Ang Panukalang Proyekto
Ang Panukalang Proyekto
Ang Panukalang Proyekto
PROYEKTO
Ang pagbabalik ng Group 1
ANG PANUKALANG PROYEKTO
Ang panukalang proyekto ay isang proyekto na iminumungkahing
isagawa dahil nakitang kinakailangan ng pagkakataon.
Ang pagbuo ng isang panukala ay hindi basta-basta. Ito ay
nangangailangan ng ibayong pagpaplano at pananaliksik dahil dapat
na mapatunayan nito ang kahalagahan ng pagsasagawa ng
proyekto.
Napakahalaga na maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo
ng proyekto.
ANG PANUKALANG PROYEKTO
Higit sa lahat, ang pagsasatitik ng panukala ay
nangangailangan ng kaalaman at pag-eensayo.
Kailangang idetalye kahit ang pinakamaliit na bagay
kaugnay ng panukala. Kailangang maipakita sa panukala
ang pangangailangan ng komunidad nang sa gayon ay
mapatunayan na nararapat itong bigyan ng pansin.
NARITO ANG MGA BAHAGING KINAKAILANGAN SA
PAGLALAHAD NG ANUMANG PANUKALANG PROYEKTO.
1. Pangalan ng Proyekto
Makikita sa pangalan ng proyekto ang malinaw na
isinasagawang proyekto, kung saan isasagawa at
kung sino/alin ang mga tagatanggap. Dapat ito ay
tiyak at maikli hangga’t maaari.
Isa-isahin dito ang mga baryabol ng proyekto.
BAHAGING KINAKAILANGAN SA PAGLALAHAD
NG ANUMANG PANUKALANG PROYEKTO .
2. Proponent ng Proyekto
Sa bahaging ito ay ipinakikilala kung sinong indibibwal o
aling oranisasyon ang nagmungkahi ng proyekto. Ibabahagi rin
dito ang tirahan, telepono at tungkulin ng utak ng proyekto.
Tiyakin na lahat ng sangkot sa pagpapanukala ng proyekto
ay maitatala.
BAHAGING KINAKAILANGAN SA PAGLALAHAD
NG ANUMANG PANUKALANG PROYEKTO .
3. Klasipikasyon ng Proyekto
Ilarawan sa kung anong gawain kabilang ang
panukalang proyekto. (Ito ba ay pang-agrikultura, pang-
edukasyon, pangkalusugan o iba pa?)
Suriing mabuti ang proyekto, mas mainam na iba-ibang
proyekto taun- taon ang isagawa.
BAHAGING KINAKAILANGAN SA PAGLALAHAD
NG ANUMANG PANUKALANG PROYEKTO.
4. Kabuuang Pondong Kailangan
Isa-isang itala ang lahat ng mga kagastusan at ang
kabuuang pondong kinakailangan upang matagumpay na
maisakatuparan ang proyekto.
Magsaliksik ng mga ahensya ng gobyerno, mga
foundation, pribado at boluntaryong ahensya na
maaaring maging donor.
BAHAGING KINAKAILANGAN SA PAGLALAHAD
NG ANUMANG PANUKALANG PROYEKTO .
5. Rasyonale ng proyekto
Ipapakita rito ang kahalagahan ng panukalang proyekto. Ang bahaging ito
ang susuporta kung bakit kailangan ang proyekto.
Makatutulong din na ilahad kung paano nabuo ang panukalang proyekto.
Ibig sabihin nito ay dapat na pangalanan ang problema at isaad kung saan
ang problema. Isinasaad dito ang pakay na grupo (mga makikinabang),
ang sektor, ang lawak o laki at iba pang mga kasama sa paglunas sa
problema. Tandaan na lahat ng nakasulat dito ay magpapatunay sa
pangangailangan ng tulong o pondong inyong hinihingi.
BAHAGING KINAKAILANGAN SA PAGLALAHAD
NG ANUMANG PANUKALANG PROYEKTO .
6. Deskripsyon ng Proyekto
Ang proyekto ay ilalarawan nang malinaw.
Makatotohanang ilarawan ang kaligiran ng
proyekto. Huwag haluan ng kasinungalingan o
pagyayabang.
BAHAGING KINAKAILANGAN SA PAGLALAHAD
NG ANUMANG PANUKALANG PROYEKTO .
7. Layunin ng Proyekto
Isinasaad din ang layunin sa pagsasagawa ng gawain.
Dapat na ang pangkalahatang layunin ng inyong proyekto ay
lunasan ang problema o mga problema na isinaad sa background.
Unahin ang mga tunguhin na pangkalahatan, pangmahabang
panahon at malawak na adhikain. Mula dito, bumuo ng mga tiyak na
layunin o “objectives” na mapatutunayan, masusukat, may
katapusan at may tiyak na petsa ng pagkakamit.
BAHAGING KINAKAILANGAN SA PAGLALAHAD
NG ANUMANG PANUKALANG PROYEKTO .
9. Kalendaryo ng Gawain
Ang bahaging ito ay magpapakita ng lahat ng sunud-
sunod na gawain tungo sa pagsasakatuparan ng mga
layunin.
Dapat ito ay sunud-sunod at may kaakibat na mga petsa
at mga taong kasangkot.
BAHAGING KINAKAILANGAN SA PAGLALAHAD
NG ANUMANG PANUKALANG PROYEKTO .
10. Lagda
Lahat ng taong kasangkot sa panukalang proyekto ay
lalagda, upang mapagtibay ang panukalang proyekto.
Makikita dapat kung gaano matutulungan ang mga
makikinabang sa proyekto.
Ang bahaging ito ang magpapatunay na pinagtibay na ang
pagsasagawa ng proyekto.
GROUP 1
AVAN LOYD ACLA
ELIJAH TIM OMRI BAMBALAN
CARLO BAUTISTA
DAVE ENTILA
SOPHIA AIZEL FERRER
IRISH MIRANDA
JHON RAY OBINA
KENNETH REVILLOZA
CHERMIE MOUREEN RILLORAZA
JEANETTE SEDABA