Kabanata 14 Sa Filipino

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Sa Bahay ng mga Mag-aaral

Nangutya- Nanlait

- Si Quiroga ay nangutya sa mga paninda ng ibang mga negosyante. Natangay- Nasama - Natangay na ng agos ng panahon ang isipan ng mga kabataan. Tinugunan- Sinagot - Tinugunan ng mga mag-aaral ang bawat pasaring ng mga bisita.

Maaliwalas- Maliwanag

- Maaliwalas ang bahay ni Macaraeg nang datnan ito ng mga mag-aaral. Salungat- Di- Sang Ayon - Salungat ang mga prayle sa balak ng mga mag-aaral na magtayo ng paaralan.

Macaraeg

- Ang may-ari ng bahay na tinutuluyan ng mga mag-aaral. Isagani - Isang napakasipag na mag-aaral na kinagigiliwan ni Padre Fernandez. Juanito Pelaez - Isang pilyong mag-aaral na kinawiwilihan ng mga propesor dahil sa ugaling mapaglangis.

Pecson

- Isang mag-aaral na nagsalita ukol sa hindi magandang impresyon ng kapitan heneral. Paulita Gomez - Napakagandang mag-aaral na katipan ni Isagani. Sandoval - Isang purong kastilang mag-aaral na may makaPilipinong damdamin.

Itoy sa bahay ni Macaraeg. Malakit maaliwalas. Sa umaga ay tahimik na parang paaralan ngunit mula sa ikasampu ay Pandemorium (pulong ng mga demonyo) sa ingay at tawanan. May isang intsik na nagtitinda ng kakanin na pinuputakti ng palo ng baston, sibat, at lubid. Nagmumura ito, nagtutngayaw, nakikiusap, tumatawa sa akalang titigilan siya.

Ngunit hindi tumitigil ang mga estudyante hanggang di nabubusog. Nangagbabaayad sila at ang intsik at aaligid-aligid na masaya. May tugtugan. piyano, akordiyon, at gitara. May pattuloy na nag-aarnis. May nangagsusulat, nag-aaral nga leksyon, yumayari ng liham ng pag-ibig, at kumakatha ng melodrama. May isang pinagtutulungan na alisan ng salawal. May nagsusugal ng rebesino at may nangagtayo ng sa panonoood o naghihintay na humahalili.

May naliligo sa Asotea at nagsasabuyan ng tubig na galing sa balon. Unti-unting tumahimik nang magsidatingan sina Isagani at Sandoval. Si Sandoval ang kasang-ayon ng mga mag-aaraal sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Nagtanungan sila ukol sa kapalaran ng kanilang panukalang paaralan. Sina Isagani at Sandoval ay umaasang tagumpay sila. Si Pelaez ay nagpahayag na malaki ang nagawa niya sa ikapagtatagumpay ng panukala. Ngunit si Pecson ay di palaasa.

Sinabi niyang may mga taong pamahalaan at mga may kapangyarihan sa simbahan na di sila sinangguni at nga ito ay nagmumungkahing ipapabilanggo ang mga nagpanukala sa pamahalaaan. Mainit na nagsalita si Sandoval. Nasabi ni Pecson na maikli ang sakop ng kaisipan ng kapitan heneral. Humingi ng patunay si Sandoval. Binanggit nito ang pakikialam ng heneral sa isang usapin ng mga mamamayan at mga prayle at nasunod ang sa mga prayle na wala sa katwiran. Nagutya uli sa pamahalaan ang mag-aaral.

Lahat daw ay ipinagkakaloob ng Kastila sa mga Pilipino. Pamahalaan, simbahan, hukuman, paaralan, batas, at kaparusahan. Sa kalagitnaan ng kanilang mainitang paguusap, saka naman dumating ang isang napakakisig, matangkad, disente, at mayamang mag-aaral, ang may-ari ng bahay- si Macaraeg. Payo raw ni padre Irene na kailangang makuha si Don Custudio. May dalawang paraan daw upang makuha nag loob ng nasabing Don.

Ang una ay sa pamamagitan ni Pepay, isang mananayaw na kulasisi ni Don Custudio. Ang pangalawa naman ay sa tulong ni Ginoong Pasta, ang katalinuhang niyuyurakan ng ulo ni Don Custudio. Itong huli ang pinili ni Isagani. Naging kamag-aral ni Padre Florentino si Ginoong Pasta. Ani Pelaez, may kilala siyang kinalulukuhang burdadora, si Matea. Tutol si Isagani, para sa marangal na paraan daw siya. Nakapagyariang sa araw ding iyon ay makikipagkita rin si Isagani kay Ginoong Pasta.

You might also like