Linggwistikong Komunidad
Linggwistikong Komunidad
Linggwistikong Komunidad
TEORYa
Ayon kay Yule (2014), ang wika at
pamamaraan ng paggamit nito ay isang
porma ng panlipunang identidad at
ginagamit, malay man o hindi upang
ipahiwatig o maging palatandaan ng
pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak
na grupong panlipunan.
Etimolohiya
Linggwistiko o Linguistics
– ay ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang
linggwista ang mga dalubhasa dito.
Komunidad
– ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang yunit na
panlipunan o pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa
isang tahanan, mag-anak o pamamahay na may
pinasasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may
matibay na pagsasamahang panlipunan.
Linggwistikong Komunidad
• Termino sa sosyolinggwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng
mga taong gumagamit sa iisang uri ng barayti ng wika at
nagkakaunawaan sa mga ispesipikong patakaran o mga
alituntunin sa paggamit ng wika.
• Nagkakasundo ang mga miyembro sa kahulugan ng wika at
interpretasyon nito, maging ang kontekstong kultural na
kaakibat nito.
• Ito rin ay iba’t-ibang uri ng wikang ginagamit sa komunidad sa
paglipas ng panahon.
Mga salik ng linggwistikong
komunidad (Saville-troike, 2003:14)
Instrumental
– Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga
pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-
ugnayan sa iba.
Regulatoryo
– Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa
pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.
Interaksyonal
– Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng
pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.
Personal
– Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng
sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-
uusapan.
Heuristiko
– Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o
paghahanap ng impormasyong may kinalaman
sa paksang pinag-aaralan.
Impormatibo
– Ay ginagamit naman sa pagbibigay ng mga
datos at impormasyon na may kinalaman sa
paksang pinag-aaralan.
Kagaya ni Michael Alexander
Kirkwood Halliday, si Roman
Jakobson, din ay nagbahagi ng
anim na paraan ng pagbabahagi
ng wika.
paraan ng pagbabahagi ng wika
• Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive)
• Panghihikayat (Conative)
• Pagsisimula ng Pakikipag-ugnayan (Phatic)
• Paggamit bilang Sanggunian (Referential)
• Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual)
• Patalinghaga (Poetic)
Mga Ilang wika sa komunidad sa
pilipinas
Kapampangan
– Ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito
ang pangunahing wikang ginagamit sa Pampanga.
Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango,
Capampangan/Capampañga, Pampangueño, at
Amanung Sisuan (wikang pinasuso).
• Mga halimbawa:
• saan – nukarin maliit – malati ilalim – lalam
• panaginip – paninap malaki – maragul
Cebuano
– Ay isang wikang Awstronesyo na sinasalita sa Pilipinas ng
humigit kumulang 33 milyong tao at nasa ilalim o kasapi ng
pangkat ng mga wikang Bisaya. Ito ang may pinakamalaking
bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas, kahit na ito ay
hindi pormal na itinuturo sa mga paaralan at mga
pamantasan.
– Ito ang katutubong wika sa Gitnang Kabisayaan at sa ilang
bahagi ng Mindanao.
Mga halimbawa:
usà – isa tuló – tatlo limà – lima
duha – dalawa upàt – apat unóm – anim
Waray
– Isang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar, Silangang
Samar, Leyte (silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas. Ang
pangkat ng mga wikang Waray ay binubuo ng Waray, Waray
Sorsogon at Masbate Sorsogon. Bisakol ang tawag naman sa mga
wikang Waray Sorsogon, Masbate Sorsogon dahil komplementaryo
sila ng mga wikang Bisaya at Bikolano. Lahat ng wikang Waray ay
kabilang sa ng mga grupo ng mga wikang Bisaya at may
kaugnayan sa mga diyalektong Hiligaynon at Masbatenyo.
Mga halimbawa:
Magandang(umaga/tanghali/hapon/gabi) –
Maupay nga(aga/udto/kulop/gab-i)
Ang ganda-ganda mo talaga –
kahuhusay nimo hin duro
Bicol
– Ay mga wikang Austronesyano na ginagamit sa Pilipinas
tangi sa tangway ng Bikol sa silangan ng pulo ng Luzon,
sa pulo ng Catanduanes, Burias at sa lalawigan ng
Masbate, Bicol-Naga ang isa sa mga halimbawa nito.
– Ang Gitnang Bikol ay ang pinakasinasalitang wika sa
Rehiyon ng Bikol sa Timog ng Luzon.
Mga halimbawa:
magayon – maganda makaurag – nakakabwusit
marinsalun – makulit bua-bua – baliw
patal – bobo
Hiligaynon
– Ang wikang Ilonggo ay tumutukoy sa wika at kultura na
may kaugnayan sa Negros Occidental, Bacolod, Iloilo at
Capiz. Kilala rin sa tawag na wikang Hiligaynon. Meron iong
mahigit 7,000,000 katao sa loob at maging sa labas ng
Pilipinas na bihasa sa wikang Hiligaynon, at ang
karagdagang 4,000,000 katao naman na marunong nito at
karagdagan lang sa kanilang lingua franca.
Mga halimbawa:
magandang umaga/gabi – maayong aga/gab-i
taghalay – tao po
malakat na – aalis ka na
karon na lang – mamaya na lang