Pagpili NG Paksa

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

Rebyu Sa Mga

Batayang
Kaalaman sa
Pananaliksik

ERWIN E. URIAN
Matapos ang pagtalakay sa paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.Naipaliliwanag ang mga batayang konsepto ng pananaliksik.

2.Nakabubuo ng makabuluhang paksa ng pampananaliksik at naibibigay ang


kaligiran nito.

3.Natutukoy ang kahalagahan ng pananaliksik sa edukasyon, pamahalaan,


siyensya, pamilya at lipunan.
4. Nakabubuo ng isang paksa sa pananaliksik sa gabay ng guro
A. PANUTO: Basahin at suriin ang bawat pahayag at tukuyin kung ito ay
WASTO o HINDI WASTO.
1. Ang pananaliksik ay kinakailangang magkaroon ng isang detalyadong
mga paglalahad.
2. Itinuturing ding maingat, kritikal at disiplinado ang pagsasagawa ng isang
pananaliksik.
3. Pagtuklas ang laging layunin ng isang pananaliksik kaya ito isinasagawa.

4. Maagham at sistematiko ang pagsasagawa ng isang pananaliksik

5. Kontrolado ang pananaliksik sapagkat may kakayahan ang mananaliksik


na itago ang mga datos na kaniyang nakalap.
6. Bukod sa pagtuklas, isa sa layunin ng pananaliksik ay magbigay
solusyon hinggil sa isang suliranin.
7. Nagagamit ang resulta ng pananaliksik upang pababain ang pagkatao ng
isang mananaliksik.
8. Karamihan ng bagay sa daigdig ay bunga o likha ng isang pananaliksik.
9. Sa pagsasagawa ng pananaliksik, mahalaga ang reputasyon at
paninindigan ng isang mananaliksik.
10. Bukod sa pangangalap ng datos gaya ng sarbey, maaari ring mag-
ombestiga at mag-obserba ang isang tao upang makakuha ng mga
kinakailangang datos.
#SaliksiKuwento
PAGTUKLAS
Panuto: Ano ang kahalagahan/
ginagamapnanan ng pananaliksik sa
kasalukuyang nagaganap sa bansa?
Ipaliwanag
PAGTALAKAY
Ayon kay Clarke at Clarke (2005), ang pananaliksik ay isang maingat,
sistematiko at obhetibong imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha
ng mga balidong katotohanan, makabuo ng konklusyon at makalikha ng mga
simulaing kaugnay ng inilahad na suliranin batay sa iba’t ibang larangan o
disiplina.

Ayon naman kay Nuncio, et al. (2013), ang pananaliksik ay isang lohikal na
proseso ng paghahanap na obhetibong sagot sa mga katanungan ng
mananaliksik na nakabatay sa suliranin at metodo ng pag-aaral tungo sa
produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan upang makatugon sa
pangangailangan ng tao at ng lipunan.

Ayon naman kay Aquino (1994), ang pananaliksik ay sistematikong


paghahanap sa mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa
o suliranin.
Ang pagkalap ng impormasyon sa pananaliksik ay kailangang
sistematiko, matalino at etikal. Sistematiko dahil isa sa kahingian nito ay
ang pagsunod sa isang pinaghandaang proseso. May mga hakbang na
kailangan sundin upang maging tiyak na tama at maasahan ang mga
datos na makakalap. Matalino ito dahil hinihingi nito ang pagiging iskolar
ng mananaliksik. Nararapat lamang na ang mananaliksik ay may sapat na
kaalaman sa paksang kanyang pag-aaralan, my sapat syang kaalaman
kung paano pipiliin ang impormasyon, kaya ng lapatan ng ang mga ito ng
malalim na pagsusuri at kaya niyang pangatwiranan at ipaliwanag ang
halaga ng ginagawang pananaliksik.
Etikal naman ito dahil kailangang panatilihin ng mananaliksik ang katapatan sa buong
proseso at iwasan hangga’t maari ang paglabag sa karapatan ng ibang tao na maaring
masangkot sa pananaliksik gaya ng repondante, o mga awtor ng sangguniang gagamitin
niya.
Layunin ng Pananaliksik
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay preserbasyon at pagpapabuti ng
kalidad ng pamumuhay ng tao (Bernales, et al.,2018).
1. Upang makadiskubre ng bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang
penomena
2. Upang makakita ng sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng
mga umiiral na metodo at impormasyon.
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng bagong
instrumento o produkto.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substance o elements.
5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang substances at
elements .
6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya, sa
kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang
larangan.
7. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
8. Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na
kaalaman.
9. Upang mapaunlad ang sariling kaalaman.
10. Upang mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-
aaral sa isang partikular na bagay.
Katangian ng Pananaliksik
Ayon kay Bernales, et al. (2018), ang pananaliksik ay nagtataglay ng mga sumusunod na
katangian:

