Kasaysayan NG Pagbubuwis (Taxation)

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

Kasaysayan ng Pagbubuwis

(Taxation)
(Pre-colonial to Present)
MARJORIE P. GARCIA
FACULTY, COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
A. Taxation (Pagbubuwis)
Ang pagbubuwis ay mula sa salitang Latin na “taxo” na ang ibig
sabihin ay "tinataya ko" o "tinatantiya ko"
Ito ay ang pagpapataw ng isang pananagutang pampananalapi o
ibang kapatawan sa isang tagapagbayad ng buwis (isang indibiduwal
o katauhang legal) mula sa isang estado o isang pantungkuling
katumbas ng isang estado, na kung saan ang pagkabigong magbayad
ay mapaparusahan ng batas.
Samakatuwid, ang buwis (tax) ay ang pera o salaping dapat
bayaran ng mga tao sa pamahalaan.
Pre – Colonial Period (900 – 1521) 
1. Ang pinakaunang uri ng buwis ay ang “tribute” or “ handug ”
Ang Gobyerno ay tinatawag na “ Barangays ”
Barangay ay pinamumunuan ng “datu” or “raja” .
Ang sinaunang Filipinos ay nagbabayad ng buwis para sa proteksyon
ng mga “datu”.
Pre – Colonial Period (900 – 1521)
Three classes. ◦
 “ tumao ” class (datu ) - nobility of pure royal descent.
“ timawa ” class
 “Warrior class” or “the third rank of nobility" and "free men” – naninilbihan sa
military service ng datu kagaya ng pangangaso, labanan sa lupa o pagpipirata
May kakayahang magmayari ng lupa at mamili ng asawa.
Sila ay nagbabayad ng buwis bilang suporta.
 “ oripun ” class ( commoners o slaves/ alipin)
Spanish Period (1521 to 1898)
1. Tributo – Bersyon ng Espanya
Sa patakarang ito, pinagbabayad ng buwis ng mga Espanyol ang
mga katutubo.
Noong una, nagkakahalaga ito ng 8 reales (walo at kalahating
sentimo) na tumaas kalaunan sa 10-15 reales. Noong unang bahagi
ng pananakop, maaaring bayaran ang tributo ng mga produktong
tulad ng bigas, manok, tela, at ginto.
Ilan sa maaaring ipambayad ay ginto, mga produkto at mga ari –
arian. Dahil sa pang – aabuso sa pangongolekta, maraming katutubo
ang naghirap at nawalan ng kabuhayan.
Spanish Period (1521 to 1898)
2. “New Income through Generating means”
Halimbawa:
a. Acapulco Galleon Trade (1565 – 1815)
Pakikipagkalakalan sa pamamagitan ng paglalayag ng mga barko
(Galleon Trade) mula Manila hanggang Acapulco
Ang Galleon Trade ang nagbigay daan para sa pagdating ng silver
mula sa Nueva Castilla at silk galing sa China papuntang Manila.
Kinontrol ng mga Espanyol ang kalakalan kung saan hinawakan
nila ang pagbebenta ng mga produktong nabili sa Europe tulad ng
tabako at dahil ditto ay kumita sila ng malaki .
May ilang pamilyang Pilipino ang kumita sa Kalakalang Galleon.
Sila ang tinatawag na ilustrado.
Real situado 

- Ang salaping tinatanggap ng pamahalaang kolonyal


sa Pilipinas mula sa Mexico.
- Hindi ito tulong o perang binigay galing sa Mexico,
bagkus ay bahagi ito ng buwis mula sa kalakalang
galyon (Galleon Trade).
b. Naningil din sila ng espesyal na buwis sa mga Tsino na dumarating
sa Pilipinas at nangolekta rin sila ng buwis sa mga lisensiyadong
pahititan ng opyo (opium dens).
Spanish Period (1521 to 1898)
c. Polo Y Servicio (Forced Labor)
Sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang
pinagtatrabaho ang mga kalalakihang edad 16
hanggang 60.
Pinaggawa sila ng tulay, kalsada, simbahan,
gusaling pampahalaan at iba pa. Marami sa kanila ang
nahiwalay sa pamilya at namatay sa hirap.
Maaari rin namang hindi maglingkod ang isang
tao kung siya ay magbabayad ng falla (galing sa salitang
Espanyol na falta na ang ibig sabihin ay “pagliban” o
“pagkukulang”). Ang halaga ng falla ay isa't kalahating
real bawat araw sa loob ng 40 araw o 56 na reales.
Spanish Period (1521 to 1898)
3.Bandala
ang pagtatakda ng kota ng produktong kailangang
ipagbili ng mga mamamayan sa pamahalaan
Sa Gitnang Luzon, ang karaniwang bandala ay bigas;
Sa Tayabas at Camarines naman ito ay langis ng niyog
 Binuwag ang bandala noong 1782
4. Cedula. Noong 1884, ipinatupad naman ng
pamahalaang Espanyol ang cedula upang
palitan ang tributo.

