Asasasd

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

195 Brgy.

Pagaspas Tanauan City, Batangas

Diosdado M. Melanio, MAT


Principal II

Sir:
Magandang Buhay!
Ang dahilan po ng aking pagsulat ay upang malaman ko kung ang inyo pong paaralan ay
nangangailangan pa ng guro? Nais ko po sanang mag-aplay at magturo bilang guro sa
asignaturang Filipino.

Ang akin pong karanasan sa pagtuturo ay hindi matatawaran, at alam ko na isa ako sa
mga taong magpapabago ng mga mag-aaral.

Ang lahat po ng aking mga papel na maaari niyong rebyuhin.


Handa po ako sa inyong pagpapatawag sa akin kahit anong oras para sa isang interbyu.
Salamat po!

Lubos na gumagalang,

Elpiditha M. Gomez
ARALIN 3: PAKSA: IBA’T IBANG URI NG LIHAM PANGANGALAKAL
LIHAM PANGANGALAKAL – GINAGAMIT BILANG PAKIKIPAG-UGNAYAN NA NASA
ISANG ORGANISASYON. INAASAHAN SA ISANG EMPLEYADO NG
KOMPANYA SA PUBLIKO AT PRIBADONG OPISINA NA MAHUSAY SIYANG
GUMAWA AT GUMAMIT NG MGA LIHAM-PANGANGALAKAL O LIHAM-
TRANSAKSYON. DAPAT TAGLAYIN NITO ANG METODO NA DI LAMANG
PAKIKINABANGAN NG KOMPANYA SA HALIP AY MAGBIBIGAY RIN
NG KREDIBILIDAD SA KANYANG PROPESYONG NAPAG-ARALAN. ITO AY
MAGIGING DOKUMENTO NG KOMPANYA. GARCIA ET.AL (2008)

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LIHAM PANGANGALAKAL


1. NAKIKITA ANG MGA MAHAHALAGANG BAHAGI
2.MAY TIYAK NA LAYUNIN AT ANYO
3. MAY MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON
4. TIYAK ANG KINAKAILANGAN AT MALINAW ANG IMPORMASYON
BAHAGI NG LIHAM-PANGANGALAKAL
1. PAMUHATAN- ITO’Y PANGALAN NG KOMPANYA, ADDRESS, TELEPONO, FAX, TELEFAX AT IBA
PA.
HAL. SMART TELECOMMUNICATION
195 BUENDIA AVENUE
LUNGSOD NG MAKATI
TEL: 416-772-6411
E-MAIL: S.T @YAHOO.COM

2. PETSA (DATELINE)- ARAW, BUWAN AT TAON NG PAGSUSULAT


HAL. OKTUBRE 28, 2015

3. PATUNGUHAN ( INSIDE ADDRESS)- ITO AY ANG PANGALAN NG TAO NA PADADALHAN NG


MENSAHE. PARA KANINO BA TALAGA ANG SULAT?
HAL. MRS. NORMA T. TAGLE
DEKANA
KOLEHIYO NG EDUKASYON
BATANGAS STATE UNIVERSITY
MALVAR, BATANGAS
4. BATING PAMBUNGAD/ PANIMULA (SALUTATION)- NAKAPALOOB DITO ANG PAGGALANG
NG SUMULAT SA SINULATAN
HAL. GINOO:, MAHAL NA GNG. TAGLE, DEAR SIR/MAM:

5. KATAWAN NG LIHAM (BODY)- NAKAPALOOB DITO ANG BUONG NILALAMAN NG LIHAM


NA NAIS IPARATING.
6. BATING PANGWAKAS (COMPLIMENTARY CLOSING)- ANG PAGWAWAKAS O
PAMAMAALAM.
HAL. GUMAGALANG, SUMASAINYO, LUBOS NA GUMAGALANG,

7. LAGDA- ANG PANGALAN, POSISYON AT TITULO NG SUMULAT


HAL. ROBINSON CEDRE, ED.D

DIRECTOR
LIHAM PAANYAYA (LETTER OF INVITATION)- TAGLAY NG LIHAM NA ITO ANG
PAANYAYA SA TAONG SINULATAN

Enero 15, 2015

Helen A. Ocampo
Schools Division Superintendent
Deped Sta.Rosa, Laguna

Sa pamamagitan ni: Dr.Anacleta M. Cabigao


Asst. Schools Division Superintendent

Mahal na Ma’am Ocampo:

Magandang Buhay!

Ang Dibisyon po ng Tanauan City, Batangas sa pangunguna ng aming Schools Division


Superintendent na si Dr. Edna Faura-Agustin ay magsasagawa ng seminar-worksyap na may
kinalaman sa Integrasyon ng Teatro sa pagtuturo ng Asignaturang Filipino sa K-12 Program.
Kaugnay po ay inaanyayahan naming ang inyong mga guro sa ika-7-10 ng Abril upang
makadalo sa nasabing seminar-worksyap . Kung may nais po silang malaman pa ay maaari
nilang tawagan o padalahan ng mensahe ang numerong 0907-294-5418.

Ang inyopong positibong pagtugon ay aming inaasahan. Tayo pong tumulong upang
mapataas pa ang kalidad ng edukasyon. Maraming Salamat po!

Sumasainyo,

(Lgd)
Diosdado M. Melanio, MAT
Filipino Koordineytor
3. LIHAM KAHILINGAN / APLIKASYON (APPLICATION LETTER)- TINATAWAG DIN ITONG COVER
LETTER. ITO AY ISANG LIHAM NA TILA “NAGBEBENTA NG SARILI” NAGLALAHAD ITO
KUNG ANO ANG INYONG MAIBABAHAGI SA ISANG KOMPANYA, KUNG ANG
NAGHAHANAP NG TRABAHO AY NARARAPAT, O KUNG IKAW ANG SASAGOT SA
HINAHANAP NA EMPLEYADO NG KOMPANYA. SA PAGSULAT NG APLIKASYON
TUKUYIN ANG POSISYONG INAAPLAYAN AT KAHANDAAN NG PAKIKIPANAYAM SA
ANUMANG ORAS NA KINAKAILANGAN.

4. LIHAM TRANSMITAL O ENDORSMENT- LIHAM NA NAGPAPARATING NG IMPORMASYON


TUNGKOL SA IBA’T IBANG PROYEKTO, GAWAIN O UGNAYAN SA PAGITAN NG
DALAWANG KOMPANYA AT IBA PA.
Oktubre 2, 2005

Gng. Esperanza c. Baquiring


Gen. Manager, De Luxe Shipping Lines
Port Area, Manila

Re: Plastic Cargo Shipment

Mahal na Gng. Baquiring:

Malugod naming ipinaaabot na ang Cargo Shipment para sa inorder ninyong sampung toneladang plastic
tumblers ay naipadala na namin sa pamamagitan ng Cargo Facilities, Inc. Kalakip ng invoice No: 6868-345.

Ang kabuuang bayarin ay inaasahan naming maipadadala ninyo sa loob ng 30 araw. Ang 20% diskawnt ay
ibinigay ng kompanya sa inyo.

Ipagbigay-alam lang po ninyo kaagad sa amin kung natanggap na ninyo ang nasabing kargamento.

Maraming Salamat Po!

G. Ramiro M. Cruz
Pangulo, Twin Craft Corp.
Lungsod ng Davao
1. IPALIWANAG ANG LIHAM- PANGANGALAKAL

2. BAKIT KINAKAILANGANG PAG-ARALAN ANG PAGSUSULAT NG


LIHAM PANGNEGOSYO SA TEKBUK?

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag

Ang araling ito ay nagturo sa akin para maging…..

Napagtanto kong kinakailangan ko palang matutuhan ang


tamang pagsusulat ng liham dahil…..
Pagtataya: Sumulat ng isang liham na nag-aaplay ng trabaho sa isang buong
pahaba na bond paper.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Nilalaman ------------------------- 30
Gramatika------------------------- 25
Organisasyon/Pagkakabuo 15
Kalinisan -------------------------- 15
Kaagapan ng Pagpapasa– 15
100

You might also like