Aralin 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Aralin 5

Panitikan: Tula
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ( Andres Bonifacio )
Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
I. PANGKALAHATANG PANUTO
Upang matamo ang mga layunin ng modyul na ito ay kailangang sundin ang mga sumusunod:

1. Bigyan ng karampatang panahon na igugugol para sa pagbabasa at pag-unawa sa modyul.


2. Unawaing mabuti ang mga panutong nakasaad sa modyul na ito.
3. Sagutan lahat ng mga gawain at pagsusulit na inihanda para sa iyo.
4. Mayroon lamang nakaalang oras upang tapusin ang material na aralin at tapusin ang mga
Gawain at pagsusulit na nakalaan ayon sa binigay na oras at panahon ng guro.
5. tapusin ang kasalukuyang gawain bago lumipat sa ibang paksa o Gawain.
6. Kung may tanong o hindi maintindihan sa paksa o Gawain ay huwag mag-atubiling
magtanong sa iyong mga magulang at kapatid. Kung sakaling wala ang mga ito ay tawagan
lamang ang guro o kontakin sa kanyamg facebook account.

II. PANIMULA
Sa araling ito ay tatalakayin ang isa sa mga tula na umusbong sa panahon ng pananakkop
ng mga Espanol. Ito ang “ Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” na isinulat ng ating bayaning si Andres
Bonifacio. Tatalakayin natin ang nilalaman at ang sining na tinataglay ng tula bilang isa sa mga
anyo ng panitikang Pilipino. Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang
tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng
mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ang tula ay pagpapahayag ng
magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga
taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. Pg-aaralan mo rin ang mga pandiwa na
magagamit upang maipadama ang ating emosyon o damdamin.
Pagkatapos ng aralin na ito, , inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang sumusunod
na kasanayang pampagkatuto:
 Napagtatambal ang dalawang salitang magkasingkahulugan;
 Nakapagbibigay ng mga kataga, salita o parirala na maaaring maiiugnay sa pamagat n g
akda;
 Naibababhagi ang sariling opinion, pananaw,damdamin, at saloobin na may kaugnayan
sa paksa.
 Nailalahad ang utri ng pangatnig;
 Napagsasama ang mga pahayag gamit ang mga angkop na pangatnig;
 Nagagamit ang mga pangatnig sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap.

III. KONSEPTO

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


Ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal


sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpupuring lubos ang nagiging hangad


sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog


ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki


na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,


siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap


ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan


ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang nangakaraang panahon ng aliw,


ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga


na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sa ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anaki’y bulog


bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaka aliw sa pusong may lungkot.

Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!


gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan


wari ay masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap. O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib


at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ano ang bayan ng ka-Tagalogan


ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis


ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay


sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa kaalipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos


sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay


na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumugol ng dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap


ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,


nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay


sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit


ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang inuusal


ng daya at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging sikap


kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipahandog-handog ang buong pag-ibig


hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
ito’y kapalaran at tunay na langit.
Pagsasanay 1:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.
1. Saan maaaring ihambing ang pag-ibig na nadarama ng may-akda para sa kaniyang
bayan? Ipaliwanag. Iguhit din ang maaaring sumagisag sa pag-ibig na ito?
2. Anong panahon naisulat ang tula? Ano ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas ng
panahong naisulat ng may-akda ang tula? Magsaliksik ng ilang impormasyon tungkol
dito at itala sa tulong Rays Concept Organizer. Gawin sa papel. Gayahin ang kasunod na
pormat.,

Paliwanag:

_________________________________
Iguhit dito ang simbolo/sagisag _________________________________
_________________________________
_________________________________

Panulaan
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika
sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang
mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan
itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga
at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay
mahaba.

Mga anyo ng tula


 Malayang taludturan
 Tradisyonal
 May sukat na walang tugma
 Walang sukat na may tugma
Mga uri ng tula
 Liriko o pandamdaming tula
a. Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig, karaniwang malungkot ang paksa; binubuo ng
tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may
labindalawahing pantig, at ang tradisyon na dulong tugma ay isahan. Ito ay ang
karaniwang awiting ating naririnig.
b. Dalit/Hymno – karaniwang panrelihoyn, partikular na nakasulat para sa layunin
ng pagpupuri, pagsamba o panalangin, at karaniwang ay ipadala sa isang Diyos o
isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa at may kahalong pilosopiya sa
buhay.
c. Elehiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan.
d. Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal);
nakasulat bilang papuri o inihahandog sa isang tao o isang bagay na nakukuha ng
interes ng makata o nagsisilbing isang inspirasyon.
e. Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding
pagkukuro-kuro; hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa
likas na pagkatao.
 Naratibo o nagsasalaysay
- Isang tula na may balangkas. Maaring maikli o mahaba, at ang mga kwuwento
ay may kaugnayan sa maaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito
ay karaniwang hindi madarama o makuwento gaya ng mga epiko, balada,
idylls at lays.
 Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari
 Padula/Drama
 Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin; halimbawa:
balagtasan
 Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang
 Balagtasan
 Duple
Elemento ng tula
 Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang
taludtod.
 Sukat - bilang ng pantig ng tula.
 Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
 Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang
salita ay nagtatapos sa patinig.
 Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa katinig.
 Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma
 Sining o kariktang - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng
pangkalahatang impresyon sa bumabasa.
 Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
 Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang
ilantad ang talinghaga sa tula
 Anyo - porma ng tula.
 Tono/Indayog - diwa ng tula.
 Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

