Modyul 2 Esp 7
Modyul 2 Esp 7
Modyul 2 Esp 7
TALENTO MO,
TUKLASIN,
KILALANIN at
PAUNLARIN!
mga nasa
larawan at
ibahagi ang
iyong
nalalaman
tungkol sa
kanya.
MULTIPLE
INTELLIGENCEs
Howard
Gardner
• 1. Visual Spatial
2.
Verbal/Linguistic
3.
Mathematical/Log
ical
4.
Bodily/Kinesthetic
5.
Musical/Rhythmic
6. Intrapersonal
7. Interpersonal
8. Naturalist
9. Existential
1.VISUAL/SPATIAL
Ang taong may talinong visual/spatial
ay mabilis matututo sa pamamagitan
ng paningin at pag-aayos ng mga
ideya. May kakayahan siya na makita
sa kaniyang isip ang mga bagay
upang makalikha ng isang produkto
o makalutas ng suliranin. May
kaugnayan din ang talinong ito sa
kakayahan sa matematika.
Mga larangang angkop sa talinong
ito ay sining, arkitektura at
inhinyera
2.
Ito ang talino sa pagbigkas o
Verbal/Linguistic
pagsulat ng salita. Kadalasan ang
mga taong may taglay na talinong
.
ito ay mahusay sa pagbasa,
pagsulat, pagkukuwento, at
pagmememorya ng mga salita at
mahahalagang petsa.
Ang larangan na nababagay sa
talinong ito ay pagsulat,
abogasya, pamamahayag
(journalism), politika, pagtula at
pagtuturo.
3.Mathematical/Lo
Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na
gical ng pangangatuwiran at
pagkatuto sa pamamagitan
paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong
kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero.
Ang larangan na kaugnay nito ay ang pagiging
scientist, mathematician, inhinyero, doctor at
ekonomista.
4.
Ang taong may ganitong talino ay
Bodily/Kinesthetic
natututo sa pamamagitan ng mga
kongkretong karanasan o interaksiyon sa
kapaligiran. Mas natututo siya sa
pamamagitan ng paggamit ng
kaniyang katawan, tulad halimbawa sa
pagsasayaw o paglalaro.
Ang larangang karaniwang kaniyang
tinatahak ay ang pagsasayaw, isports,
pagiging musikero, pag-aartista, pagiging
doctor (lalo na sa pag-oopera),
konstruksyon, pagpupulis at
pagsusundalo.
5.
Musical/Rhythmic
Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa
pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang
ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit
ng isang karanasan.
Likas na nagtatagumpay sa larangan ng musika ang taong
may ganitong talino. Magiging masaya sila kung magiging
isang mucisian, kompositor o disk jockey.
6. Intrapersonal.
Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng
damdamin, halaga, at pananaw.
Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at
mapag-isa o introvert.
Ang larangang kaugnay nito ay pagiging isang researcher,
manunulat ng mga nobela o negosyante.
7. Interpersonal
Ito ang talino sa interaksiyon o
pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito
ang kakayahan na makipagtulungan
at makiisa sa isang pangkat. Ang
taong may mataas na interpersonal
intelligence ay kadalasang bukas sa
kaniyang pakikipagkapwa o extrovert.
Kadalasan siya ay nagiging tagumpay
sa larangan ng kalakalan, politika,
pamamahala, pagtuturo o edukasyon at
social work.
8. NATURALIST
.
Profesor Ericsson
Likas ang mga talento at kakayahan ngunit
kailangang paunlarin ang mga ito sa pamamagitan
ng pagsasanay (practice).
Una, kadalasan di sapat ang likas na kakayahan upang
maging bihasa at matagumpay sa anumang larangan.
Ang kanilang pagtatagumpay at kahusayan ay bunga .
ng masusi at matamang pagsasanay. Wika nga sa
Ingles “Practice makes perfect”.
Ikalawa, bukod sa talento o kakayahan, mahalaga rin
na tayo ay may interes o hilig sa ating larangang
pinasok.
.
Tiwala sa Sarili
- Ito ay tiwala sa sariling kakayahan na matatapos ang isang
gawain nang may kahusayan.
Mga dapat nating malaman tungkol sa tiwala sa sarili
a. Ang tiwala sa sarili ay hindi namamana, ito ay natututuhan.
b. Hindi ito pangkalahatan, bagkus ay may iba’t ibang antas tayo
ng tiwala sa ating sarili sa iba’t ibang sitwasiyon at gawain.
c. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon. Maaari itong tumaas o
.
bumababa ayon sa ating mga karanasan sa buhay.
d. Hindi ito nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili
gaya halimbawa ng pagiging mayaman o pagkakaroon ng mga
taong nagmamahal sa atin.
.
Dugtungan ang pahayag:
Natutunan ko .
na___________________________
________________________________________.