LUGO (Intelektuwalisasyon NG Wika)
LUGO (Intelektuwalisasyon NG Wika)
LUGO (Intelektuwalisasyon NG Wika)
BSEd Filipino 2 !
1. UHADDMASEIN
2. MAGHA NANLIUPNAP
3. ARUTLUKRIGA
4. ANSIDIEM
5. ASSM DAIME
Layunin:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahan na:
A. Nalalaman kung ano ang Intelektuwalisasyon ng Wika sa iba’t ibang
larangan (Akademiko, Disiplina at Espesyalisasyon);
B. Naibabahagi sa klase ang kahalagahan ng Intelektuwalisasyon ng Wika
sa iba’t ibang larangan (Akademiko, Disiplina at Espesyalisasyon) at;
C. Nasasagutan ang gawain at katanungan patungkol sa paksang tinalakay.
“ Int e l e kt u wa li s as y o n ng
Wikan g F i l i p i n o”
Wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan (Akademiko, Disiplina
at Espesyalisasyon)
Ano ang Intelektuwalisasyon?
Ang Intelektuwalisasyon ay isang
proseso upang ang isang wikang di pa
intelektuwalisado ay maitaas at
mailagay sa antas na
intelektuwalisado nang sa gayo’y
mabisang magamit sa mga
sopistikadong lawak ng karunungan.
Wikang Filipino sa
larangan ng akademiko
Wikang Filipino sa larangan ng
akademiko ay ang paggamit ng
katutubong wika o Wikang Filipino sa
mga saliksik na siyang nagpapaunlad
sa akademiya sa bansa sa nakaraang
ika-apat na edisyon ng “Hasaan.”
Ano naman ang “Hasaan”?
Ang Hasaan ay isang Pambansang
Kumperensiyang may layong
palaganapin ang paggamit ng Filipino
bilang Moda ng Pagsulat at
Instruksiyon.
Ayon kay Clarence M. Batan isang
sosyolohista na gumagamit ng wikang
local at Filipino sa pananaliksik, “Ang
kahalagahan ng paggamit ng lokal na
wika ay hindi lamang sa lente ng
Sosyolohiya kung hindi pati na rin sa
ibang larangan ng pananaliksik.
Wikang Filipino sa larangan
ng Disiplina
Wikang Filipino sa larangan ng
Disiplina ay tumutukoy sa gamit ng
Wikang Filiino sa iba’t Ibang larangan,
kurso, propesyon at grupo na
kinabibilangan.
Wikang Filipino sa larangan
ng Espesyalisasyon
Wikang Filipino sa larangan ng
Espesyalisasyon ito ay ang paggamit
ng wikang local upang mas madaling
nagkakaintindihan gaya ng na sa
larangan ng medisina.
Wikang Filipino sa
larangan ng Agham at
Teknolohiya
Ito ay ang paggamit ng Wikang
Filipino sa pagtuturo at pagsusulat sa
larangan ng Agham at Teknolohiya
Wikang Filipino sa
larangan ng Agham
Panlipunan
Ito ay isang pangkat ng mga
displinang akademiko na pinag-
aaralan ang
mga phenomena at pangyayari sa lip
unan. Sa madaling salita, ang agham
panlipunan ay nakatuon sa pag-aaral
ng pag-uugali ng tao sa loob ng
kanyang panlipunang kapaligiran.
Ilan sa mga disiplina ng larangang
ito ay batas at politika,
antropolohiya, ekonomiya,
arkeolohiya, linggwistika, sikolohiya,
sosyolohiya, pilosopiya,
at heograpiya
Hal.
Ang Batas at Politika kung saan Wika
ang pangunahing kasangkapan sa
pag-uugnayan ng lahat sa pagitan ng
namamahala (ang pamahalaan) at ng
pinamamahalaan (ang mga
mamamayan).
Dahil dito, dapat gamitin ang Wikang
Filipino sa komunikasyon pati na rin sa
pagpapatupad ng mga batas ng bayan
para magkaunawaan. Sa larangang ito,
ang daloy o proseso ng komunikasyon
ay dalawa: paghahatid ng mensahe o
atas (ayon sa nasa batas) at ang tugon
o sagot ng bayan.
