Batayan NG Pagsulat
Batayan NG Pagsulat
Batayan NG Pagsulat
PAGSULAT
Makabuluhan Paglalarawan Artikulasyon ng mga IDEYA,
Impormatibo Pagsasalaysay KONSEPTO, NARARAMDAMAN, at
Paraan ng pagpapalabas Detalyado PANINIWALA sa paraang PASULAT,
ng ekspresyon Imahinasyon LIMBAG, at ELEKTROLIKO
Mensahe
BATAYAN NG PAGSULAT
Xing at Jin
“Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit,
talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.”
Badayos
“Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa
nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.”
Keller
“Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa
nito.”
Donald Murray
“Writing is rewriting”. Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat – “A good writer is
wasteful”. Metapora ni Murray: He saws and shapes and cuts away, discarding wood… The writer
cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw
materials.
Donald Murray
“Ang pagsulat ay isang eksplorasyonpagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma at ang
manunulat ay gumagwa nang pabalik- balik nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa
bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya
iyon maipapahayag nang mahusay.”
Peck at Buckingham
“Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang
pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”
AKADEMIKONG PAGSULAT
1. Paggamit sa antas ng wika
2. Pagkakaiba sa layunin ng mga awtor
3. Paraan ng pananaliksik hinggil sa akademikong artikulo
MALIKHAING PAGSULAT
Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha,
nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing
layunin ng awtor dito ay magpahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya,
damdamin o kumbinasyon ng mga ito.
Tula
Nobela
Maikling katha
PANSARILING PAGPAPAHAYAG
Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning ito,
ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan. Hal. Dyurnal
PAGLALARAWAN (DESKRIPTIV)
Kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe sa pamamagitan ng paglalantad ng mga
katangian nito. Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay,
damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran.
PAGSASALAYSAY (NARATIV)
Kung ang teksto ay nagkukwento ng mga magkakaugnay na pangyayari. Nakapokus ito sa
kronolohikal o pagkakasunud-sunod na daloy ng pangyayaring aktwal na naganap. Isa pa
ring pokus ang lohikal na pagsulat .Nakasalalay sa may-akda ng maikling kwento o nobela
ang mahahalaga at kapana-panabik na bahagi ng salaysay. Gumagamit ng iba’t ibang istilo
o istruktura ng pagbuo ng kwento ang mga manunulat ng panitikang nasa anyong tuluyan.
PANGANGATWIRAN (ARGUMENTATIV)
Kung ang teksto ay may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga rason at ebidensya. Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon, o
argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyo na nakahain sa manunulat.
ORGANISASYON NG TEKSTO
Ang lahat ng sulating pang-akademiko ay binubuo ng apat na bahagi.
1. TITULO O PAMAGAT
Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat, petsa ng pagkasulat o
pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring tukuyin ng guro.
2. INTRODUKSYON O PANIMULA
Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ng pagsulat ng paksa
at pambungad na talakay sa daloy ng papel.
Mga Paraan ng Pagsisimula
Binanggit nina Arrogante (2000); Leyson at Montera (2005) na maraming paraan ang
maaaring gamitin sa pagsisimula ng sulatin. Narito ang ilang mungkahing paraan sa
pagbuo ng introduksiyon ng sulatin o komposisyon:
1.Pasaklaw na Pahayag - Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago
isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa di gaanong mahalaga hanggang sa
pinakamahalagang mga detalye. Ito’y karaniwang makikita sa araw-araw na
pahayagan.
2.Pagbubuod - Ito’y nagpapahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang
sadyang talakay.
3.Pagtatanong - Patanong ang ginagamit na paraan ng manunulat.
4.Tuwirang Sinasabi -Ito’y karaniwang nakikita na nakapanipi ( " " ) dahil
kuha ito sa mga awtor o bantog na tao.
5.Panlahat na Pahayag -Ito’y nagtataglay ng kahalagahang unibersal na
maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan at maging sa mga
pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na
nagtataglay ng diwa o aral.
