Araling Panlipunan 4q Week 2
Araling Panlipunan 4q Week 2
Araling Panlipunan 4q Week 2
PANLIPUNAN
WEEK 2
3 QUARTER
rd
Pagbabagong Pang-
ekonomiya sa Ilalim
ng Kolonyalismong
Espanyol
Galyon- isang sasakyang
pandagat na naging
tanyag na simbolo ng
pagbabago sa kalagayang
pang-ekonomiko sa
Pilipinas noong panahon
ng kolonyalismo
Ito ang pangunahing
barkong pangkalakalan na
lumayag sa mga karagatan
sa daigdig upang
humango ng mga
natatanging produkto mula
sa Asya patungo sa mga
kanluraning bansa.
Ang pagbagtas ng
naturang barko sa
daigdig ay nag-udyok
ng palitan ng kaalaman,
karunungan, lahi at
maging mga
karamdaman.
Barter- pakikipagpalitan
ng isang ani o produkto
para sa ibang uri ng ani
o produkto na kailangan
ng bawat panig
Listahan ng mga
patakarang ekonomiko sa
panahon ng pamamahala
ng Espanyol
1. Magbabayad ka ng
buwis upang gamitin
sa pagpapagawa ng
mga kalsada at
gusaling
pampamahalaan
2. Kinakailangang
ipagbili ang iyong
naaning palay sa
pamahalaan sa mas
mababang presyo
3. Maglilingkod ka sa
pamahalaan sa
pamamgitan ng
paggawa ng mga tulay
at kalsada nang
walang kaukulang
bayad
4. Tuturuan ka ng
makabagong paraan
ng pagsasaka,
pangingisda,
pagmimina at mga
gawaing metal
5. Mapipilitan kang
palitan ang
pagtatanim mo ng
palay dahil nais ng
pamahalaan na
tabako ang iyong
itatanim
Mga tanong:
1. Anong patakarang
pang-ekonomiya ang sa
iyong palagay ay
mabuting isagawa?
Hindi mabuting
isagawa?
2. Bakit nararapat at
hindi nararapat ang
pagpapatupad ng
mga nabanggit na
patakarang
ekonomiko?
3. Ano ang maaaring
maging epekto ng
mga patakarang ito
sa pamumuhay ng
iyong kapuwa
Filipino?
Ikalawang
araw
Mga Pagbabagong
Pang-ekonomiya sa
Kolonyalismong
Espanyol
Patakarang
Ekonomiko
1. Encomienda
2. Tributo
3. Bandala
4. Polo y servicio
5. Patakaran sa
Agrikultura
6. Kalakalang
Galyon
Programa sa
panahon ni Basco
1. Real Sociedad
Economica de
Amigos del Pais
2. Pag-unlad ng
sistema ng
Transportasyon
at
Komunikasyon
3. Pagtatatag
ng mga
Bangko
Merkantilismo-
teoryang tumutukoy
na ang
kapangyarihan ng
isang bansa ay batay
sa kayamanan nito
reales- yunit ng
pananalapi na
ginamit ng Spain
mula ika -14 na
siglo
Ang salitang “ real”
ay
nangangahulugang
“marangal” sa
wikang Espanyol
escudo- (1864)
yunit ng
pananalapi na
ginamit ng Spain
peseta- (1868)
yunit ng
pananalapi na
ginamit ng Spain
Tributo- sistema
ng pagbubuwis
Ito ay nasa anyong salapi o
katumbas na halaga nito sa
produkto tulad ng palay, bulak,
manok, ginto, tela o anumang
tampok na produkto ng partikular
na lalawigan o rehiyon.
Ginamit ang tributo sa
pagpapatayo ng mga moog,
kuta, galera, at iba pang
gusaling pandepensa bilang
paraan ng pagpapalakas ng
seguridad ng kolonya.
Ang tributo rin ang ginamit
upang matustusan ang mga
gastusin at pangangailangan
ng Pilipinas bilang isang
kolonya ng Spain.