1896-1897 Cedula Personal issued in San Fernando, La Union


1712 - 1864
5. Rentas estancadas o buwis sa ilang produkto tulad
ng alak ay ipinataw
6. Pinagkunan din ng kita ng pamahalaan ang
pagbibigay ng lisensiya sa mga bangka at baril
7. Buwis para sa relihiyon

a. diezos prediales o “ikapu” o tithe na binabayaran ng isang real


b. sanctorum para sa suporta sa simbahan
c. samboangan o donativo de Zamboanga na ang halaga ay
kalahating real
Maaari rin itong bayaran ng katumbas na halaga nito sa bigas
d. Mula 1660 hanggang 1851, sa Bulacan at Pampanga, tinawag
namang vinta ang buwis
Ginagamit ang salapi sa buwis na ito sa pagpapatayo ng mga
depensa laban sa mga Moro
Buod
Noong panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas, ang
pagpapataw ng pagbabayad ng tributo ay may
dalawang kadahilanan ayon sa perspektibo ng mga
dayuhan bilang:
 pagkilala sa kapangyarihan ng Espanya; at
kabayaran sa mga serbisyong ibinibigay ng mga
Espanyol sa ating mga ninuno
American Colonization Period
(1901-1935)
Ipinagpatuloy ng mga Amerikano ang pamamaraanng paniningil ng iba’t
ibang buwis na nasimulan noong panahon ng mga kastila.
Mayroong mga ginawang pagbabago kagaya ng pagpapalit sa cedula
personal sa isang peseta ($0.20) at pag-aalis ng monopolyo sa pagbili ng
opyo, sabungan at alak. Ang mga salaping kinukolekta ay inilalagay sa isang
pampublikong tesorero na pinangasiwaan ng kagawaran ng tesorero.
Halimbawa ng cedula
noong panahon ng mga
Americäno

