ESP 2 Q2 Weeks 7-8

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

1

ARALIN Malasakit mo, Natutukoy at


5 Nararamdaman Ko!

Mga Inaasahan

Isa sa mahahalagang pag-uugali na dapat nating


matutunan ay ang pagmamalasakit sa ating kapwa.
Maipapakita natin ito sa iba’t ibang pamamaraan.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo


ang mga sunusunod na kasanayan:

1. Nakatutukoy ang mga kilos at gawaing nagpapakita ng


pagmamalasakit sa mga kasapi ng paaralan at
pamayanan.
2. Nakapagpapakita ng pagmamalasakit sa kasapi ng
paaralan at pamayanan sa iba’t ibang paraan.
Code: EsP2P-IIh-i-13

Bilang panimula ay subukin mo ang iyong sarili sa


ating paunang pagsubok.

Paunang Pagsubok

Gawain 1.1: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.


Iguhit sa patlang ang masayang mukha ( ☺ ) kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng malasakit sa kapwa at
malungkot (  ) kung ang pangungusap ay hindi nagpapakita
ng malasakit sa kapwa.

_____1. Hindi ko iniaalok ang aking upuan sa matandang

nakatayo sa aking harapan.

Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
2

_____2. Tinutulungan ko ang aking Ina sa gawaing bahay

pagkagaling sa eskwela.

_____3. Ibinabahagi ko ang aking baon sa aking mga

kamag-aral na walang pagkain.

_____4. Tinutulak ko ang aking kamag-aral na pilay.

_____5. Nagbibigay ako ng pagkain sa mga pulubi.

Balik-tanaw

Gawain 1.2: Basahin at unawain ang Kwentong “Ang batang si


Jose” at pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na
katanungan tungkol sa kwento. Piliin ang letra ng tamang sagot.

“Ang Batang si Jose”

May isang batang nagngangalang Jose. Galing siya sa


isang simple ngunit masayang pamilya. Siya ay siyam na taong
gulang at nasa ikatlong baitang na. Araw araw niyang nilalakad
ang daan papuntang paaralan dahil ito’y malapit lang sa
kanilang bahay at para na rin makatipid siya.

Isang araw, habang siya’y naglalakad, napansin niya ang


isang matandang lalaki na nakaupo sa daan malapit sa
basurahan. Ito’y mukhang malungkot at hinang hina na.
nilapitan niya ito at kinausap. “Lolo, bakit po kayo nandito?
Madumi po dito.”

“Napagod lang ako iho kaya naupo ako dito.” sagot ng


matanda. Iniabot ni Jose ang kanyang baong tinapay. “Kain po
kayo oh. Ingat po kayo ha.”

Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
3

At tumakbo na si Jose dahil siya ay mahuhuli na sa klase


ngunit sumulyap uli ito sa matanda at nakitang niyang binuksan
nito ang balot ng tinapay at kumain na.

Sumunod na araw, nakita na naman ni Jose ang matanda.


Binigay niya uli dito ang kanyang baon. At naulit ito ng mga
sumunod pang mga araw.

Nang pumunta uli si Jose kinabukasan sa kinaroroonan lagi


ng matanda, wala na ito doon. Ngunit ng sya’y lumingat, nakita
niya ito na maayos ang bihis at may kasamang babae na
mukhang mayaman at mas bata ang edad.

Tinawag ng matanda si Jose. “Iho, ito pala ang anak ko,


sinusundo na niya ako. Uuwi na kami. Nanatili ako dito ng ilang
araw dahil nakalimutan ko ang daan pauwi sa amin. Mabuti at
nahanap nila ako. Hinding hindi ko makakalimutan ang
kabutihang ginawa mo sa akin. Sa mura mong edad, naiisip mo
nang tumulong sa kapwa. Nawa’y pagpalain ka pa ng
panginoon”

“Walang ano man po iyon, lolo. Maninibago po ako na


hindi ko na po kayo makikita pagpasok ko po sa paaralan”
Pabiro ngunit naluluhang sambit nito.