1. Sistematik. May sinusunod na proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo


sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon ng
pananaliksik.
2. Kontrolado. Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang maging konstant. Hindi dapat
baguhin, anomang pagbabagong nagaganap sa asignatura o pinag-aaralan ay maiuugnay
sa eksperimental na baryabol na kailangang-kailangan sa mga eksperimental na
pananaliksik.

3. Empirikal . Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraan ginagamit sa


pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.
Ang mga katangian ng maka-Pilipinong Pananaliksik

1. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino


at mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang
malapit sa puso at isipan ng mga mamamayan.
2. Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik
ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa
sambayanang Pilipino.
3. Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.
Mga Kasanayan sa Pananaliksik

Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik


Sa pamimili ng paksa, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod na mga batayan (San Juan,
et al., 2019).

1. Pumili ng paksang may sapat na sangguniang pagbabatayan. Nararapat na ang


paksang napili ay may sapat na literaturang pagbabatayan ng sa ganun maging malawak
ang mapagkukunan ng impormasyon batay sa paksa. Kapag bago ang paksa, karaniwan
na limitado ang mga batayan at hindi magiging mabisa ang pagtalakay dito.
2. Pumili ng paksang limitado lamang at hindi malawak ang saklaw. Para maging mabisa
at makatotohanan ang gagawing pagtalakay, gawing ispisipiko lamang ang paksa. Kapag
limitado ang paksa, nagkakaroon ng tiyak na pokus ang gagawing pananaliksik.
Paksa: Asignaturang Filipino
Paglimita sa paksa
Nilimitahang Paksa: Persepsyon ng mga Guro at Mag-aaral sa Pag-aalis
ng Asignaturang Filipino

Maaaring gamitin bilang batayan ang mga sumusunod sa paglilimita ng


paksa.

Paksa: Pangkat -Lugar -Panahon

Nilimitahang paksa:
Persepsyon ng Mga Guro at Mag-aaral sa Batangas State university sa Planong
Pagtanggal sa Filipino Bilang Disiplina sa Kolehiyo T. P. 2019-2020
Batay kay Bernales, et al., (2018), may mga batayan ng
paglilimita ng paksa. Tulad ng (a) panahon; (b) edad; (c)
kasarian; (d) perspektibo; (e) lugar; (f) propesyon o
grupong kinabibilangan; (g) anyo o uri: (h) partikular na
halimbawa o kaso; (i) kombinasyon ng ng mga nabanggit
na batayan.
3. Mahalaga na ang napiling paksa ay makapag-aambag ng bagong kaalaman.

4. Gagamit ng sistematikong at siyentipikong paraan upang mabigyan ng


kasagutan ang mga inilahad na suliranin sa pananaliksik. Tiyakin na ang mga
suliraning inilahad sa pananaliksik ay hindi lamang masasagot ng mga
impormasyong makukuha sa internet o sa mga aklat. Sa pananaliksik, masasagot
ang mga inilahad na suliranin sa pamamagitan ng sistematiko at siyentipikong
pamamaraan. Halimbawa: “Paano nakaapekto sa kalusugan, emosyon at
pananampalataya ang pinagdadaanang kasalukuyang pandemya, Covid-19 virus
sa mga kabataan na may edad na 15-21? Ang ganitong katanungan ay
nangangailangan ng masusi at masistematikong pagpapapahalaga sa mga
makakalap na datos.
5. Nararapat na ang mananaliksik ay may sapat na
kaalaman sa paksa. Mahalaga na ang mapipiling paksa
ng pananaliksik ay naayon sa disiplina ng mag-aaral ng
sa gayon ay may sapat siyang kaalaman sa napili niyang
paksa. Hindi magiging madali ang gagawing pagtalakay
kung salat sa kaalaman at malayo sa interes ng
mananaliksik ang paksang pag-aaralan.
Paglilimita ng paksa
Paano nga ba natin lilimitahan ang ating paksa at paano tayo makakagawa ng epektibong pamagat
sa ating pananaliksik? Sa paglilimita ng paksa, maari na tayong magkaroon ng tiyak na Pamagat
kung saan dito lamang iikot sa pamagat na ito ang ating gagawing pananaliksik. Narito ang ating
pwedeng pagbatayan sa pag lilimita ng ating paksa:

Halimbawang Paksa: Droga -> Epekto ng Droga

● Paglilimita ng Panahon – sa paglilimita ng panahon, pipili tayo ng taon kung hanggang saan
lamang ang sakop ng ating pag-aaralan.

Nalimitang paksa: Epekto ng droga noong taong 2017-2018


● Kasarian – Lalaki o Babae ang target na respondente ng iyong gagawing pag-aaral.

Nalimitang Paksa: Epekto ng droga sa kalalakihang nagamit nito.

● Edad – Edad ng mga gagawan mo ng pag-aaral

Nalimitang paksa: Epekto ng Droga sa mga kabataang may edad na 15-18.

● Uri o Anyo

Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa kalusugan

● Lugar – Saan isasagawa ang pananaliksik

Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa Universty of Example, Manila


● Partikular na halimbawa o kaso

Nalimitang paksa: Epekto ng Droga sa mga estdyanteng nagsisimula pa lamang gumamit


nito

● Kombinasyon – Para mas maging tiyak o partikular ang ating paksa, maari pa
nating pagsama samahin ang mga batayan.

Halimbawa:
1. Paksa+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral ng University of Example, Manila sa taong 2017-2018
2. Paksa+Anyo+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa kalusugan ng mga mag-aaral ng UOE, Manila sa taong 2017-2018
Mapapansin mo sa nalimitahan mong paksa, may nabubuo ka nang Pamagat!
Pagpili ng Batis ng Impormasyon
Mahalaga ang wastong pagpili ng mga pagkukunan ng mga datos at
impormasyon na ito upang maging makabuluhan ang gagawing pananaliksik.
May mga gabay sa tamang pagpili ng sanggunian sa pananaliksik batay sa aklat
nina San Juan, et al. (2019)

1. Tiyakin na ang sanggunian ay isang akademiko. Mas mabigat na


salalayan ang isang akademikong sanggunian sapagkat naglalayon itong
magbigay linaw sa iba’t ibang miyembro ng akademikong komunidad tulad
ng mga mag-aaral, guro at mga iskolar hinggil sa paksa. Obhetibo ang
pagtalakay sa paksa at dumaan sa masusing ebalwasyon kaya ito ay
mapagkakatiwalaan.
2. Tukuyin ang uri ng sanggunian. Ang akademikong sanggunian ay pwedeng nakalimbag
o online. Halimbawa nito ay aklat, journal , artikulo. May iba’t ibang uri ng website na
pwedeng hanguan ng impormasyon. Kapag ang web page Uniform Resource Locators ay
nagtatapos sa .edu ito ay nabibilang sa institusyong pang-edukasyon o akademiko.
Halimbawa: academia.edu. Maituturing naman na ang hanguan ay isang organisayon
kung ito ay nagtatapos sa .org. Halimbawa: digital compas.org. Ang URL na nagtatapos
sa .com ay nabibilang sa komersiyo o bisnes. Halimbawa: gmail.com.