1900 Certificate of Registration used by


the US Military Government in the
Philippines. (Melvin Lam Collection)
Japanese Period
(1941-1945)
Sinakop ng bansang Hapon ang
Pilipinas
Walang masyadong naibahagi sa
kasaysayan patungkol sa pagpataw
ng buwis sa mga Filipino
Ipinatupad ng mga Hapones na
paggamit sa bagong salaping papel
At ito ay tinawag nilang salaping
walang halaga o laruang papel o
Mickey Mouse Money
3rd Philippine Republic
(1946-to 1965)
Malayang Kalakalan (Free Trade)
 Patakarang Pang-ekonomiya
 Ang dalawang bansa (US at Pilipinas) o mahigit pa ay may kasunduan
hingil sa pagpasok at paglabas ng produktong inaangkat o imports at
mga Produktong iluluwas o exports sa kani-kanilang bansa na walang
taripa o anumang control.
ANG PAMAMAHALA NI
FERDINAND E. MARCOS (1965-1986)
Ang Unang Termino ng Pamahalaang Marcos
(1965-1969)
Sa kanyang unang termino, sinikap ni Pangulong
Marcos na mapabuti ang pananalapi ng bansa sa
pamamagitan ng pinag-ibayong pangongolekta ng
buwis, at pangungutang sa iba’t ibang dayuhang
institusyon ng pananalapi.
Corazon C. Aquino
1987-1996
Pag-apruba sa NATIONAL INTERNAL REVENUE CODE
OF THE PHILIPPINES signed on July 25, 1987
Pag-apruba sa Executive Order 273 na pinirmahan
niya noong July 1, 1988 bilang pagpapatupad sa
Value-Added Tax (VAT) Law kung saan pinapatawan
ng 10% ang mga produktong langis, de-lata; noodles
at iba pa
Pagpapatupad nga Expanded Value-Added tax (E-VAT) kung
saan pinalawak ang umiiral na VAT. Ang mga nasasakupan nito
ay ang mga sumusunod: Serbisyo ng mga restawran, hotels,
resorts, clubs, taxicabs, tourist buses at rent a car companies;
imported na karne; air freight, shipping at trucking; telepono,
radyo, telebisyon at telegraph; Property Rights; pamatay
peste; paggamit ng cable, tv, films, satellite transmission; at
Specialty feeds para sa mga race horses, fighting cocks,
aquarium fish.
1997-2017
Republic Act No. 8424
National Internal Revenue Code Of The Philippines [Tax Reform Act of 1997] as Amended
Republic Act No. 9504 June 17, 2008.
Amending RA 8424. AN ACT AMENDING SECTION 22, 24, 34, 35, 51,
RA 9337 or EVAT signed on May 11,2005 with 12% E-VAT
RA 10653 signed on February 12, 2015
An Act Adjusting The 13th Month Pay And Other Benefits Ceiling Excluded From The
Computation Of Gross Income For Purposes Of Income Taxation, Amending For The
Purpose Section 32(B), Chapter VI Of The National Internal Revenue Code Of 1997, As
Amended
Balangkas na nakapaloob sa NIRC
Uri ng Buwis
• Ayon sa Layunin
• Ayon sa kung Sino ang Nagbabayad ng Buwis
• Ayon sa Porsyento na Ipinapataw
Ayon sa Layunin
FISCAL O GENERAL
Buwis na ipinapataw upang kumita ang pamahalaan.
Halimbawa : sales tax, VAT (value added tax)
REGULATORY O SPECIAL TAX
 Ipinapataw upang maisaayos ang paggamit o
pagkonsumo ng produkro
Halimbawa : taripa sa inaangkat na produkto
Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis
TUWIRAN (direct)– ang nagbabayad ng buwis na ito ay hindi maaring ipasa
sa iba. Halimbawa:
Buwis sa Kita (Income Tax) – buwis sa taunang kita ng isang indibidwal o
kompanya
Buwis sa Pagsasalin ng Ari-arian – ibinabayad kapag isinalin ang ari-arian
o Donor’s Gift Tax
Buwis sa Lupa (Real Property Tax) – buwis sa lupa, gusali, makinarya at
iba pang dagdag na pagpapahusay sa isang pag-aari.
Buwis sa Premyo (WINNING) – 10% na buwis sa mga premyo sa mga
larong pustahan tulad ng loterya, karera, raffle, slot machine.
Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis
DI-TUWIRAN (indirect) – buwis na di tuwirang kinokolekta dahil
ipinapataw sa presyo ng produkto o serbisyo. Ito ay ipinapasa kung
hindi sa mamimili ay doon sa nagbebenta ng produkto.
Halimbawa:
Value Added Tax (VAT) – buwis para sa mga negosyo. Ipinapataw sa
iba’t ibang proseso na dinadaan ng mga produkto at serbisyo para
maging isang yaring produkto. Ito ay isang reporma sa pagbubuwis na
papalit sa mga percentage taxes na binabayaran ng mga negosyante.
Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis
EXCISE TAX - Buwis na ipinapataw sa lahat ng produktong kinokunsumo
sa loob ng Pilipinas, inaangkat man o gawa dito.
•SPECIFIC TAX - Buwis na batay sa bigat o bulto ng produktong naibenta.
Halimbawa : Tabako, sigarilyo, alak, fuel, naprosesong langis
•AD VALOREM TAX - Buwis na batay sa prosesong pambenta ng isang
produkto, kasama ang produktong panggatong.
PERCENTAGE TAX - Buwis na binabayaran ng mga prodyuser at prosesor
batay sa gross value (kabuuang halaga) ng benta mula sa pabrika at
bodega.
Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis
AMUSEMENT TAX (Buwis sa Paglilibang) - Buwis na ibinabayad ng mga may-ari ng casino, jai-
alai, sabungan, mga bahay- aliwan, sinehan at ipinapasa naman nila sa mga customer nila sa
pamamagitan ng singil sa entrada at mga serbisyo (entrance and service charge).
CATERER’S TAX - Buwis na 4% na ipinapataw sa gross sales (kabuuang kita) ng mga restawran at
mga kainan. 8% sa benta ng alak sa mga bar, 25% sa kainang malapit sa jai- alai fronton o
karerahan at 12% sa mga bahay aliwan (day or night club). Ang mga buwis na ito ay ipinapasa
naman sa mga customer sa pamamagitan ng pagsama ng mga buwis na ito sa kwenta ng singil o
chit.
HOTELS OPERATOR’S TAX (buwis sa hotel) - Ito ang 12% na buwis sa kita ng mga hotel, motel,
resthouse, lodging house, batay sa room occupancy o gamit ng mga silid.
ENERGY TAX (Buwis sa Enerhiya) - Buwis na binabayaran ng isang sambahayan o negosyo sa
bawat kilowatt-hour ng elektrisidad na kinonsumo.
Ayon sa Porsyento na Ipinapataw (Tax Rate)
PROPORTIONAL TAX - Tumutukoy sa takdang porsyento na ipinapataw sa
halaga ng ari-arian. Habang lumalaki ang halaga ng ari-arian, tumataas ang
halaga ng kabuuang buwis na masisingil. Halimbawa: P 100, 000.00 – ang
buwis ay P 10, 000.00 (10%).
PROGRESIBONG BUWIS (Pogressive Tax) – Habang lumalaki ang kita,
lumalaki rin ang porsyento ng buwis.
REGRESIBONG BUWIS (Regressive Tax) - Ito ay kabaliktaran ng Progressive
Tax, samakatwid, lumiliit ang porsyento ng buwis na babayaran habang
lumalaki ang kita.
Buwis ng kinokolekta ng Lokal na Pamahalaan (LGU)

