Fil 102

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

FILIPINO 102

PANIMULANG LINGWISTIKA
2:30PM-5:30PM

PAKSA: ANG PONOLOHIYA


A. KAHULUGAN

Ang ponolohiya mula sa salitang Griyego:


φωνή, phōnē, "tunog, boses" o palatunugan ay
sangay ng lingwistika na nag-aaral ng mga
tunog o ponema (phonemes) ng isang wika,
ang pagkukumpara ng mga ito sa mga tunog
ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit
ng mga tunog na ito upang makabuo ng yunit
ng tunog na may kahulugan (i.e. morpema,
salita).
B. MGA BATAYANG KONSEPTO

1. Articulatory Phonetics- ito ang sangay ng


palabigkasan na nag-aaral sa paraan ng
paglikha ng tunog. Masusing tinitignan dito
kung paanong ang mga articulators sa loob ng
bibig, o ang mga organo sa loob nito tulad ng
labi, ngipin, gilagid, lalamunan, ay lumilikha
ng mga tunog.
Tatlong salik:
Enerhiya o pinanggagalingan ng lakas
Artikulador o kumakatal na bagay
Resonador o patunugan
Enerhiya

Resonador

Artikulador
2. Diptonggo- ito ay tunog na nabubuo sa
pagsasama ng alinman sa limang patinig
(a,e,i,o,u) at malapatinig (w o y) na nasa iisang
pantig.

Halimbawa:
a. aliw (a-liw)- /iw/
b. sampay (sam-pay)- /ay/
c. Kalabaw (ka-la-baw)- /aw/
Tandaan…
• Walang diptonggo kapag nahihiwalay ang
patinig at malapatinig sa pagpapantig ng
salita (a-li-wa-las).

• Ang salitang sampayan ay walang


diptonggo dahil ang magkasunod na titik a at
y ay nahihiwalay sa pagpapantig ng salita
(sam-pa-yan).
3. Klaster (kambalkatinig)- mga salitang
mayroong magkadikit o kabit na dalawang
magkaibang katinig na matatagpuan lamang sa
iisang pantig. b, c, d, f, g, h, j, k, l, m, n, ñ, ng,
p, q, r, s, t, v, w, x, y, z.

Halimbawa:
a. /pw/
b. /py/
c. /pr/
(Unahan)
a. Braso /br-aso/
b. Grasa /gr-asa/
(Gintna)
c. Kontrata /kon-tr-ata/
d. Kumpleto /kum-pl-eto/
(Hulihan)
e. Kard /ka-rd/
f. Indeks /in-de-ks/
4. Ponema- tumutukoy sa mga makabuluhang
tunog ng isang wika, may 21 ponema sa
Filipino
16 katinig
b,k,d,g,h,l,m,n,n,ng,p,r,s,t,w,y
5 patinig
a,e,i,o,u
Isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng
kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita
ng partikular na wika.
Halimbawa:
a. “baha” at “bahay”
b. “buho” at “bohok”
c. “kama” at “kamay”

ang ponema ay ang pundamental at


teoretikong yunit ng tunog na nagbubuklod ng
salita.
5. Ponemang segmental- Ang ponemang
segmental ay ang tunog o ponemang
kinakatawan ng titik upang mabasa at
mabigkas. Ito ang mga sumusunod:
katinig (16)
/b,k,d,g,h,l,m,n,ng,p,r,s,t,w,y,?/
Halimbawa:
Bata/h/=robe, bata/’/=child
Patinig- Pinakatampok o
pinakaprominenteng bahagi ng pantig.
(i,e,a,o,u)
Halimbawa:
Ba-hay, ba-ba-e, di-la, tro-so

diptonggo
klaster
6. Ponemang suprasegmental- tumutukoy sa
diin, tono o intonasyon, hinto o antala at haba
na ginagamit upang makapagpalinaw ng
kahulugan.

Mga simbolong ginagamit:


Diin (CAPS)
Tono (1-2-3-4)
Hinto (mga pananda)
Haba (. :)
I. Diin- lakas, bigat, bahagyang pagtaas ng
tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang
binibigkas.

Halimbawa: /kaMAY/
a. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
b. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap
na sakuna, kaya masasabing /laMANG/
sila.
II. Tono o intonasyon- pagtaas at pagbaba ng
tinig.

Halimbawa: 3
Pahayag: 2 ha 2
4= pinakamataas
ka pon 3= mataas
Patanong: 4 2= katamtaman
1= mababa
3 pon
2 ha
ka
III. Hinto o antala- saglit na pagpigil ng ating
pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mesaheng ibig ipahayag sa ating kausap.

Ang hinto ay paghahati ng salita na


gumagamit ng mga sumusunod na pananda.

Maikling hinto:
, kuwit
+ krus
Mahabang hinto:
; tuldok-kuwit
: tutuldok
__ isang mahabang guhit
// dalawang guhit pahilis
> palaso
- gitling
…tulduk-tuldok
Halimbawa:
a. Padre, Martin, ang tatay ko.

b. Hindi, si Cora ang may sala.

c. Magalis
Mag-alis
IV. Haba- paghaba o pag-ikli ng bigkas ng
nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita.
Gumagamit ng ganitong notasyon /./ at /:/ na
siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita

Halimbawa:
a. Likas na haba
/asoh/- usok
/a:soh/- isang uri ng hayop
/pitoh/- bilang na 7
/pi:toh/- silbato
b. Panumbas na haba
/’aywan/- /e.wan/
/tainga/- /te.nga

c. Pinagsama na haba
magsasaka= /magsasa:ka/= magbubukid
magsasaka= /magsa:sa:ka/= magtatanim
mananahi= /manana:hi/= modista
mananahi= /mana:na:hi/= magtatabas at

bubuo ng kasuotan

You might also like