GRAMATIKA / RETORIKA
Uri ng Pangatnig
Ang pangatnig ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng salita sa kapwa salita ng isang
parirala sa kapwa parirala, o ng sugnay sa kapwa sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng
isang pahayag.
Mga uri ng pangatnig:
1. Pamukod - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man.
Halimbawa:
a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin.
c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.
d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.

2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, disin sana.
Halimbawa:
a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.
c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.
d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.
3. Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito.
Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, kahit.
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.
d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

4. Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay:
dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa:
a. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.
d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang ikot.

5. Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng
ito, sa di-kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa:
a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.
b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.
c. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
d. Sa bagay na ito , nasa ating mga kamay na ang paghuhusga.

6. Panlinaw - ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.
Halimbawa:
a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.
b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.

7. Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan, gaya ng: at -


saka, pati, kaya, anupa’t.
Halimbawa:
a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.
d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.

8. Pamanggit - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw, raw, sa ganang akin/iyo, di
umano.
Halimabawa:
a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
b. Siya raw ang hari ng sablay.
c. Di umano , mahusay umawit si Blanca.
d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.
9. Panulad - tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino…siyang, kung ano…siya
rin, kung gaano…siya rin.
Halimbawa:
a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari ngayon
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.

IV. BUOD
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na ang layunin ay makapagpahayag ng masidhing
damdamin patungkol sa isang bagay, tao, pook. Pangatnig na pamukod, pandagdag, paninsay,
panubali, pananhi, at panlinaw ay parehong ginagamit sa pang-uugnay ng mga salita, kaisipan,
sugnay o di kaya’y parirala.
V. MGA GAWAIN
GAWAIN 1: PILIIN MO
PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay binubuo ng apat o higit pa na mga taludtod.
a. Sukat b. Tugma c. Saknong d. Talinghaga
2. Ito ay ang paggamit ng mga tayutay at simbolismo ng isang tula.
a. Taludturan b. Tugmaan c. Talinghaga d. Kariktan
3. Tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
a. Sukat b. Tugma c. Saknong d. Tema
4. Anong tawag sa parehong tunog ng huling pantig sa isang tula.
a. Tugma b. Talinghaga c. Sukat d. Taludtod
5. Anong uri ng tula ang may kuwento o balangkas?
a. Tulang Liriko b. Tulang patnigan c. Tulang Padula d. Tulang pasalaysay
6. Tumutukoy sa linya ng isang tula.
a. Saknong b. Sukat c. Tugma d. Taludtud
7. Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong_____.
a. Nobyembre 28, 1863 c. Octubre 28, 1863
b. Nobyembre 30, 1863 d. Octubre 30, 2863
8. Ang sumusunod ay ilan sa mga nabasa bi Andres Bonifacio
a. Noli Me Tangere c. Les Miserables
b. El Filibusterismo d. Ang ningning at ang Liwanag
(9-15) Tukuyin kung anong uri ng Pangatnig ang sumusunod na bilang.
9. Ni minsan ay hindi nagpabaya si Bonifacio sa Pagtatanggol sa bayan.
a. Panlinaw b. Pamukod c. Panubali d. Pananhi
10. Kung hindi nagbuwis ng buhay ang ating mga bayani ay nanganganib pa rin ang ating
buhay hanggang ngayon.
a. Panlinaw b. Pandagdag c. Panubali d. Panalungat
11. Ipinagtanggol ni Bonifacio ang bayan bagamat umatras ang kaniyang mga kasamahan.
a. Panlinaw b. Pandagdag c. Panubali d. Panalungat
12. Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.
a. Paninsay b. Pamukod c. Panubali d. Pananhi
13. Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Dong na
magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain.
a. Panlinaw b. Pamukod c. Panubali d. Pananhi
14. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.
a. Pananhi b. Pandagdag c. Panubali d. Panalungat
15. Sumisigaw ang kanyang puso at humihingi ng katarungan.
a. Panlinaw b. Pandagdag c. Panubali d. Panalungat
GAWAIN 2: I-Pair Mo
Panuto: Pagtambalin ang dalawang salitang magkasingkahulugan sa loob ng kahon.
Dalisay Alala Handog
Dangal Lumbay Sakuna
Dunong Lungkot Kumatha
Dusa Alay Talino
Gunita Panganib Likha
Puro Himala Sakit
Milagro Puri
1. ______________________ 6. ______________________
2. ______________________ 7._______________________
3. ______________________ 8. ______________________
4. ______________________ 9. ______________________
5. ______________________ 10. _____________________
GAWAIN 3: Ikonek mo
Panuto: Magbigay ng mga kataga, salita o parirala na maaaring maiugnay sa pamagat na akdang
ating tatalakayin ngayon. Isulat ang iyong sagot sa mga oblong na nakapaligid sa puso.

