Kayarian NG Mga Salita

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

“ Sa paanong paraan naipakikita ng mga magulang ang

pagmamahal nila sa kanilang mga anak?”


• Basahin at unawain ang tekstong “Ang Batang Puso” sa pahina
45.
• Sagutan ang talakayin sa pahina 48 (1 to 5).
Kayarian ng mga Salita
( Grade 6-WEEk 7)
Mga salitang may kulay:
Hiyang-hiya
Puso
Mahalaga
Kapitbahay

Ang mga salitang ito ay halimbawa ng bawat kayarian ng


salita.
MGA KAYARIAN NG
SALITA
 PAYAK
 MAYLAPI
 INUULIT
 TAMBALAN
PAYAK
 Ang salita ay payak kung ito ay binubuo ng salitang-ugat
lamang.
HALIMBAWA
bango ganda bilis
talino hirap takbo
MAYLAPI
 Ang salita ay maylapi kung ito ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi.
Halimbawa
mabango
mabilis
simbahan
tawagan
Ang panlapi ay pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng
pagkakabit ng panlapi sa salitang-ugat. Narito ang iba’t ibang
uri ng panlapi.

a. Unlapi- panlaping ikinakabit sa unahan ng salita.


HALIMBAWA
i + balik = ibalik
um + iyak = umiyak
mag + sikap = magsikap
b. Gitlapi- panlaping ikinakabit sa gitna ng salita.
HALIMBAWA
-um + kain = kumain
-in + bili = binili
c. Hulapi- panlaping ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat.
HALIMBAWA
hintay + in = hintayin
sulat + an = sulatan
una + hin = unahin
takbo + han = takbuhan
d. Kabilaan- mga panlaping ikinakapit sa unahan at hulihan ng salitang-
ugat.
HALIMBAWA
pag + sabi + han = pagsabihan
ma + tapak + an = matapakan
INUULIT
 Ang pag-uulit ay maaring ganap o di-ganap.
a. Ganap na pag-uulit- Inuulit ang buong salita.
HALIMBAWA
gabi-gabi araw-araw taon-taon
buwan-buwan ano-ano sino-sino
b. Di-ganap na pag-uulit- Bahagi lamang ng salita ang inuulit.
HALIMBAWA
gagawa susulat dala-dalawa
tatakbo bali-balita
TAMBALAN
 Ang salita ay tambalan kapag pinagsama-sama ang dalawang salita
upang makabuo ng bagong salita. May dalawang uri ng tambalang
salita.
a. Tambalang salitang nananatili ang kahuluga.
HALIMBAWA
bahay-kubo dalagang-bukid (country girl)
ingat-yaman bahay-ampunan
b. Maari naming magkaroon ng ibang kahulugan ang mga salitang
ipinagtambal
HALIMBAWA
hampas + lupa = hampaslupa(Good for nothing person)
bahag + hari = bahaghari ( rainbow)
dalaga + bukid = dalagambukid (fish)

Ang mga ganitong tambalang ganap ay isinusulat nang walang gitling.


• Sagutan ang Isagawa at Isulat ( A, B, at C) sa pahina 51 hanggang
pahina 53. Isulat ang sagot sa intermediate pad at huwag
kakalimutang isulat ang pangalan.
• Gawin ang weekly reflection.

You might also like