Anekdota
Anekdota
Anekdota
Anekdota
anekdota ay isang kuwento ng isang
nakawiwili at nakakatuwang pangyayari
sa buhay ng isang tao. Layon nito ay
makapagpabatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y
magagawa lamang kung ang karanasan
o ang pangyayari ay makatotohanan.
Katangian
May isang paksang tinatalakay. Ito
ay dapat bigyan ng kahulugan sa
pagsulat ng anekdota. Lahat ng
mga pangyayari ay dapat
mabigyan ng kahulugan sa ideyang
nais ilahad.
Katangian
Ang isang anekdota ay nagdudulot
ng ganap na pagkaunawa sa
kaisipang nais nitong ihatid sa mga
mambabasa. Di dapat mag-iwan ng
anumang bahid ng pag-aalinlangan
na may susunod pang mangyayari.
Elemento
Tauhan - Sa anekdota, kailangang ang
pangunahing tauhan ay isang kilalang
tao. Siya’y maaaring bayani o isang
pangkaraniwang taong nakagawa ng
di-inaasahang gawain na
nagbigaypangalan sa kanya.
Elemento
Tagpuan - Simple at
kalimitan ay nagaganap
lamang sa isang lugar ang
tagpuan sa anekdota.
Elemento
Suliranin - Ang pangunahing
tauhan ang madalas na
magkaroon ng suliranin sa
kuwento. Bago magwakas ang
isang akda ay kinakailangang
nalutas na ang suliranin.
Elemento
Banghay - Ang banghay sa anekdota ay
malinaw at maikli. Bukod dito, ang
pinakasentro sa pangyayari ay ang nakaaaliw
na bahagi na nakapagbibigay-aliw sa mga
mambabasa o tagapakinig. Sa banghay
matatagpuan ang panimula, nilalaman, at
wakas ng isang anekdota.
Elemento
Tunggalian - Ang anekdota ay
nagtataglay ng tunggalian ng tauhan
laban sa kanyang sarili, sa kanyang
kapwa at sa kanyang paligid. Ito’y
nakapaloob sa banghay.
Elemento
Tunggalian - Ang anekdota ay
nagtataglay ng tunggalian ng
tauhan laban sa kanyang sarili, sa
kanyang kapwa at sa kanyang
paligid.
Elemento
Wakas - Sa bahaging ito ay
nailalahad ang solusyon sa problema
ng pangunahing tauhan. Katulad ng
pabula, may aral sa anekdota na sa
wakas lamang ng kuwento
nailalantad.
Pagsasalaysay
isang diskurso na naglalatag ng mga
karanasang magkakaugnay.
Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling
pangyayari, pasulat man o pasalita.
Itinuturing ito na pinakamasining,
pinakatanyag, at tampok na paraan ng
pagpapahayag.
Pagsasalaysay
Ito rin ang sinasabing pinakamatandang
uri ng pagpapahayag sapagkat dito
nagsimula ang alamat o epiko,at mga
kwentong bayan ng mga ninunong mga
Pilipino maging sa ibang bansa man.
Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili
ng paksa
Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na
napapanahon; may mayamang
damdaming pantao, may kapana-
panabik na kasukdulan, naiibang
tunggalian, at may malinaw at maayos
na paglalarawan sa mga tauhan at
tagpuan.
Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili
ng paksa