Sanaysay - PPT 1st

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

SANAYSAY

Ano ang Sanaysay?

"Ang sanaysay ay isang


pampanitikan daan sa
pagpapahayag ng halos lahat
tungkol sa kahit anuman." 
-Aldous  Huxley  
-isang maiksing
komposisyon na
kalimitang naglalaman ng
personal nakuru-kuro ng
may-akda.
Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla
ay “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.” Ang sanaysay ay nagmula sa
dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay.
Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-
kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at
iba pa, ng manunulat hinggil sa isang
makabuluhan, mahalaga at napapanahong
paksa o isyu.
*Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa
ng sanaysay sa pagkat natututo ang
mambabasa mula sa inilahad na
kaalaman at kaisipang taglay ng isang
manunulat. nakikilala rin ng mambabasa
ang manunulat dahil sa paraan ng
pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at
salawikaing kaalaman sa paksa.
DALAWANG URI NG
SANAYSAY
Pormal o Maanyo
-sanaysay na tinatawag din na impersonal –
Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman
sa makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga
materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling
paksang tinatalakay.
-Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito'y
talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili
ang pananalita kaya mabigat basahin.
Pampanitikan kasi kaya makahulugan,
matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang
tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang
pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa
damdamin ng may-akda.
-Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal,
at walanghalong pagbibiro,
nangangailangan ng masusing pag-aaral at
malalim na pagkaunawa sa paksa.

-inaakay ng manunulat ang mga


mambabasa sa malalim na pag-iisip upang
makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos
pagkatapos
Impormal o Di-Pormal

- ay mapang-lungkot, nagbibigay-lugod sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
paksang karaniwan, pang araw-araw at
personal o isyung maaaring magpakilalang
personalidad ng manunulat o pakikisangkot
niya sa mga mambabasa
– Idinidiin nito ditto ang mga bagay-bagay ,mga
karanasan ,at mga isyung bukod sa
kababakasan ng personalidad ng may-akda ay
maaaring empatihayan o kasangkutan ng
mambabasang medya.
– Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang,
parang usapan lamang ng magkakaibigan ang
may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa
at ang tagapakinig, kaya magaan at madaling
maintindihan
- Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang
tono dahil ang paunahing gamit ay unang
panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig
sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang
pananaw.
Mga Sangkap ng
Sanaysay
1. Tema at Nilalaman 
– anuman ang nilalaman ng isang sanaysay
ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa
pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi.
2. Kaisipan
- mga ideyang nabanggit na kaugnay o
panlinaw sa tema
3. Anyo at Istruktura 
– ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang
mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito
sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang
maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng
ideya o pangyayari ay makatutulong sa
mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
4.  Wika at Istilo 
– ang uri at antas ng wika at istilong
pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa
pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting
gumamit ng simple, natural at matapat na mga
pahayag.
5. Himig
- naipahihiwatig ang kulay o kalikasan ng
damdamin.
6. Damdamin
- naihahayag ang damdamin nang may
kaangkupan at kawastuhansa paraang may
kalawakan at kaganapan
Mga Bahagi ng Sanaysay
1. Panimula o Simula
-ang pinakamahalagang bahagi ng isang
sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan
ng mga mababasa, dapat nakapupukaw ng
atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng
mambabasa ang pagbasa sa akda.
2. Gitna/ Katawan
-sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang
pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa
tema at nilalaman ng sanaysay, dapat
ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos
upang maunawaan ito nang magiging
mambabasa
3. Wakas

- nagsasara sa talakayang naganap sa


katawan ng sanaysay; sa bahaging ito
nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na
maisakatuparan ang mga tinalakay ng
sanaysay.

You might also like