0% found this document useful (0 votes)
539 views11 pages

KASAYSAYAN

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1/ 11

Name: Alvin C. Rosanto Date: Nov.

14 2019
Student no.: 2019 - 10778 Prof. FSGJ
KAS 1 – (Section C)
TAKDA II

1. Ano ang nangyari sa mga sinaunang barangay sa pagtukoy ng kabisera at pagbuo ng mga
pueblo?

Sa pamamagitan ng reduccion, isang panukala ng mga Espanyol, inilipat sa isang lugar


ang mga kalat-kalat na barangay ng mga katutubong Pilipino upang ito ay mapagbuklod,
maisaayos at mabuo bilang isang pueblo. Alinsunod sa pagbuo ng mga pueblo, ang mga
pueblo ang naging basehan ng mga Espanyol upang ito ay magsilbing sentro o kabisera sa
isang partikular na lugar sa Pilipinas (Cushner: 1971: 101-126).

2. Ano ang kahulugan ng mga sumusunod ng mga salita: Recopilacion de leyes de los reynos de las
Indias, Consejo de Indias, at Patronato Real?

Ang Recopilacion de leyes de los reynos de las Indias ay kalipunan ng mga batas na inilimbag
noong 1680 sa ilalim ng pamumuno ni Haring Carlos II. Ito ay may apat na bolyum na
kinapapalooban ng koleksyon ng mga batas kaugnay sa Indies (Ferrer: 2005).
Ang Consejo de Indias ay ang kataas-taasang konseho na namamahala sa mga kolonya ng
Espanya. Ang konsehong ito ang nagpaptupad ng mga patakaran o batas para sa mga
bansang nasakop ng Espanya (Encyclopedia Britannica: 2019).
Ang Patronato Real ay isang anyo ng ugnayan ng Simbahan at Estado na kung saan ang
Estado ay gumanap bilang aktibong papel sa pamamahala at pagsuporta sa Simbahan.
Nagpapakita rin ito ng pagtangkilik sa Simbahang Katolika sa pamamagitan ng pagtakda sa
mga taong simbahan sa mga mahahalagang posisyon sa gobyerno, na siyang tumutuloy sa
paghahalo ng simbahan, pulitika, at ekonomiya (New Catholic Encyclopedia: 2019).

3. Ano ang encomienda? Paano ito nauugnay sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo?

Ang encomienda ay isang polisiyang pang-ekonomiya na itinakda ng pamahalaang Espanya,


sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legaspi. Ipinagkakatiwala ang mga lupain at ang mga
nakatira rito sa ilang mga opisyal na Espanyol na kung saan tutulong sila sa pagpapakalat ng
kulturang Espanyol, pagbibigay-proteksiyon at pagsingil ng tributo sa mga katutubo. Kalakip
din sa pagpakalat ng kulturang Espanyol ang pagpalaganap ng Katolisismo o kristiyanismo
dahil sa paraang ito mas maimpluwensiyan ang mga katutubong Pilipino at mas madali silang
ma sakop (Marvic: 2018).

4. Anu-ano ang mga papel na ginampanan ng mga sumusunod na kategorya sa istruktura at


hirarkiya ng pampulitika ng sistemang kolonyal: corregimiento, Rancheria, pueblo, alcaldia,
residencia, at visita?

Ang corregimiento ay tumutukoy sa mga lalawigang hindi pa lubusang nasasakop ng


Kastila. Pinamumunuan ito ng isang Corregidor - pinunong militar. Tungkulin nitong
maningil ng buwis, mapanatili ang kapayapaan, pagpahintulot ng kalakalan at pagsupil sa mga
naghihimagsik (Encyclopedia of Latin American History and Culture: 2019; Marquez &
Navarro: 1998).
Rancheria ang tawag ng mga Espanyol sa mga lugar na may watak-watak na
pamamahay na bumubuo ng isang pamayanan na kung saan tinitirhan ng mga tribu na hindi
tumatangkilik sa simbahang katoliko. Ito ay malayo sa pueblo at hindi sakop sa pamamahala
ng Espanyol (Mateo: 2004).
Samantala ang pueblo ay isang katagang Espanyol na ang ibig sabihin ay maliit na
bayan. Ito ay pinamumunuan ng isang gobernadorcillo. Tungkulin nitong mapanatili ng
kapayapaan, magpatupad ng batas at maningil ng buwis (Gomez: 1989).
Isang uri ng pamahalaang panlalawigan na payapa o kumikilala sa pamahalaang kastila
ay tinatawag na alcaldia. Ito ay pinamumunuan ng alcalde-mayor na may tungkuling maningil
ng buwis, magpahintulot ng kalakalan at mapanatili ang kapayapaan (Marquez & Navarro:
1998).
Ang Visita ay sikretong pag-imbestiga ng isang visitador sa mga gawain ng mga opisyal
ng kolonya. Ang visitador ay may kapangyarihang tanggalin, suspendihin o pagmultahin ang
mga mapang-abusong opisyal sa isang pamahalaan. Ang residencia naman ay hayagang
pagsisiyasat sa ginawa ng mga opisyal sa kanilang panahon ng panunungkulan. Layunin
nitong mas mapabuti ang pamamahala ng kolonya (Marquez & Navarro: 1998).