Gobernador-Heneral Pedro
Bravo de Acuna- (1604)
ipinatupad ang dalawang
paraan ng pagbabayad ng
tributo
Una- ang mga katutubo ay
magbabayad ng kalahating halaga
ng tributo sa anyong salapi sa
pamamagitan ng pagbebenta ng
ilang bahagi ng kanilang ari sa
mga mangangakal na Tsino
Pangalawa-ang natirang
halaga ay kanilang
babayaran ng katumbas
ng ani o produkto
Gobernador-Heneral Juan
Nino de Tabora (1626-
1632)- Ipinagbawal ang
pagbabayad ng salapi.
Hinikayat niya ang mga
mamamayan na paghusayin ang
kanilang pagsasaka upang tumaas
ang kanilang ani na siyang
pambayad sa pamahalaan
Iba pang uri
ng Pagbubuwis
1. Donativo de Zamboanga o
Samboangan-nagkakahalaga ng
kalahating reales o katumbas na
halaga nito sa palay na sinisingil
sa mga taga Zamboanga upang
masupil ang mga Moro.
2. Vinta- buwis na siningil sa
mga naninirahan malapit sa mga
pampang ng Bulacan at
Pampanga bilang tulong sa
pagdepensa sa bantang
pananalakay dito ng mga Muslim
Ang Vinta ay katawagan
din sa mga bangkang may
makulay na layag sa Sulu
at sa sayaw ng mga Moro.
3. Falua- buwis na
siningil sa mga taga-
Camarines Sur, Cebu,
Misamis at kratig
lalawigan
1884-pinalitan ang
sistemang tributo ng
cedula personal
cedula personal- isang
kapirasong papel na katumbas
ng pagkakakilanlan bilang
mamamayan ng isang lalawigan
Ang bawat mamamayan
edad 18 pataas ay
kinakailangang magbayad
ng cedula.
Ikatlong
Araw
polo y servicio-
patakaran ng
sapilitang paggawa
Ang lahat ng kalalakihan sa
kolonya na may edad 16
hanggang 60 taong gulang ay
kinkailangang magtrabaho sa
loob ng 40 araw.
Pwersahang pinalahok ang mga
Filipino sa iba`t ibang mabibigat
na trabaho tulad ng pagtatayo ng
mga imprastruktura, pagtrotroso
at paggawa ng barkong
pangkalakalan ng galyon.
1884- napaikli ng
15 araw ang pagta
trabaho ng mga
polista
Polista- tawag sa
mga manggagawa
sa polo
Pribilehiyong
dapat matanggap
ng Polista
-bawat polista ay
makatatanggap ng ¼
reales at bigas araw-
araw
-ang mga polista ay
hindi dapat ipadala sa
lugar na malayo sa
kanilang tahanan at
pamilya
-hindi dapat isagawa ang
polo tuwing panahon ng
pagtatanim at pag-aani
Falla o katumbas na halaga
ng sapilitang paggawa-
ibinabayad ng polista upang
malibre sa paglilingkod
Juan Sumuroy (1649)-
nanguna sa pag-aalsa na
isinagawa ng mga Filipino
upang wakasan ang polo
Tungkol saan ang
polo y servicio?
Sistemang Bandala-
sapilitang pagbili ng
pamahalaan ng ani
ng mga magsasaka
May takdang dami ng
mga produkto na dapat
ipagbili sa pamahalaan
ang bawat lalawigan.
Pinaghatian ng mga
bayan ang kabuuang dami
o halaga ng ani na
itinakda sa lalawigan.
Promisory Note-
ibinabayad ng pamahalaan
sa mga magsasaka kapalit
ng produkto
Kalimitang hindi napalitan
ng katumbas na halaga ang
mga papel na ito sapagkat
walang pondong pambayad
ang pamahalaan.
Dahil dito, nawalan ng kita
at nalugi ang mga
mamamayan.
