Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37
- isang
komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw.
- isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. - isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. - isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao. Panimula o Introduksyon Ang panimula o introduksyon ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay dahil nakasalalay dito kung ipagpapatuloy ng isang mambabasa ang sanaysay o hindi. Kaya kadalasang isinusulat dito ang mga nakapupukaw-interes na mga salita upang makuha ang atensyon at ganahan sa pagbasa hanggang sa matapos ito. Katawan o Nilalaman Ang Katawan o Nilalaman nito ang mga mahahalagang katotohanan ng isang paksa. Sinasagot din dito ang mga ibinangong tanong sa panimula. Nagtatawid din ito ng mga mahahalagang impormasyon para talakayin ang problemang bumabangon sa paksa. Wakas o Konklusyon Ito ang huling bahagi na nagbubuod ng buong paksa. Kung minsan ay nagtatawid din ito ng mga mahalagang rekomendasyon kung kinakailangan. Ang sanaysay ay magiging isang mas matinding paninindigan kung may konklusyon.