AP2 Modyul 1: Ang Pakinabang NG Kapaligiran Sa Komunidad

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

2 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Ang Pakinabang ng Kapaligiran
sa Komunidad

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
0
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sheila Faith R. Calunod


Jourly C. Ranque

Editor: Cyril C. Gomez

Tagasuri: Kremir A. Alicaway


Evelyn G. Mier

Tagaguhit: Vil Ryan A. Doliente

Tagalapat: Gina L. Ricaros

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI


OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD


CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE


EPS - LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD


EPS – Araling Panlipunan

2
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na
makatutulong sa mag-aaral upang maunawaan ang mga
pakinabang na naibibigay ng kapaligiran sa komunidad.
Tatalakayin din ang pakinabang ng mga uri ng likas na yaman
bilang isang kapaligiran sa ating komunidad upang higit na
maunawaan ang kahalagahan nito.
Sa araling ito, inaasahang:
• Natatalakay ang mga pakinabang na naibibigay ng
kapaligiran sa komunidad, AP2PSK-IIIa-1.

Balikan
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ang natural na nilikha ng Diyos na nagbibigay ng mga
pangangailangan ng mga tao sa komunidad?
A. hanapbuhay C. kagandahan
B. kagamitan D. kapaligiran
2. Alin sa sumusunod ang produktong nakukuha mula sa
karagatan?
A. bakal B. palay C. perlas D. prutas
3. Ito ay mahalagang metal na ginagamit na sangkap sa paggawa
ng mga alahas?
A. bakal B. kahoy C. ginto D. uling
4. May malaking lupain si Mang Asheljay sa kapatagan. Ano ang
maaaring pakinabang ng kanyang lupain para kumita?
A. gawing tambakan ng basura C. patayuan ng iskwater
B. lagyan ng mga palaruan D. taniman ng gulay
5. Ang mga sumusunod ay mga papel na ginagampanan ng
kapaligiran sa komunidad. Maliban sa isa. Alin dito?

3
A. Ang kapaligiran ay pangunahing pinagkukunan ng
pangunahing pangangailangan ng bawat mag-anak
B. Ang kapaligiran ay isang likas na yaman na naging isang
paunang kinakailangan para sa pag-unlad ng komunidad
C. Ang kapaligiran ay pinagkukunan ng kabuhayan
D. Ang kapaligiran ay para tingnan lamang.

Aralin
Ang Pakinabang ng Kapaligiran sa Komunidad
1

Tuklasin
Makikita ang mga pakinabang na naibibigay ng likas na
yaman bilang isang kapaligiran sa ating komunidad.
Basahin ang tula.

Kapaligiran Ko , Pinakinabangan Ko
Likas na yaman, ginagamit sa kabuhayan,
Pinagkukunan ng ating mga pangangailangan,
Magagamit sa pag-unlad ng bawat mamamayan.

Mayaman ang Rehiyon IX o Zamboanga Peninsula,


Niyog at buko ang pangunahing produkto nila,
Mais, gulay, kape at kamote na kahali-halina,
Pagkaing dagat, tulad ng sardinas, dilis at tuna,
Ang chromite din ang yamang mineral ng industriya.

Ang asul na dagat, nakakaakit ng mga turista,


Negosyo ang dala-dala nila,
Yamang lupa, gubat, tubig at mineral ay tunay na biyaya.

4
Yamang lupa’y sagana,
Hilaw na materyales dito nagmula,
Gulay, prutas , puno at iba pa,
Pangangailangan sustentado kung baga.

Yamang gubat kay ganda,


Sariwang hangin dito natatamasa,
Mula sa magbukang liwayway,
hanggang sa pagbaba ng araw,
Kaaya-ayang tanawin bigay ni Ama.

Yamang tubig kay daming gamit na dala,


Sa kabahayan, pagsasaka at pangingisda,
Lahat ay maibubulalas “tubig”
Kay sarap magtampisaw sa tubig na sariwa,
Mga isdang naglalakihan at masigla.

Yamang mineral nga’y hindi napapalitan,


Ngunit ito ay nag-iwan ng ala-ala,
Nakatulong sa kabuhayan,
Kailan may hindi malilimutan.
Panulat ni: Sheila Faith R. Calunod

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano-ano ang mga likas na yaman sa ating komunidad?
2. Ano- anong mga likas na yaman ang nabanggit sa tula?
3. Ano-ano ang mga pangunahing produkto ng Rehiyon IX?
4. Ano-ano ang mga pakinabang na naibibigay ng
kapaligiran sa komunidad?

5
Suriin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon, lagyan ng ang
patlang kung itoy nagpapakita ng pakinabang na galing sa
Yamang lupa, naman kung Yamang tubig , kung Yamang
Mineral, at kung Yamang Gubat.

