Pan An Alik Sik Final

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Katuturan ng Pananaliksik

Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong
inkwiri sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at
kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.

Samantala, si Aquino (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa


kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

Halos gayon din ang sinabi ni Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay
isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot
ang mga katanungan ng isang mananaliksik.

Maidaragdag din sa ating mga definisyon ang kina E. Trece at J. W. Trece (1973) na
nagsasaad na ang pananaliksik...ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga
solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga
datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at
explanasyon.

STEM 11 - BIYO
Ibat-ibang uri ng Teksto

Tekstong Impormatibo
- Ang tekstong ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag
at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang
tanong ano, kailan,saan, sino at paano
- Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang
paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Naglalahad ito ng mga kuwento ng
mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay
na pangyayari, Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng
impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya
ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye at
pagpapakahulugan ng impormasyon.

Tekstong Deskriptibo: Makulay na paglalarawan


- Ang tekstong Deskriptibo ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa
pamamagitan ng mahusay na eksposisyon. Ang uri ng sulating ito ay
nagpapaunlad ng kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang
partikular na karanasan. Nagbibigay din ang sulating ito ng pagkakataon na
mailabas ng mga mag-aaral ang masining na pagpapahayag.
Layunin : Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay,
tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.

Tekstong Persuweysib: Paano kita mahihikayat


- Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng dipiksiyon na pagsulat upang
kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang
isyu.
* Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang
batayang opinyon ang isang manunulat. Sa halip ay gumagamit ang manunulat ng
mga pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri.

STEM 11 - BIYO
Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento
- Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na
maaaring piksiyon (hal.: nobela, maikling kuwento,tula) o di-piksiyon (hal.:
biyograpiya, balita, maikling sanaysay). Maaaring ang salaysay ay personal na
karanasan ng nagkukuwento. Maaari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa
tunay na daigdig o pantasya lamang.
Layunin: Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa
isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Layunin din nitong manlibang o
magbigay-aliw sa mga mambabasa.

Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang Katuwiran


- Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangang
ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang
mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na maga literatura at
pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.
* nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing
imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensya.

Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga Hakbang


- Ito ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at
instruksiyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.
Layunin: layunin ng tekstong ito na makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon
at impormasyon sa mga tao upang tagumpay na maisagawa ang mga gawain sa
ligtas, episyente at angkop na paraan.

STEM 11 - BIYO
Mga Bahagi ng Teksto

Panimula : Paksa at Tisis

• ito ay napakahalagang bahagi ng isang tekso sapagkat nagsisilbi itong pang-akit


sa mga mambabasa upang basahin ang teksto.

• Ito rin ang nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto. Sa bahaging ito, iniintrodyus
ang topic na iniikutan ng teksto at inilalatag dito ang tisis o ang kaligiran ng paksa
na maaaring buuin ng proposisyon, pahayag o asersyon hinggil sa tatalakaying
paksa o mga katwirang papatunayan o pasisinungalingan.
Wika nga nina Bernales, et al. (2001) , maihahalintulad ito sa Display
window ng mga tindahan na hindi lamang nagsisilbing pang-akit sa mga
mamimili kundi nagpapakita rin ng ilang abeylabol na paninda o haylayt na
paninda.

•Ito ay nagbibigay- ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang
teksto at kung ano ang paniniwala, asersyon o proposisyon ng may akda sa
paksang iyon.

Katawan : Istraktura , Nilalaman at Order

• ang kalakhan at pinakamahabang bahagi ng isang teksto.


ito ang pinakamahalagang bahagi ng anumang teksto.
nilalaman din nito ang pinakakaluluwa ng teksto.

Istraktura at order ang pinakalansay ng teksto.

Wakas : Paglalagom at Konklusyon

• Ito ang panghuling bahagi ng teksto. Tulad ng panimula, kailangan din itong
maging makatawag- pansin sapagkat ang pangunahing layunin sa pagbubuo nito
ay ang pag-iiwan ng isa o ilang mahahalagang kakintalan sa mambabasa.

STEM 11 - BIYO
• Ito ang nagsisilbing huling impresyon na mananatili sa isipan ng mga
mambabasa na maaaring makaimpluwensya sa pagbabago ng kanyang pananaw
ukol sa paksang tinalakay o impormasyong natutunan.

Lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng


teksto sa pinakamaikling paraan.

Konklusyon ang naglalahad ng inferences, proposisyon o deductions na


mahahango sa pagtatalakay sa teksto.

STEM 11 - BIYO
Mga Antas ng Pagbasa

Primarya (elementarya)

- Ito’y panimulang pagbasa sapagkat pinapaunlad dito ang rudimentaryong


kakayahan. Ibig sabihin, dinedebelop ito mula sa kamangmangan. Elementaryang
pagbasa rin ito dahil sinisimulang ipinatuturo sa paaralang elementarya. Sa
primarya, wika ang pokus. Ang pagkilala sa aktwal ng mga salita, at ang
pagpapamalay sa kahuluhan ang unang konsentrasyon ng primaryang pagbasa.

Inspeksyunal o Mapagsiyasat

- Sa antas ng pagbasang ito, ang panahon ang pinakamahalaga. Itinatakda sa


limitadong oras ang pagbasa. Dahil sa limitadong pagbasa, hindi lahat ng nasa
aklat ay babasahin kundi ang superfisyal o espisipiko na kaalaman lamang. Ang
kailangang sagutan habang nagbabasa ay: Tungkol saan ang libro?, Anu-ano ang
mga bahagi nito?, Anong uri ito ng babasahin – kasaysayan ba? Nobela ba?
Diskurso ba?. Tinatawag din itong pre-reading o sistematikong iskiming.

Mapanuri o Analitikal

- Ang antas na ito ay aktibo. Dapat intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa


pamamagitan ng malinaw na pag-iinter. Interpratibo ito, samakatuwid, sapagkat
matalinong hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan
wika nga, sa pagitan ng teksto o linya. Mahalaga rito ang malalim na nakapaloob
na kaisipan.

Sintopikal

- Pinakamataas ang antas na ito ng pagbasa. Pag-uunawang integratibo ang


kailangan sa antas na ito. Komplikado at sistematikong pagbasa ito. Humahamon
sa kakayahan ng bumabasa. Komparatibo rin ito. Ibig sabihin, dapat marami nang
nabasang libro ang bumabasa para makapagiba-iba, makapagsuri, makapamuna

STEM 11 - BIYO
at makapagpahalaga, kaya naman kahit matrabaho ang pagbasa rito, marami
namang nakukuhang benepisyo.

Katuturan ng Pagbasa

Ayon kay Coady (1979)


- Upang lubusang maintindihan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang
dating alam sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto o kaisipan mula sa
mga naiprosesong impormasyon sa binasa.

Ayon kay Goodman


- Isang saykolinggwistik na paghuhula (pyscholinguistic guessing game) ang
pagbasa kung saan ang nagbabas ay nagbubuong muli ng isang mensahe o
kaisipan na hinango sa tekstong binasa.

Ayon kay G. James Lee Valentine


- Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak.

Ayon kay Leo James


- Ang pagbasa ay pagbibigay kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag na mga
salita.

Ayon sa akin ( Glyza Gratija)


- Ang pagbasa ay isang uri ng pagkuha ng kaalaman o ideya mula sa mga teksto.

STEM 11 - BIYO
Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa

Bago Magbasa
- Pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto upang malaman ang estratehiya sa
pagbasa batay sa uri at genre ng kwento o kung kinakailangan ba ito ayon sa
itinakdang layunin ng pagbasa.
- Kinapapalooban ito ng preveiwing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan
ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat at pangalawang pamagat sa
loob ng aklat.
- Sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang
kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang
babasahin.Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan
ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat.