5. Anu-ano ang mga tungkuling ginampanan ng Gobernador General at ng Real Audiencia


sa pamamahala ng buong kolonya?

Gobernador General ang pinakamataas na pinuno ng pamhalaang kolonyal ng bansa.


Siya punong tagapangasiwa sa lahat ng tanggapan at mga gawaing pampamahalaan.
Ipinatutupad nito ang mga dekrito ng hari at mga batas mula sa Espanya (Sibey: 2009).
Ang Royal Audiencia ay nilikha ng isang dekrito ng Hari noong Mayo 5, 1583.
Binubuo ito ng gobernador-heneral bilang pangulo, tatlong oidores o mahistrado, at isang
piskal. Bukod sa tungkuling maghukom, tagapayo din ng gobernador-heneral. Ito rin ang
naghahanda ng ulat at kuwenta ng pamahalaan (Sibey: 2009).

6. Bakit dapat mapasailalim sa hurisdiksiyon ng Viceroy o Virrey ng Nueva España (Mexico)


ang pangangasiwa ng mga kolonya katulad sa Pilipinas?

Dahil si Viceroy Antonio de Mendoza ay masigasig na tumupad sa mga tungkulin na


ipinagkatiwala sa kanya ng Hari at hinikayat ang paggalugad ng mga bagong teritoryo ng
Espanya. Inatasan niya ang mga ekspedisyon ni Francisco Vázquez de Coronado sa
American Southwest noong 1540-1542, si Juan Rodríguez Cabrillo kasama ang kanlurang
baybayin ng Alta California noong 1542 hanggang 1543, at si Ruy López de Villalobos sa
mga Isla ng Pilipinas noong 1542 hanggang 1543. Noong ang mga lugar na ito ay kalaunan
nasakop, ito ay napasailalim sa kanyang hurisdiksiyon (Tuck: 2008).

7. Sinu-sino ang mga sumusunod at anu-ano ang mga tungkuling ginampanan nila sa
sistemang kolonyal: cabeza de barangay, gobernadorcillo, alcalde mayor, enconmendero, Corregidor,
cura-parroco?

Ang cabeza de barangay, kilala rin bilang Teniente del Bario ay ang pinuno at
tagapagpamahala ng barangay noong panahon ng kastila. Sila ang pumalit sa mga pinunong
datu at katumbas ngayon ng kapitan ng barangay. Marami ang katungkulan ng isang cabeza
de barangay kagaya ng pamahala sa mga nayon, tagakolekta ng mga buwis, at tagatipon ng
mga trabahador mula sa mga karaniwang tao para sa pamahalaang Espanyol (Scott: 1994;
Marquez & Navarro: 1998).
Gobernadorcill sila ang tawag sa punong bayan o kapitan. Ito ang pinakamataas na
katungkulan na pwedeng makamit ng isang Pilipino. Tungkulin nitong mapanatili ng
kapayapaan, magpatupad ng batas , maningil ng buwis at may kapangyarihang pumili ng
cabeza de barangay (Gomez: 1989).
Encomendero ang tawag namumuno sa isang encomienda. Tungkulin nilang sumingil
ng buwis, mangalaga sa kapakanan ng kanilang nasasakupan, panglagaan ang katahimikan at
kapayapaan, at ituro at ipalaganap ang Kristiyanismo (Marvic: 2018).
Cura-parroco o “parish priest” ang namamahala sa isang parokya. Hindi lamang sa
gawaing panrelihiyon ang naging tungkulin ng mga Cura, sila rin ang may hawak sa tala ng
binyag, kamatayan, titulo ng lupa at nagsasaayos sa mga bagay na itinuturing na di kanais-nais
o labag sa aral ng simbahan at patakaran ng pamahalaan (Marquez & Navarro: 1998; Sibey:
2009).

