pagbabasa at pagsipi ng mahalagang babasahin na ito. itong
gawin upang makagawa ng alternatibong estratehiya sa tamang
3. Tukuyin nang maaga sa proseso ang pamantayan sa pagtanggal ng
mga walang kaugnayan na papel;
4. Sumangguni sa mga nakaraang rebyu hindi lamang sa sangay na nais
mong gawan ng pag-aaral.
5. Maaaring may ibang indibidwal na nakapag aral sa paksa na nais
mong pag-aralan. Hindi ito dapat na maging hadlang upang ipagpatuloy
ang iyong pag-aaral at rebyu sapagkat maaari ka namang magsagawa ng
sariling rebyu.
Magtala habang nagbabasa. Makabubuti na
magtala ng mahahalagang impormasyon sa
binasang literatura habang isinasagawa ang
pagbabasa upang makasiguradong detalyadong
mailalagay sa rebyu ang mga nasabing
mahahalagang impormasyon. Kahit na ang
indibidwal na may maayos na memorya sa mga
binasa ay kailangang dumaan sa prosesong ito
sapagkat mahirap magsulat kung isaalang-
alang mo lamang sa lahat ng iyong
natatandaan ang ilalagay sa iyong rebyu.
Ang mga sumusunod ay mahalagang paalala sa pagtatala:
1. Ang mga naitalang impormasyon ay nangangailangan ng
muling pagsulat (rewriting), muling pagsasaayos (restructuring),
at muling pag-iisip (rethinking) upang makuha ang teksto sa
maayos nitong pangangatwiran.
2. Gumamit ng sipi o quotation mark kung kinokopya nang
hayag (verbatim) ang literatura. Makabubuti na ipaliwanag ang
sipi gamit ang sariling wika sa pinal na papel.
3. Maging maingat sa paglalagay ng notasyon ng mga sanggunian
upang maiwasan ang maling pagkilala (misattibutions)
4. Maaari ring gumamit ng software para sa paglalagay ng
sanggunian upang makatipid sa oras at panahon.
Ang isang mabuting rebyu ay hindi isang
simpleng pangangalap at pagbubuod ng datos,
kundi ito ay pagkakataon para sa isang
kritikal na pagtalakay, pagtukoy sa mga
usaping pangmetodo, pagtukoy sa mga isyu
na hindi nabigyan ng solusyon sa pag-aaral.
Matapos ang pagbabasa ng literatura, ang
magbabasa ay dapat na magkaroon ng
(1) kaalaman sa sangay na naging paksa ng
rebyu;
(2) pangunahing sangay ng pagtatalo; at
(3) mga natatanging katanungan para sa
pananaliksik.
Maghanap ng lohikal na
istruktura. Bukod sa
matalinong rebyu ng literatura,
mahalaga rin sa pananaliksik
ang maayos na istruktura ng
paglalahad ng bawat rebyu.
Maaaring gamitin ng mga mag-
aaral ang sumusunod na ideya
sa pagbuo ng rebyu:
1. Paggamit ng iskema o balangkas.
Makatutulong ito upang lohikal na
maisa- ayos ang mga detalye ng rebyu at
maiugnay ito sa iba pang mga pag-aaral.
Ang maingat na pagpili ng diagram at
mga pigura na may kaugnayan sa paksa
na nirebyu ay makatutulong nang
malaki sa pagbuo ng istruktura ng
teksto.
2. Magpasya sa istilo ng
paglalagay ng sanggunian.
Karaniwan na ipinagagamit sa mga
mag-aaral ang American
Psychological Associan (APA) na
porma subalit makabubuting
sumangguni muna sa dalubguro
kung ano ang porma o istilo na
nais niyang ipagamit.
Isaalang-alang ang feedback o tugon. Mahalaga sa
mabuting pananaliksik ang pagiging bukas ng isipan
na ang magandang awtput ay bunga ng kolaborasyon
ng mananaliksik, tagapayo, statistician, grammarian,
at taga-rebyu ng Papel. Hindi kawalan sa isang
mananaliksik na isangguni ang kanyang papel sa
ibang tao na may kredibilidad sa larangang pili upang
masuri kung may mga datos na hindi tugma, hindi
konsistent o may kaguluhang taglay na hindi
napansin ng mananaliksik. Sa kabilang dako, higit na
makabubuti na magkaroon ng inisyatibo ang
mananaliksik na muling balikan ang papel upang
maiwasto ang iba pang pagkakamali na hindi nakita
sa mga naunang rebyu.
Isama ang iyong kaugnay na pag-aaral
subalit maging obhektibo sa gagawing
ito. May mga pagkakataon na ang isang
mananaliksik ay magsasama ng sariling
pag-aaral sa gagawing rebyu ng mga
literature at pag-aaral. Wala namang
prohibisyon sa bagay ito subalit
iminumungkahi pa rin sa maging
obhektibo sa buong proseso ng rebyu.
Bilang isang mananaliksik, inaasahan
ang pag-iwas sa mga pagkiling upang
mapanatili ang katatagan at
kredibilidad ng isang pag-aaral.
Maging makabago subalit huwag talikdan
ang luma o mga nakaraang ag-aaral. Suriin
ang mga sanggunian batay sa sakop nito at
kapanahunan. Ang rebyu ay kailangang
sumakop sa mga sanggunian nailathala sa
loob ng nakalipas na limang taon subalit
hindi kailangang isa-isangtabi lamang ang
mga luma o landmark cases na may
mahalagang papel na ginagampanan sa
pananaliksik. Nararapat na bigyan ng
paliwanag ang pagpapasya na isama sa
rebyu ang lumang sanggunian subalit hindi
landmark at hindi ang higit na bagong
sanggunian