Habang nagbabasa
- Nakapoob sa bahaging ito ang
•pagtantya sa bilis ng pagbasa •biswalisasyon ng binabasa
•pagbuo ng koneksyon
•paghihinuha
•pagsubaybay sa komprehensyon
•muling pagbasa
•pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto

Pagkatapos Magbasa
- Nakapaloob sa bahaging ito ang
•Pagtatasa ng komprehensyon. Sagutin ang iba't ibang tanong tungkol sa binasa
upang matasa ang komprehensyon o pag unawa sa binasa.
•Pagbubuod. Sa pamamagitan ng pagbubuod natutukoy ng nagbabasa ang
pangunahing ideya at detalye sa binasa
•Pagbuo ng sentesis. Halos kagaya din ito ng pagbubuod ,ngunit bukod sa
pagpapaikli ng kwento, ang pagbuo ng sentesis ay kinapapalooban ng pagbibigay
ng perspektibo batay sa kanyang pag unawa.

STEM 11 - BIYO
•Ebalwasyon. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga
inpormasyong nabasa sa teksto.

Pagkilala sa Opinyon at Katotohanan

Opinyon
- mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na
paniniwala at iniisip ng isang tao.

Katotohanan
- pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng
emperikal na karanasan, pananaliksik,
o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.

Pagtukoy sa Layunin, Pananaw at Damdamin ng Teksto

Layunin
-tumutukoy sa nais iparating o motibo ng manunulat sa teksto.Mahihinuha ito sa
pamamagitan ng uri ng diskursobg ginamit sa pagpapahayag.

Pananaw
-tumutukoy sa preperensya ng manunulat sa teksto.Ibig sabihin, natutukoy rito
kung ano ang tiyak na distansya nya sa tiyak na paksang tinatalakay.Nasa unang
panauhan ba ito na maaaring magpakita na personal ang perspektibo nya sa
paglalahad o kaya naman ay nasa ikatlong panauhan na nagbibigay ng obhetibong
pananaw at paglalahad sa paksa.

Damdamin
-tumutukoy sa ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa kwento.
Maaaring tuwa, galit , tampo o kya naman paninindigan tungkol sa isang paksa.

Pagsulat ng Paraphrase, Abstak, at Rebyu

STEM 11 - BIYO
Paraphrase
-muling pagpapahayag ng ideya ng may akda sa ibang pamamaraan at pananalita
upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa.

Abstak
-isang buod ng pananaliksik, tesis o kaya naman ay tala ng isang komperensiya o
anumang pag aaral sa tiyak na disiplina o larangan.

Rebyu
-isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat
batay sa nilalaman, estilo at anyo ng pagkakasulat nito

STEM 11 - BIYO
Mga Uri ng Pagbasa

• ISKANING
Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa
materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at
sub-titles. Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin
ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o
tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa
sa isang Board Examination, pagtingin ng winning number ng lotto.
Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang
partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng
isang bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at
pag-uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata
sa partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang
ganitong pamamaraan sa pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index,
classified ads at sa paghahanap ng numero ng isang taong nais makausap.

•ISKIMING
Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o
impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o
paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa
pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.
Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa
ng isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng
mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap.

STEM 11 - BIYO
Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga
hindi kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon.

•PREVIEWING
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna
ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay
makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa. May iba’t ibang
bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga sumusunod:
a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding.
b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay
binibigyan suri o basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.

•KASWAL
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa
habang may inaantay o pampalipas ng oras.

•PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng
pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o
wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito
rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang kaalaman.

•MATIIM NA PAGBASA
Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap
ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba
pa.

•RE-READING O MULING PAGBASA

STEM 11 - BIYO
Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na
talasalitaan . Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o
masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.

•PAGTATALA
Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya
bilang pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para
bigyan ng pansin ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-
aari.

STEM 11 - BIYO

You might also like