6.Paglalarawan -Ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao sapagkat
nagbibigay-deskripsyon, mga malarawan at maaksyong salita ang
ginagamit.
7.Pagsalungat -Binibigyang diin dito ang pagkakaiba. Kung mas malaki ang
pagkakaiba mas matindi ang bisa.
3. KATAWAN
Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang pangangatwiran,
pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad ay matatagpuan sa
bahaging ito.
Mga Paraan ng Pagsulat ng Nilalaman
Ilang pangkalahatang paraan sa pagsasaayos ng katawan ng komposisyon ay ang mga
sumusunod (Arrogante, 1994):
PROSESO NG PAGSULAT
PAGTATANONG AT PAG-UUSISA
Ang mga sulating papel sa kolehiyo’y nagmumula sa isa o maraming tanong. Maaaring
galing ang isang tanong sa guro na nagnanais makuha ang opinyon ng mga estudyante
tungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Kung ang kahingian
naman sa klase ay isang sulating pananaliksik o tesis, kanariwang maraming tanong ang
nag-uudyok para sulatin ang mga kasagutan para rito. Nabubuo rito ang paksa ng sulatin.
Hindi ganap ang pagtatanong lamang kung kaya’t ang mausisang isipan ang nagbibigay-
daan para makahanap ng sagot sa tanong. Ang pag-uusisa ang pangunahing simula ng
isang masinop na pananaliksik.
PALA - PALAGAY
Kung ang mausisang isipan ang binhi para sa simula ng pananaliksik, sa isang banda, unti-
unting nabubuo ang pala-palagayng manunulat sa paksang susulatin. Habang wala pang
tiyak na balangkas at daloy ng pagtalakay sa pagsang susulatin, naghahain muna ng haka-
haka ang manunulat. Maaaring sulatin niya sa kanyang scrapbook o kwaderno ang mga
posibleng ugat ng kahirapan, katiwalian, pagkawasak ng moral na pundasyon ng pamilya, o
ang kultura ng kapabayaan at walang pakialaman. Iisa-isahin niya ang iba pang sanhi at
bunga ng pangyayari habang nag-iisip kung paano bubuuin ang balangkas ng paksang
napili. Balisa o hindi mapalagay ang manunulat sa yugtong ito dahil patuloy siyang
naghahanap ng sagot at maaaring patuloy ang pagsulpot ng iba pang mga tanong.
Lumalawak ang pala-palagay sa pamamagitan ng panimulang pananaliksik sa aklatan,
pagtatanong sa ibang tao, pagbabasa, at pagmamasid. Kadalasan, ito ang pinakamahabang
bahagi sa proseso ng pagsulat. Tinatawag ng ilan ang yugtong ito bilang incubation period.
INISYAL NA PAGTATANGKA
Sa bahaging ito, kailangang maipokus ng manunulat ang saklaw ng pananaliksik na
gagawin. Ito ang yugto na tatangkain ng manunulat na ayusin ang panimulang datos, pala-
palagay at iba pang impormasyon para makabuo ng balangkas. Ang pagsulat ng balangkas
ng pananaliksik o anumang dokumento ay palatandaan na may direksyon na ang pagsulat
na gagawin ng isang manunulat.Kapag may balangkas na, babalik muli ang manunulat sa
aklatan upang tiyak nang makuha ang kailangang sanggunian, o di kaya’y pupunta na sa
mga taong may ekspertong kaalaman hinggil sa paksa para kapanayamin.
PAGPAPAKINIS NG PAPEL
Kung tapos na ang unang borador, muli’t muling babasahin ito para makita ang
pagkakamali sa ispeling, paggamit ng salita, gramatika at ang daloy ng pagpapahayag,
impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon.
PINAL NA PAPEL
Kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na bahagi at nilalaman ng papel, pwede nang
ipasa at ipabasa ito sa guro o sa iba pang babasa’t susuri nito.