RESIDENTIAL TAX o SEDULA – taunang ibinabayad ng lahat ng


residente ng Pilipinas mula edad 18 pataas
REAL PROPERTY TAX - taunang ibinabayad sa pagmamay-ari ng
mga lupain.
DOCUMENTARY STAMP TAX – excise tax para sa mga dokumento,
instruments loan agreements, commercial papers and on
assignments, sales and transfers of obligation at right or property
incident. Ito ay ipinapataw sa mga maker, signor, issuer, acceptor or
transfer.
2018 TRAIN Package
The Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) was signed into
law by President Rodrigo Duterte
With TRAIN, Filipinos have higher take-home pay but have to shell out
more for fuel, cars, tobacco, and sugar-sweetened drinks.
As for income taxes, lawmakers agreed to exempt from tax the first
P250,000 annual income of Filipinos, whether compensation earners
or self-employed, to increase their take-home pay starting last
January 1, 2018. This means those earning around P21,000 a month
would no longer need to pay income taxes.
Computation of Income Tax
Example: Annual salary = Php470,000.00
Tax Due = Php30,000 + 25% of the excess over Php400,000.00
= Php30,000 + 25% (Php470,000-Php400,000)
= Php30,000 + 25% (Php70,000)
= Php30,000 + Php17,500
= Php47,500
Sin Tax
The joint panel decided to increase the prices of tobacco by 2018.
Under the existing sin tax law passed in 2012, the tax for 2018
would be P31.20. But with the signing of the TRAIN into law, this
tax increased to P32.50 for the first 6 months of 2018 (January 1 to
June 30), then increased to P35 from July 1, 2018 to December 31,
2019.
A tax of P37.50 would be imposed from 2020 to 2021; P40 by
P2022 to P2023; and a 4% annual increase after that.
Fuel and sugar-sweetened drinks
To compensate for the loss of revenue, Congress decided to increase taxes on fuels such as gasoline, diesel,
and liquefied petroleum gas (LPG), among others. This means higher prices for such commodities.
Diesel, which had no tax, was imposed P2.50 per liter in 2018, P4.50 in 2019, and P6 in 2020.
LPG had a tax of P1 in 2018, P2 in 2019, and P3 in 2020.
For gasoline, from the tax of P4.35 per liter in 2017, was imposed a levy of P7 in 2018, P9 in 2019, and
P10 in 2020.
For 2018, aviation gas was taxed P4 per liter; asphalts P8 per kilogram; kerosene P3; naphtha P7; bunker
fuel P2.50; lubricating oil P8; paraffin wax P8; and petcoke P2.50.
All petroleum products used as input, feedstock, raw materials for petrochem, and refining or as
replacement fuel are tax-exempt.
Legislators also agreed to impose a tax of P6 per liter on drinks using sugar and artificial sweeteners and
P12 on drinks using high fructose corn syrup. Milk and instant coffee are exempted.
Pagbubuod:
Hindi maisasakatuparan ng pamahalaan ang napakarami nitong
gawaing pangkabuhayan kung walang pondong gagamitin. At
malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan ay nanggagaling sa buwis.
Ito ay ipinapataw ng pamahalaan sa mga ari-arian, tubo, kalakal,
serbisyo at iba pa. May mga operasyon sa negosyo at pagkonsumo ng
produkto at serbisyo na pinapatawan ng buwis. Ang pagpataw ng
buwis ay likas at lehitimong kapangyarihan ng pamahalaan,
pambansa man o lokal.
“life blood of the government”
Ang BIR (Bureau of Internal Revenue) at Bureau of Customs
ang dalawang pangunahing ahensya ng pamahalaan na may
kapangyarihan at tungkuling mangolekta ng buwis sa kinita, sa
importasyon, sa mana, sa regalo at iba pang butaw o multa.

You might also like