1782- Ipinatigil
ang pagpapatupad
ng bandala
Ano ang pagkakaiba
ng tributo sa
bandala?
Ika-apat na
araw
Mga patakaran
sa Agrikultura
1. pagbawi sa mga lupang
pansakahan na hindi
nagbunga ng sapat na
ani
2. Pagtuturo ng
makabagong paraan ng
pagsasaka, pangingisda,
pagmimina, at mga
gawaing metal
3. pag-papaalaga sa
bawat pamilya nang hindi
bababa sa 12 manok at
isang inahing baboy
Ipinakilala ng mga
Espanyol sa mga Filipino
ang mga bagong uri ng
halaman, hayop at
industriya.
Kabilang dito ang mga
halamang cacao, sitaw,
kape, mais, mani, tubo,
tabako at trigo.
Pag-aalaga ng baka,
kabayo, pato, bibe,
tupa, gansa, at
pabo.
Natuto rin ang mga Filipino ng
mga bagong industriya tulad ng
paggawa ng tisa, sabon, alak,
pag-aalaga ng baka, paghahabi ng
sombrero at paggawa ng tina
mula sa indigo.
Kalakalang
Galyon
Tinawag ang kalakalang ito
na”galyon” sapagkat ginamit
na sasakyang pandagat sa
pagpapalitan ng produkto ay
ang mga barkong galyon.
Kilala rin ang naturang kalakalan
bilang “Kalakalang Maynila-
Acapulco”dahil sa rutang tinahak
ng mga galyon mula Maynila sa
Pilipinas at Acapulco sa Mexico
at balikan.
Ang mga kalahok sa kalakalang
galyon ay binigyan ng boleta o
tiket na nagpapahintulot sa kanila
na magsakay ng kalakal sa
galyon.
Ang bawat boleta ay
nagkakahalaga ng 200
hanggang 250 piso at
katumbas ng isang silid o
bodega sa loob ng barko.
1815- ipinatigil ang
kalakalang galyon dahil
napabayaan ng pamahalaan
ang mahahalagang produktong
pang-agrikultura gayundin ang
iba pang industriya sa bansa.
Tungkol saan ang kalakalang
galyon?
Programang Pang-
ekonomiya sa
panahon ni Jose
Basco
1778- dumating ang
bagong itinalagang
gobernador-heneral na si
Jose Basco y Vargas
Mga programang
ekonomiko ng
Pilipinas sa panahon
ni Basco
1. Real Sociedad Economica
de los Amigos del Pais
2. Monopolyo ng tabako
3. Real Compania de Filipinas
1781- itinatag ang samahang
Royal Sociedad Economica de
los Amigos del Pais- (Royal
Economic Society of Friends
of the Country)
Kinabilangan ito ng mga
negosyante at propesyunal na
naglayong pataasin ang
produksiyon sa agrikultura at
industriya at mapasigla ang
kalakalan sa bansa
1787- panandaliang natigil
ang operasyon ng Real
Sociedad at tuluyang nagsara
sa gitna ng dekada 1890
Ano ang programang
isinagawa ni
Gobernador-Heneral
Basco?
Ikalimang araw
Monopolyo sa
Tabako
Marso 1, 1782-
itinatag ang
monopolyo sa tabako
Isinagawa ito sa mga
kasalukuyang lalawigan ng
Cagayan, Ilocos, Nueva
Ecija Pampanga, at La
Union
May monopolyo sa isang
produkto o serbisyo kung ito
ay eksklusibong kontrolado ng
isang kompanya o pangkat ng
kompanya o tao.
Gobernador-Heneral
Fernando Primo de Vera-
nagwakas sa monopolyo ng
tabako pagkaraan ng 100
years
1883- itinatag ang La
Insular Cigar and Cigarette
Factory , ito ang naging
pangunahing tagapagluwas ng
sigarilyo sa Pilipinas
patungong US at England
Real Compania de
Filipinas
(Royal Company of the
Philippines)
Marso 10, 1785- Itinatag
ang Real Compania de
Filipinas sa pag-uutos ni
Haring Carlos III
Hangarin ng kompanya na
paunlarin ang agrikultura at
industriya ng kolonya,
pagpapalakas ng kalakalang
panlabas ng Pilipinas at Spain.