8. Paano nabuo ang principalia o mga principales bilang uring panlipunan sa ilalim ng
sistemang kolonyal?

Nabuo ang uring principalia mula sa mga dating datu at maharlika. Pinahintulutan ng
mga Espanyol na sila ay maging mga gobernadorcillo at cabeza de barangay at mamahala sa pueblo
o barangay. Nakuha ng mga Espanyol ang katapatan nila at ng kanilang mga angkan sa
pamamagitan ng hindi pagsingil ng tributo gayundin ang hindi pagpapatrabaho sa polo
(Tugano: 2015).
9. Anu-ano ang mga sumusunod: polo y servicios, tribute, vandala?

Ang polo y servicios ay ang sapilitang pagtatrabaho nang walang kabayaran na


ipinapalagay na paghahandog sa hari ng Espanya at sa Simbahang Katoliko. Sa sistemang ito,
ang lahat ng kalalakihan 16–60 taong gulang ay sapilitang pinaggagawa ng mabibigat na
trabaho para sa mga gawaing bayan tulad ng kalsada, simbahan, tulay, paaralan, mga gusaling
pampamahalaan at mga pampublikong gusali (Almario: 2015; Hisona: 2010).
Ang Tributo ay isang sistemang pagbubuwis na siyang pangunahing pinagkukunan
ng pondo o salapi ng mga Espanyol sa panahon ng pananakop nila sa Filipinas. Lahat ng
mamamayan ay obligadong magbayad ng kaukulang halaga sa pamahalaan upang maituring
na lehitimong sakop ng Hari ng Espanya, maliban na lamang sa mga gobernadorcillo, cabeza,
mga kalalakihang kabilang sa sandatahan, mga may sakit at baldado, mga walang sapat na ani
sa taon at mga mamamayang edad animnapu pataas. May dalawang uri ng tributo -
pagbabayad ng salapi, at pagbabayad ng pananim, kalakal o tanim (Almario: 2015; Hisona:
2010).
Hindi lamang sapilitang paggawa ang pinairal ng mga Kastila kundi sapilitang
pagbibili ng mga Pilipino sa kanilang produkto sa pamhalaan. Ang Vandala ay kota o takdang
dami at uri ng produkto ang kailangang ipagbili ng lalawigan. Kapag kulang ang aning
produkto, napipilitan ang mga Pilipino na bumili sa iba upang ipuno sa kakulangan.
Kadalasan ang halaga ng kanilang binila ay higit na mataas kaysa sa halagang ibabayad ng
pamahalaan. Kung minsaniinuutang pa ng pamahalaan ang bayad sa mga produkto at
kadalasan ay hind na binabayaran (Cruikshank: 2014; Hisona: 2010).
10. Sinu-sino ang mga sumusunod at anu-ano ang mga papel na ginampanan nila sa loob
kaayusang kolonyal: indio, sangley, mestizo-español, mestizo-sangley, criollos o insulares,
peninsulares?

Sa panahon na napasailalim ang Pilipinas sa mga Espanyol, nagkaroon ng iba’t ibang


antas ng katayuan sa lipunan. Ang mga Indio ang pinakamababang antas sa lahat. Sila ang mga
katutubong Pilipino na sapilitang nagtratrabaho at nagbabayad ng buwis para sa mga
Espanyol. Sangley ang tawag sa mga purong tsino na naninirahan dito sa Pilipinas. Sila ay mga
mangangalakal at mga artisan bago pa mapasailalim ang Pilipinas sa mga Espanyol. Mestizo-
español naman ang tawag sa mga Pilipinong may halong Espanyol. Mas maayos ang katayuan
nila kaysa sa mga indio sapagkat sila ay nagmamay-ari ng mga lupain at mayroong malakas na
koneksiyon sa mga Espanyol. Dahil dito, sila ay maaaring maging isang alcalde o ibang
mahalagang posisyon sa gobyerno o marahil isang insularyo na nais na palawakin ang
kapangyarihan at teritoryo. Mayroon din mga Pilipinong may halong Tsino na kung tawagin
ay mga mestizo-sangley. Karamihan sa kanila ay mga mangangalakal at mga mahusay na
artisano. Insulares o criollos ang ikalawa sa pinakamataas na antas ng katayuan sa lipunan. Sila
ay mga kastilang ipinanganak dito sa Pilipinas. Sila ay lubos na nakakatamasa sa lahat ng
oportunidad sa kahit anong posisyon sa gobyerno at simbahan. Peninsulares ang pinakamataas
na posisyon sa lipunan. Sila ay mga purong Espanyol na pinanganak sa Espanya. Sila ang
mga Espanyol na nanakop sa Pilipinas na sa kalaunan ay binayayaan ng malawak na lupa at
mataas na posisyon kagaya ng Gobernador-Heneral (Quimpo: 2012; Babuata & Nicolas:
2019).