“Salamat sa pagmamalasakit mo sa aking tatay.” wika ng


anak ng matanda pagabot nito ng papel. Mahigpit na niyakap
ng matanda si Jose. At binigyan niya ito ng munting regalo.

Mga Tanong:

1. Ano ang ibinigay ni Jose sa matandang lalaki?


A. Tinapay
B. Basura
C. Tubig

Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
4

2. Bakit laging nandoon ang matanda sa kalsada?


A. dahil isa siyang pulubi
B. dahil naligaw ang matanda sa kanyang pag-uwi
C. walang tirahan ang matandang lalaki
3. Ano ang ibinigay ng matandang lalaki kay Jose?
A. Binigyan si Jose ng pera
B. Binigyan si Jose ng isang munting regalo
C. Binigyan si Jose ng laruan
4. Tungkol saan ang kwento?
A. Pagiging madamot sa kapwa
B. Pagiging masamang anak
C. Pagmamalasakit sa kapwa
5. Kung ikaw ang nasa kwento,gagayahin mo din ba ang
ginawa ni Jose?Bakit?
A. Opo dahil mahal ng Diyos ang mga batang
matulungin
B. Hindi po dahil hindi ko naman kilala ang matanda
C. Opo para po bigyan ako ng pabuya o regalo

Pagpapakilala sa Aralin

Sa araling ito ay higit mong mararamdaman ang


pagmamahal sa kapwa. Ang isang batang tulad mo ay may
kakayahang makatulong sa mga kasapi ng paaralan at
pamayanan.

Pag-aaralan mo rin ang iba’t-ibang paraan ng


pagpapakita ng malasakit sa iyong kapwa sa mga simpleng
pamamaraan.
Halina at simula natin ang aralin sa pagbabasa ng kwento
ni Langgam at Tipaklong.

Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
5

“Si Langgam at si Tipaklong”

Maganda ang panahon. Mainit ang


sikat ng araw. Maaga pa lamang ay
gising na si Langgam. Nagluto siya at
kumain. Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya nang dati,
naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita
niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya
ni Tipaklong. “Magandang umaga”, kaibigang Langgam, bati
ni Tipaklong. Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala ka nang
ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?
Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain
habang maganda ang panahon, sagot
ni Langgam.
Tumulad ka sa akin, kaibigang
Langgam, wika ni Tipaklong. Habang maganda ang panahon
tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.
Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong, sagot
ni Langgam. Gaya nang sinabi ko sa iyo,
habang maganda ang panahon, ako ay
maghahanap ng pagkain. Ito'y aking
iipunin para ako ay may makain
pagsumama ang panahon.
Lumipas pa ang maraming
araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa
umaga, ulan sa hapon at sa gabi ay
umuulan pa rin. At dumating ang
panahong kumidlat, kumukulog at
lumalakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na
ulan.
Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang
Tipaklong. Naalaala niyang puntahan ang kaibigang si
Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
6

Langgam. Paglipas ng bagyo, pinilit ni


Tipaklong na marating ang bahay ni
Langgam. Bahagya na siyang
makalukso. Wala na ang dating
sigla ng masayahing si Tipaklong.

Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto. Aba!


Ang aking kaibigan, wika
ni Langgam. Tuloy ka. Halika at
maupo. Binigyan ni
Langgam ng tuyong damit si
Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya ng pagkain. Ilan pang
sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang
magkaibigan.

Salamat, kaibigang
Langgam, wika
ni Tipaklong. Ngayon ako
naniwala sa iyo. Kailangan nga
pa lang mag-ipon habangmaganda ang panahon at nang
may makain pagdating ng tag gutom.

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at


habang maganda ang panahon ay kasama na siya ng kanyang
kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at natuto siyang
mag-impok.

Mga Gawain

Gawain 1.3: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1. Paano nakatulong si Langgam kay Tipaklong?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
7

2. Kung ikaw si Langgam tutulungan mo rin ba si Tipaklong?


Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Masaya ka bang gumawa ng kabutihan sa iyong kapwa?
Bakit?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
4. Mahalaga ba na tayo ay nagmamalasakit sa ating
kapwa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Bilang bata, kaya mo rin bang gawin ang ginawa ni
Langgam? Sa paanong paraan?
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________

Gawain 1.4: Iguhit sa patlang ang bituin ( ) kung


nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa ang mga

sumusunod na pahayag at bilog ( ) kung hindi.