1834- pinahinto ang
operasyon ng Real Compania
de Filipinas dahil sa mahinang
pangangasiwa at pagkalugi
PAGBUKAS NG
MGA DAUNGAN NG
PILIPINAS
1834- binuksan ang
daungan ng Maynila
sa kalakalang
pandaigdig
1855-binuksan din ang
mga daungan ng Sual sa
Pangasinan, Ilo-ilo at
Zamboanga
1860-binuksan din ang
mga daungan sa Cebu
1873- Tacloban at
Legazpi
Dahil sa pagbubukas ng
ilang bahagi ng bansa
paras a pakikipagpalitan
ng produkto sa ibang
bansa, maraming dayuhan
tulad ng mga English,
French, at German ang
nagtayo ng mga bahay-
kalakal sa iba`t -ibang
bahagi ng Pilipinas.
SAM
CHRIZ- LHEIMARK
AARON- VERLENE
EDWARD- MIGUEL
JERLYN ETHAN
ALZEAH
EDZEL
AJ
PRECIOUS
JENNY-
PRINCES
REYLIE-
ASHLEY
JAMAICO-
HONEY
VNCENT
JAMELLA
Sistema ng
Transportasyon
at Komunikasyon
1846- itinayo ang
unang parola sa
Pilipinas sa bungad
ng Pasig River
Tranvia- cable cars o
sasakyang de kable
na pinaaandar ng
kuryente
1892- napasimula ang
paggamit ng tranvia sa
ilalim ng Compania de
los Tranvias de Filipinas
Puente Colgante-
(Kasalukuyang Quezon
Bridge)Kauna-unahang
suspension bridge
Gustave Eiffel-nagdisenyo
ng suspension bridge at
siya rin ang nagdisenyo sa
sikat ng Eiffel Tower sa
Paris, France
1893- nagliwanag ang
buong Maynila sa
pagkakatatag ng La
Electricista de Manila
1854- binuksan ang
serbisyo ng koreo sa
pagitan Maynila at
Hongkong
1873- serbisyo ng
telegrapo
1880- Naiugnay ang
Pilipinas sa ibang bansa
gamit ang kable
1890- Nagtamasa
ng serbisyo ng
telepono ang mga
taga-Maynila
Pagtatatag ng
mga Bangko
Obras Pias- kauna-
unahang institusyon
sa pananalapi sa
kapuluan
Inilagak ang pondo
ng mga mayayaman
para sa bayan at sa
kawanggawa.
Nagpahiram ng puhunan sa
mga mangangalakal noong
panahon ng kalakalang
galyon sa interes na 20
hanggang 50 bahagdan
Cofradia-samahang
panrelihiyon na
namamahala sa Obras
Pias
Agosto 2, 1882-
binuksan ang kauna-
unahang savings bank sa
Pilipinas
Monte de Piedad y
Caha de Ahorros-
kauna-unahang savings
bank sa Pilipinas
El Banco Espanol
Filipino de Isabel II
(Bank of the
Philippine Islands)
1851- itinatag ang
El Banco Espanol Filipino
de Isabel II sa pamumuno
ni Gobernador- Heneral
Antonio Urbiztondo.
2 bangkong British
na binuksan sa
Pilipinas
1872- Chartered
Bank of India,
Australia and China
1875-Hongkong and
Shanghai Banking
Corporation
Plaza Cervantes sa
Maynila- itinuturing na
sentro ng pagbabangko sa
bansa noong panahon ng
Espanyol
Umunlad ba ang kalagayan
ng mga Filipino sa mga
ipinatupad ng patakarang
ekonomiko ng mga
Espanyol? Ipaliwanag.