Umpukan
Umpukan
Umpukan
Mga Paksa
A. tsismisan - ay isa sa mga gawain pangkomunikasyon na bahagi ng kultura ng
Pilipino.
batay sa etimolohiya, ang tsismis ay nagmula sa salitang espanyol na chismes,
kaswal na komunikasyon tungkol sa buhay ng isang tao.
ito ay kadalasang kinabibilangan ng dalawa o higit pang mga kalahok na ang
isa o iba ay tagapakinig lamang o maaaring ang lahat ay may kanya-kanyang tsismis
na dala-dala na karaniwang isinasagawa ng mga taong walang trabaho o may maluwag na
panahon.
ang mga taong kalahok sa ganitong gawaing pangkomunikason ay itinuturing na
kapalagayang-loob na ang isa't isa sapagkat ang tsismisan ay relasonal.
B. Umpukan - ang umpukan ay impormal na paglalapin ng tatlo o higit pang kalahok
kung saan ang bawat isa ay nagbabahaginan ng impormasyon. Ang ganitong anyo ng
gawing pangkomunikasyon ay maituturing na relasyonal. usisero ang tawag kapag hindi
kilala at lumalapit
isa sa mga kilalang umpukan sa bansa ay ang kultura ng salamyaan sa lungsod
ng marikina
sa pag-aaral ni prop. jayson petras 2010, ay kanyang binalikan ang kasaysayan
ng salamyaan bulang bahagi ng kanilang marikenyo at ipinaliwanag niya ang bisa ito
bilang talastasang bayan.
ang salamyaan ay isang silungan kung sann ang mga marikenyo, partikular na
ang mga matatanda ay magkakasamang nagkukwentuhan, nagsasalu-salo, at namamahinga
ay walang dingding at tangi ang mahahabang mesa ang nagsisilbing papag
pahingahan at tarima - maliit na upuang kahoy
C. Talakayan -ay tumutukoy sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga kalahok sa nasabing
usapan na binubuo ng tatlo o higit pa. Kalimitang tinatalakay sa ganitong gawaing
pangkomunikason ay ang mga problema na layuning bigyang-soluson o patakarang nais
na ipatupad.
nahahasa ang kakayahan sa pagsasalita at pangagngatuwiran ng mga taong
kalahok dito. Ang talakayan ay maaaring isagawa sa pormal at 'di pormal na
pamamaraan.
sa pormal na anyo - may malinaw na patakarang sinusunod ang bawat kalahok.
Panel discussion, lecture forum, simposyum
sa 'di pormal na anyo - ay malaya ang bawat isa na magpahayag ng kani-
kanilang opinyon o saloobin hinggil sa isyu, suliranin o programang nais
isakatuparan.
D. Pagbabahay-bahay - ay kalimitan naman na isinasagawa sa mga sitwasong
nangangailangan ng impormasyong ang isang indibidwal o organisasyon ukol sa
kalagayan o sitwasyon ng komunidad gamit ang pagtatanong-tanong bilang metodo.
halibawa nito ang pagsasagawa ng pag-aaral na may kinalaman sa pag-alam ng
bilang ng populason at kalagayan ng pamumuhay ng mga pilipino, isinasagawa ng
National Statistics Office.
E. Pulong-Bayan - Isang pangkomunikasyon Pilipino na isinasagawa kung may nais
ipabatid ang mga kinauukulan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng komunidad.
malayang nagpapalitan ng kuro-kuro ang mga kinauukulan at mamamayan ng bayan
ukol sa mga usapin tungkol sa bayan gaya ng kalagayan ng mamamayan, kalikasan,
trabaho at seguridad.
ang kalayaang makapagpahayag ng oppinyon ng bawat kalahok sa pulong na ito ay
isang instrumento upang ganap na matugunan ang problema gayundin ito ay tanda ng
isang bayang may matatag na demokrasya.
F. Komunikasyong Di-Berbal - Ang komunikasyong di-berbal ay paraan ng pagpapabatid
ng kahulugan o mensahe sa pamamagitan ng samo't saring bagay maliban sa mga salita.
Hindi ginagamitan ng salita upang ipahayag ang mensahe.
Kinesika - pamamaraan ng komunikasyon gamit ang kilos ng katawan.
Proksemika - pamamaraan ng komunikasyon na ginagamitan ng espasyo, koneksyon
ng idibidwal na kasama sa pag-uusap.
Vocalics - komunikasyong naipararating gamit ang tono ng pagsasalita.
Chronemics - komunikasyong nakabatay sa panaho o oras.
Haptics - komunikasyong nakabatay sa pandama.
- Pagtatampo (tampo) - damdaming dala ng pagkabigo sa isang bagay na inaasahan sa
isang malapit na tao gaya ng kapatid, magulang, kamag-anak, kasintahan, o kaibigan.
- Pagmumukmok (mukmok) - ito ay naipapaarating sa pamamagitan ng pagasawalang-kibo.
Ito ay bunga ng pagkasuya at pagdaramdam. Palatandaan nito ang pagsasantabi ng
sarili sa sulok, o paglayo sa karamihan.
- Pagmamaktol (maktol) - layunin ay ipakita ang pagrereklamo, paghihimagsik o
pagtutol sa paggawa ng isang bagay na labag sa kalooban. Ito ay kakikitaan ng pag-
ungol, pagbuka-buka ng labi o pagbubulong-bulong na sinasadyang ipakita sa taong
pintatamaan ng mensahe.
- Pagdadabog (dabog) - paglikha ng ingay gaya ng pagpadyak ng paa, pagbalibag ng
pinto, pagbagsak ng mga bagay-bagay at iba pang ingay na intensyonal na ginagawa ng
taong nagdadabog. Bunsod ito ng paghihmagsik sa sapilitang pagsunod na
nagpapahiwaig ng pagkainis, pagkayamot, galit, at poot.
kahulugan - ayon kay Maggay (2002) na may kaugnayan sa galaw ng mata (oculesics) at
iba pang galaw o kilos ng katawan (kinesika)
G. Mga Ekspresyong Lokal - ayon kay San Juan, et al. (2018) ang mga ekpresong lokal
ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin
kagaya ng galit, yamot, gulat, takot, dismaya, tuwa o galak.
likas sa ating mga pilipino ang bumubulas ng iba't ibang ekspresyong may
iba't ibang kahulugan depende sa kenteksto ng komunikasyon, pamamaraan ng
pagkakasabi ng pagkakasabi o taiong pagsasabihan ng nasabing ekspresyon.