Wikang Filipino sa
larangan ng Sining
Sa pamamagitan ng maayos at
angkop na paggamit ng wika
nagkakaroon ang gumagamit nito
ng kakayahang kumuha at
makapagbahagi ng kaalaman ng
mga mithini at nararamdaman
Wikang Filipino sa
larangan ng Humanidades
Ito ay tumutugon sa isang pangkat ng
mga palagay at saloobin na nakatuon
sa pagpapahalaga sa buhay.
Higit ng malawak ang saklaw nito
sapagkat maaari nang talakayin ang
kultura, pagpipinta, musika, estruktura,
at iba pang makataong sining at ang
mabuti at wastong pagtugon dito.
Wikang Filipino sa
larangan ng Medisina
Ito ay ang malaking tulong ng Wikang
Filipino sa larangan ng medisina dahil
sa komunikasyon. Ang wika ang
dahilan kung bakit naiintindihan natin
ang mga bagay na sinasabi ng mga
doktor.
Ito ay nakakatulong sa komunikasyon
sa pagitan ng mga pasyente at doctor,
instrumento rin ito sa pagsasagawa
ng mga pag-aaral para sa pagunlad
ng antas ng medisina.
Ayon kay Prop. Emeritus Fortunato
Sevilla III mula sa Departamento ng
Kimika, “Madaling ihatid sa
karaniwang tao ang bagong kaalaman
sa agham kapag ito ay nakasaad sa
wikang pamilyar sa kanila”
Wikang Filipino sa larangan ng
Batas
Ang Batas ay katipunan ng mga
alituntunin sa pag-aaral na nag-uutos
o nagbabawal sa isang partikular na
aspeto ng pamumuhay.
Ayon sa Saligang Batas Artikulo 14
Seksyon 6, Ang Wikang Pambansa
ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na
wika sa Pilipinas.
Kuatusang Tagapagpaganap
bilang 335 na nag-aatas na gamitin
ang Filipino sa mga opisyal na
korespondensya, komunikasyon at
transaksiyon sa pamahalaan.
Suliranin pa rin na kinakaharap ang
pagpapaunlad ng Wikang Filipino sa
larangan ng Batas, at ito ay ang
sumusunod:
ng Agrikultura
Ang agrikultura ay isang agham o
kaalaman na may kaugnayan sa
pagsasaka o pagtatanim ng mga
halaman at pag-aalaga o
pagpaparami ng mga alagang hayop.
Ang agrikultura rin ang pangunahing
pinagmulan ng ating pagkain at mga
pangunahing produkto. It ay
nanggaling sa salitang Latin na “Agri”
na ibig-sabihin ay “Lupa” at “Cultura”
na nangangahulugan naman na
“Paglilinang”.
Sa larangan ng agrikultura
nagkakaroon ng intelektuwalisasyon
ang wika. Sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salitang kabilang
sa register bilang bahagi ng mga
teknikal o siyentipikong larangan.
Sinasabing ang register na wika ay
mahalaga sa iba’t ibang larangan,
bawat propesyon ay may register o
espesyalisadong salita o wikang
ginagamit tulad na lang ng mga
magsasaka na sila ang mga may
maraming alam sa pag-aagrikultura.
Wikang Filipino sa larangan
ng Mass Media
Gamit ang wika, pinadadali nito ang
paghahatid ng berbal at di-berbal na
mensahe sa pamamagitan ng mass
media. Lalo pang pinabilis ang
pagpaparating
ng mensahe sap ag-
usbong ng mass media sa
pagpapalaganap ng impormasyon sa
pamamagitan ng makabagong
teknolohiya.
Sa kabilang dako naman nakatutulong
ang mass media sa pagpapaulad o
intelektuwalisasyon ng wika.
Ang mga impormasyon tungkol sa
wikang Filipino ay madaling nahahanap
sa pamamagitan ng mass media.
Bakit mahalaga ang
intektuwalisasyon ng
wikang Filipino sa mga
larangan na ating pinag-
usapan kanina?
Gawain
Panuto: Ibuod ang inyong natutunan hinggil sa paksa sa
pamamagitan ng pagbibigay kahulugan sa salitang “WIKANG
FILIPINO”
W-
I-
K-
A-
N-
G-
F-
I-
L-
I-
P-
I-
N-
Krayterya:
Kabuuan-----------------------------------------------------30 puntos
Takdang Aralin
Panuto: Isaliksik ang patungkol sa sumusuod: