Aralin 2 - Pilandok
Aralin 2 - Pilandok
Aralin 2 - Pilandok
MODYUL 2 PABULA
MGA MAG-AARAL NA GAGAMIT:
Ang modyul na ito ay para sa mga Bago ka magsimula sa iyong unang aralin subukin mong sagutin ang mga gawain sa ibaba.
mag-aaral sa baitang 87 Siguradong makatutulong ito upang mas maunawaan mo ang araling ito. Good luck!
LAGOM:
Ang modyul na ito ay nakatuon sa 1. GAWAIN 1
pabula na pinamagatang “Natalo
rin si Pilandok. Tatalakayin din sa
modyul na ito ang Mga Salita o
Ekspresyong Nagsasaad ng Posi-
bilidad
PANUTO:
Ang modyul ay may mga gawain,
pagsasanay upang mataya ang
kasanayang dapat matamo ng mga
mag-aaral.
Basahin at unawain ang
mga impormasyong nakapaloob sa
modyul na ito. Sagutan ang mga
pagsasanay, gawin ang mga
gawain at isumite sa guro batay sa
napagkasunduang oras o araw. I
naasahang sa loob ng
isang linggo ay matatapos ang
modyul na ito.
MANATILING
LIGTAS
1
Binabati kita sa iyong paunang pagsusulit. Basahin mo ang mga impormasyong nasa loob ng kahon na
makatutulong sa iyo sa pagpapatuloy sa modyul na ito.
Ang pabula na katumbas o kasingkahulugan ng salitang Griyego muzos na ang ibig sabihin ay
myth o “mito” ay nagsimula sa tradisyong pasalita at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon hanggang
sa kolektahin ng mga pantas at sa huli ay binigyan ng ilang pagbabago ng mga tagapagkwento nang
naaayon sa kultura o kapaligirang kanilang ginagalawan. Sa pagdaraan ng panahon ay isinilang ang pabula
ni Aesop na gumamit ng mga hayop na nagsasalitang parang mga tao bilang mga pangnahing tauhan.Si
Aesop na isang Griyego at namuhay noong panahoong 620 hanggang 560 BC ay itinuturing na ama ng
mga sinaunang pabula(ancient Fables). Si Aesop na sinasabi ring isinilang na kuba ay lumaking isang
alipin subalit pinagkalooban ng kalayaan ng kanyang amo at hinayaang maglakbay at makilahok sa mga
kilusang pamabayan at makisalamuha sa mga tao. (Sa panahong iyon, ang mga alipin ay walang
karapatang lumabas at makisalamuha sa iba maliban na lamang kung may pahintulot ang kanilang amo).
Dito lumabas at nakilala ang kanyang taglay na talino at galing sa pagsulat at pagkukwento. Tinatayang
siya ay nakalikha ng mahigit 200 pabula sa kanyang buong buhay.
Marami pang ibang manunulat ang sumunod na sumulat ng pabula at nakilala rin dahilsa kanilang
likha. Kabilang sa mga ito sina Babrius, isang manunulat ng koleksiyon ng mga pabulang nasusulat sa
wikang Griyego; Phaedrus na kinikilalang kauna-unahang nagsalin sa latin ng mga pabulang hango sa
mga pabula ni Aesop; gayundin sina Romulus, Socrates, Phalacrus, at Planudes. Kabilang din sa mga
nagpalaganap ng pabula sa kani-kanilang kapanahunan sina Odon ng Cheriton noong 1200, Marie de
France noong 1300, Jean La Fontaine noong 1600, G.E. Lessing noong 1700, at Ambrose Bierce noong
1800.
Ang mga pabula ay lumaganap na rin sa iba’t ibang bansa kabilang ang ating bansa. Naging laga-
nap ito maging nang bago pa dumating ang mga mananakop. Nagamit din ng ating mga ninuno ang mga
kwento at aral na taglay ng mga pabula sa pagtuturo ng kagandahang-asal at mabuting pamumuhay sa mga
tao lalong-lalo na sa kabataan.Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na
ibinibigay nito.
Taliwas sa iniisip ng marami, ang pabula ay hindi maituturing na “pambata lamang” sapagkat ang
mga ito’y nangangailangan ng pag-unawa sa mga katangian ng mga tauhang hayop at pag-uugnay ng mga
ito sa kahawig na katangian ng mga tao upang maging epektibo ang paghahambing.
2
Ngayong naunawaan mo na ang pabula, isagawa mo ang pagsasanay sa ibaba upang mahasa ang iyong kasanayan
PAGSASANAY 1:
1. Bakit kaya patuloy na lumaganap ang mga pabula kahit pa ang mga naunang pabula ay sa paraang pa-
salita lamang nagpasalin-salinsa bawat henerasyon?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang katangian ng pabula noon at ngayon? Paano nagkakaiba ang mga ito?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Ano ang pinatutunayan ng mahaba ng mahaba at makulay na kasaysayan na pabula?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
4. Kung makakausap mo si Aesop at ang iba pang manunulat na nagsisulat ng mga pabula, ano ang sasabi-
hin mo sa kanilang ginawang pagpapalaganap sa mga pabula?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
5. Gaano kalawak ang iyong nalalaman tungkol sa mga pabula? Paano mo pa higit na mapalalawak ang
iyong kaalaman hinggil dito?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3
KASANAYANG PANGGRAMATIKA AT PANGRETORIKA
Sa bahaging ito ng modyul, makikilala mo ang salita o mga ekspresyong nagsasaad ng posibilidad.
GAWAIN 2:
PAYABUNGIN NATIN
Kilalanin ang kahulugan ng mga salita batay sa gamit ng panlapi. Piliin ang sagot sa hanay B at saka isulat ang titik
sa patlang.
A B
____1. Lamigin a. ginagawa ng tao para guminhawa ang pakiramdam kapag mainit
____2. Malamig b. nagiging asal ng tao na nagpapakitang ayaw na sa isang relasyon
____3. Nagpapalamig c. nararamdaman ng tao kapag malamig.
____4. Nanlalamig d. taong madaling makadama ng lamig.
____5. Nilalamig e. tumutukoy sa uri ng panahong nararanasan
GAWAIN 3:
PAGLINANG NG TALASALITAAN
Tukuyin at bilugan ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit mula sa iba pang salita sa pangungusap.
1. Isang baboy-ramo ang nakatago sa malalabay na sanga kaya’t hindi ito nakita ni Pilandok dahil sa malalagong
dahong tumatakip ditto.
2. “Ang matikas na baboy-ramong tulad mo ay nababagay lamang kumain ng isang matipunong tao,” ang pambobo-
la ni Pilandok sa baboy-ramo.
3. Sinagpang ng buwaya ang kanyang paa subalit hindi siya nagpahalatang nasaktan kahit pa sinunggaban siya nito.
4. Mabuti na lang at nakalundag si Pilandok palayo dahil hindi naman nakatalon ang mabigat at malaking buwaya.
5. Ipinagbunyi ng mga hayop ang pagkapanalo ng isang munting hayop laban kay Pilandok subalit lalo nilang
ipinagdiwang ang narinig sa pagbabago ni Pilandok.
GAWAIN 4:
1. Maaari _____________________________________________________________________________
2. Posible_____________________________________________________________________________
3. Tila _____________________________________________________________________________
4. Siguro _____________________________________________________________________________
5. Sa palagay ko________________________________________________________________________
4
Ngayon pa lang ay binabati na kita sa sipag at tiyagang iyong ipinakita. Sunod mo namang basahin ang Ating Alamin para sa kaal-
amang panggramatika at pangretorika na siguradong makakatulong sa iyo sa susunod na mga gawain at pagsasanay.
ATING ALAMIN
PAGSASANAY 2:
1. Maari nga kayang maglaho ang lahi ng mga hayop na nanganganib nang maubos tulad ng pilandok?
2. May posibilidad kayang makatulong ang mga mamamayan para maisalba ang mga hayop na ito?
3. Sa tingin mo possible kayang maparusahan ang mga taong nanghuhuli at nagbebenta ng mga hayop na ito para hindi na sila
pamarisan?
4. Baka mahirap iyan dahil wala namang palaging nakabantay sa ating mga kagubatan.
5. Siguro dapat maging mas mabigat ang parusang ibibigay sa mga lalabag sa batas.
6. Sa palagay ko makatutulong iyan para mapigilan ang mga mangangasong ito.
7. Tila mas madaling sabihin iyan kaysa gawin.
8. Puwede kayang bumuo tayo ng proyektong tatawag pansin sa iba para pangalagaan ang mga hayop sa kagubatan.
9. Makabubuti kaya kung kukumbinsihin natin an gating mga kamag-aral na suportahan ang proyektong ito?
10. Marahil yan ang pinakamabuting dapat nating gawin ngayon.
PAGSASANAY 3:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa pamamagitan ng buong pangungusap gamit ang mga salita o ekspresyong
nagpapahayag ng posibilidad. Salungguhitan ang mga salita o ekspresyong ginamit mo.
Nagawa mo nang mahusay ang mga gawain at pagsasanay sa modyul na ito. Siguradong sapat na ang iyong
kakayahan para magpatuloy sa huling bahagi ng iyong pagsasanay. Ito ay ang pagbasa ng Pabula na pinamagatang
“Natalo rin si Pilandok”, at muling pagsagot ng mga pagsasanay ukol sa binasa. Handa ka na ba?
5
Natalo Rin Si Pilandok
Maging maingat sa iyong pakikitungo sa mga taong tuso at manloloko upang maiwasang maging
biktima nito.
Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong pilandok na magpunta sa
paborito niyang malinaw na batis upang doon magpalamig at uminom. Isang malaki at gutom na
gutom na baboy-ramo pala ang nakatago sa gilid ng malalabay na puno at naghihintay ng anu-
mang darating na maaaring makain. Nang makita niya ang pilandok ay agad na nagningning ang
kanyang mga mata. Mabilis siyang lumabas at humarang sa daraanan ng pilandok. “Sa wakas,
dumating din ang aking pagkain. Gutom na gutom na ako sa maghapong hindi pagkain, Pilandok,
kaya’t humanda ka na dahil ikaw ngayon ang aking magiging hapunan,” ang tatawa-tawang sabi
ng baboy-ramo. Kitang-kita ng pilandok ang matutulis na ngipin at pangil na baboy-ramo.
Takot na takot ang pilandok dahil alam niyang sa isang sagpang lang sa kanya ay tiyak na magka-
kalasog-lasog ang kanyang payat na katawan subalit hindi siya nagpahalata. “Kawawa ka naman
baboy-ramo, maghapon ka na palang hindi kumakain,” ang sabi na tila awing-awa nga sa kala-
gayan ng kausap. “Puwede mo nga akong maging pagkain pero alam mo, sa gutom mong iyan at
sa liit kong ito, tiyak na hindi ka mabubusog sa akin.” Ang dugtong pa nito.
“Kung gayon, ano ang gagawin ko? Gutom na gutom na ako!” ang malakas na sigaw ng baboy-
ramo.
“Ha! Matutulungan kita riyan, Baboy-ramo,” ang sabi ni Pilandok habang mabilis na nag-iisip.
“Tao, tao ang dapat mong kainin para mabusog ka. Sasamahan kita sa paghahanap ng isang taong
tiyak na makabubusog sa iyo”. ang paniniyak nito.
“Ano ba ang tao? Tiyak ka bang mabubusog ako sa tao?” ang tanong ng baboy-ramo.
“Ang tao ang pinakamalakas na hayop sa buong mundo,” ang sagot naman ng pilandok.
“Mas malakas pa kaya sa akin?” ang tanong ng baboy-ramo habang hinihipan at pinalalaki ang
kanyang dibdib.
“Oo, malakas talaga ang tao subalit sa talas ng iyong mga ngipin at pangil, at sa bilis mong
tumakbo, tiyak na kayang-kaya mong sagpangin at kainin ang tao,” ang pambobola pa ng
pilandok sa baboy-ramo.
Nahulog na nga ang baboy-ramo sa bitag ng pilandok. Paniwalang-paniwala ito sa kanyang mata-
tamis na pananalita. “Kung gayon, samahan mo na ako sa tao at nang ako’y makakain na. Basta’t
tandaan mo, kapag hindi ako nakakain ng tao ay ikaw pa rin ang magiging hapunan ko,” sabi ng
baboy-ramo sa pilandok.
“Oo, basta, ako ang bahala sa iyo. Tiyak na mabubusog ka, kaibigan,” ang paniniyak pa ng
pilandok sa baboy-ramo.
Naglakad-lakad nga ang dalawa sa kagubatan hanggang sa mapunta sila sa isang talon. Nakarinig
sila ng tinig ng isang batang tila tuwang-tuwa sa paglangoy. Nakita nila ang isang batang
lalaking nagtatampisaw sa batis na nasa ibaba ng talon. “Iyan, iyan na ba ang tao? Susunggaban
at kakainin ko na,” ang mabilis na sabi ng baboy-ramo.
“Kung gayon, saan natin makikita ang taong gagawin kong hapunan?” ang naiinip nang tanong
ng baboy-ramo.
6
“Kung gayon, saan natin makikita ang taong gagawin kong hapunan?” ang naiinip nang tanong
ng baboy-ramo.
Nakakita sila ng isang taniman ng mga kamote. May isang matandang lalaking nagtatanim. Naka-
baluktot na ang likod niya at nakalalakad na lamang sa tulong ng baston.
“Iyan na ba? Iyan na ba ang taong gagawin kong hapunan? Ayoko niyan, payat at ni hindi ako
matitinga riyan,” ang sabi ng baboy-ramo.
“Tama ka, kaibigan. Payat masyado iyan at hindi ka mabubusog diyan. Tira-tirahan na lang iyan.
Hindi iyan nababagay sa isang matikas na baboy-ramong tulad mo,” ang muling sabi ng pilandok.
Galit na ang baboy-ramo.” Kung gayon, saan ko makikita ang taong kakainin ko? Gutom na
gutom na ako! Niloloko mo lang yata ako eh. Ikaw na lang ang kakainin ko!” ang gigil na sabi
nito sa pilandok.
“Huwag! Huwag, kaibigan. Hayun na, hayun na ang taong laan para sa iyong hapunan,” ang sabi
ng pilandok sabay turo sa isang matikas at matangkad na mangangasong naglalakad sa gilid ng
gubat.
“Tiyak na mabubusog ka riyan dahil malaman iyan at tiyak, hindi mo na gugustuhin pang kumain
ng isang munting hayop na tulad ko pagkatapos mo siyang makain,” ang nakangising sabi ng
pilandok.
“Tama ka, Pilandok. Ito na nga ang hapunan ko,” ang sigaw ng baboy-ramo sabay sugod sa nabi-
glang mangangaso. Subalit nabigla man at natumba ang mangangaso ay mabilis pa rin itong
nakabangon at napaputok ang dalang ripple kaya’t tinamaan ang baboy-ramo.
Nakahinga nang maluwag ang tusong Pilandok. Ngayon siya nakadama ng matinding uhaw
kaya’t naisip niyang muling bumalik sa batis upang ipagpatuloy ang naputol na pag-inom. Tahi-
mik na umiinom ang pilandok nang bigla niyang maramdamang may sumunggab sa kanyang
isang paa. Paglingon niya ay nakita niya ang buwayang makailang beses na niyang nalinlang.
Alam niyang galit sa kanya ang buwaya pero galit din siya rito dahil sa lagi siyang pinipigilang
umiinom sa batis.