Ikalawang Bahagi

1. Bakit nagging isa sa mga pangunahing dahilan ang Pitong TAong Digmaan (Seven Years
War) na namagitan sa Espanya, Pransiya at Inglatera sa pagpapatupad ng mga repormang
pang-ekonomiya ng mga Haring Bourbon sa Kolonya?
 Ang Pitong Taong Digmaan ay nagdulot ng paglugmok sa ekonomiya ng Pransiya
at sa imperyong kolonyal nito. Ang gobyerno ay gumastos ng malaking halaga ng
pera sa mga armas, sasakyan, at iba pang kagamitang pandigma. Subalit, ang mga
nakinabang ng mga ito ay hindi madaling patawan o kunan ng buwis. Sa
kadahilanang ito, ipinataw ng gobyerno ang buwis sa mga mahihirap na
mamamayan, na kalaunan ay sinundan na naman ng panibagong pang buwis
pagkatapos ng American Revolution. Sinira nito ang pananalapi ng Pransya, at
pinasimulan ang Rebolusyong Pranses dahil ang mga mamamayan ay maaari at
ayaw magbayad ng mas maraming buwis. Dahil dito, nagpatupad ng mga
repormang pang-ekonomiya ang mga Bourbon na kung tawagin ay Bourbon
Reforms (Harrison:2017).

2. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng Gobernador Heneral na si Don Jose


Basco y Vargas sa pagpapatupad ng mga repormang nilunsad ni Haring Carlos III ng
Espanya?
- Nagsilbing ika-44 gobernador-heneral na Español ng Filipinas si Jose Basco
y Vargas (Ho·sé Bás·ko i Vár·gas) mula Hulyo 1778 hanggang Nobyembre
1787. Hindi katulad ng mga naunang gobernador heneral, isinulong Basco
ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng kolonya. Sa kaniyang panunungkulan,
pormal na nahiwalay ang pamamalakad ng Filipinas sa Mexico. Naging
mahalaga ang papel ni Basco sa takbo ng ekonomiya ng bansa. Iginiit ng
gobernador-heneral na hindi na nararapat na maging tagapamagitan lamang
ng mga produktong mula China ang daungan ng mga galeon sa Maynila bago
dalhin sa Mexico. Ninais niyang magka- roon ng sariling kalakal ang Filipinas
at tumaas ang kita ng gobyernong kolonyal. Itinatag niya noong 1781
ang Sociedad Economica de los Amigos del Pais (Kapisanang
Pangkabuhayan ng mga Kaibigan ng Bansa) na nanguna sa mga gawain ukol
sa produktong maaaring isulong sa Filipinas. Maaalaala rin si Basco dahil sa
pagtatatag niya ng mga monopolyo, pangunahin ang monopolyo sa tabako.
Nakakuha siyá ng pahintulot ng Hari ukol dito noong 1780 at naipatupad
noong 1782. Kinontrol ng gobyerno ang pagtatanim, pagbili, at pagbebenta
ng tabako at noong 1808 ay kumita ng P500,000. Tumaas pa nang tumaas
ang tubò sa monopolyo. Gayunman, nagkaroon ito ng kaakibat na mga
korupsiyon at abuso kayâ ipinatigil din ng Hari noong 1881 (Almario:2015).

3. Anu-ano ang mga mithiin o layunin ng mga repormang pang-ekonomiya ng mga


Bourbon?
- Ang pangunahing layunin ng mga repormang Bourbon ay ang palakasin ang
pamamahala ng Espanya at kontrol nito sa mga pinanghahawakang mga
kolonyal na teritorya at ari-aria. Hinahangad itong makamit sa pamamagitan
ng sentralisasyon ng kapangyarihan ng estado sa pamamagitan ng isang serye
ng mga repormang pang-administratibo; pagtaas ng produksyon at kalakalan
sa loob ng mga kolonya; pagpapalaki ng mga kita na dumadaloy sa kaban ng
Espanya; at pagpapabagsak sa kapangyarihan ng mga kalaban at karibal ng
emperyo (Romano:2013).

