Pagsasalaysay Muli NG Binasang Teksto: Filipino 2

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

FILIPINO 2

IKALAWANG MARKAHAN
IKAWALONG LINGGO
DAY 1

Pagsasalaysay Muli ng Binasang Teksto


BALIK-ARAL

Basahin at papantigin ang mga


salita.
1. lamesa-_________
2. pintuan-_________
3. bakuran-_________
4. halaman-__________
5. kainan-__________
PAGGANYAK

Tingnan ang larawan.


Ano ang pinahihiwatig nito?
ano ang napansin ninyo sa bilang?
                 

Magakakasunod ang mga bilang.


PAGLALAHAD:

Basahin natin ang maikling pangyayari.

Unang gagawin ni Michelle pagkagising ay maligo at magbihis.


Pangalawa, kakain na siya kasama ang pamilya. Pagkatapos ay
tutulong siya sa mga gawaing bahay at panghuli ay mag-aaral.
Ang pangyayari o hakbang ay iniaayos
nang may pagkakasunod-sunod ayon sa
panahon. Sumusunod ang kahalagahan ng
isang ideya, kaalaman, konsepto,
impormasyon, gawain, o pangyayari sa
isangkuwento.
Ang mga halimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig
ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento ay:
* una, pangalawa * nagsimula
* sumunod * unang-una
* pagkatapos * sa wakas
* nang malaunan * ang pinakahuli
Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kuwento ay isang paraan ng pagbubuod. Mahalaga
ang kasanayan sa pagkuha ng mga pangunahing
kaisipan ng bawat talata o pangungusap sa kuwento.
Lubos na nakatutulong ito upang makuha rin ang mga
mahahalagang detalye at impormasyon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Paano mo isalaysay ang mga
pangyayari na iyong nabasa o
napakinggan?
Tandaan:

Maisasalaysay muli ang binasang teksto nang


may tamang pagkakasunod-sunod ng mga
larawan, patnubay na tanong at story
grammar. Mahalagang malaman ang pamagat
ng binasang teksto, tauhan at mga pangyayari.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Pag-aralan ang mga
pagdiriwang sa loob ng kahon. Isulat nang sunod-
sunod ang mga pangyayari ayon sa kung kailan
ipinagdiriwang ang mga ito. Gawing gabay ang mga
buwan na nakasulat sa ibaba ng bawat kahon. Gawin
ito sa iyong kuwaderno.
GINABAYANG PAGSASANAY
PANGKATANG PAGSASANAY

Panuto: Basahin ang mga pangyayari. Pagsunod-sunurin ang mga


ito gamit ang bilang1-5. Gawin ito sa kuwaderno.
___A. Hininaan niya ang apoy para ma-in-in ang kanin.
___B. Hinugasan ni Tibang ang bigas nang maayos.
___C. Kumuha si Tibang ng tatlong takal na bigas.
___D. Hinayaan niyang kumulo ang tubig hanggang sa mawala ito.
___E. Nilagyan niya ang bigas ng tatlong takal na tubig.
PAGTATAYA

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Pagsunod-sunurin ang mga


pangyayari. Lagyan ng letrang A, B, C, D, E ang mga
patlang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
______1. Una, nagtungo kami noong Linggo sa Antipolo
upang dumalo sa pistahan.
______2. Kasunod nito, nanood kami ng parada at nakita
namin ang mga kabataang lumahok sa street dancing.
PAGTATAYA

______3. At sa wakas, natapos din ang buong maghapon at


babalikan kong muli ang pistang aking dinaluhan.
______4. Pangalawa, malugod kong ikinatuwa ang mabuting
pagtanggap ng aming kamag-anak sa Antipolo.
______5. Pagkatapos, natuwa ako nang yayain ako ng isang bata
na hindi ko kilala na lumipat sa kaniyang puwesto upang makitang
mabuti ang parada.
TAKDA

Sumulat ng limang(5)
pangungusap na
magkakasunod base sa
pamamasyal.
FILIPINO 2
IKALAWANG MARKAHAN
IKAWALONG LINGGO
DAY 2

Pagsasalaysay Muli ng Binasang Teksto


BALIK-ARAL

Sagutan ang takda


kahapon.
PAGGANYAK

Tingnan ang larawan.


Ano ang pinahihiwatig nito?
PAGLALAHAD

Basahin ang kuwento.

Ang Pares ng Tsinelas


Adaptasyon

Payapa ang panahon. Tahimik ang pook.


Mararamdaman ang mahalumigmig na simoy ng
hangin. Kanais-nais dumayo sa karatigbayan upang
bumisita sa mga kamag-anak.
PAGLALAHAD

Basahin ang kuwento.

Isang mag -ama ang nagtungo sa kabiláng isla.