_____1. Ito ang pinagkukunan ng kabuhayan tulad ng


pagtatanim ng palay, mais at abaka.

_____2. Pagmimina ng mga ginto, tanso, at mahahalagang bato


para sa pakikipagkalakalan.

_____3. Pagdadaing, ruta ng transportasyon, irigasyon sa mga


sakahan at pangisdaan.

_____4. Ginagawang papel , troso, tissue paper, table, at kahoy


para gawing muwebles.

_____5. Dahilan ng turismo dahil sa Natural Resources tulad ng


Dakak sa Dapitan City.

Pagyamanin
Nag-uusap si Yamang Lupa, Yamang Gubat, Yamang Mineral
at si Yamang Tubig kung sino ba sa kanila ang mas maraming
naiibigay na pakinabang bilang isang kapaligiran sa isang
komunidad.
Yamang Lupa
Siyempre naman. Bilang isang
Yamang Tubig
yamang lupa mayroon akong pitong
May pakinabang ba
anyo tulad ng: pulo, bundok,
kayo na naibigay sa
bulkan, burol, talampas, lambak at
isang komunidad?
kapatagan.Dito sa akin nabubuhay
ang karamihan sa mga tanim sa
mundo tulad ng mga kahoy, palay,
mais, niyog, gulay at iba pa. Dito rin
sa akin makukuha ang mga
minerales tulad ng ginto, pilak,
carbon at iba pa.
6
Yamang Tubig Yamang Lupa
Ako naman, bilang yamang Ako rin naging
tubig may walo akong anyo pinagkukunan ng
tulad ng: karagatan, dagat, pangkabuhayan ang mga
look, ilog, sapa, lawa, bukal at yaman na napapaloob sa
talon. Dito sa akin makukuha akin. Ako’y isinasaka ng mga
ang ibat-ibang uri ng mga magsasaka at tinataniman
isda, hipon, alimango, kabibe, ng mga mais, palay, prutas
halamang dagat at iba pang at iba pa. Dito rin
hayop na nabubuhay sa
nabubuhay ang mga hayop
katubigan. Ibibinibinta nila ito
na inaalagaan ng mga tao.
upang pagkakakitaan at
nagiging pagkain ito sa mga Nagiging pinagkukunan ng
tao sa isang komunidad. pagkain ang mga ito ng mga
tao sa isang kumunidad.
Dito rin sa akin galing ang
mga kahoy na ginagawang
Yamang Mineral bahay at mga gusali.
May pakinabang rin ako dahil Mayroon ring mga mineral
binigyan ko ng mga minerals na makukuha sa akin at ito’y
ang mga tao tulad ng mga naging pagkakitaan ng mga
ginto, tanso, pilak, tao sa isang komunidad.
panggatong at mga metal.
Kaya nakagawa ng mga Yamang Gubat
bahay, gusali, tulay at kalsada Ako, binigyan ko ng malinis
ang komunidad. Galing rin sa na hangin ang mga tao na
akin ang mga minerales na galing sa iba’t ibang uri ng
ginawang mga linya ng punong kahoy at mga
kuryente at mga parte ng tanim. Pinipigilan ko ang
baha gamit ang mga ugat
mga sasakyan. Ang mga
ng mga punongkahoy.
telepono, kompyuter at mga
Sinisipsip nila ang tubig
gamit sa komunikasyon ay ulan upang mabawasan ang
galing rin sa akin. tubig na dumadaloy sa
ibaba na sanhi ng baha.
Nakagawa rin ng mga gusali
at bahay ang mga tao mula
sa aking mga troso.

7
Buuin Mo.
Panuto:
Ano ang mga pakinabang ng kapaligiran sa ating komunidad
na nabanggit sa komik istrip? Gamit ang graphic organizer, Isulat
sa mga bilog ang inyong mga sagot bilang bahagi ng cluster map
para mabuo ito.

Pakinabang ng
Kapaligiran sa
Komunidad

Gawain
A. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ito ay ilan sa pakinabang
ng komunidad sa kapaligiran at ekis (x) kung hindi.

______1.Pagdami ng turista dahil sa dami ng magagandang


tanawin sa bansa.

______2. Iba’t ibang yamang dagat na naiaangkat na nakadaragdag


sa kita ng bansa.

______3. Mga basurang nagdudulot ng sakit sa tao.

______4. Iba’t ibang mineral tulad ng tanso, ginto, at pilak na


maaaring maibenta sa malaking halaga.

______5. Mga enerhiyang galing sa likas na yaman na


makatutulong upang hindi na umangkat pa ng krudo sa ibang
bansa.

8
Isaisip
Piliin sa loob ng ulap ang mga salitang angkop sa bawat
pahayag .Isulat sa patlang ang tamang sagot.

kapaligiran pag-unlad ekonomiya

pangangailangan kabuhayan

Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng saganang likas na


yamang tubig, lupa, gubat at mineral at may pakinabang bilang
isang ____(1)_____ sa isang komunidad. Nakakatulong ito sa
______(2)_________ ng pamumuhay at katatagan ng ating _______
(3)______. Karamihan sa mga mamamayan ay karaniwang umaasa
rito upang matugunan ang kanilang ______(4)________para
mabuhay. Kaya ang kapaligiran ay may pakinabang din sa pag-
angat ng antas ng ______(5)_______ at kalakalan ng bansa.

Tayahin
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Dahil sa malawak na gulayan ni Aling Jocelyn, natustusan niya


ang pang araw-araw nilang pangangailangan ng pamilya.Anong
uri ng pamumuhay mayroon siya?
A. pagmimina B. pagsasaka C. pagtotroso D. pangingisda

2. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang na makukuha sa


yamang tubig, maliban sa isa.
A. irigasyon sa sakahan C. ruta ng transportasyon
B. pinagkukunan ng isda D. taniman ng crops

3. Ano ang pinakamahalagang ambag ng kapaligiran sa ating


komunidad?
A. Ang hanapbuhay para matugunan ang pangangailangan
B. Ang aesthetic na halaga ng kapaligiran ay inspirasyon para
sa isang kapaki-pakinabang na epekto sa kanilang kalagayan
C. Para sa pag-unlad ng antas ng ekonomiya at kalakalan
D. Lahat ng nabanggit

9
4. Bakit tinatawag ang kapaligiran na gintong yaman ng ating
komunidad?
A. dahil ito ay may biyayang dala at kabuhayan ay
binibigyang kulay
B. dahil ito ay pinsala sa ating bayan
C. dahil ito ay pundasyon sa Agham at Teknolohiya
D. dahil ito ay artipisyal na nilikha ng Maykapal.

5. Anong produkto o kalakal ang makukuha sa mga lugar na


malapit a baybaying dagat?
A. hipon, mani, at saging C. palay, abaka, at mais
B. manok, baboy, at kalabaw D. perlas, isda, at alimasag

Karagdagang Gawain
Gumupit ng mga larawan sa dyaryo na nagpapakita ng
pakinabang ng kapaligiran sa ating komunidad. Idikit ito sa isang
malinis na papel.

Rubriks:
Pamantayan Pinakamahusay Mahusay Maayos Pagbutihin
5 4 3 2

Konsepto Labis na Mahusay Maayos Walang


mahusay itong itong na konsepto ang
naipapakita ang naipapakita naipapaki idinikit na
mensahe. ang ta ang larawan
mensahe. mensahe.
Pagka- Lubusang Naging Hindi Walang
malikhain nagpamalas ng mahusay gaanong ipinamalas
pagiging ang naging na
malikhain sa pagiging malikhain pagkamalikh
pagpili sa malikhain sa ain sa
pagdikit ng sa pagdikit pagdikit paghahanda
larawan ng larawan ng
larawan

10
Buo ang May May Hindi ganap
Organisasyon kaisipan,konsist kaisahan at kaisahan ang
ent ,at may sapat ngunit pagkabuo,
kumpleto ang na detalye kulang sa kulang ang
detalye sa at malinaw detalye at detalye at di
paksang pinag- ang hindi malinaw ang
aralan intensyon gaanong intensyon
sa paksang malinaw
pinag- ang paksa
aralan

Susi sa Pagwawasto

D 5. ang mga sagot) ekonomiya 5.


D 4. Buuin Mo (Magkakaiba pangangailangan 4.
C 3. kabuhayan 3.
C 2. Pagyamanin: pag-unlad 2.
D 1. kapaligiran 1.
Balikan: Isaisip:

5. 5. D
4. 4. A
3. D 4./ 2./
3.
2. 2. D
5. / 3.X 1./
1. 1. B

Suriin: Tayahin:
Gawain

Sanggunian:
1. https:ww.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/region-ii-davao-region
2. Aguilar, Djhoane C. , Sagsagat, Agnes A., Carcallas ,Geraldine B. , Borgonia, Joan,et
al.,Araling Panlipunan 2,Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya. Pasig City
Philippines:Vibal Publishing House,Inc.2013
3. Aguilar, Djhoane C. , Sagsagat, Agnes A., Carcallas ,Geraldine B. , Borgonia, Joan,et
al.,Araling Panlipunan 2, Patnubay ng Guro Sinugbuanong Binisaya. Pasig City Philippines:
4. Mier, Annabelle F., Araling Panlipunan 3,Unang Markahan-Modyul8 Mga Paraan ng
Pangangasiwa sa Likas na Yaman ng Sariling Lalawigan at Rehiyon. Davao City Philippines:

11
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like