Sa halip na magsisigaw sa sakit ay mabilis na umisip ng solusyon ang matalinong pilandok. “Hay
naku, kawawa naman ang buwayang ito. Hindi niya makilala ang pagkakaiba ng patpat sa paa ng
isang usa,” ang tila nang-uuyam na sabi ng pilandok.
Subalit hindi siya binitawan ng buwaya. Sanay na kasi itong naiisahan ni Pilandok kaya ngayon
ay natuto na siya. Baka isa na namang patibong ito ng pilandok.
Subalit hindi tumigil doon ang pilandok. “Buwaya, bulag ka ba? Patpat lang ang kagat-kagat mo.
Heto ang paa ko, o,” ang malakas na sabi niya sabay taas sa isang binti. Biglang binitawan ng bu-
waya ang kagat-kagat nap aa ng pilandok. Akmang susunggaban n asana nito ang isang paang
itinaas ng pilandok nang mabilis itong makalundag palayo. Sising-sisi ang buwaya, naisahan na
naman siya ng matalinong pilandok
Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong niya ang isang suso. Dahil maliit ang suso
ay naisip ng Pilandok na kayang-kaya niyang magyabang dito. Hinamon niya ang suso sa isang
karera at anong laking gulat niya nang pumayag ang suso at nagsabi pa itong kayang-kaya niyang
talunin ang pilandok.
Ang hindi alam ng pilandok ay kalat na kalat na sa kaharian ng mga hayop ang kanyang pagiging
tuso o mapanlinlang kaya’t napaghandaan na ang suso ang araw na siya naman ang maaring pag-
diskitahan ng pilandok. Kinausap na niya ang kanyang mga kapatid. Magkakamukha sila at aa-
kalain mong iisang suso lang sila dahil sa kanilang parehong-parehong itsura.
7
Nagsimula na nga ang karera. Agad umarangkada at tumakbo nang ubod bilis ang pilandok.
Subalit paghinto niya sa kalagitnaan upang silipin kung nasaan na ang kalaban ay anong laking
gulat niya nang magsalita ang suso. “O, ano Pilandok, pagod ka na ba?” ang tanong nito. Gulat na
gulat sa kung paanong nagawa ng suso na mauna pa sa kanya kaya’t mabilis na tumakbo uli ang
pilandok hanggang sa makarating sa dulo ng karera nang halos lumawit ang dila sa pagod.
Subalit, hayun at nauna na naman ang suso na ipinagbubunyi na ng ibang mga hayop bilang nag-
wagi. Hindi makapaniwala ang pilandok na natalo siya ng isang suso. Natalo niya ang mabangis
na baboy-ramo, natalo niya ang malaki at mahabang buwaya, minsa’y naisahan na rin niya ang
isang matalinong sultan subalit, heto, siya naman ngayon ang natalo ng isang munting suso.
Kinamayan niya ang suso at buong pagpapakumbaba niyang sinabi,”Suso, kung sa paanong
paraan mo man ginawa iyon, tinatanggap kong tinalo mo ako.
Matalino ka nga. Binabati kita at dahil diyan, ipinangangako kong iiwasan ko na ang ginagawa
kong panlalamang sa kapwa.” Muling nagbunyi ang mga hayop sa nakarinig kay Pilandok.
ALAM MO BA?
Ang “pilandok” o Philippine mouse deer ay isang maliit na hayop. Halos isang piye(1foot) lang
ang taas nito kapag nakatayo. Bagamat tinatawag itong mouse deer at medyo nahahawig sa usa ay hindi
ito karelasyon ng mga usa (cervidae family) dahil kabilang ito sa tinatawag na chevrotain family. Bagamat
karaniwan itong matatagpuan sa mga bayan sa timog-kanlurang Plawan, nakilala ang pilandok mula sa
mga pabulang Meranao kung saan ito inilalarawan bilang mapanlinlang, mapamaraan, at tuso na laging
nanlilinlang sa mga nakasasalamuha niya tulad ng buwaya, unggoy, baboy-ramo, at maging ng sultan.