Tumawid sila sa tubig sa pamamagitan ng bangka.
Masayang sumakay ang mag-ama ngunit ang anak ay
natisod at nahulog ang kaniyang isang tsinelas.
Bahagyang napatigil ang batà ngunit madali rin
niyang itinapon ang isa pang suot na tsinelas.
PAGLALAHAD

Basahin ang kuwento.

Nagtaka ang ama at tinanong ang kadahilanan


ng kaniyang ginawa.
Walang alinlangan na winika niya, “Itinapon ko ang
isa pang tsinelas upang mabuo ang tsinelas na
nahulog. Mapakikinabangan ito ng sinumang
makakukuha.”
PAGLALAHAD

Basahin ang kuwento.

Ang batang ito ay lumaki, nakapag-aral,


nakapagtapos, at naging tanyag. Siya ang ating
Pambansang Bayani, si Dr. Jose Rizal.
PAGTALAKAY

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Sagutin ang mga tanong


tungkol sa akda. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Sino ang tauhan sa kuwento?
2. Saan naganap ang mga pangyayari?
3. Ano ang unang pangyayari?
4. Alin ang sumunod na pangyayari?
5. Paano nagwakas ang kuwento?
PAGLALAHAT
Tandaan:

Maisasalaysay muli ang binasang teksto


nang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga
larawan, patnubay na tanong at story grammar.
Mahalagang malaman ang pamagat ng binasang
teksto, tauhan at mga pangyayari.
GINABAYANG PAGSASANAY

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Kopyahin ang graphic organizer


sa iyong kuwaderno. Iguhit dito ang mga pangyayari na may
tamang pagkakasnod-sunod mula sa binasang kuwento.
Ang Pares ng Tsinelas
PANGKATANG PAGSASANAY

Napansin ni Perla na naglilinis ang buong


barangay kaya’t naisipan niyang sumali at
tumulong. Kinuha niya ang walis at pandakot at
nagsimulang maglinis. Inipon niya ang mga
basura at inihiwalay ang mga nabubulok sa hindi
nabubulok. Naging masaya siya sa resulta ng
kaniyang ginawa.
PANGKATANG PAGSASANAY

Panuto: Isaayos ang mga larawan batay sa kuwentong


binasa. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel.
PAGTATAYA

Panuto: Lagyan ng bilang mula 1-6 ang mga larawan ayon


sa tamang pagkakasunod-sunod nito.
TAKDA

Gumuhit o gumupit ng
larawan na nagpapakita
ng pagkakasunod-
sunod ng mga
pangyayari.
FILIPINO 2
IKALAWANG MARKAHAN
IKAWALONG LINGGO
DAY 4

Pagsasalaysay Muli ng Binasang Teksto


BALIK-ARAL

Sagutan ang takda


kahapon.
PAGGANYAK

Tingnan ang larawan.


Ano ang pinahihiwatig nito?
PAGLALAHAD

Si Vino, ang Batang Bibo


Akda ni Teresa P. Barcelo

Mahilig maglaro si Vino sa kanilang bakuran. Marami siyang


laruan tulad ng robot, yoyo, puzzle, laruang computer, at iba’t
ibang hugis na gawa sa kahoy.
Pinapahalagahan niya ang lahat ng kaniyang gamit. Ibinabalik
niya ang mga ito sa cabinet nang malinis at maayos pagkatapos
laruin. Isa siyang masinop na batà kayâ naman tuwang-tuwa ang
kaniyang mga magulang.
PAGTALAKAY

Pagsagot sa mga tanong.


1. Sino ang bata sa kwento?
2. Ano ang kanyang hilig?
3. Ano ano ang kanyang mga laruan?
4. Ano ang ginagawa niya pagkatapos maglaro?
5. Dapat ba siyang tularan?
6. Maisalaysay mo ba ang mga pangyayari sa kwento?
PAGLALAHAT

Tandaan:

Maisasalaysay muli ang binasang teksto


nang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga
larawan, patnubay na tanong at story grammar.
Mahalagang malaman ang pamagat ng binasang
teksto, tauhan at mga pangyayari.
GINABAYANG PAGSASANAY

Panuto: Isalaysay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


larawan.
PANGKATANG PAGSASANAY

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Piliin ang


sagot sa kahon, at isulat sa kahon.
PAGTATAYA

Panuto: Ano ang tamang paraan ng pagsipilyo ng ngipin? Isulat sa kahon


ang 1-5 upang ipakita ang pagkasunod-sunod ng pangyayari.
TAKDA

Panuto: Gumawa ng time


line ng pagkakasunod-
sunod ng iyong
paghahanda sa pagpasok
sa paaralan.
SUMMATIVE TEST
bukas

Mag-aral ng mabuti
at
Good Luck

You might also like