3. Alamin kung ang sanggunian ay primarya o sekundarya. Maituturing na primarya ang


sanggunian kung ito ay nagbibigay ng direktang katibayan tungkol sa paksa ng
pananaliksik at maituturing na orihinal na ebidensiya. Ang ilang mga halimbawa nito ay
panayam, awtobiyograpiya, talaarawan, bahagi ng akademikong sulatin,kinalabasan ng
isang eksperimento at mga legal at historikal na dokumento, survey, at police report. Ang
mga halimbawa naman ng sekundaryang sanggunian ay aklat na nagtasa at naglahad ng
mga sintesis mula sa primaryang sanggunian at artikulo sa journal. Magagamit din ang
mga sekundaryang sanggunian upang mapalawak at mapayaman ang isang pananaliksik.
Gawain#Pagtalakay sa Pamagat
Paksa:
Nilimitahang Paksa:
Kaligiran at rasyonale ng paksa:
Suliraning kaugnay sa paksa:
Kalahok at pamaraan ng pag-aaral:
Kaugnay na pag-aaral/litertura:
Sanggunian:
PANUTO: Isulat ang D kung DAPAT at HD kung HINDI DAPAT tagalayin ang mga
sumusunod na katangian.

______1. Sa panahong kinakailangang isiwalat ang pagkatao ng isang kalahok sa sinagawang


pagsusulit, tamang ibigay ng mananaliksik ang lahat ng impormasyong ibinigay sa kaniya.
______2. Kinakailangang walang pinapanigan ang isang mananaliksik.
______3. Sapat nang makakuha ng mga impormasyon o detalye sa pamamagitan ng internet.
______4. Dahil sa dami ng pinaghahawakang papel ng isang mananaliksik, katanggap-
tanggap kung ang ilan ay maiwawala nito.
______5. Tamang Pilitin ng mananaliksik ang isang tao upang maging kalahok sa isinasagawa
nitong pananaliksik.
______6. Nararapat na ipaglaban ng isang mananaliksik ang pagiging totoo ng mga datos
na kaniyang nakalap higit kung ito’y dumaan sa maayos na proseso.
______7. Malaki ang maitutulong sa isang pananaliksik kung ang nananaliksik ay
marunong maghintay.
______8. Sapat nang makakuha ng mga impormasyon o detalye sa pamamagitan ng
internet.
______9. Sa pagiging isang mananaliksik, sapat na ang mga kaalamang nababasa sa mga
libro o napanonood at napakikinggan sa radio at telebisyon.
______10. Sino mang mananaliksik ay kinakailangang dumaan sa wastong proseso at
maging patas sa lahat ng pagkakataon.
PANUTO: Lagyan ng markang tsek (✔) kung ang mga sumusunod na katangian ay dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa at
markang ekis (X) naman kung hindi.

_________ 1. Sumasaklaw sa maraming paksa (A. ✔ B. X)


_________ 2. Tumutugon sa pangangailangan (A. ✔ B. X)
_________ 3. Marami nang naunang pag-aaral (A. ✔ B. X)
_________ 4. Napapanahon (A. ✔ B. X)
_________ 5. Kayang pagkagastusan (A. ✔ B. X)
_________ 6. Napagtatagumpayan (A. ✔ B. X)
_________ 7. Nangangailangan ng mahabang panahon (A. ✔ B. X)
_________ 8. May kabuluhan (A. ✔ B. X)
_________ 9. May malapit na interes sa mananaliksik (A. ✔ B. X)
_________ 10. Makapag-aambag sa larangan ng pananaliksik (A. ✔ B. X)
Presentasyon ng Pananaliksik
Ayon ay De Laza, (n.d.), ang presentasyon ng pananalisksik ay isang
paraan ng pagbabahagi ng ginawang pananaliksik sa mga lokal,
pambansa at pandaigdigang kumperensiya. Ang pagpapalitan ng
kaalaman sa pamamagitan ng pampublikong gawain tulad ng
simposyum, forum, kumperensiya, at iba pa at mahalagang gawain na
dapat linangin sa loob at labas ng akademya. Sa pamamagitan nito ay
nalilinang ang kagustuhan ng mga miyembro ng akademya na
maghanap ng mas mataas na antas ng kaalaman at uri ng pag-iisip. Sa
pamamagitan din nito ay nagiging makabuluhan at napapanahon ang
kaalaman ng mga guro at mag-aaral at nadadala sa loob ng silid-
aralan. Sa ganitong gawain ay nailulugar din ang papel ng akademya
sa lipunan .
MARAMING SALAMAT

You might also like