________1. Si Maria ay madalas magbahagi ng kanyang baon


sa mga kamag-aral.
________2. Tuwing uwian palaging tinutulak ni Juan si Mario
upang ito ay madapa.
________3. Madalas pagtawanan si Susan ng kanyang mga
kamag-aral dahil lagi siyang walang baon.
________4. Tinulungan ni Jose ang matandang babae na
makatawid sa kalsada.

Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
8

________5. Tuwing Sabado, tumutulong si Kaloy sa paglilinis ng


kanilang bakuran.

Ating Tandaan

Maipakikita natin ang pagmamalasakit sa


mga kasapi ng paaralan at pamayanan sa
pamamagitan ng ating mga kilos at gawain.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Gawain 1.5: Kulayan ang mga salitang nasa loob ng bilog, kulayan
ng PULA kung ito ay nagpapakita ng malasakit sa kapwa, ASUL
naman kung hindi.

1. 2. 3.
Magpahiram
Manulak ng ng lapis sa
Tumulong sa
kamag-aral kamag-aral
gawaing bahay.

4. 5.
Manguha ng Magbahagi ng
pagkain ng mga lumang
gaamit sa mga
ibang tao nangangailangan.
n.

Pangwakas na Pagsusulit

PANUTO: Ang pagmamalasakit sa kapwa ay isang mabuting


gawain. Sumulat ng limang pamamaraan kung paano mo ito
maipapakita.

Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
9

PANUTO: Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng


pagmamalasakit sa kapwa na nangyayari sa ating komunidad.
Idikit ito sa bituin.

Pagninilay

PANUTO: Gumupit ng isang larawan ng gawain na


nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga sumusunod at idikit
sa isang malinis na bond paper.

1. Sa iyong pamilya 2. Sa iyong kamag-aral

3. Sa inyong paaralan 4. Sa inyong pamayanan

Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
10

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod


na puntos:
Mga Pamantayan ng sagot 5 – taglay ang 3
: pamantayan
3 – dalawang
✓ Naaangkop ang pamantayan lamang
iginuhit sa ibinigay 1 – isang pamantayan
✓ Maayos at madaling lamang
maunawaan
✓ Naipaliwanag nang
mahusay

PANUTO: Dugtungan ang mga sumusunod na pangungusap na


tumutukoy sa pagmamalasakit sa mga kasapi ng paaralan at
pamayanan. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
(Communication)
1.Nakita mong hirap na hirap ang isang
matandang lalaki sa kanyang mga binubuhat
na gamit, ang gagawin ko po ay
___________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

2.Nakita mong sinasaktan ng kaklase mo ang


iyong kamag-aral, ang gagawin ko po ay

________________________________________________

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan.


Kung mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo
naunawaan mangyaring makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
12

Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Sagutang Papel
Aralin: Malasakit Mo, Natutukoy at Nararamdaman Ko!
Pangalan:_________________________________________________________
Baitang/Pangkat:_________________________________________________
Guro:_____________________________________________________________
I. Paunang Pagsubok
1.________
2.________
3.________
4.________
5.________

II. Balik-Tanaw
1. _________
2. _________
3. _________
4. _________
5. _________

III. Mga Gawain


A. Gawain 1.3
1. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
B. Gawain 1.4
1. ______
2. ______
3. ______
4. ______
5. ______
IV. Pag-alam sa Natutuhan

Manulak Magpahira
ng kamag- TTumulong m ng lapis
aral sa gawaing sa kamag-
bahay aral

Manguha ng Magbahagi ng
pagkain ng mga lumang
gaamit sa mga
ibang tao nangangailangan.
n.

Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
13

V. Pangwakas na Pagsusulit

1. Sa iyong pamilya 2. Sa iyong kamag-aral

3. Sa inyong paaralan 4. Sa inyong pamayanan

1. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo

You might also like