4. Anu-ano ang mga sumusunod: Real Compania de Filipinas, Real sociedad economica de los
Amigos del Pais, el plan economico general?
- Ang pangunahing layunin ng Real Compania de Filipinas ay ang maitaguyod
ang mga relasyon na komersyal sa pagitan ng iba't ibang mga kolonya, at sa
pagitan din ng mga kolonya at Espanya; upang matustusan ang Maynila sa
mga produkto ng Europa, at, bilang kapalit, upang dalhin sa Espanya hindi
lamang ang mga produkto ng Pilipinas, kundi pati na rin ang paninda na
nagmula sa mga bansang Oriental. Ang Sociedades Económicas de Amigos
del País (Economic Societies of Friends of the Country) ay mga pribadong
asosasyon na itinatag sa iba't ibang lungsod sa buong Paliwanag ng Espanya,
at sa mas mababang degree sa ilan sa mga teritoryo sa ibayong dagat ng
Espanya (Pilipinas, Puerto Rico, Cuba, Guatemala, Chile, Venezuela, Mexico,
at iba pa). Ang Sociedades Económicas ay itinatag bilang bahagi ng isang
kilusan upang pasiglahin ang pang-ekonomiya at intelektuwal na pag-unlad
ng Espanya. Kinikilala ng Maraming Espanyol na ang Spain ay nahuhuli sa
likod ng iba pang mga European na estado at hinahangad upang palaganapin
at ilapat ang mga prinsipyo ng Paliwanag. Ang el plan economico general o
the general economic plan naman ay ang pagpapalago sa ekonomiya ng
Espanya at mga kolonya nito sa pamamagitan ng kalakalan. Dahil dito, nabuo
ang kalakalang Galyon. Ang Kalakalang Galyon ay naging monopolyong
kalakalan na ang nangasiwa ay ang pamahalaan. Ito ay bilang pagsunod sa
utos ng hari ng Espanya. Ang kautusang ito’y isinagawa upang protektahan
ang mga mangangalakal na Kastila sa Cadiz at Seville na humina ang negosyo
nang mga panahong iton. Mula 1583 yaon lamang mga sasakyang-dagat ang
makapagdadala ng mga produkto sa Pilipinas patungong Mexico at pabalik
sa Pilipinas. Nagtakda pa ang kota na halagang P250,000 ang mga
produktong mailuluwas ng mga mangangalakal sa Acapulco, Mexico. Yaon
namang mga produktong maipapasok sa Mexico ay pinatwan ng taripa. Ang
mga produktong maaaring ipadala sa Maynila mula sa Mexico ay
nagkakahalaga ng P500,000 (Comia:2019).

5. Sinu-sino sina Simon de Anda y Salazar, Francisco Leandro de Viana, Tomas de


Comyn? Ano ang papel na ginampanan nila sa paghubog ng mgapatakarang pang-
ekonomiya ng kolonya?
- Si Simon de Anda ay ipinadala ng Espanya bilang isang gobernador ng
kolonya sa mga Pilipino noong 1770 sa panahon na kung saan ang
kolonyalismo ay pangkalahatang nakilala sa mga pang-aabuso, pang-aapi, at
pagsasamantala ng kolonyal na masa, si Simon de Anda sa kabilang banda ay
ipinagtanggol ang mga Pilipino mula sa mga kawalang-katarungan at
despotismo. Nagpadala siya ng sulat sa hari ng Espanya tungkol sa mga
pagmamalabis ng mga prayle sa Pilipinas. Dahil dito, inatasan siyang bumalik
sa Pilipinas upang sugpuin ang korupsyon na nagaganap sa Kolonya at
maibalik ang dignidad ng Espanya. Dahil dito, nagpatupad ang Espanya ng
reporma ukol sa pamamalakad ng mga ari-arian ng mga prayle. Francisco
Leandro de Viana — isang matalino na ekonomista na sumali sa Royal
Economic Society of the Friends of the Country — ay nagsabi na dahil sa
malayong lokasyon ng Pilipinas, dapat isagawa ang mga reporma sa
ekonomiya upang matiyak na ang kolonya ay maaaring makatayo sa mga
panlabas na banta sa sarili nitong. itinuro ni Viana kung paano nalalamangan
ng Ingles ang kolonya dahil sa estratehikong posisyon nito bilang lagusan sa
Asya. Sa puntong iyon, iminungkahi niya ang mga reporma kung saan kasama
ngunit hindi limitado sa pagpapaalam sa Pilipinas na direktang dalhin ang
mga kalakal nito sa Espanya sa halip na ipadaan sa Mexico at pagsasanay ng
mga katutubo sa maayos na kasanayang pang-ekonomiya. Si Tomas de
Comyn ay isang manunulat na nag akda ng “The State of the Philippines in
1810”. Nakapaloob sa sulating ito ang ekonomikal na estado ng Pilipinas.
Nakapaloob rito ang iba’t-ibang produkto na mayroon amg Pilipinas at kung
paano ito makakatulong o makakalakal sa mga banyagang bansa. Nakapaloob
rin dito ang iba’t-ibang rekados na mayroon ang Pilipinas. Tinalakay rito kung
paano mapapalago ang pagtatanim ng mga rekados na ito. Isiniwalat rin ni de
Comyn ang pangangailangan ng pagsasanay at karagdagang kaalaman ng mga
Pilipino sa ekonomiya. Isiniwalat rin dito ang mga anomaliya at korupsyon
na nagaganap sa Pilipinas. Dahil sa akdang ito ni de Comyn, nakapag patupad
ang Espanya ng mga reporma na nagbigay solusyon sa mga problema na
kinakaharap ng kolonya batay sa isinulat ni de Comyn. Nagbigay kaalaman
rin ito sa mga Espanyol sa kung paano mas papalaguin at magagamit ang mga
produkto na naaangkat nila sa Pilipinas (Jagor:2018).
6. Anu-ano ang iba’t ibang kahulugan ng hacienda? Paano ang mga ito naiiba sa
encomienda?
- Ang isang hacienda sa mga kolonya ng Imperyong Espanya, ay isang estate
(o finca), na katulad ng isang Roman latifundium. Ang ilang mga asyenda ay
mga plantasyon, minahan o pabrika. Maraming mga haciendas ang pinagsama
ang mga aktibidad na ito. Ang salita ay nagmula sa salitang Espanyol na
"hacer" o "haciendo", na nangangahulugang: gumawa, at higit sa lahat ang
mga negosyo sa negosyo na binubuo ng iba't ibang mga pakikipagsapalaran
ng pera kasama na ang pagpapalaki ng mga hayop sa sakahan at pagpapanatili
ng mga orchards. Ang terminong hacienda ay hindi wasto, ngunit karaniwang
tumutukoy sa mga lupain na mga estadong may malaking sukat. Ang salitang
encomienda ay hinango mula sa Sp. encomendar na nangangahulugang
ipagkatiwala, upang gumawa, maningil na mula naman sa Lat. in- at
obsoletong Sp. comendar na hango naman sa Lat. Commendare. Layunin
sana ng sistemang encomienda na organisahin ang kolonya at turuan ng
doktrinang Katoliko ang mga katutubo ngunit nang lumaon ay ito ang naging
dahilan ng pagmamalabis at pang-aabuso sa kanilang mga karapatan. Ito rin
ang naging hudyat upang samsamin ang mga lupain mula sa mga katutubo at
magpataw ng mataas na buwis pagkatapos na nagbunsod ng pang-aalipin sa
kanila. Sa simula rin ay iginagawad ito bilang isang pribilehiyong
panghabambuhay ngunit nang lumaon ay maaring manahin sa pamamagitan
ng kautusang mula sa Hari ng Espanya na nagpapalawig dito sa dalawang
termino (Rillon:2017).