Pag-ibig sa
tinubuang lupa

GAWAIN 4: Angkop na Pangatnig


Panuto: Pag-isahin ang mga sumusunod na pahayag gamit ang angkop na pangatnig. Isulat ang
sagot sa kahon.

1. Si Andres Bonifacio ang sumulat ng “ Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”. Si Jose Rizal


naman ang sumulat ng “Huling Paalam”.

2. Nagkaisa ang mga Pilipinong labanan ang mga Espanyol. Nakalaya ang Pilipinas
sa kuko ng mga dayuhan.

3. Ang mga Pilipino ay likas na matatapang. Malaki ang kanilang puso para sa
bayan.

4. Likas na matalino ang mga Pilipino. Hindi sila mapaglalalangan ng mga dayuhan.

5. Walang bagay na hindi madadaan sa usapan. Ang bawat isa ay matutong


mapagkumbaba.

GAWAIN 5: Buuin
Panuto: Bumuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang pangatnig at ang pangalan ng
manunulat sa bawat bilang upang masabi mo ang iyong palagay hinggil sa kanyang mga
katangian o nagawa para sa bayan.
1. Pati: ( Graciano Lopez Jaena )
____________________________________________________________________
2. Habang: ( Marcelo H. Del Pilar )
_____________________________________________________________________
3. Sana: ( Andres Bonifacio )
_____________________________________________________________________
4. Samakatuwid: ( Emilio Jacinto )
_____________________________________________________________________
5. Dahil: ( Apolinario Mabini )
_____________________________________________________________________
GAWAIN 6: Pagpili ng tamang pangatnig
Panuto: Salungguhitan ang tamang pangatnig sa loob ng panaklong.

1. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (ngunit, upang, dahil) maiwasan masira ang
mga ngipin.
2. (Dahil, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro
ngayong umaga.
3. Inaantok ka pa (habang, bago, kasi) hatinggabi ka na natulog kagabi.
4. Kumakanta sila ng “Lupang Hinirang" (hanggang, habang, parang) itinataas ang watawat
ng Pilipinas.
5. Magdasal muna tayo (bago, kaya, at) tayo kumain ng hapunan.
6. Matutuloy ang camping natin (at, subalit, kung) hindi masama ang panahon bukas.
7. Tumatahol ang mga aso (kapag, ngunit, hanggang) may taong kumakatok sa pinto.
8. Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula (at, o, pero) puti?
9. Mahilig siya magbasa ng aklat (at, upang, sapagkat) magsulat ng maiikling kuwento.
10. Tumakbo nang tumakbo ang usa (hanggang, habang, samantalang) nakarating ito sa
gitna ng gubat.
11. Naglalaro ang anak niya sa labas (pero, para, habang) may kinakausap siya sa telepono.
12. Tumigil ang pag-iyak ng bata (nang, bagama't, subalit) bumalik ang kanyang ina.
13. Tumawag ako sa bahay ni Tess (upang, ngunit, kapag) hindi pa raw siya umuuwi galing
eskuwelahan.
14. Tatawag muli si Alma (kasi, bago, para) makausap ka tungkol sa proyekto ninyo.
15. Gusto pa rin nilang maglaro ng basketbol (dahil, kahit, para) gumagabi na.
16. Alin ang mas gusto mong gawin, manoood ng sine (habang, o, kung) kumain sa labas?
17. (Sapagkat, Ngunit, Bagama't) mahiyain siya, hindi siya sumagot sa tanong ng guro.
18. Matalinong bata si Jaime (subalit, upang, kaya) hindi mataas ang marka niya sa
nakaraang pagsusulit.
19. Naghihirap magtrabaho ang mga magulang mo (kasi, hanggang, samantalang) inaak-
saya mo lang ang perang bigay nila sa iyo.
20. (Subalit, Bagama't, Dahil) nais niyang mag-aral sa kolehiyo, naghanap siya ng trabaho
upang makatulong sa pamilya.

You might also like