PAGSASANAY 4
1. Bakit sinasabing matalino si Pilandok? Saiyong palagay, pagiging matalino nga ba o pagiging mapan-
linlang ang higit na angkop na paglalarawan sa kanya? Patunayan sa pamamagitan ng mga ginawa
niya sa binasang pabula.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Sa paanong paraan nakilala ni Pilandok ang baboy-ramo? Sa iyong palagay, nararapat nga kaya ang
ginawa niyang panlilinlang sa baboy-ramo? Kung ikaw si Pilandok, ano ang gagawin mo para makaligtas
kang maging hapunan ng baboy-ramo subalit hindi mo naman ito kailangang ipahamak?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Bakit kaya galit na galit ang buwaya kay Pilandok? At bakit naman galit din si Pilandok sa buwaya? Sa
paanong paraan naisahan ni Pilandok ang buwaya?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
4. Kung Ikaw ang tulad ni Pilandok na nanlilinlang o nanloloko rin ng iyong kapwa, ano ang gagawin mo
para hindi mo na magawa ito sa ibang tao?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
5. Bakit sinasabing “kung ano ang itinanim mo ay babalik din sa iyo?” Ano-anong patunay ang maibib-
igay mo sa katotohanan ng kasabihang ito?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
8
Nagawa mo nang mahusay ang mga gawain at pagsasanay sa modyul na ito. Siguradong sapat na ang iyong kakayahan para
magpatuloy sa huling bahagi ng iiyong pagsasanay. Ito ay ang pagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa pabula Ito ang iyong awtput para sa
modyul na ito. Basahin ang impormasyon sa loob ng kahon na makatutulong sa iyo sa pagsasagawa ng pananaliksik.
ATING ALAMIN
Pagsasagawa ng Pananaliksik tungkol sa Pabula
Kung ikaw ay sasabihang manaliksik tungkol sa isang paksa, alam mo ba kung saan-saan makaku-
kuha ng mga impormasyon o datos para maisagawa ito? Mahalagang malaman ng isang mag-aaral kung
ano-ano o kung saan-saan makakukuha ng datos para maging komprehensibo at sistematiko ang gagawing
pananaliksik
Iba’t ibang Maaaring Mapagkunan ng mga Impormasyon
Ang Internet - Sa panahong ito kung saan laganap at napakabilis na ang modernisasyon sa teknolohiya,
napakadali nang kumalap o kumuha ng impormasyon sa tulong ng internet.
Ang mga Aklat o Libro - Maging sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, ang mga naka-
limbag o naka-pdf na aklat o libro ay mabisa pa ring mapagkunan ng impormasyon.
Mga artikulo sa Magasin at Diyaryo—Sa mga magasinat diyaryo man ay marami ring artikulo o tek-
stong maaaring pagmulan ng kinakailangang impormasyon.
Mga Video mula sa Yotube, mga Dokumentaryo, at Iba pang Palabas Pantelebisyon—ang mga impor-
masyon ay hindi lang nagmumula sa mga nababasangpinagkukunan kundi gayundin sa mga napa-
panood na video, dokumentaryo at iba pang palabas pantelebisyon.
Mga Panayam, Seminar, at Workshop - ang ilang napapanahong impormasyon ay maaari ring mag-
mula o makuha sa mga panayam, seminar, at workshop kung saan ang mga tagapagsalita o tagap-
anayam ay mga eksperto sa paksang kanilang ibinibigay para sa mga tagapakinig.
PANGWAKAS NA GAWAIN
Ngayong
alam mo na kung saan
maaaring kumuha ng impormasyon, magsasagawa ka ng pananaliksik tungkol sa mga pabula sa Min-
Pamantayan sa Pagmamarka
NAPAKAGALING 5 4 3 2 1
________________________________________ ________________________________________
LAGDA NG MAG-AARAL/PETSA LAGDA NG MAGULANG/PETSA
9