7. Paano nagsimula ang sistemang inquilino, ang friar estates o pagmamay-ari ng mga
prayle ng mga lupa?
- Ang mga inquilino sa Pilipinas ang nagpapaupa o nagbebenta ng mga lupang
ibinenta sa kanila ng prayle. Sila rin ang nagsisilbing tagapamahala ng mga
lupaing pagmamaayari ng mga prayle at mamamayan. Ang inquilino system
in the Philippines ay nagdulot ng pananamantala sa pagpapatakbo ng mga
lupain. Ang sistemang ito ang naging dahilan upang mas malaki ang kita ng
inquilino kesa sa mga magsasaka. Nagkaroon ng mga lupain ang mga prayle
dahil sa mga tributo o alay na ibinibigay sa kanila ng mga mamamayan upang
mas mapalapit sa Diyos. Nagsisilbi ring kabayaran sa mga utang mula sa mga
prayle ang mga lupain at hacienda. Pag hindi nakakabayad and mga
mamamayan sa kanilang utang, ibinebenta nila ang kanilang lupain bilang
pambayad sa mga prayle. Nagsisilbi ring pambayad ng buwis sa mga prayle
ang mga lupaing ito (De leon:2015).

8. Anu-ano ang naisakatuparan ng pagtatag ng mga monopoly katulad ng tobacco


monopoly sa pangkalahatang kondisyong pang-ekonomiya ng kolonya?
- Ayon kay Basco (2016), maraming naging epekto ang monopolyo ng tabako
ni Gobernador-Heneral Jose Basco. Ito ay ang: POSITIBONG EPEKTO
;Tumaas ang ating ekonomiya; Maraming bansa ang nakipag kalakal sa atin
para sa tabako; Nakilala tayo bilang "Land of Tobacco" dahil sa pag import
natin ng mataas na uri ng tabako.
NEGATIBONG EPEKTO; Nagkaroon ng matinding taggutom dahil ang mga
magsasaka ay tanging tinatanim lamang ay ang tabako; Maraming namatay
dahil sa taggutom dahil sa Monopolyo sa Tabako; Maraming mga magsasaka
ang nag alsa dahil sa paraan ni Gobernador-Henaral Jose Basco.

9. Bakit nagdesisyon ang Espanya na makilahok ang kaniyang kolonya sa pandaigdigang


komersiyo?
- Naniniwala ang mga Kanluranin na kapag mas marami ang kolonya, mas
makapangyarihan at maimpluwemsiya ang bansa. Upang mas yumaman ang
Espanya sa pamamagitan ng pagkakarroon ng ginto at pilak, nagbukas ito sa
pandaigdigang komersyo. Maari itong tawaging merkantelismo. Ang
merkantilismo ay sistemang pang-ekonomiya na naghahangad ng
pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kapangyarihan at
kayamanan. Ito ay lumaganap sa Europa na kung saan noong panahong
iyon, mas naging mahalaga ang pera o salapi na bilang tanda ng
kapangyarihan kaysa sa pag-aari ng ng lupa. Ang mga bansang sumunod sa
sistemang ito ay higit na mas marami ang iniluluwas na produkto kaysa
inangkat na produkto sa mga bansang kolonya o sinakop nito
(Rondina:2012).

10. Anu-ano ang mga daungan sa kolonya ang binuksan para sa pandaigdigang
komersiyo at ang mga papel na ginampanan nila sa pag-unlad ng ekonomiya ng kani-
kanilang rehiyon?
- Taong 1834 ng hayagang binuksan ang Maynila para sa pandaigdigang
kalakalan. Binuksan din and daungan ng Sual, Iloilo, Zamboanga, at ng
sumunod na taon ay Cebu. Dahil dito, umunlad ang ating produktong
panluwas at tumaas ang kapital ng bansa. Pinaigi ang teknolphiya sa pagsasaka
at mas rumami ang aning produkto ng mga magsasaka. Ang bilang ng mga
may-ari ng lupain, negosyante, at mangangalakal ay dumami rin. Gumanda
ang transportasyon at komunikasyon kaya’t mas bumilis ang pagkilos ng
produkto. Ang ganitong pagbabago sa kalakalan ay nagbigay daan rin upang
mas madalas na magkita at magkakilala ang mga tao. Dahil rito, mas namulat
ang mga Pilipino sa kanilang kalagayan kaiba sa tinuturo sa kanila ng mga
prayle at mga Kastila. Nagkaroon ng liberal na pag iisip ang mga Pilipino
dahil sa mga aklat, lathalain, pahayagan, at mga bagong ideya mula sa Europa
at Estados Unidos. Dahil rito, sumigla ang pagnanasa ng mga Pilipino sa
paghingi ng pagbabago sa reporma (Maycong:2016).

11. Anu-anong pagbabagong pang-ekonomiya ang naihatid ng pandaigdigang komersiyo


sa kolonya?
- Ayon kay Go (2014), nagkaroon ng mabuting epekto ang pagbubukas ng
daungan ng bansa sa pandaigdigang kalakalan narito ang mga sumusunod na
mabuting epekto nito sa ating bansa: Umunlad ang turismo dahil sa pagpunta
ng mga dayuhan; Naging mas madali ang paglabas at pagpasok ng mga
kalakal ng mga negosyante sa ating bansa; Naging mabilis ang pagalis at
pagbalik ng nga mangingisda; Naging tanyag ang produkto natin sa ibang
bansa; Napalawak ang pamilihan kung saan mas marami ng produkto ang
pagpipilian.
Noong mga Huling bahagi ng ikalabinsyam na siglo ay binuksan ng mga espanyol
ang maynila sa pandaigdigang kalakalan na nakapagdudulot ng maraming
pagbabago sa ating buhay ng mga Pilipino tulad ng mga sumusunod:
Dumami ang mga bangkong nagpapaputang sa mga negosyanteng Pilipino sa
Maynila; Pinabilis ang transportasyon para maayos na pagdadala sa lugar ng
bansa; Nakilala ang Pilipinas bilang top exporter na ilang produkto tulad ng
abaka, tabako, at tubo.
Sanggunian:

Almario, E. (2015). Basco, Jose Y Vargas. In V. Sagisag Kultura(Vol 1). Manila: National
Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/basco-jose-y-vargas/.
Babuata, C. and Nicolas C. (2019). Spanish born in Insular areas. Retrieved from
https://www.guampedia.com/insulares/
Basco, J. (2016). Ano ang Naging Epekto ng Monopolyo ng Tobacco. Retrieved from
https://brainly.ph/question/515798
Comia, V. (2019). Today in Philippine History. Retrieved from
https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1612/today-in-philippine-history.
De leon, M. (2015). Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng mga Espanyol. Retrieved
from https://www.slideshare.net/mobile/mariavictoriaobar/pamumuhay-ng-mga-
pilipino-sa- panahon-ng-espanyol.
Go, B. (2014). Epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdigang
kalakalan. Retrieved from https://brainly.ph/question/639151
Harrison, A. (2017). How did the Seven Years War affect France’s Economy? Retrieved
from https://www.quora.com/How-did-the-Seven-Years-War-affect-Frances-economy.
Jagor, J. (2018). How Spain “Almost” Abandoned Philippines in 1765. Retrieved from
https://filipiknow.net/spain-almost-abandoned-the-philippines/
Maycong, M. (2016). Pag usbong ng Liberal na Ideya. Retrieved from
https://www.slideshare.net/mobile/MariaLuisaMaycong/pagusbong-ng-liberal-na-
ideya
Rillon, B. (2017). Systemang Encomienda at Hacienda. Retrieved from
https://www.slideshare.net/mobile/billyreyrillon/systemang-encomienda-at-
hacienda.
Romano, J. (2013). Bourbon Reforms in Latin America. Retrieved from
http://historyworldsome.blogspot.com/2013/11/bourbon-reforms-in-latin-
america.html?m=1.
Rondina, O. (2012). Ano ang Merkantelismo. Retrieved from
https://brainly.ph/question/284179
Cushner, Nicholas H. Spain in the Philippines: From Conquest to Revolution. Quezon
City: Ateneo de Manila University Press, 1971. pp 101-126
Rafael, Vicente L. Contracting Colonialism. Translation and Christian Conversion in
Tagalog Society under Early Spanish Rule. Quezon City: Ateneo de Manila
University Press, 1988. pp 146- 154

Ferrer, A. S. (2005). Reduccion sa Bohol sa Dantaon 16 hanggang 19: Katangian at Anyo.


Philippine Social Science Review, 57 (1-4), 89-144. Retrieved from
https://journals.upd.edu.ph/index.php/pssr/article/view/1960
"Patronato Real ." New Catholic Encyclopedia . . Retrieved November 07, 2019 from
Encyclopedia.com: https://www.encyclopedia.com/religion/encyclopedias-
almanacs- transcripts-and-maps/patronato-real
Cushner, Nicholas H. Spain in the Philippines: From Conquest to Revolution. Quezon City:
Ateneo de Manila University Press, 1971. pp 101-126
Rafael, Vicente L. (1988) Contracting Colonialism. Translation and Christian Conversion in
Tagalog Society under Early Spanish Rule. Quezon City: Ateneo de Manila University
Press,. pp 146- 154
Marvic, J. M. (January 03 2018). Dalawang Uri Ng Encomienda. Retrieved
from https://www.marvicrm.com/2018/01/dalawang-uri-ng-encomienda
"Corregidor ." Encyclopedia of Latin American History and Culture . . Retrieved
November 04, 2019 from Encyclopedia.com:
https://www.encyclopedia.com/humanities/encyclopedias- almanacs-transcripts-and-
maps/corregidor
Mateo, G. E. (2004). A history of Ilocos: a story of the regionalization of Spanish
colonialism. Retrieved from http://hdl.handle.net/10125/11655

Marquez, O. and Navarro, R. (1988). COMPILATION Of COLONIAL SPANISH


TERMS And DOCUMENT RELATED PHRASES 2nd edition. CA: Midway City.

Gomez, L. A. (1989). The Structure of Pueblos de Indios in the Philippines During the
Spanish Colonial Period. Retrieved from
https://www.academia.edu/8700440/The_structure_of_pueblos_de_indios_in_the_Philip
pines_during_the_Spanish_colonial_period

Aiton, A. Scott. (1927). Antonio de Mendoza, first Viceroy of New Spain. Duham N.C.:
Duke University Press.

Tuck, J. (2008). The first and the best: Viceroy Antonio de Mendoza. Retrieved from
https://www.mexconnect.com/articles/295-the-first-and-the-best-viceroy-antonio-de-
mendoza

Hisona, H. (2010). The Forced Labor and Tribute of the Filipinos During Spanish
Period. Retrieved from https://ezinearticles.com/?The- Forced-Labor-and-Tribute-
of-the-Filipinos-During-Spanish- Period&id=5620267

Almario, V. (2015). Pag-aalsa sa Cavite. Retrieved from


https://philippineculturaleducation.com.ph/pag-aalsa-sa-cavite/

Cruikshank, B. (2014). Gaming the System: The Tribute System in the Spanish
Philippines, 1565-1884. Retrieved from
https://www.academia.edu/9452177/Gaming_the_System_The_Tri
bute_System_in_the_Spanish_Philippines_1565-1884

Quimpo, N. G. (2012). Colonial Name, Colonial Mentality and Ethnocentrism. Retrieved


from http://cpcabrisbane.org/Kasama/2003/V17n3/ColonialName.htm

You might also like